Invisible Girl (Reprint unde...

By aLexisse_rOse

12.2M 195K 19K

Muriel was forced by her Boss to be her son's PRETEND GIRLFRIEND because of one reason- her VOICE. His Ex and... More

Chapter One: Her Voice
Chapter Two: The Meeting
Chapter Three: Hardheaded vs Hardheaded
Chapter Four: The Shower Scene
Chapter Five: Unexpected Kiss
Chapter Six: Stick to the Plan
Chapter Seven: Jealous
Chapter Eight: Jealous part2
Chapter Nine: That Guy
Chapter Ten: Sick
Chapter Eleven: The Other Guy
Chapter Twelve: Chaperone
Chapter Thirteen: New Look
Chapter Fourteen: His Childhood Sweetheart
Chapter Fifteen: She's Jealous
Chapter Sixteen: The Light
Chapter Seventeen: Bad Dream
Chapter Nineteen: Big Decision
Chapter Twenty: Last Day
Chapter Twenty One: Why Me?
Chapter Twenty Two: Back to Manila
Chapter Twenty Three: He's Curious
Chapter Twenty Four: He's Back!
Chapter Twenty Five: Face Off
Chapter Twenty Six: Mistaken
Chapter Twenty Seven: Broken Hearts
Chapter Twenty Eight: DejaVu
Chapter Twenty Nine: Careless
Chapter Thirty: Surprise Guest
Chapter Thirty One: The Confrontation
Chapter Thirty Two: Moving On
Chapter Thirty Three: Love Rain
Chapter Thirty Four: Together Again
Chapter Thirty Five: Finale
Epilogue:

Chapter Eighteen: Fallin

302K 4.9K 465
By aLexisse_rOse

Chapter Eighteen: Fallin

<Muriel POV>

"Huy!" Hinampas ni Jena ng hawak nitong folder ang mesa ko. "Saan planeta ba naglalakbay 'yang isipan mo at parang hindi mo ako naririnig?"

"Anong kailangan mo?" Walang gana kong tanong habang nakatitig pa rin sa monitor ng computer ko.

"Ang sabi ko pinapapunta ka ni Sir Marvin sa office niya. Ayusin mo raw ung connection ng net niya."

"Bakit hindi mo na lang ako tinawagan? Alam mo naman ang local number ko diba?"

"Kanina pa kaya busy ang linya mo." Nang i-check niya ang telepono sa gilid ng mesa napansin niya na naka-hang iyon. "Kaya naman pala eh! Ang sabihin mo ayaw mo lang talagang maistorbo."

Hindi ko pinansin ang sinabi niya. Inabot ko ang telephone at nag-dial ng number.

"Roger, pasuyo naman. Pwede bang ikaw na lang ang mag-ayos ng connection ni Sir Marvin?... Thanks!" At saka ibinababa ang telepono at nagpatuloy sa ginagawa ko.

"Ano bang nangyayari sayo at kaninang umaga ka pa matamlay?"

"Hindi lang siguro maganda ang pakiramdam ko." Pagdadahilan ko sa kanya. 

Kahit naman ako ay nagtataka kung bakit tila wala akong energy nang araw na iyon. Hindi naman siguro ako magkakasakit. Wala lang talaga ako sa mood at pakiramdam ko ay tamad na tamad ako na parang mas gugustuhin ko pang matulog.

Namalayan ko na lang ang kamay ni Jena na nasa noo ko. "Wala ka namang lagnat? Hindi kaya..." May nalalaman pang pa-suspense ang bruha. Tumalim tuloy ang mga mata ko sa kanya.

"Gutom lang yan." Sabay tawa. Pagkatapos ay biglang naging seryoso ang mukha niya. "Seriously... may problema ka ba? Kilala kita Muriel. Hindi ka magkakaganyan kung wala kang problema?"

Kahit naman may pagkaluka-luka si Jena ay maaasahan naman niya ito bilang tunay na kaibigan. "Wala akong problema. Gutom lang siguro ito."

Pero mukhang hindi siya kumbinsido sa sinabi ko. "Tell me, problema ba yan tungkol sa puso?"

Pinigilan ko ang pag-ikot ng mga mata. "Bumalik ka na nga sa table mo, Jena. Wala kang mapapala sa akin. At saka nakakaistorbo ka na sa trabaho ko."

Umismid siya. "Ang KJ mo talaga!" 

Nagulat na lang ako nang may kung anong bagay siyang hinagis sa table ko. Skyflakes?

"Pagtiyagaan mo na lang. Pantawid gutom din iyan." Sabi pa niya bago siya tuluyang lumayo sa puwesto ko.

Nangingiti na pinagmasdan ko ang ibinigay niyang biscuit. 

"Hello girlfriend!"

Mabilis na nag-angat ako ng ulo para lamang makita ang nakangiting mukha ni Jared. 

Nanlaki ang mga mata ko. "Anong ginagawa mo dito?"  

Imbes na sagutin niya ako ay lalo lang lumapad ang ngiti niya. The jerk was really cute.

"I said what are you doing here?" Medjo hininahan ko ang boses ko nang mapansin ko na nakatingin sa amin ang mga kasamahan ko.

Mayroon siyang inilapag na paperbag sa harapan ko. 

"Ano yan?" Kunot-noong tanong ko.

"See for yourself." 

Sa halip na kumilos ako ay nakipagtitigan lang ako sa kanya. 

Siya rin ang unang sumuko. "Haist! Kailan ka ba magiging mabait sa akin?" Pagkatapos ay inilabas niya ang dalawang maliit na container sa loob ng paperbag. "Hayan, dinalhan kita ng pagkain. Magmula ng umalis ka ng bahay ay wala pang laman ang tiyan mo. At malamang hanggang ngayon ay hindi ka pa rin kumakain. Huwag kang mag-alala. Hindi ko yan nilagyan ng gayuma. Dahil sa guwapo kong ito ay hindi ko na kailangang gawin iyon. Si Nana Tonya nga pala ang nagluto nyan para sayo."

"Pumunta ka lang dito para dalhin ito?" Nakaangat ang kilay na tanong ko sa kanya.

"Of course not!" Mabilis niyang sagot. Pagkatapos ay naging mailap ang kanyang mga mata. "Nagpahatid sa akin si Tita Lorie papunta dito. Hindi naman ako makatanggi. At saka napag-utusan lang ako ni Nana Tonya na bitbitin ang mga iyan. Dahil kung ako lang, wala kang maaasahan sa akin. Hahayaan kitang mamatay sa gutom hanggang sa lumuwa ang mga mata mo."

Pinalo ko siya sa ulo ng hawak kong lapis. "Kung tusukin ko kaya yang mga mata mo!" Hanggang dito ba naman sa trabaho ay may bitbit pa rin siyang kalokohan. "Kung wala ka ng kailangan sa akin, lumayas ka na sa harapan ko. Tsu!" Pagtataboy ko sa kanya.

"Hindi mo man lang ba gagalawin ito mga dala kong pagkain?"

"One thirty pa lang. Mamaya pang alas tres ang breaktime namin." Sabi ko na hindi tumitingin sa kanya. Pinagpapatuloy ko ang naudlot kong ginagawa sa monitor ng computer.

Sa gilid ng mata ko ay nakita ko siyang tumingin sa suot niyang relo. Akala ko pa nga ay aalis na siya. Pero umikot siya sa pwesto ko at mabilis akong hinawakan sa kamay. Sa kabilang kamay niya ay binitbit naman niya ang paperbag na naglalaman ng pagkain.

"J-jared?" Hindi na ako nakapagprotesta nang hilahin na lang niya ako bigla palabas. "Saan mo ako dadalhin?"

"Sa office ni Tita Lorie." Hindi lumilingon na sagot niya.

"A-anong gagawin natin dun?"

"Basta!"

"Eh kung sipain kaya kita dyan!" Ngunit hindi niya pinansin ang banta ko. At wala rin akong nagawa kundi sumunod sa kanya.

"Tsk! Tsk! Tsk!" Nakapangalumbaba si Jared sa harapan ko habang pinanonood ako sa pagkain. "Hindi magandang senyales iyan!"

Binigyan ko siya ng matalim na tingin. "Yeah right! Hindi magandang senyales kung patuloy mo akong titigan. Baka hindi ako matunawan!"

Nandito kaming dalawa sa loob ng office ni Mam Lorie. Ang lakas ng loob ni Jared na ipagpaalam ako na makapag-advance break. Hindi naman nagdalawang isip si Mam Lorie na payagan ako. Lalo na nang malaman niya na wala pang kalaman-laman ang tiyan ko kundi puro kape. Ngayon ay kaming dalawa lang ng lalaking ito ang naiwan roon. Nagkaroon kasi ng biglang meeting si Mam Lorie.

"That's not what I mean." Pagkaraan ay sabi niya at pinagkrus ang mga braso sa dibdib. Nakakapagtaka ang kaseryosohan ng mukha niya. Pero hindi ako padadaya roon. Knowing him, baka pinagtitripan niya lang ako.

Hinintay ko ang susunod niyang sasabihin. Ngunit hindi na siya nagsalita ulit. Adik lang talaga!

"Ayoko na!" Maya-maya ay sabi ko at bahagyang inilayo ang pinagkainan ko.

Nagsalubong ang mga kilay ni Jared. "Halos hindi mo pa nga nababawasan ang pagkain mo, ayaw mo na agad?"

"Eh sa wala akong ganang kumain."

Napailing na lang siya. "Hindi ko gustong nakikita kang ganyan Muriel?"

"Sino naman kasi ang nagsabi sayo na panoorin mo ako habang kumakain?"

Bigla akong nailang sa sobrang kaseryosohan niya. 

"Tell me, are you inlove?" Suddenly he asked.

"With you?" Hindi ko napigilang tumawa. Seryoso pa kunwari yun pala iyon lang itatanong niya sa akin. "No way! Why I would I fall for someone like you na sira ang ulo at hindi marunong magseryoso. Para na rin akong kumuha ng batong ipukpok sa ulo ko." 

"I'm not talking about myself here. Okay!" Mukhang napikon ang loko. "I'm talking about Riley."

"What about Riley?" Ako naman ngayon ang nasorpresa.

Huminga muna siya ng malalim bago ulit nagsalita. "Are you inlove with-"

"With your bestfriend?" Matapang na sinalubong ko ang mga mata niya. "Bakit ko naman mamahalin ang isang tao na alam kong mawawala rin sa akin?" Hindi ko alam pero bigla na lamang iyon lumabas sa bibig ko.

"Just answer my question Muriel?"

"Bakit ano ba ang gusto mong marinig?" Biglang tuloy nag-init ang ulo ko. "Kapag sinabi ko bang oo, anong gagawin mo? Pagtatawanan mo ako? Enough of your childish tripping Jared! Hindi sa lahat ng oras ay kaya kong sakyan ang mga kalokohan mo." Tumayo na ako at humakbang patungo ng pinto.

"I would be glad if you say no." Narinig ko pang sabi niya bago ako tuluyang makalabas. 

Katulad nang inaasahan ko, pagkatapos kong makabalik sa table ko ay pinagkaguluhan ako ng mga kasamahan sa pangunguna nina Ichi at Jena . Ang dami nilang mga tanong na lalong nagpasakit ng ulo ko. Ang akala talaga nila ay boyfriend ko si Jared. At inakala rin nila na pamangkin ni Mam Lorie ang binata. Tumigil lamang sila sa panggugulo sa akin nang biglang sumulpot ang manager namin at sinaway sila. Mabilis silang nagbalikan sa mga pwesto nila.

Malapit nang mag-uwian nang magkayayaan na mag-videoke. Ayoko sanang sumama. Pero hindi pumayag sina Ichi at Jena. Masyado na raw akong maraming kasalanan sa kanila para tumanggi. 

Nag-rent sila ng isang VIP room para sa amin lahat. Siguro mga nasa isang dosena kami. Syempre kapag may videoke, hindi mawawala ang inuman. 

Naki-join na rin ako sa ingay at kaguluhan nila. Gusto ko rin namang mag-enjoy. Matagal na panahon na rin nung huli ko silang makasama sa ganito. Sa sandaling oras ay nawala ang mga gumugulo sa isipan ko. Nagpakasaya talaga ako ng bonggang-bongga na para bang wala ng bukas. 

"Next song 'Call Me Maybe', sino ang pumili nito?" Tanong ni Erik pagkatapos niyang kumanta.

"Sa akin yan." Ang sabi ko sabay kuha ng microphone. Pero mabilis na inagaw sa akin ni Ichi iyon.

"Ako kaya ang nag-request nyan!" Lumayo pa siya sa akin para hindi ko makaagaw sa kanya ang mic at ilang sandali ay nag-umpisa na siyang kumanta. Buraot naman ang baklitang ito!

Nainom ko tuloy ng straight ang isang bote ng San Mig light dahil sa inis.

"Huy hinay-hinay lang!" Awat sa akin ni Jena. "Hindi tayo nagpunta rito para magkapalasing no!"

"Kailan ba ako nalasing?" Pagyayabang ko. Kahit siguro painumin pa nila ng isang drum ng beer ay makakauwi pa rin ako nang matino sa bahay. 

Mga ten o'clock na nang mag-uwian ang lahat. Wala namang nalasing sa amin pero lahat naman ay nag-enjoy. Kung wala lang sigurong pasok bukas baka nga abutin pa kami ng hanggang alas dose. Pinagpara ako ni Ichi ng taxi. At nang makasakay ako ay saka lamang sila nagkanya-kanyang uwi.

Pag-uwi ko ay naabutan ko pa sa may garden sina Riley, Jared at Lara. Mukhang nagkakasayahan rin sila. May ilang bote kasi ng beer sa ibabaw ng mesa. Si Jared ang unang nakapansin sa akin.

"Uwi ba ito ng matinong babae? Kanina pang alas singko ang labasan nyo di ba?"

"Hindi ko kailangan ng opinyon mo!" I snapped. At naupo ako sa tabi ni Riley na bahagyang natawa sa sinabi ko.

"How's the party?" Tanong niya sa akin. Tinawagan ko pala siya kanina para ipaalam ang lakad ko.

"Umiinom ka ba?"

Si Jared ang sumagot ng tanong ko. "Alam kong aawayin mo ako kaya hindi ko siya pinainom." Pero duda ako sa sinabi niya dahil may isang boteng bawas na ang nasa tapat mismo ni Riley. Tinignan ko siya ng masama. Umiwas naman siya ng tingin.

"So, anong meron?" Naisip kong itanong.

"Despedida ni Lara." Sagot ni Riley

"Aalis ka na?" Tumingin ako sa kinaroroonan ni Lara. "Mabuti naman kung ganon!"

Ang sama tuloy ng tingin niya sa akin.

Bahagya akong siniko ni Riley. Habang si Jared ay pinipigil ang matawa.

"I mean, mabuti naman at naisipan mong magpadespedida." Biglang kabig ko. "At least sa huling araw mo dito ay nagkasama-sama tayong apat."

Inaakbayan ako ni Riley at binulungan sa tenga. "You are so mean. Ang cute mong magselos."

Napasimangot ako. "Hahaha.. You're not funny." 

Nagbukas ng isang bote si Lara sabay abot sa akin. "Ikaw na lang ang uminom ng share ni Riley."

"Sure!" Mabilis ko iyong tinanggap. Akala niya siguro ay tatanggihan ko iyon.

"That's enough Sam. Nakainom ka na." Awat sa akin ni Riley.

"Mataas ang alcohol tolerance ko. You don't have to worry. Kung sakali mang malasing ako, nariyan naman ang kaibigan mo para buhatin ako."

"Asa ka pa na bubuhatin kita. Ang bigat-bigat mo kaya." Mabilis na reklamo ni Jared. Pero pinanlakihan ko lang siya ng mga mata.

For a long moment I was in silent. Hindi kasi ako maka-relate sa mga pinag-uusapan nilang tatlo. Tahimik lang akong nakikinig. May mga pagkakataon na nakikisabat ako sa kanila. Pero madalas ay lumilipad ang isipan ko. At hindi ko namamalayan na napaparami na pala ang inom ko.

Nagulat pa ako nang biglang tumayo si Riley at inilahad ang kamay niya sa akin. "Care to dance with me?"

"Huh?" Nagtatakang sabi ko habang nakatingala sa kanya. 

"Please..."

Napilitan akong abutin ang kamay niya. "Paano tayo magsasayaw kung wala namang music?" Ang sabi ko pa pagkatapos kong tumayo. 

"Kakantahan ko na lang kayo?" Sabad ni Jared na nagtaas pa ng kamay.

"No thanks! Itago mo na lang 'yang talent mo." 

"She's right pare. Keep it for yourself." Natatawang sabi ni Riley. "Ang mabuti pa si Lara na lang ang kantahan mo?"

"No way!" Mabilis na pagtutol ni Lara. "Kakantahan ko na lang ang sarili ko."

"Di hamak naman na mas maganda ang boses ko keysa sayo!" Si Jared.

"Asaness!"

"Hayaan na natin sila." Hinila ako ni Riley palayo sa kanila. "Poor Lara. Mukhang nakahanap si Jared na mabibiktima niya."

"Sinabi mo pa. Mukhang pikon pa naman ang childhood sweetheart mo na iyon!"

I heard him chuckled then he stopped walking. May sampung metro siguro ang layo namin mula sa dalawa. He pulled me closer and wrapped his arm around my waist.

"Are you really serious? Akala ko nagbibiro ka lang nang sabihin mong magsasayaw tayo."

He grinned. "I want to take this chance. Matagal na din natin itong hindi nagagawa. Pero dahil wala tayong music, okay lang ba kung ako na lang ang kakanta?"

"Do I have any choice?" 

"Kunwari ka pa. Pero kinikilig ka naman." At lalo niya akong hinapit palapit sa kanya.

"Hmp! Yabang!"

Pagkaraan ng ilang sandali ay naramdaman ko na lang na marahan niya akong sinasayaw. At nag-umpisa na siyang kumanta. 

I'll take care of you

Don't be sad, don't be blue

Napangiti ako nang marinig ko ang boses ni Riley. It warmed my heart that I was speechless for a moment.

I'll never break your heart in two

I'll take care of you

Hindi ko inaalis ang mga mata ko sa mukha niya. As if memorizing each part of it. 

I'll kiss your tears away

I'll end your lonely days 

I only have two days left. And maybe this is the last time that I will hold him like this. 

All that I'm really tryin' to say

Is I'll take care of you

Life is really funny sometimes. Excited pa ako na matapos ang pagpapanggap na ito. Halos hindi na nga ako makapaghintay. Pero bakit ngayon, kulang na lang ay pigilan ko ang oras para makasama ko pa siya ng mas matagal?

I want you to know that I love you so

I'm proud to tell the world you're mine

Ang yabang ko pa nung una. Akala ko babalik ako sa normal kong buhay na parang walang nangyari. Akala ko ganon kadaling kalimutan ang mga taong naging involve sa pagpapanggap na ito. Pero puro akala lang pala ako. Dahil sa bandang huli, kakainin ko rin pala ang mga sinabi ko.

I said it before, I'll say it once more

You'll be in my heart 'til the end of time

My heart was captured. And before I knew what hit me... I'm already inlove with him. But too bad, I fell with a wrong person.

I'll take care of you

Don't be sad, don't be blue

Just count on me your whole life through

'Cause I'll take care of you

Napahinto si Riley sa pagkanta."Are you crying?" As he tried to reach my face, mabilis na sinubsob ko ang mukha ko sa dibdib niya. 

"Sam?"

Sinisikap kong pigilan ang emosyon. "Don't mind me, Rai. Just continue." 

Sa halip na kumanta ulit ay mahigpit niya akong niyakap. And kiss me on my temple. "I love you Sam." He whispered to me.

I bit my lower lip painfully. His words were killing me. Ganon pala ang pakiramdam kapag sinabihan ka ng I love you ng taong mahal mo pero ibang pangalan naman ang tinutukoy niya.  

Hindi na nga pala niya alam ang pangalan ko. He didn't even know that I exist. At kahit kailan hindi niya malalaman na may isang tulad ko ang dumaan sa buhay niya. Mananatili na lang akong  invisible, hindi lang sa paningin niya kundi pati na rin sa kanyang buhay.

"I love you Rai." I whispered softly. But this time I say it with all my heart. 

<Jared POV>

Haist! Napakamot na lamang ako ng ulo nang makita ko si Muriel na halos makatulog ka na sa tabi ni Riley. Matigas kasi ang ulo. Ayaw papigil sa pag-inom. Nagyabang pa na hindi raw siya nanalasing. Pero tignan mo ngayon, hindi na niya halos maidilat ang mga mata niya sa sobrang kalasingan. 

Ang masama pa nito, ako ang magdurusa dahil sa ginawa niya. Di bale sana kung si Riley ang magbubuhat sa kanya. Well, kaya naman siguro siyang buhatin ng kaibigan kung hindi nga lamang sa kalagayan nito. At wala akong pagpipilian kundi buhatin siya hanggang sa kuwarto niya. 

"Please take care of her, Jared." Kabilin-bilinan sa akin ni Riley bago ko buhatin ang girlfriend niyang hilaw.

Oh shit! Ang bigat talaga ng babaing ito! Daig ko pa ang nagbuhat ng isang sakong bigas.

Sa awa naman ng diyos ay nakarating din kami sa kuwarto niya kahit na kanina pa nagrereklamo ang mga buto ko dahil sa bigat niya.

Maingat kong ibinaba si Muriel sa ibabaw ng kama. Tuluyan na talaga siyang nakatulog. Ngunit napakunot noo ako nang mapansin ko ang trace ng luha sa kanyang pisngi. Umiyak ba siya?

Tsk! Tila naiinis na pinahid ko ng daliri ang pisngi niya. Sabi ko na nga ba! Hindi man niya ipahalata pero tuluyan nang nahulog ang loob niya kay Riley. I thought she was strong. Akala ko magagawa pa niyang labanan ang damdamin niya. Pero katulad ko, wala rin siyang nagawa kundi sundin ang tinitibok ng puso.

Napabuntong-hininga na lang ako.

Kung minsan napaka-unfair talaga ng tadhana. Kung sino pa ang mahal mo, may mahal naman iba. And worst, hindi pwedeng maging kayong dalawa.

Bakit ba napaka-trending ngayon ng one-way love affair?

Ganon na ba kasikip ang mundo para hindi pwedeng magkasalubong ang dalawang taong pwede naman magmahalan?

"You loved her, don't you?" Maharas na napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. Si Lara. Nakasandal siya sa hamba ng pintuan habang pinapanood ako.

"Watch your word. Baka marinig ka ni Riley." I warned her.

She smiled bitterly. "What I'm trying to say is, hindi ka naman nag-iisa!" Iyon lang at pagkatapos ay umalis na siya.

A bitter laughed rose inside me. Sometimes life is really unfair. 

Continue Reading

You'll Also Like

63.7K 4.7K 40
Michelle Salvacio is a typical 'anak-mayaman'. Nag-iisa siyang tagapagmana ng pamilya niya kaya lahat ng luho ay nasusunod. Although you can see her...
15.3M 259K 39
Would you rather chase what you want or follow a future that's already arranged for you? Samantha was just sixteen nang malaman niyang ipapakasal siy...
4.6K 105 8
Ano ang hanap mo sa isang coffee shop? Masarap na kape? Nakaka-addict na sweets? Romantic ambiance? Sight-seeing ng mga pogi? Magandang view ng mga...
123K 2.6K 52
"Change is the only constant thing in this world. Feelings change. Situations change. And sadly, we did too.." Aiza and Chuck's story after College...