Paper Planes (AD) [COMPLETE]

By ad_thor

215K 5.4K 451

Despite the fame her band Portmanteau and the attention she was getting, Alyssa Valdez, a second year High Sc... More

Prologue
Paper Planes I
Paper Planes II
Paper Planes III
Paper Planes IV
Paper Planes VI
Paper Planes VII
Paper Planes VIII
Paper Planes IX
Paper Planes X
Paper Planes XI
Paper Planes XII
Paper Planes XIII
Paper Planes XIV
Paper Planes XV
Paper Planes XVI
Paper Planes XVII
Paper Planes XVIII
Paper Planes XIX
Paper Planes XX
Paper planes XXI
Paper Planes XXII
Paper Planes XXIII
Paper Planes XXIV
Paper Planes XXV
Paper Planes XXVI
Paper Planes XXVII
Paper Planes XXVIII
Paper Planes XXIX
Paper Planes XXX
Paper Planes XXXI
Paper Planes XXXII
Paper Planes XXXIII
Paper Planes XXXIV
Paper Planes XXXV
Paper Planes XXXVI
Paper Planes XXXVII
Paper Planes XXXVIII
Paper Planes XXXIX
Paper Planes XL
Paper Planes XLI
Paper Planes XLII
Paper Planes XLIII
Paper Planes XLIV
Paper Planes XLV
Epilogue

Paper Planes V

5.5K 129 14
By ad_thor

A/N:

Bakit nga ba paper planes ang title nito? ;D

-----

Alas onse na ng umaga pero si Aly ay tulog pa rin dahil sa pagod kagabi. Yun nga lang maaga siyang binulabog ng dalawa niyang kaibigan at nagsisisigaw sa may pintuan niya.

"Alyssa! Gising na!" rinig niyang sigaw ng dalawa at todo katok sa pinto. "Alam mo bang alas onse na?" sabi pa nito kaya napabangon siya bigla. Precious nga kasi ang time para sa kanya.

Asar na binuksan niya ang pinto at nakitang nakangiti pa sa kanya ang dalawa na parang walang ginawa.

"Ano ba yun?" tanong ni Aly sa dalawa habang nagkukusot ng mata.

"Gagala tayo! Minsan na lang tayo makapagbonding at itong week na'to napakabusy natin kaya magbihis ka na hintayin ka namin sa baba." sabi ni Ara at tumakbo na silang dalawa ni Kim pababa.

At dahil sa wala na siyang nagawa kahit bangag bangag pa ay naligo na siya at bumaba na. Nakita niyang nakikipaglaro sila Kim at Ara sa mga kapatid niya sa sala.

"Alyssa, kumain ka na." sabi sa kanya ni Nanay Celia.

"Salamat po nay." sabi ni Aly at tinawag na ni Nanay Celia ang mga kapatid pa niya para kumain na ng lunch pati sila Ara.

Umupo na silang lahat para makakain na.

"Ly, sabi ni Vic may bago na naman daw kayong kanta ah? Sayang di kami nakapunta." sabi ni Nicko kuya niya.

"Nakakaproud ka talaga Ly sikat na kapatid namin." sabi pa ni Paulo yung isa pa niyang kuya.

"Salamat mga kuya." sabi ni Aly.

"Pero bakit mahiyain ka pa rin?" tanong ulit ni Nicko.

"Di ko rin alam." simpleng sagot ni Aly.

Nang matapos na silang kumain ay nagpaalam na silang tatlo.

"Sigurado ba kayong di na kayo magpapahatid?" tanong ni Paulo sa kanila.

"Di na kuya. Bye." sabi ni Aly.

"Ingat kayo ah." sabi naman ni Nicko.

Umalis na sila at pumunta na sa mall.

"Andito na rin tayo!" sabi ni Ara.

"Kelan nga ba tayo huling nagbonding. Daig pa natin college sa pagkabusy." sabi naman ni Kim.

"San tayo?" tanong ni Aly at nagtinginan silang tatlo. Nagngisian naman sila.

"Arcade!" sabay na sabi nilang tatlo sabay takbo papuntang arcade.

-

"Nu ba yan weak!" sabi ni Vic kay Kim pagtapos nilang maglaro ng basketball.

"Oy oy 6 points lang lamang mo sakin aba!" sagot naman ni Kim.

"Talo ka pa rin!" sabi ni Vic sabay tawa.

"Nakakahiya naman sa isa jan, yung score muntik ng lumaki." Kim at tumingin silang dalawa kay Aly at kumunot naman ang noo nito.

"Ano Ly? 153-156 lang kami tas ikaw 208 nadaya tayo Kim." Vic.

"Oo nga oo nga." Kim at tumango tango pa.

"Nagugutom na ko." sabi ni Aly.

"Pasalamat ka gutom kami kundi hmp!" sabi ni Kim at inakbayan nila si Aly at naglakad na.

Nagsimula na silang maglibot, manood ng sine, kumain, laro ulit, kain ulit. Nung napagod sila ay umupo na sila sa isa sa mga bench habang kumakain ng ice cream.

"Kapagod pero masaya!" sabi ni Kim at sumandal sa bench.

"Sulitin na natin to baka kasi bukas sa sobrang sikat na ni Aly may concert na sila bukas at makalimutan na niya tayo Kim." madramang sabi ni Ara with matching singot pa.

"Hindi naman. Baka nga kayo pa ang sumikat na volleyball player at makalimutan mo na ko dahil kay Sheila." sabi naman ni Aly.

"Oy hindi promise." sabi ni Ara at niyakap nilang dalawa si Aly.

"Pero bago yun, kelangan mo munang may magustuhan Ly." sabi naman ni Kim pagkatanggal ng yakap nila kay Aly.

"Yan na naman kayo eh. Masaya na'ko kasama kayo, tsaka 2nd year highschool palang ako masyado pang bata para jan.." sabi ni Aly sabay kain ng icecream niya.

"Ly hindi naman love life eh crush lang, sabi kasi nila abnormal ka daw pag wala kang crush." sabi naman ni Ara.

Tinapon na ni Aly yung cup niya dahil ubos na niya yung icecream niya at may kinuha sa bulsa niya, papel at siyempre bumuo na naman siya ng eroplanong papel.

"Okay lang maging abnormal atleast masaya nako." sabi ni Aly.

"Pati ba naman dito may dala kang ganyan?" tanong naman ni Kim.

"Masama ba? Wala namang mamamatay." sabi naman ni Aly.

"Buti na lang talaga pinigilan kitang pangalanan yung banda niyo ng Paper Planes." sabi ulit ni Kim. Yun kasi ang gusto niyang pangalan ng banda nila since siya naman yung leader kaso tumutol si Kim.

"Sayang nga eh ang cool pa naman nun." sabi naman ni Aly.

"Hoy ba't sa paper planes na naman napunta ang topic niyo? Ly hahanapan ka namin ng magugustuhan mo okay?" sabi naman ni Ara.

"Dito sa mall?" tanong ni Aly at tumango naman si Ara. "Baliw." sabi niya.

"Wag ka ng umangal basta ganto, may ituturo kami ni Kim na babae tapos irarate mo nang 1-10. Okay?" sabi ni Ara.

"Ang kulit niyo talaga pero sige." sabi naman ni Aly at yung dalawa naman naghanap na ng magagandang babae yung 10 para sa kanila baka sakaling may magustuhan si Aly.

"Ayun Ly." sabi ni Kim sabay nguso dun sa babaeng matangkad na maputi pero ang short napakashort na parang mas maikli pa sa kamay niya.

"1-10 Ly." sabi naman ni Ara at hinintay ang sagot ni Aly. Si Aly naman tinignan yung babae mula ulo hanggang paa.

"3." tipid na sagot ni Aly at napatingin yung dalawa sa kanya. "What?" tanong ni Aly.

"3?!" sabay na tanong nung dalawa.

"Ly ang ganda ganda nun tapos 3 lang?! Ly she's a 10!" sabi naman ni Kim.

"Ly yung scale natin is 1-10 hindi 1-3. Ganyan ba kataas standard mo?" tanong naman ni Ara.

"Okay guys hindi naman sa ganun pero, tignan mo naman manamit oh, Kulang sa tela." pagpapaliwanag ni Aly.

"Ah okay." sabi ni Ara at siya naman ang naghanap ng babae. "Eh ayun Ly." turo ni Ara sa babaeng nakadress na malaki ang hinaharap at kita ang cleavage. Kung titignan ng mabuti maganda nga yung babae pero yung katawan parang lahat yata small yung size ng suot masabi lang na sexy.

"Worse. That's a two." sabi naman ni Aly.

"Iba ka na talaga Ly, malabo na yata mata mo." sabi naman ni Ara.

"Hindi naman sa malabo yung mata magkaiba lang siguro tayo ng gusto." sabi naman ni Aly.

"Okay eh ano ba mga gusto mo sa babae? O baka naman kaya ang bababa kasi lalaki gusto mo?" sabi naman ni Kim. "Bakla ka pala!" sabi naman ni Kim.

"Wow para namang lalaki talaga ako. Gusto ko sa babae simple lang. Ugali kasi ang nakakaattract sa'kin okay? At syempre sa pananamit kung halos wala ng suot eh syempre bagsak agad sakin yun."

"Ah. Yun naman pala. Okay pero wala ka ba talagang nagugustuhan?" tanong naman ni Kim ulit.

"Si Emma Watson maganda pero hindi mahalay magsuot. Ang cool nga niya nung nagsuot siya ng suit eh." sabi ni Aly.

"No I mean sa school?" tanong ni Kim.

"Wala." pagsisinungaling ni Aly.

"Ibang school?" tanong ulit ni Kim.

"Nah." sabi ni Aly at umiling pa.

"Ly!" nagulat sila ng biglang sumigaw si Ara na kanina pa tahimik.

"Nubayan Vic." sabi ni Kim.

"What?" tanong ni Aly.

"Pasalamatan mo ko!" sabi ni Ara habang ngiting ngiti.

"Sa pagsira ng eardrums ko?" tanong ni Aly.

"No no no. Just thank me." sabi ni Ara at niyugyog pa siya.

"Para saan ba?" tanong ulit ni Aly.

"Just thank me dali!" sabi ni Ara.

"Okay thank you." sabi ni Aly.

"Ayan." sabi naman ni Ara.

"Hoy baliw ka ba? Bakit ka nagpapa thank you kay Ly?" tanong naman ni Kim.

"Matutuwa ka dito." sabi naman ni Ara at kinuha ang paper plane ni Aly.

"Anong gagawin mo?" tanong naman ni Aly.

"Since ayaw mo namang nag sscale ng 1-10 may naisip akong iba." sabi ni Ara at lalong ngumiti ng malapad.

"Pabitin bilisan mo na kasi." atat na sabi ni Kim.

"Okay eto. Since ayaw mo nga ng nags-scale." sabi ulit ni Ara.

"Ano ba kasi yun?" naasar na rin si Aly.

"Gagamitin natin yung paper planes mo since favorite mo naman to." sabi ulit ni Ara.

"Ano namang gagawing natin sa paper planes ko?" tanong ni Aly.

"Naniniwala ka ba sa destiny?" tanong ni Ara kay Aly.

"No sa coincidence lang." sabi naman ni Aly.

"Ano ba yan." sabi ni Ara. "Ganto, papaliparin mo to at kung sinong babaeng matamaan nito. She'll be the one you'll fall in love with. Aha!" sabi naman ni Ara.

"Ano ba yan Vic, yun na yung sasabihin mo?" tanong naman ni Kim.

"What? Ang cool kaya!" sabi naman ni Ara.

"Dinamay mo pa paper plane ko." sabi naman ni Aly at kinuha kay Ara yung paper plane.

"I-try mo na lang kaya Ly. Naniniwala ako sa destiny kaya sigurado akong mahuhulog ka sa tatamaan mo." sabi naman ni Ara.

"Well I don't." sabi naman ni Aly.

"Ang KJ mo talaga, there's no harm in trying naman eh." sabi ni Ara. "Kung ayaw mo edi ako ang magttry." sabi ni Ara sabay tayo at pikit at buong pwersang pinalipad yung eroplanong papel.

Nagulat sila ng may tamaan ito, babae. Napatigil yung babae nang maramdamang may tumama sa ulo niya kaya tumalikod siya para makita yun at nakita nito ang paper plane sa sahig.

Napanganga naman silang tatlo ng makita kung sino ang natamaan ng paper plane.

"S-si S-Sheila ba yun?" nauutal utal na tanong ni Ara. Hindi sumagot yung dalawa dahil gulat pa rin sila. Nang magising si Ara sa pagkagulat ay tumakbo siya papunta kay Sheila.

Nakita nilang dalawa na kinausap ni Ara si Sheila. Nang umalis na si Sheila ay nakatayo pa rin si Ara ngiting ngiti pa at sinusundan ng tingin si Sheila. Maya-maya ay lumingon ito kela Ly at tumakbo papunta sa kanila.

"Ano naniniwala na kayo?" tuwang tuwang sabi ni Ara. "Ngayon lang ako natuwa sa paper planes mo Ly ." sabi pa ni Ara sabay halik sa paper plane. "Sana magkatuluyan talaga kami."

"Coincidence lang yun." sabi ni Aly.

"What? Oh c'mon Ly! Destiny yun." sabi ni Ara.

"Ang astig nga niyan ah Vic." sabi naman ni Kim ng may pagkamangha.

"Di ba?" sabi ni Ara at naghigh five pa sila.

"Tatry ko yan pero hindi dito. Di ko kayang mag-eskandalo dito." sabi naman ni Kim.

"Hindi pa rin ako naniniwala." sabi ni Aly at tumayo na. "Inyo na yan. Maniwala kayo sa destiny. Basta ako gusto ko ng umuwi." sabi ulit niya.

"Hindi mo talaga ittry Ly? Kahit isang beses lang." pagpilit ni Kim. Habang naglalakad na silang tatlo.

"Sige." sabi ni Aly sabay kuha ng paper plane kay Ara, natuwa naman yung dalawa. Pero si Aly pinalipad nga yung airplane patalikod naman.

"Ly!" sabi nung dalawa at nung titignan na sana nila kung sino yung tinamaan ay pinigilan sila ni Aly at inakbayan.

"Don't you dare." sabi ni Aly at nanlumo naman yung dalawa at umuwi na lang silang tatlo.

-----

A/N: Share your thoughts guys. Kung okay lang ba yung kwento o panget ako magsulat. Di ako magagalit wag lang yung masyadong harsh haha.

Continue Reading

You'll Also Like

41.2K 1.4K 100
Classmates turns to Lovers. "I will always love you, FOREVER"
30.6K 1K 34
May mga bagay talagang sadyang mahirap iwasan. At yon ay ang pag-ibig at ang katapusan. Paano na lang kung parehas niyo pang ayaw bumitaw pero kaila...
165K 5.2K 97
Two opposite worlds come together. How will they establish harmony after their initial encounter was unfavorable? Would you be open to befriending so...
336K 5.7K 55
A JhoBea story.. Pero it's kind of different sa volleyball. Ang lahat ng ito ay kathang isip lamang. Also, be surprised! Dahil ako din nasosorpresa...