Her Boss' Number One Rule (Co...

By RealiceWorks

664K 13.7K 309

Boss Series #1 Book 1 KENT JULIAN: Her Boss' Number One Rule Kent Julian Soriano went back to the Philippines... More

Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Author's Note
Note
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Appreciation Message
Announcement

Chapter 1

71.8K 1.3K 23
By RealiceWorks

Author's Note: Hi fellow wattpaders! Kumusta kayo? I hope you will all love Julian... 😊

Trivia: This is my second wattpad story. Wala lang. Gusto ko lang i-share! *laughs*

Enjoy!


"CONGRATULATIONS, Ms. Cruz. You're hired."

Nakangiting tiningnan ni Sassa ang HR officer. "Talaga po?"

"Oo. At ang may-ari na mismo ang pumili sa'yo. Opisyal ka na niyang magiging sekretarya sa susunod na lunes."

Napakunot ang noo niya. "Ahm, hindi ba ako rito sa Human Resource Department maa-assign ma'am?" tanong niya, hindi naitago ang kaunting pagkadismaya sa boses.

The woman looked at her indifferently, adjusting her eyeglasses. Hindi yata nito nagustuhan ang sinabi niya.

Ang daldal mo kasi! sita nang maliit na boses sa isip niya.

"Errr... Pasensya na. Hindi ko kasi inaasahang magiging sekretarya ako nang may-ari kasi hindi naman po iyon ang in-apply-an ko," paliwanag niya.

Muntik na siyang matawa nang humalukipkip ito at sumimangot. "Nakakainggit ka nga, eh. Akalain mo na ang may-ari mismo ang pumili sa'yo. I mean, from his previous secretaries, you're just..." She paused, eyeing her up and down. "An average."

Ngumiti lang siya rito. Yes, she is not as beautiful as most of the other girl employees in that company. She's just Sassa Cruz. Plain and ordinary. Her physical features would not get second glances from anyone who would pass by her. Pero hindi siya apektado ro'n dahil alam naman niyang ayusin ang kanyang sarili. Malinis naman siyang tingnan. At least she's living with the truth, right? One's outside appearance shouldn't be the criteria for getting a job unless it is highly required. Hah! Ayaw niya ring magtrabaho sa gano'ng klase nang kompanya. Kairita!

"Pero gusto kita," turan nito, siguro ay pambawi nalang sa pagpuna nang kanyang ordinaryong itsura. "Mukha kang maaasahan at mabilis magtrabaho."

"Aysus. Ayos lang naman, ma'am. Marunong naman ho akong tumaggap ng katotohanan," saad niya na ikinatawa nilang dalawa.

"Huwag mo na akong i-po, ano ka ba. Hindi naman nalalayo ang mga edad natin."

She widely smiled at her. "Sure. Ma'am Fiona."

"Great! Sandali lang. I'll just prepare the documents," she politely excused herself.

Habang naghihintay ay puno nang paghangang pingmasdan niya ang buong paligid. The Human Resource office's receiving area is just wow. Nakakalula. Everything in that room screams of money. Kung ang silid na 'yon ay sobra nang nakakamangha, paano pa kaya ang magiging office niya?

A smile crept on her face. She'll work in one of the biggest and tallest building in the whole city. Who would have thought of that? Napangisi siya sa naisip.

"Pasensiya na at natagalan ako," hinging paumanhin ni Fiona nang bumalik ito. Inabot sa kanya ang mga papel na bitbit. "This is the copy of your duties and responsibilities. At kailangan mo lang kumpletuhin ang mga nakalista sa checklist of requirements na ito para sa employee profile mo. You'll start on Monday next week." Inilahad nito ang kamay sa kanya. "Welcome to Sejice Corporation, Sassa."

Her genuine aura made her smile wider. "Thanks," she replied and shook her hand. Aalis na sana siya nang muli itong magsalita.

"By the way, Sassa, bago ko makalimutan ay sasabihin ko na ngayon sa iyo. There is a special rule that you need to accept and obey. Ang batas na ito ay nakahiwalay sa Company Rules and Regulations. It is solely for you," mahaba nitong wika.

Kumunot ang kanyang noo at itinuro ang sarili. "Sa akin?"

"Oo."

Naguguluhan man ay tumango nalang siya. "Okay. Ano naman iyon?"

She adjusted her glasses once more. "The boss' number one rule is to strictly...Ahm, don't fall in love with him."


NASA elevator na siya pababa nang unang palapag pero nananatili paring palaisipan sa kanya ang batas daw na itinalaga nang kanyang magiging boss para lang sa kanya. Don't fall in love with him? What the heck? Ni hindi pa nga niya ito nakikilala o nakikita tapos bawal agad niyang mahalin?

Ano 'yon? Kalokohan!

Her thoughts were shut off when her stomach grumbled. Hindi pa pala siya kumakain. She normally does not eat during breakfasts. Hindi naman sadya pero nakasanayan nalang niya. Noong nasa college kasi siya ay laging pang-umaga ang schedule niya, kaya naging daily routine na niya ang hindi pagkain sa umaga. Ang oras nalang ng pagkain niya ay tanghalian at gabihan. Hinimas niya ang kanyang tiyan nang tumunog ulit iyon. Mabuti nalang at mag-isa lang siya sa elevator kundi ay nakakahiya kung mayro'ng ibang makakarinig.

Sassa is more concentrated on her grumbling stomach than bother herself to see the person that just entered the elevator when it opened. "Pasensiya na, nakalimutan na naman kitang kargahan. Hindi bale, bubusugin naman kita mamaya," bulong niya na bahagyang tinapik-tapik ang tiyan. She was still busy consoling her growling tummy when someone spoke beside her.

"Yes, I know. I'll be there in a bit. Yes. Okay. Bye."

Sassa peered at the man beside her. He is so tall she had to tilt her head up to be able to see his profile clearly. The man wore all-black corporate attire that really suited him. He had piercing gray eyes, a straight pointed nose, strong jawline and luscious pink lips. Well, she had to be honest; he had to be the true definition of tall, dark and handsome. From his facial features, a tall figure and a body that obviously--- she was snapped from observing him when she heard him spoke once again.

"Yes? Do you have anything to say?" he asked her.

She froze on her feet when he caught her staring at him. She wanted to cringe at his voice. His tone was cold that matched his frozen gaze. Nagkanda-buhol-buhol ang kanyang isip. "Ha? Naku, wala." She shook her head. "Akala ko ikaw 'yong kakilala ko." Her face distorted when she realized she sounded like a little girl that caught in stealing a candy in a candy store. She covered her embarrassment with a small laugh. "Hindi pala. Pasensya na."

Saka, masama bang tumingin? gusto niyang idagdag.

Nakatingin lang ito sa kanya. Her brows knotted when she caught something flashed in his eyes.

Was that recognition?

Bago pa man niya makumpirma ang hinala ay muli nang bumukas ang elevator at lumabas na ang lalaki. He held his phone against his ear once again. Sumandal nalang siya sa elevator at pinagmasdan ang likod nitong papalayo.

Sino kaya ito? She gulped when the elevator started to close again. Agad siyang lumabas doon at pinitik ang kanyang mga daliri.

Then someone impatiently cleared a throat. "Excuse, Miss."

Her gaze met by a pretty face. Sa itsura at pananamit palang nito ay masasabi nang taga- alta siyudad ang babae. She is smiling at her but she knew a smile when it is fake or genuine. Hers was fake. "Sorry," sambit niya at gumilid ng kaunti. Hindi ito nagsalita at diretsong pumasok sa elevator. Napaismid siya.

Yay! Rich people sometimes make the poor ones uneasy. Hah! Whatever! Basta masaya siya dahil may trabaho na siya!

DON'T FALL in love with him. Really?

"Ahhh!" tili niya at ginulo ang buhok dahil hindi maalis sa kanyang utak ang batas kuno na 'yon.

Ang weird lang! Kating-kati na ang kanyang dila na magtanong kay Fiona kung ano ang rason sa likod niyon kaso sa tuwing babalakin niya ay tinatamaan naman siya nang hiya. She hadn't met her boss yet because he is out of the country. Bukas pa lang daw ang balik nito, parehong araw kung kailan siya magsisimula sa kanyang trabaho bilang sekretarya nito.

Tumihaya siya at nakipagtitigan sa kisame ng kanyang kuwarto. Anong klaseng boss kaya siya? Bakit piling-pili ang mga salitang binibitawan ng kanyang mga empleyado patungkol sa kanya? she thought. Then that stranger's annoyingly handsome face popped in her mind. She groaned and buried her face in her pillow. Bago pa siya tuluyang mabaliw sa kakaisip, kailangan na niyang matulog. Maaga pa siya bukas.

Yes. She won't fall in love with him. Ano sa tingin nito sa akin, madaling mahulog sa bitag ni pag-ibig?




😏 Habang ine-edit ko ito ay 308,000 na ang number of reads ... and 6k plus ang votes.

It is amazing and I am truly grateful and happy!

Super thanks to those who have read, voted and commented ... at salamat in advance sa mga pipili sa kuwentong ito para basahin hanggang katapusan...


Lots of love,
Realice

Continue Reading

You'll Also Like

2.5K 82 48
All secrets are different ... But they also have one thing in common.. they are secrets. Some secrets are embaracing, some are scary, and sometimes f...
475K 12.6K 29
The Billionaire's Group Series Batch II-2 Simula't sapol ay magkaaway na ang turingan nina Kaifer at Aerriel sa isa't isa. Si Kaifer ay isang halim...
611K 14.9K 26
The Billionaire's Group Series - Batch II-4 "When you truly care for someone, their mistakes never change your feelings because its the mind tha...
770K 17.8K 25
The Billionaire's Group Series - Batch I - 3 Isang babae lang ang bukod tanging hinangaan ni Michael Norton, isang sikat na architect sa Pilipinas. N...