A Man's Life

By aKo_Narcisso

368K 6.8K 1.2K

Lalaki ako. Yun. Period. Bago kayo mag-isip ng kung ano pa man, lalaki po ako. So clear all your misconceptio... More

Author's Note
One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty-one
Twenty-two
Twenty-three
Twenty-four
Twenty-five
Twenty-six
Twenty-seven
Twenty-eight
Twenty-nine
Thirty
Thirty-one
Thirty-two
Thirty-three
Thirty-four
Thirty-five
Thirty-six
Thirty-seven
Thirty-eight
Thirty-nine
Forty
Forty-one
Forty-two
Forty-three
Forty-four
Forty-five
Forty-six
Forty-seven
Forty-eight
Forty-nine ~END~
To be published under Life is Beautiful
FAQ

Eight

8.8K 170 11
By aKo_Narcisso

Noong napalipat si Charlie sa school ko, naging tampulan kami ng tukso. Kesyo bagay daw kami, eew ha! Eh mas lalaki pa yun kesa sa akin. Pagtinutukso kami ng ganoon, lumalayo ako sa kaniya. Mahirap na, baka mausog. Haha. Pero pag wala na naman akong makausap, lumalapit din naman ako sa kaniya. Di ko alam pero parang medyo may pagka-introvert ako. Wala pa rin kasi akong ka-close sa mga classmates ko ng elementary. Lagi lang ako noon sa library at mag-isa. Tahimik kasi doon kaya safe ako.

Medyo lumalala na din pala ang chismis na bading daw ako. Pero hindi totoo yun ha! Lalaki ako. Lalaki talaga ako.mas straight pa ako kaysa sa poste ng meralco.

Dahil nga doon, napagpasyahan kong patunayan ang pagkalalaki ko. Isang araw, pumatong ako sa upuan ng teacher sa harap ng room.

“Simula ngayon, huwag niyo na akong tawaging Chan-Chan. Simula ngayon, Basti na ang itawag niyo sakin. Tandaan niyo, Basti na ang palayaw ko,” pag-aanunsyo ko.

“Weh, di nga Chan?” sabat naman ni Charlie. Minsan talaga iniisip ko kung bestfriend ko ba talaga to o ano eh. Pinandilatan ko siya ng mata at napatahimik siya. Joke lang. Tiningnan ko siya na parang nagmamaka-awa. Ayun, naawa naman ata.

“Oh, narinig niyo yun ha! Basti na daw si Chan-Chan,” dagdag pa ni Charlie. Nagsipagsang-ayunan naman ang mga kaklase namin. Sabi sa inyo eh. Bestfriend ko talaga yan.

“SEBASTIAN FLORES!” sigaw ng techer namin. PAKTAY! Nakita akong nakapatong sa upuan niya. “Bakit ka nakapatong sa upuan ko?”

“Ah-eh, Ma’am s-sorry po,” sabi ko habang dali-daling bumababa sa upuan niya.

“Go to your seat! Get one whole sheet of paper and write ‘I’m sorry for my behavior. I will not do it again,’ paulit-ulit, back-to-back. At huwag mong lakihan ang sulat mo maliwanag? Or else ipapaulit ko sa’yo,” grabe naman parusa. Ano ako grade one? Pero, mahirap kaya yun! Nakakangalay at ang sakit sa kamay. “I’m so disappointed in your behavior. Running for valedictorian ka pa naman. You should be act as a good role model! Hindi yang ikaw pa ang nagunguna sa kung anong kalokohan at misconduct.”

Ouch ha! Tsk. Nakakahiya talaga. Tinapik-tapik nalang ako ni Charlie sa balikat para makiramay.

“Okay class, may bago pala kayong kaklase,” sabi ni ma’am. “Transferee siya kaya maging mabait kayo sa kaniya maliwanag?”

“OPO!” sagot naman ng klase. Ako naman, gusto kong ibaon ang sarili ko sa lupa. Nakakahiya kasi. Sana lang hindi niya narinig nung pinagalitan ako ni ma’am kanina.

“Halika hija. Magpakilala ka sa kanila,” si tawag ni ma’am.

Pumasok siya sa klase at naglakad papuntang harapan. Lahat ata ng lalaki napalingon. Maging si Charlie, bakas ang pagkagulat sa mukha.

“Good morning sa inyo. Ako nga pala si Krystal. Nice to meet you all,” pakilala niya.

“Class, galing si Krystal sa isang all-girls school kaya maging understanding kayo at maging mabait sa kaniya ha!” dugtong pa ni ma’am. Um-oo naman ang buong klase.

“Since transferee siya, i-tour niyo sa sa school,” sabi ni ma’am.

“Ma’am pwede po bang si Charlie?” sabi naman ni Krystal.

Bakit hindi ako? Sabagay, si Charlie lang naman ang kakilala niya dito.

“Ma’am ba’t ako? Wag na ako ma’am. Si Chan-Chan nalang po! May praktis pa po ako ng softball. Wala po akong oras,” sabat naman ni Charlie. Ang bait talaga ng bestfriend ko!

“Sabagay. Mr. Flores, i-tour mo si Krystal sa campus. Maliwanag?”

“Okay po!” sagot ko.

Hihihi!

Ang saya ko.

Hihihi!

Makakasama ko mamaya si Krystal.

Hihihi!

Kaming dalawa lang.

Hihihi!

Continue Reading

You'll Also Like

4.2K 315 99
My name is ECHO and goodbyes for me are HELLO. Say yo to Echo, a popular student of Phoenix Heights University as she deals with life full of hellos...
2.5M 55.9K 55
[Completed] One True Love Series #3 Paano kung ang nakatakdang ipakasal sa'yo ay babae rin ang gusto? Maagaw mo kaya ang puso niya? O malugmok ka na...
8.3K 381 5
One last time, he needs to be the one who takes her home. One more time, he promises that after that he'll let her go. He doesn't care if she's got h...
176M 3.9M 68
[BAD BOY 2] You can't turn a bad girl good, but once a good girl's gone bad, she's gone forever. Yang ang motto ni Candice. Sa pagmamahalan na meron...