I am courted by a GHOST! ON-H...

By justanordinarygirl17

16.9K 391 125

anong mararamdaman mo kung may manliligaw kang ubod ng gwapo at pinapangarap ng lahat? pero pano kung ikaw... More

I am courted by a ghost
chapter 1
chapter 2
chapter 3
chapter 4
Chapter 5
chapter 6
chapter 7
Chapter 8
chapter 9- bestfriend
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
chapter 13- first day as lance's fake girlfriend
chapter 14 - sam and lance
chapter 15-sam and lance part 2
chapter 16 - Samantha's lovestory
chapter 17- Samantha's love story part 2
chapter 18
chapter 19
Chapter 20
chapter 21
chapter 22
chapter 23
author's note
chapter 24
chapter 25
chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
chapter 29
Chapter 30
chapter 32
Chapter 33

Chapter 31

149 8 0
By justanordinarygirl17

Chapter 31>>> Meet the family

"Bata! teka lang!"

"Ang bilis mo pa lang tumakbo baby girl." natatawang sabi ko sa kanya habang naghahabol ng hininga.

"Bakit nyo po ako hinahabol ate?" takang tanong sakin ng bata niligtas ko kanina.

"Sayo ata to baby girl." pinakita ko sa kanya ang nakita kong paper bag kanina sa may kalsada.

"Nako ate akin nga po yan! Maraming salamat po mga gamot pa naman po ito ni nanay." sabi nya habang niyayakap ang paper bag.

"Maraming salamat po ulit ate sa pagliligtas sakin at para sa pagbabalik nito. Una na po ako kailangan ko lang po talagang makauwi na sa bahay." mabilis na sabi nya. Mukhang nag mamadali talaga sya.

Akmang tatakbo ulit sya ng hawakan ko sya sa braso para mapigilan sa pagtakbo.

"Wait malayo pa ba ang bahay nyo?" tanong ko sa kanya.

"Medyo po." magalang na sagot nya sakin.

"Sige samahan na kita hanggang sa inyo para masigurado akong makakauwi ka ng maayos." maggagabi na din at hindi ligtas para sa kagaya nya ang byumahe mag-isa.

"nako, wag na po ate kaya ko na naman po." tanggi nya sakin.

"Nagmamadili ka di'ba halika na..."hindi na sya nakatangi ulit ng hilahin ko na sya papunta sa sakayan ng mga tricycle. "...saan ba ang sakayan dito ng tricycle para mainum na ng nanay mo ang mga gamot nya."

"Ako nga po pala si roselita pero lita na lang po ang itawag nyo sakin." pagpapakilala nya sakin habang nasa loob kami ng tricycle.

"Ikaw ate ganda, ano pong pangalan nyo?" nakangiting tanong nya sakin.

"Catherine Reyes pero ate cathy na lang ang itawag mo sakin." sagot ko sa kanya.

"Pwede po bang ate ganda na lang ang itawag ko sa inyo? ang ganda nyo po kasi talaga tapos ang bait bait nyo pa po." Hindi maalam magsinungaling ang mga bata. Isa yan sa mga kasabihan na talagang pinaniniwalaan ko.

"hahaha ang bolera mo naman, pero ikaw ang bahala." natatawang sagot ko sa kanya.

"Taga-saan po kayo ate ganda? Mukha po kasing dayo lang kayo dito sa baguio tama po ba ako?" tanong nya sakin.

"Ahh oo taga-batangas ako may seminar lang ako dito kaya nandito ako ngayon." sagot ko sa kanya. Bigla ko naman naalala na hindi nga pala ako nandito basta parang isang tourista, may seminar nga pala akong kailangan attendan at may professor akong kasama na puputok ang ugat pag hindi ako nakabalik kaagad sa hotel.

Bigla naman akong napatingin sa relo ko.

Quarter to 5 na at nagsisimula ng dumilim ang paligid kailangan kong makabalik kaagad sa hotel kung ayaw ko mapagalitan na naman ni miss Minchin. Pero sa ngayon kailan ko munang mahatid si lita sa kanila at baka ito na din ang perfect chance na ipaalam sa pamilya ni benji ang totoong nangyari sa kanya.

"Ate ilang taon na po pala kayo?" tanong ulit ni lita sa sakin. Ngayon sigurado na akong magkapatid sila ni benji parehas silang madaldal, yun nga lang magkaiba sila ng dahilan kung si lita ay palatanong, si benji naman ay sobrang hanggin.

"Mag 18 na ako next month ikaw ilang taon ka na lita?" next month na nga pala ang birthday ko, ang debut ko. Kung hindi pa ako tinanong ni lita ng edad ko hindi ko maalala na birthmonth ko nga pala next month, sa sobrang dami kong iniisip nakailimutan ko na pati ang birthday ko.

"Hindi man po halata pero 11 years old na po ako." natatawang sagot nya sakin. Maliit at payat lang si Lita kaya hindi mo ngang mapapagkamalang 11 years old na sya, Pero dahil magkapatid sila ni benji kitang kita mo pa din ang ganda nya sa liit ng katawan nya.

"Malapit na po tayo ate ganda." biglang sabi nya sakin.

At gaya ng sabi nya ay maya-maya lang ay tumigil na ang tricycle na sinakyan namin.

"Saan ang bahay nyo dito lita?" takang tanong ko sa kanya habang nakatingin sa iilang bahay dito sa paligid namin.

"di nyo pa po makikita ang bahay namin kailan pa po nating maglakad ng ilang minuto." nagsimula na syang maglakad at sinundan ko naman ang dinadaanan nya.

"Anong grade ka na nga pala lita?" tanong ko sa kanya habang naglalakad kami.

"Grade 6 na po dapat ako ngayon kaso kailangan ko pong tumigil para tulungan sina nanay at tatay." sagot nya sakin. Sinilip ko naman ang mukha nya pero walang bakas ng lungkot akong nakita sa halip mukhang enjoy na enjoy syang tulungan ang kanyang mga magulang.

Napatingin naman ako sa paligid at umaasang makikita si benji pero simula kanina na sinabi nyang kapatid nya si lita ay hindi na ulit sya nagparamdam sa akin.

Madalim na ang paligid pero sapat na ang ilaw na ng gagaling sa buwan para makita ko ang ganda na paligid. Iilan lang ang bahay dito kaya mas malawak ang lupa para sa iba't ibang pananim. Mas lumakas na din ang hangin at mukhang uulan pa kaya mas nararamdaman ko ngayon ang pagsising hindi pagdadala ng jacket.

"Ayon na po ang bahay namin." masayang tinuro nya ang isang maliit na bahay kubo na napapaligiran ng iba't ibang pananim.

"Nay! Tay! nandito na po ako." malakas na bati ni lita kahit malayo layo pa kami sa kanila.

"Lita! bilisan mo ang gamot ng nanay mo!" sigaw naman ng isang matandang lalaking kalalabas lang mula sa bahay nila. Sya na siguro ang tatay nila benji.

Mabilis namang tumakbo si lita papasok sa bahay nila kaya naiwan ako dito sa labas kasama ang tatay nya.

"Magandang gabi ho." magalang na bati ko sa kanya.

"Magandang gabi din iha, anong maitutulong ko sa iyo?" nakangiting tanong nya sakin.

"Ahhh wala ho hinatid ko lang po dito si lita sa inyo." sagot ko sa kanya. Namumuti na ang ilang buhok nya pero makikita po pading may malakas syang katawan. Hula ko ay nasapagitan ng 45 hangang 50 years old na ang edad nya.

"Nako maraming salamat sa paghatid kung ganun kay lita iha, halika pumasok ka muna." alok nya sakin.

Naghahati naman ang isip ko kung tatanggihan ko ba sya at uuwi na pabalik sa hotel o tatanggapin ko ang alok nya at sabihin na kaibigan din ako ni benji.

"Sige po." bahala na pero nandito na din naman ako di'ba.

"Pagpasensyahan mo na itong maliit na bahay namin iha ha" sabi nya habang pinapasok ako sa bahay nila

"sige maupo ka muna dyan at ikukuha kita ng maiinom." umupo naman ako sa kanilang gawa sa kahoy na upuan habang pumunta sya sa kusina nila.

Maliit lang ang bahay nila ngunit sapat na para sa kanilang apat na ngayon ay tatlo na lang. May tatlong pintuan sa harapan ko na hinala ko ay kay kwarto lita, sa mga magulang nila, at kay benji na kwarto.

Bumalik naman ang tatay ni lita mula sa kusina na may dala dalang isang basong tubig. "Iha pagpesensyahan mo na at tubig lang ang maiiaalok ko sa iyo."

"Nako ayos lang po." sabi ko sa kanya habang inaabot ang basong tubig.

bigla namang bumukas ang pinto sa dulo at lumabas si lita habang akay-akay ang isang matandang babae, ang nanay nya.

"Nanay, sya po yung sinasabi ko sa inyong nagligtas sa akin." sabi ni lita na makaupo sila ng kanyang nanay sa tabi ko.

"Nako, maraming salamat iha sa pagligtas sa anak ko." mabilis na sabi sakin ng nanay ni lita. Gaya ng tatay nila mukhang hindi pa din katandaan ang nanay nila.

"Bakit? anong nangyari sa iyo lita?" nag-alalang tanong sa kanya ng tatay nya.

"Alam mo bang muntik na pa lang masagasaan itong anak mo sa pagmamadaling makauwi." sagot ng asawa nya sa kanya.

"Di'ba sinabihan na kitang titingin ka muna sa kaliwa at kanan bago ka tumawid lita." sermon sa kanya ng kanyang tatay.

"Nagmamadali nga ho kasi akong makauwi para makainom na po kaagad si nanay ng kanyang gamot." pagdadahilan ni lita.

"May masakit ba sayo? nasugatan ka ba? halika pumunta tayo sa center para makasigurado tayong walang nangyaring masama sayo." alalang tanong sa kanya ng tatay nya habang tinitingnan ang kanyang mga siko at braso.

"Si Tatay nagiging OA na naman. Wala po akong sugat tingnan nyo pa po. kahit galos po wala kayong makikita." natatawang umikot na ilang beses si lita sa harapan ng kanyang tatay at nanay para masigurado na ayos lang talaga sya.

Ang saya nilang tingnan magkakasama mararamdaman mo talaga ang pagmamahal ata concern nila sa isa't isa. Ibang iba sa nasa isip ko na pamilya ni benji.

Base kasi sa mga nakwento sakin ni benji, Tutol silang umalis si benji dito sa baguio. Ayaw nilang kunin ni benji ang scholarship na inaalok sa kanya sa batangas at mas gusto nilang magtrabaho sa bukid si benji kasama nila. Kaya ang na-imagine ko na isang matapang at striko ang kanilang tatay at ganun din ang nanay nya. Ngunit nagkamali ako, maluwag na pinapasok nila ako sa kanilang bahay at maayos ang naging trato nila sakin.

"Sya nga po pala si Ate cathy, ate ganda sila po ang aking mga magulang sina nanay andeng at tatay carlito" pakilala nya sakin sa kanyang mga magulang.

"Maraming salamat ulit cathy sa pagligtas sa anak ko." pasasalamat sakin ni mang carlito

"Nako walang anuman po, lahat naman po ata ay ganun din ang gagawin kung may makikita kang may kailangan ng tulong mo." yun naman ata talaga ang initial instict ng tao di'ba kapag may nakita kang nangangailangan ng tulong, ay ang tumulong. Tama naman di'ba? o ako lang yon?

"Hindi lahat iha, iilan lang ang mga taong may busilak ang puso kagaya mo cathy na handang ibuwis ang buhay para sa iba."

Gaya ni Lita ay madaldal at pala kwento din ang kanyang mga magulang lalo na ang kanyang tatay. Masayang masaya syang ikwenekwento sakin ang mga araw kung paano nya napasagot si aling andeng.

Sa sobrang saya ng kwentohan namin ay hindi ko na napansin ang oras at kahit ang mismong dahilan kung bakit ako pumunta dito ay nakalimutan ko na din.

"Gusto ko pa man pong makipagkwentohan sa inyo pero kailangan ko na pong umuwi at gabi na din po." magalang na sabi ko sa kanila.

7:00 na ng gabi at sigurado akong sa oras na ito ay nagwawala na si miss minchin dahil wala pa ako sa kwarto namin.

Naiwan ko din sa bag ko sa hotel ang cellphone ko kaya hindi ko matetext kung nasaan ako ngayon. at kahit may cellphone man ako ngayon ay hindi ko din iyon magagamit kasi kahit isa sa mga kasama ko ay wala akong number at higit sa lahat expired na ang unli ko.

katatayo ko palang sa upuan ko na biglang may sunod sunod na patak na ulan ang buhos sa bubong at ilang sandali lang ay mas lumakas pa ito. Ano ba yan may bagyo pa yata.

"Nako iha ang lakas na ng ulan sa labas, mahihirapan ka nang byumahe at hindi na din naman ligtas kung aalis ka pa ngayon kaya dito ka na lang muna magmalipas ng gabi at bukas ka na lang ng umaga umuwi iha." suhesyon sakin ni aling andeng.

Magandang pagkakataon na sana ito para sabihin sa kanila ang totong nangyari kay benjamin pero mas kailangan ko na ngayon makabalik sa hotel dahil mapapagalitan talaga ako nito ni miss minchin. Babalik na lang siguro ako dito bago kami bumalik sa batangas.

"Maraming salamat po sa concern nyo aling andeng pero... AY!" gulat na sigaw namin ni lita ng biglang kumulog ng malakas sabay buhos ng mas malakas na ulan.

I guess it's really destined for them to know the truth now.








------------------------------<3

After 4 months sa wakas nakapagupdate na din hahaha sarreh medyo inabot na ako ng forever bago nakaupdate ulit medyo busy lang talaga ako this past few months...


Grabe masyado akong naooverwhelm sa comment nyo last chapter kahit 9 lang yun at puro "update na" ang nakalagay hahaha ang babaw ba? kasi naman nakakatuwang may nagbabasa pa pala nito. So ayun na nga na-inspired na akong tapusin to sa lalong madaling panahon hahah I'll try to update more often na just for you! :*


Comment lang wag mahiya :) nakakatuwang magbasa ng comment mo lalo na pagpositive :)


<3

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...