Invisible Girl (Reprint unde...

Von aLexisse_rOse

12.2M 195K 19K

Muriel was forced by her Boss to be her son's PRETEND GIRLFRIEND because of one reason- her VOICE. His Ex and... Mehr

Chapter One: Her Voice
Chapter Two: The Meeting
Chapter Three: Hardheaded vs Hardheaded
Chapter Four: The Shower Scene
Chapter Five: Unexpected Kiss
Chapter Six: Stick to the Plan
Chapter Seven: Jealous
Chapter Eight: Jealous part2
Chapter Nine: That Guy
Chapter Ten: Sick
Chapter Eleven: The Other Guy
Chapter Twelve: Chaperone
Chapter Thirteen: New Look
Chapter Fourteen: His Childhood Sweetheart
Chapter Fifteen: She's Jealous
Chapter Sixteen: The Light
Chapter Seventeen: Bad Dream
Chapter Eighteen: Fallin
Chapter Twenty: Last Day
Chapter Twenty One: Why Me?
Chapter Twenty Two: Back to Manila
Chapter Twenty Three: He's Curious
Chapter Twenty Four: He's Back!
Chapter Twenty Five: Face Off
Chapter Twenty Six: Mistaken
Chapter Twenty Seven: Broken Hearts
Chapter Twenty Eight: DejaVu
Chapter Twenty Nine: Careless
Chapter Thirty: Surprise Guest
Chapter Thirty One: The Confrontation
Chapter Thirty Two: Moving On
Chapter Thirty Three: Love Rain
Chapter Thirty Four: Together Again
Chapter Thirty Five: Finale
Epilogue:

Chapter Nineteen: Big Decision

300K 4.8K 386
Von aLexisse_rOse

Chapter Nineteen: Big Decision

<Riley POV>

Nasa kasarapan ako ng pagtulog nang may kung anong mabigat na bagay ang biglang bumagsak sa kama ko at umalog iyon ng malakas.

"Good morning Baby Boy!" Masiglang bati ni Sam na nag-dive pala sa kama ko. Doon tuluyang nagising ang diwa ko.

Inaasahan ko na mamaya pa siya magigising dahil sa kalasingan niya kagabi. O baka naman tanghali na at hindi ko lang namamalayan at napasarap ang tulog ko.

"Huy! Wake up na! Gising na dyan!" Naramdaman ko ang daliri niya na tumutusok sa pisngi ko. Pero nagkunwari pa rin akong natutulog.

Ako naman ang maggu-goodtime sa kanya!

"Baby Boy, bumangon ka na!" Ngayon naman ay pinanggigilan niya ang mga pisngi ko. Halos malamog iyon sa mga kamay niya. Ngunit hindi pa rin ako kumikilos. Sige pa rin ako sa pagkukunwari.

"Huy! Hindi ka pa talaga babangon dyan?" I could imagine her lips pouting. Pinigilan kong ngumiti. 

"Riley naman eh!" Niyugyog niya ako ng malakas sa balikat. At halos maalog pati ang utak ko. 

Then she stopped. Parang nai-imagine ko na ang nakasimangot niyang mukha dahil sa inis. Ini-expect ko na nga na anumang oras ay dadapo sa katawan ko ang mabigat niyang mga kamay. Pero naramdaman ko na lang na tila may mahinang hangin ang humaplos sa tenga ko.

"Kapag hindi ka pa bumangon dyan, wala kang matatanggap na kiss mula sa akin!" Yumuko pala siya para bulungan ako.

Kung hindi ko lamang napigilan ang sarili ko, malamang ay napatawa na ako ng malakas. Now, she was trying to bribe me. Pero hindi uubra sa akin iyon. Kailangan ko rin namang magpakipot ng kaunti.

I heard her frustration. Mukhang susuko na siya sa akin.

"Talaga bang ayaw mong gumising?" Lumungkot bigla ang tinig niya. "O baka naman kaya ayaw mong bumangon dyan dahil ayaw mo na akong makasama?"

Dinig na dinig ko ang pagbuntong-hininga niya.

"Rai..." Hinaplos-haplos niya ang buhok ko. "I've never been this scared. Ngayon lang."

Napakunot-noo ako sa sinabi niya. 

"I thought I was really matapang. I thought I can handle anything. But thinking of losing you makes me scared."

What she was trying to say? 

Then suddenly, bigla na lamang may tumusok sa tagiliran ko dahilan para mapabalikwas ako sa pagkakahiga.

"Joke!" Ang lakas ng tawa ni Sam. "Akala mo ikaw lang marunong mang-goodtime?"

I thought she was serious. Kinabahan ako doon. Pero bakit parang ang lungkot-lungkot ng boses niya kanina?

Tinusok na naman niya ako sa tagiliran. Halos mahulog ako sa kama. Sa asar ko ay hinila ko na lang bigla. At dahil hindi niya napaghandaan iyon ay bumagsak siya sa akin at nadaganan ako. Nang kumilos siya para bumangon ay niyakap ko siya ng mahigpit. And I reversed our position. Siya naman ngayon ang dinaganan ko. 

"Weh, pikon!" Pang-aasar pa niya sa pagitan ng pagtawa. "Sino kaya ang nagsimula?"

"Sinong pikon?" Lalo kong hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya at saka ko siya hinipan sa bandang tenga niya.

"Stop it Rai!" Halos mapatili siya sa sobrang kiliti.

Mabilis na tinakpan ko ang bibig niya. "Sshh.. Marinig ka nila. Baka isipin nila nire-rape kita."

"Nana Tonya!" She tried to scream. Buti na lang at natakpan ko ulit ang bibig niya.

"What are you doing?"

"Sisigaw talaga ako ng rape kapag hindi mo ako pinakawalan." Hindi ako sigurado kung seryoso siya sa banta niya. Pero nang maramdaman ko ang pagyugyog ng balikat niya, I knew she was laughing silently. Ang lakas talagang mag-trip nito? Kailan ba ako mananalo sa kanya.

"Lagi mo na lang akong pinagtitripan. Akala mo papakawalan pa kita?" Banta ko sa kanya.

"Seriously, hindi na ako makahinga." 

Pero hindi ako naniniwala sa kanya. Hindi naman ganon kahigpit ang yakap ko sa kanya.

"Riley naman! May pasok pa ako? Baka ma-late na ako sa trabaho." 

"Papasok ka pa? Akala ko ba-"

"Magha-half day lang ako ngayon. Tapos bukas ako hindi papasok para masamahan kita sa ospital."

"Oo nga pala. Bukas na nga pala ang operation ko." Saka ko lang naalala ang tungkol doon.

"Natatakot ka ba?"

Umiling ako. "Medyo kinakabahan lang. Paano kung hindi maging successful ang-"

"Ano ka ba?" agap niya sa sasabihin ko. At mahina niya akong tinapik sa noo. "Ang doktor mo na ang nagsabi na malaki ang chance mo na makakita ulit. Kaya alisin mo na ang worry dyan sa dibdib mo, okay? Think positive."

Tumango na lamang ako. Pagkatapos ay kinuha ko ang kamay niya at dinala iyon sa labi ko. "Sam, promise me na hindi ka aalis sa tabi ko?"

Hindi siya sumagot.

"Promise me, na kahit na anong maging resulta ng operation ko, gusto ko nandyan ka pa rin. Huwag mo akong iiwan ha?"

Ewan ko ba kung bakit bigla akong nakaramdam ng takot na bigla na lamang siyang mawala.

"Sam?" Hindi ako sigurado pero parang narinig ko siyang sumisinghot. "Are you crying?"

"Nope! S-sinisipon lang ako." She almost whispered. "Nahamugan siguro ako kagabi." At muli siyang suminghot na para ngang sinisipon lang.

Pero parang nagsisinungaling lang siya.

Nagsalubong ang mga kilay ko nang makarinig ako ng tunog ng isang gadget. "Ano iyon?"

"Kinunan kita ng picture sa cellphone ko." Sabi niya. Bumalik ulit ang masigla niyang boses.

"Bakit naman?"

"Ang guwapu-guwapo mo kasi lalo na kapag bagong gising ka."

Alam ko na binobola nya lang ako. Kahit sino naman ay weird ang itsura kapag bagong gising. Pero pagbibigyan ko siya ngayon.

"Tayo namang dalawa." Inilapit niya ang mukha niya sa akin. "Magka-smile ka, Riley. One, two, three!"

"How do we look like?" Hindi ko na napigilang itanong kaagad sa kanya. Para kasing gusto ko rin makita ang nasabing picture.

"Ang guwapo mo kaya dito. Tapos ang ganda ko rin. Kaya ang resulta perfect combination! Bagay na bagay talaga tayong dalawa."

Kahit hindi ko nakikita ay parang nai-imagine ko na rin ang picture naming dalawa.

"Ipasa mo yan sa cellphone ka ha? Gusto ko rin iyan makita after ng operation ko."

"Okay." Matipid niyang sagot. 

"Wait! Alam ko dito ko lang nilagay yung cp ko." May kinapa ako sa ilalim ng unan.

"Ako na lang ang maghahanap mamaya." Pigil niya sa akin. "Sa ngayon, kailangan na nating tumayo at kanina pa tayo hinihintay ni Nana Tonya sa ibaba. Kanina pa nakahanda ang almusal. At malalagot na tayo kapag lalo pa tayong nagtagal."

"Okay!"

<Jared POV>

Hindi maganda ang gising ko nang umagang iyon. Medyo masakit ang ulo ko na hindi ko maintindihan. Imposible namang hang-over ito dahil konti lang naman ang nainom ko kagabi. At kung meron mang nalasing sa aming apat ay si Muriel iyon. Sigurado ako na hanggang ngayon ay nakahilata pa rin ang babaing iyon sa higaan. Malamang baka hindi siya makapasok sa trabaho niya.

Pero ako ang nasorpresa sa nadatnan ko sa dinning room. Naroon na silang lahat. Si Tita Lorie, Riley at Muriel. Of course minus Lara, sa  pagkakaalam ko ay maaga siyang susunduin ng parents niya. At sa mga oras na ito malamang ay nasa airport na iyon o kaya ay sakay na ng eroplano papuntang London.

Pagdating ko ay naabutan ko silang nag-aalmusal. Si Tita Lorie ang unang nakapansin sa akin.

"Jared, halika maupo ka na dito at sumabay ka na sa amin."

"Good morning everyone!" Walang gana kong bati. At saka puwesto sa katapat na upuan ni Muriel. Tinignan niya ako pero nag-iwas ako ng tingin. 

"Are you okay iho?" si Tita Lorie ulit. 

Ganon na ba ako ka-transparent para mahalata niya ako?

Nang lumipad ang mga mata ko kay Muriel ay nakakunot-noo siyang nakatitig sa akin.

Hayun na naman ang pasaway kong puso. At sa palagay ko ay hindi ko na mapipigilan iyon. Gustuhin ko mang sawayin ang sarili ko. But then again, it was too late for that now, wasn't it? Mahal ko na siya!

"I'm fine, Tita." Pinilit kong ngumiti.

Hindi ko namalayan na nakalapit na pala sa akin si Nana Tonya at bigla akong hinipo sa noo. "Hindi ka naman nilalagnat."

"Hangover lang yan pare." Natatawang sabi ni Riley.

"Nah! Hindi naman ganon karami ang nainom ko kagabi."

"Baka naman may masakit lang sayo." si Nana Tonya na hindi pa rin umaalis sa tabi ko.

"Masakit ang puso ko. And I think its bleeding." Sinapo ko pa ng kamay ang dibdib ko. Dadaanin ko na lang sa biro para kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko.

They all laughed. Except for Muriel. Tahimik lang siya habang pinaglalaruan ang pagkain sa plato niya.

Tomorrow is her last day. Hindi ko alam kung anong plano niya. Kung anong tumatakbo sa isip niya. Mukha naman siyang okay. Bilib nga ako sa kanya dahil nagagawa niyang itago ang totong nararamdaman niya. But I know she was only trying to be strong. 

Napalakas yata ang pagbuntong-hininga ko kaya namalayan ko na lang na nakatingin silang lahat sa akin.

"What?" Nagtatakang tanong ko.

"It's positive!" Ang lapad ng ngiti ni Riley.

"What is positive?"

"We've been friends for almost ten years, Jared. Kaya kabisadong-kabisado na kita."

"And so?" Hindi ko pa rin siya makuha ang ibig niyang sabihin.

Lalo lamang lumapad ang pagkakangiti ng kaibigan. Habang ang mga tao sa paligid namin ay naghihintay ng sasabihin niya.

"He's inlove." Mabilis na sabat ni Muriel.

Anong alam niya?

"Who says I'm inlove? And how do you know I'm inlove?" I challenged her.

"Relax! I'm only bluffing. Pero sa nakikita kong reaksyon mo, obviously you're guilty."

Binigyan ko siya nang matalim na tingin. But she gave me a smirked.

Ang lakas niyang mang-asar! 

"who's the lucky girl?" Tanong sa akin ni Riley.

"Anong lucky? Baka malas na babae?" Pang-aasar pa lalo ni Muriel. Mukhang bumabawi siya sa mga pang-aasar ko sa kanya dati. At hindi ko mapigilan na mapikon.

"Yeah right! Malas nga siya dahil yung taong mahal niya ay hindi naman siya magawang mahalin."

"Eh di malas ka din. Kasi yung babaeng mahal mo, may mahal ng iba. Ibig sabihin hindi ka rin niya magagawang mahalin."

"Bagay pala kayo pare. Kasi pareho kayong malas." Sabat naman ni Riley.

"Ewan ko sa inyo!" Tumayo ako at iniwan na lang silang basta. Baka saan pa mapunta ang usapan namin. Mabuti nang umiwas. At isa pa nag-iinit na rin ang ulo ko. Which is not the usual me.

Ang lakas kasing mang-asar ni Muriel. Siya lamang ang nakapagpikon sa akin ng ganitong katindi.

Pero alam kaya niya na siya ang tinutukoy ko? O baka naman alam na niya ang nararamdaman ko sa kanya?

<Muriel POV>

"Hindi nga seryoso ka?" Si Jena na nakapangalumbaba sa mesa ko.

"Girl, hindi ko gusto ang ganyang biro." Para namang ahas na nakapulupot si Ichi sa braso ko.

Nangingiti na lang ako habang patuloy na inililigpit ang mga gamit. Bilib din ako sa bilis ng radar ng mga kaibigan. Halos kalalabas ko pa lang ng office ni Mam Lorie, wala pa sigurong ten minutes. Pero heto sila at nalaman na agad nila ang balita.

"Mukha ba akong nagbibiro? And besides hindi ko iyon desisyon. Sila ang may gusto na mag-transfer ako sa Davao." Tila may bumara sa lalamunan ko nang sabihin ko iyon.

Wala akong choice kundi magsinungaling sa kanila. Ang totoo ako ang nakiusap kay Mam Lorie na ilipat na lang nila ako sa Davao branch. Sarili ko iyong desisyon. Kahapon ko lang siya biglang naisip. I think I need a break. Hindi rin naman biro ang pinagdaanan ko nitong mga nakaraang araw. At sa palagay ko mas mabuti na rin yung lumayo ako. Para naman makapagsimula ako ulit. Isa pa pabor sa akin iyon dahil makakasama ko ang pamilya ko doon.

"Ang daya naman! Kababalik mo lang halos sa bakasyon mo tapos ita-transfer ka agad-agad." Protesta ni Ichi sabay agaw sa akin ng kahon na pinaglalagyan ko ng mga personal kong gamit.

"Akin na 'yan!"

Pero nanadya na inilayo pa niya sa akin iyon. "Hindi ako papayag na umalis ka. Magpoprotesta ako. Ipaparating ko ito sa nakakataas."

I smiled bitterly. Kahit magprotesta pa siya, wala rin naman siyang magagawa.

"Kaya pala kagabi sinagot mo ang lahat sa pagbi-videoke natin. Iyon na pala ang pa-despedida mo." Kalmanteng sabi ni Jena pero naroon ang kalungkutan sa boses niya. "So ibig sabihin friend last day mo na ngayon?"

"Yup." Iniwas ko ang tingin sa kanya. Ayoko siyang makitang malungkot. Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at bigla na lamang akong umiyak. At iyon ang ayokong mangyari. I don't want them to see me crying. Hindi iyon ang pagkakakilala nila sa akin. They knew me as being tough and strong. At gusto ko sa pag-alis ko ay ganun pa rin ang tingin nila sa akin.

But to my surprised, niyakap akong bigla ni Ichi. "I will miss you friend. Sorry sa mga pagmamaldita ko. Pero you know me naman di ba? Nature ko na iyon."

Lumapit na rin si Jena sa amin at nakiyakap. "Payakap na rin."

I will also miss them for sure. Sila lamang dalawa ang naging totoong kaibigan ko simula nang mapadpad ako dito sa Manila. Kahit kung minsan mga weird at praning sila, mga totoong tao naman sila.

Oh shit! Emotion started to get in. At bago pa ako tuluyang bumigay ay mabilis akong bumitaw sa kanilang dalawa.

"Tama na ang drama mga friendship! Utang na loob, ayokong umiyak." Sabi ko nalang nang lumayo ako sa kanila.

Doon ko na lang napansin na umiiyak na pala si Ichi.

"Bakla wag kang umiyak dyan! Ang panget mo!" I tried to make the situation lighter. Baka kasi mahawa ako sa kanya.

"Kung maka-panget ka naman wagas!" Reklamo niya habang pinupunasan ang mga luha sa pisngi.

"Oo nga ang panget mo day!" Banat naman ni Jena. Pero nakita kong namumula na ang mga mata niya.

"Kung panget ako, mas lalo ka na!"

"Ang kapal mo! Ikaw lang kaya ang panget sa ating tatlo. Sana nga ikaw na lang inilipat sa Davao para naman mabawasan ng panget dito sa office."

Isa pa ito sa mga mamimiss ko. Ang bangayan nilang dalawa. Parang ayokong tuloy umalis.

If I could only be much stronger, things couldn't be this complicated. Langya naman kasing pusong ito eh! Daig ko pa ang dinapuan ng virus.

Nagkayayaan magparty after work sa pangunguna syempre nila Ichi at Jena. Despedida party ko raw. Pero tumanggi ako. Hindi ako pwede mamaya. Kaya nga nag-half day lang ako. Mag-eempake pa ako ng mga gamit ko. At saka nakapangako ako kay Riley na maaga akong uuwi.

Bilang pakonsuwelo sa matampuhin kong mga kaibigan ay nilibre ko na lang sila ng lunch. Kumain kami sa labas. For the last time, nagharutan, nag-asaran, nagtawanan kami habang kumakain. Wala kaming pakialam kahit pagtinginan kami ng mga customer na naroon. Lalo na si Ichi na malakas ang boses at wala talagang hiya.

Bago kami naghiwalay ay nag-iyakan pa ang mga bruha. Pinagtinginan tuloy kami ng mga tao. Akala tuloy nila may shooting ng pelikula. Wagas naman kasi makaiyak ang mga ito na para bang mamamatay na ako.

Sumakay ako ng taxi pauwi. Saka ako nakaramdam ng lungkot. Para tuloy gusto kong bawiin ang mga sinabi ko kay Mam Lorie at huwag na lamang umalis. Kahit siya ay tutol sa naging desisyon ko. Nang sabihin ko sa kanya kaninang umaga ang tungkol doon ay nakita kong nagulat siya. Nagdadalawang isip pa siya noong una kung papayagan niya ako. Ang sabi pa niya sa akin ay pag-isipan ko raw muna mabuti. Pero that time, desidido na talaga ako na tila walang makakapigil sa akin.

Ang kailangan ko na lang gawin ay panindigan iyon. Kailangan kong maging matapang ngayon kahit ang totoo hinang-hina na ang loob ko.

Ang hirap pala ng ganito. Wala akong malapitan. Wala akong masabihan ng tungkol sa problema ko. Kung ilang beses kong sinubukang mag-open kay Jena pero naduduwag lang ako. Hindi ko naman kayang lumapit kay Nana Tonya. Ayokong bigyan pa siya ng alalahanin. Mas lalong hindi naman pwede kay Jared. Wala akong mapapala sa lalaking iyon. Baka imbes na tulungan niya ako ay pagtawanan niya lang ako.

Pag-uwi ko ay naabutan kong natutulog si Riley sa may sofa. Kanina pa raw ako hinintay nito sabi sa akin ni Nana Tonya. Panay nga raw ang pangungulit nito na tawagan ako sa cellphone.

Para talagang bata!

Nangingiti ako na pinagmamasdan ang pagtulog niya. Kanina bago ako pumasok sa trabaho ay nag-request siya sa akin na pasalubungan ko raw siya ng BigMac. Hindi ko tuloy alam kung ako ba ang hinihintay niya o ung pasalubong ko sa kanya.

Gigising ko na sana siya pero nagbago ang isip ko. At hinayaan ko na lang siya.

"Sana paggising mo mawala na lang akong parang bula." wala sa loob na sabi ko habang hinahaplos ko siya sa buhok.

Tumayo na ako at iniwanan siya sa sala. Dinala ako ng mga paa ko sa garden. I think I need a fresh air. Para naman ma-refresh ang isipan ko.

I was busy inhaling the air, nang bigla na lang may dumamba sa akin. Na-out of balance tuloy ako at nag-landing sa malambot na damuhan.

"Buddy!" Mabuti na lamang naiwas ko ang mukha ko. Kung hindi ay baka nahalikan na naman niya ako.

"Ano bang meron sayo at pati aso ay gustung-gusto ka?"

Lumipad ang mga mata ko sa pinanggalingan ng boses. Naroon pala si Jared. As usual hayun na naman ang nakakairita niyang tawa.

Tumayo ako at pinagpag ang pantalon nanadumihan. Iiwananan ko na sana siya nang muli siyang magsalita.

"Samahan mo naman ako dito."

Sa paglingon ko ay doon ko lang napansin ang alak na nasa harapan niya.

"Tanghaling tapat naglalasing ka?"

"Porke ba umiinom ng alak ay nagpapakalasing na?"

Asa pa ako na makakakuha ng matinong sagot mula sa kanya.

"Come here. Samahan mo ako." Tinapik pa niya ang katabing upuan.

"No thanks! Ayokong uminom."

"Hindi naman kita pipilitin uminom. Basta samahan mo lang ako."

He looks really different today. May problema ba siya?

Alam kong kukulitin niya lang ako kaya umupo na rin ako sa tabi niya. And besides masyado pang maaga para mag-empake ako ng mga gamit. Pwede ko naman gawin iyon mamayang gabi.

"What is your plan?" Narinig ko na lang na tanong niya.

"What plan?" Kunwari ay hindi ako alam ang sinasabi niya.

"What is your plan after Riley's operation?"

"As usual, mawala na lang na parang bula sa buhay niya." Sa gilid ng mata ko ay nakita ko ang marahas niyang paglingon sa akin. "Kailangan pa bang itanong iyon? Alam mo naman di ba kung anong mangyayari pagkatapos ng operation niya." At kunwari ay tumawa ako.

Titig na titig sa akin si Jared na tila pinag-aaralan ako. Pagkatapos ay bigla na lamang niya akong kinabig sa dibdib niya at saka ako niyakap.

"Jared?" Nagtataka ako sa inakto niya.

"Sshhh.." Ngunit sinuway niya lang ako at lalong hinigpitan ang pagkakayakap sa akin.

Hinayaan ko lang siya. Hindi ko alam kung anong dahilan niya kung bakit niya iyon ginawa. But honestly nakaramdam ako ng comfort sa yakap niya. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko. 

"Muriel?"

"Hmmm?"

"Anong gamit mong shampoo?" Naramdaman ko ang pagsinghot-singhot niya sa buhok ko. "I like it. Amoy strawberry."

Hindi ko siya sinagot.

"Muriel?"

Pinigilan ko ang pag-ikot ng aking mga mata. "What?"

"Okay lang naman kung aaminin mong may gusto ka sa akin. I could understand. Sanay na ako na lagi- Ouch!"

Binigwasan ko siya sa sikmura, dahilan para mabitawan niya ako.

Sabi ko na nga ba at pinagtitripan niya lang ako! "Kailan ka ba magtitino ha?" 

Sapu-sapo niya ang tiyan habang namimilipit. "Grabe ang bigat ng kamay mo. Ang sakit nun ha?"

"Hindi lang iyan ang aabutin mo kapag pinagtripan mo pa ako ulit."

"Lagi na lang ba kayo magbabangayan na dalawa?"

Sabay kaming napalingon kay Riley. Hindi namin halos namalayan ang pagdating niya.

"Wala akong kasalanan." Paghuhugas kamay ni Jared.

Ang sarap sapakin ng lalaking ito.

Pero hindi siya pinansin ni Riley. "Sam, kanina ka pa dumating?"

"Yup. Naabutan kitang natutulog kaya hindi na kita ginising."

"Sana ginising mo na lang ako." Parang nagtatampo na sabi niya. Wala sa loob na napalingon ako kay Jared.

"Pre, kanina ka pa ba nakatayo dyan?" Tanong ni Jared rito.

Mukhang pareho kami ng iniisip nito dahil sa nakikita naming mood ni Riley.

Hindi kaya narinig niya ang pinag-usapan namin kanina?

"Hindi ko namalayan nakatulog pala ako sa kakahintay sayo. Sumakit lang tuloy ang ulo ko. Nasaan na nga pala yung BigMac ko?"

Saka lang kami nakaramdam ng relief ni Jared sa sinabi na iyon ni Riley.

Natatawang nilapitan ni Jared ang kaibigan at pabirong inipit ang ulo nito sa braso niya. "Dahil lang sa burger nagkakaganyan ka?"

"I'm craving for it since yesterday." Parang bata na sagot naman nito.

"Sana sinabi mo sa akin kaagad. Pwede naman tayong magpa-deliver as many as you want?"

"I don't want to disturb you. I know your having issue with your heart."

"What issue? That I'm inlove? Naniwala ka naman sa sinabi ng girlfriend mo." Sabay lingon sa akin ng mokong. Pero inirapan ko lang siya.

"Hindi kita pipiliting magsalita. Jared bitawan mo nga ako! Sam, where is my BigMac?" Nagpupumilit siyang makawala sa kaibigan pero hindi naman siya pinakakawalan nito.

Tumalikod na ako para pumasok sa loob ng bahay. Bahala silang magrambulan na dalawa! At isa pa, moment nila iyong magkaibigan.

Nakakailang hakbang pa lang ako nang biglang bumuhos ang malakas na ulan. Mabilis akong tumakbo para sumilong. Pero sina Jared at Riley ay naroon pa sa kinaroroonan nila kanina.

"Dating gawi?" Narinig kong sabi ni Jared.

"Dating gawi." Sang-ayon naman ni Riley.

At parang mga sira na nagtakbuhan sa gitna ng malakas na ulan.

Nagsama ang parehong isip-bata!

Gustuhin ko man silang suwayin, alam ko naman na hindi rin sila makikinig sa akin. Nakuntento na lang ako sa panonood sa mga kalokohan nilang dalawa.

Nakita kong lumapit si Jared kay Riley at tila mayroon binulong rito. Tumango naman si Riley bilang pagsang-ayon. At namalayan ko na lang na patungo sa kinaroroonan ko si Jared. Parang nahulaan ko ang tumatakbo sa isip niya kaya humakbang na ako papasok ng bahay. Pero naabutan niya ako. At sapilitang hinila sa gitna ng malakas ng ulan. Wala na akong nagawa nang pagkaisahan nila akong magkaibigan. Pati si Buddy nakisali na rin sa amin. Para talaga kaming mga batang paslit na naglaro sa ulanan. Syempre hindi mawawala ang asaran namin ni Jared. Pero lagi naman to the rescue sa akin si Riley. At kahit si Buddy ay kumampi sa akin. Sabay-sabay naming pinagkaisahan si Jared at pinagulong namin sa putikan.

I have fun. First time ko itong ginawa. First time kong makipagharutan sa gitna ng malakas na ulan. At talagang nag-enjoy ako ng sobra. Mabuti na lang pala at hinila ako ni Jared sa ulana. Kung hindi, na-missed ko ang importantengmoment na ito. At least for the last time, nagkaroon ako ng happy memories na kasama silang dalawa. Kung pwede nga lang sana i-record ang kaganapan na ito ay ginawa ko na. Pero sigurado naman ako na hinding-hindi ko ito makakalimutan.

Ito na huling pagkakataon na makakasama ko ng masaya si Riley kaya lulubusin ko na. Dahil bukas baka hindi na ako mabigyan ng pagkakataon. At posible rin na hindi na ito maulit pang muli. Kung pwede ko nga lang alisin sa eksena si Jared ay ginawa ko na para masolo ko lang si Riley. Pero katulad nga ng madalas niyang sabihin, the more, the merrier. Pero mas romantic sana kung kaming dalawa lang.

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

491K 21.1K 53
There are things science can't explain to us. And one of that is how I fell for you. But like you said, things don't need to be explained all the tim...
14.1K 592 14
To become an 'OPTION' is a choice. 'Yong tipong ginagawa kang isang produktong pagpipilian sa isang mall kahit hindi ka naman naka-sale? Option ang t...
55.9K 4.1K 61
The BackUp Plan by Lena0209 ------ Dalawang taon pagkatapos ng kanilang divorce, hinahanapan na si Cas ng magiging tagapagmana niya, at wala siyang i...
32.4M 828K 67
She's cruel. She's cold. She's Beautiful. She's Powerful. And she badly needs a boyfriend! Sabrina Vee Suarez is your typical fierce lady boss with a...