Tell Me How To Love [Fin]

By YGDara

1.9M 50.7K 2.6K

Barkada Babies Series #2 Paano niya masusuklian ang pagmamahal na binibigay sakanya kung hindi naman niya ala... More

Tell Me How To Love
Prologue
One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty-one
Twenty-two
Twenty-three
Twenty-four
Twenty-five
Twenty-six
Twenty-seven
Twenty-eight
Twenty-nine
Thirty-one
Thirty-two
Thirty-three
Thirty-four
Thirty-five
Thirty-six
Thirty-seven
Thirty-eight
Thirty-nine [1]
Thirty-nine [2]
Thirty-nine [3]
Forty
Epilogue
Note

Thirty

41.4K 978 112
By YGDara

Paggising ni Kai ay nakadama kaagad siya ng uhaw, kaya kahit kalahati palang ng diwa niya ang gising, lumabas siya ng kwarto at nagtungo sa kusina para kumuha ng maiiinom. Papikit-pikit pa siya habang inuubos ang isang basong tubig nang biglang may lumabas sa kabilang kwarto na ikinalaki ng gulat niya.

Agad niyang tinignan ang itsura niya at tanging damit ni Isaac ang suot niya.

"Oh! Kai, ikaw pala iyan." gulat na saad ni Dami nang makita siya nito sa may kusina.

Tinubuan siya ng hiya sa katawan. Ano nalang iisipin ni Dami sakanya? Nakita siya nitong nasa sariling kusina na suot lamang ang tshirt ng kambal nito. Though, wala naman sa mukha ni Dami ang pang-aakusa, still, nakakahiya parin.

"Ahm, ano, nakitulog lang talaga ako. Walang nangyari." nahihirapan niyang paliwanag kay Dami na nakatayo lang sa harap niya at inaayos ang relo nito. Bagong ligo at bihis na ito para pumasok.


Pasimple niyang tinatakpan ang sarili nang tignan siya ni Dami. "Hey, wala naman akong sinasabi. Besides, I'm kind of used to it- shit! Sorry, Kai! Ano... I have to go."

Tinignan niya lang ang nagmamadaling pigura ni Dami na palabas na ng unit. Na-estatwa siya sa kinatatayuan. Napag-isip siya sa sinabi ni Dami. Hindi naman nito sinasadya iyon. Alam naman niya sa sarili ang pinasok niya. Oo, siguro nga dati mahilig talagang mag-uwi ng babae si Isaac, pero noon naman siguro iyon 'di ba? Tapos na. Pinagkakatiwalaan niya si Isaac at pinagkakatiwalaan niya na mahal talaga siya nito. Hinding-hindi siya lolokohin ni Isaac.

Huminga siya ng malalim at pumasok na muli sa kwarto ni Isaac. Naabutan niya itong nagsusuot na ng tshirt.

"Pwede mo ba akong ihatid pauwi?" tanong niya.

"Oo naman. Ihahatid talaga kita, tapos hihintayin narin kita para sabay na tayong pumasok."


Sinikop niya ang mga damit niya na nakatupi sa may upuan at naglakad papasok sa banyo. "Huwag mo na ako hintayin, tanghali pa pasok ko 'di ba? Baka ma-late ka pa."

"Oo nga, ano. Pasok ka nalang ng maaga." nakangiting sabi ni Isaac sakanya. Kapag ganito ang hitsura nito, alam niyang nang-aakit nanaman ito. Napangiti narin siya.

"At ano naman ang gagawin ko doon? Isa pa, madami pa akong gagawin sa bahay. Magkita nalang tayo pag uwian."

Matapos niyang magbihis, inihatid nga siya ni Isaac sa bahay. Nagkasundo silang magkita nalang pag uwian na dahil wala silang parehong schedule sa araw na ito.

Pagdating niya sa bahay sangkatutak na kalat nanaman ang iniligpit niya. Pagkatapos ay tsaka palang siya naligo at nag-ayos para sa pagpasok. Palabas na sana siya ng harangin siya ng Uncle Miguel niya.

"May pera ka ba diyan? Bigyan mo na ako kahit dalawang libo lang." sabi nito sa gilid niya habang hinihithit nito ang sigarilyo nito.


Kumuyom ang kamao niya. Ito nanaman sila. Manghihingi ng pera na akala mo'y may patago sakanya. "Wala po akong pera, Uncle."

Napa-igik siya nang haltakin nito ang braso niya at mas diniinan ang pagkakakapit doon.

"Ano'ng walang pera?! Hoy, Kai. May nobyo kang mayaman, may dalawa pang lalaki na mayaman ang sumundo sa'yo noong nakaraan, dalawang libo lang ang hinihingi ko sa'yo!"

Naamoy niya ang alak sa hininga ng Uncle niya. Alam niyang lasing ito kaya nagtimpi pa siya ng kaunti. Inaalala nalang niya na kaunting buwan nalang, makakalaya na siya sa impyernong ito.


"Uncle, nasasaktan ako."


"Talagang masasaktan ka sa'king puta ka! Ano?!"

Hinatak pa siya palapit ng Uncle niya. Ramdam na niya ang hininga nito sa leeg niya na ikinadidiri niya. Nagtutubig na ang mga mata niya dahil sa galit na nararamdaman niya.


"Hindi ba't nagpapatikim ka sa mga mayayayamang lalaking iyon kaya alam kong marami kang pera. Kaunting halaga lang ang hinihingi ko, Kai. Pagbigyan mo na si Uncle."

"Uncle! Bitiwan mo ako!" sigaw niya nang dampian siya ng halik sa leeg nito.

Malakas na itinulak niya ang Uncle niya at bumagsak ito sa center table ng sala. Napasigaw ito at saktong lumabas sa kusina ang Auntie niya na nanlalaki ang mata sa nakita.

"Punyeta! Ano'ng ginawa mo sa asawa ko!" sigaw sakanya ng Auntie Cora niya. Humahangos na nilapitan nito ang asawa na panay ang mura dahil sa sakit na nararamdaman.

Mabilis na umalis siya ng bahay nila. Wala siyang pakealam kung marami man ang makakita sakanya na umiiyak siya. Basta mabilis ang lakad niya, hindi alam kung saan pupunta, basta gusto niya lang makalayo sa bahay na iyon, sa mga demonyong iyon.

Napatigil siya sa paglalakad nang may tumigil na kotse sa harap niya. Buong akala niya ay si Isaac iyon, pero nagkamali siya. Isang malaking lalaki ang lumabas na ikinatakot niya.

"Ma'am, sumakay na po kayo sa kotse. Ihahatid na po namin kayo."


Nangunot ang noo niya. Dumistansya siya sa lalaki. "Sino kayo?"

"Kami po ang mga bodyguards na kinuha ng magkapatid na Reynolds. Ma'am, delikado po lalo na't ganyan ang estado ninyo."

Hindi na siya tumanggi pa at sumakay na sa loob. "Pwede ba'ng ihatid niyo ako kay Don?" pakiusap niya.

Tumango lang ito at hindi na nagsalita pa. Tumigil ang sasakyan sa The Royal - isang sikat na hotel dito sa Pilipinas. Iginiya siya ng bodyguard niya habang ang kasama din nitong lalaki ay may kausap sa telepono.

Pumasok sila sa elevator at pinindot lang ang 'P' na akala niya'y penthouse, pero nang makarating sila ay opisina pala iyon.

Naglakad sila at may sumalubong sakanilang babae na may hawak na clipboard. "May appointment po ba kayo kay Mr. Reynolds?"

"Sabihin mo nandito si Kai." seryosong sabi ng bodyguard niya sa gilid niya.

Tumango lang ang babae at ilang sandali lang ay bumalik ito at pinapasok na siya. Tinignan niya ang dalawang bodyguards niya.

"Hindi ba kayo sasama?"

"Hindi na po, ma'am. Maghihintay po kami sa may baba."

Tumango lang siya at pumasok na sa loob ng opisina ni Don. Nakita niya itong may kausap sa phone kaya naghintay muna siyang matapos ito.

Pinagmasdan niya ang opisina nito. Walang masyadong design. Simpleng beige and white lang ang wallpaper nito. May coffee machine sa gilid, may parang mini sala sa kabila at ang table nito sa gitna. Sa table naman nito, makikita ang isang laptop, organizers, telepono at isang picture frame na nakatalikod sakanya kaya hindi niya alam kung sino ang nasa picture frame.

"Sit down, Kai." tawag sakanya ni Don at iyon nga ang ginawa niya. Umupo siya sa couch na nasa mini sala nito. Lumapit ito at tumabi ito sakanya.

"Umiiyak ka daw nang lumabas ka ng bahay ninyo." sabi nito na nasa tono ang kasiguraduhan.

Hindi siya nagsalita dahil totoo naman ang sinabi nito. Kaya naman, nagsalita ito muli. Pero ngayon ay nakakatakot na ang toni nito. "What did they do to you?"

Hindi parin siya nagsalita dahil maiiyak nanaman siya. Ano ba ang nangyayari sakanya? Hindi naman siya ganito. Matapang siya. Hindi iyakin. Pero siguro nga, may hangganan ang lahat. Siguro nga napapagod na siya at gusto niya nalang makawala.

"Fuck!" mura ni Don sa gilid niya. Tinignan niya ito at nakita niyang pinagmamasdan nito ang braso niya na may namumuo ng pasa dahil sa higpit na hawak ng Uncle Miguel niya kanina.

"I will kill them. I'll fucking kill them!" mariing bulong ni Don.

Nagsimula na siyang umiyak. Hindi niya alam kung bakit ba bigla nalang siya naiyak, pero sa puntong iyon, umiyak lang ang gusto niyang gawin. Nakita nalang niya ang sarili sa loob ng mga bisig ni Don. And it felt good. She felt like she's really home.

Mabilis man ang pangyayari, pero sobrang panatag niya sa magkapatid na Reynolds. Para bang may nag-uugnay sakanilang tatlo. Hindi niya lang mapangalanan kung ano.

Nakatulog siya sa may opisina ni Don at paggising niya ay alas-sais na ng gabi. Bigla siyang napabalikwas ng tayo nang maalala niyang magkikita sila ni Isaac. Kinuha niya ang phone niya at nakitang maraming texts at missed calls na ang galing kay Isaac. Tinext niya ito na papunta na siya.

Sakto, paglabas niya ng opisina ay nakita niya si Don na kausap ang mga bodyguards niya. May sinabi pa ito at maya-maya lang ay umalis na ang mga bodyguards niya.

"Gising ka na pala, let's have dinner with King." tukoy nito sa nakatayandang kapatid.

"Ahm, ano kasi. Magkikita kami ni Isaac. Kailangan ko nang umalis."

Wala naman nang sinabi si Don. Inalok siya nitong ihahatid siya kaya naman hindi na siya tumanggi dahil nagmamadali narin siya. Kanina pa naghihintay si Isaac sakanya.

Pagkarating sa SCU, nagpasalamat siya kay Don. Lumabas ito sa kotse at niyakap siya.

"Malapit na, Kai. Ilalayo ka namin sakanila." bulong nito sakanya.

Hindi na siya nakapagtanong pa dahil mabilis narin itong umalis. Kahit na nagtataka, naalala niya si Isaac kaya naman mabilis na tumalikod siya para puntahan si Isaac. Pero laking gulat niya na naroon si Isaac sa may likuran niya. Seryoso at galit ang ekspresyon nito.

"Hanggang kailan mo ko pagmumukhaing tanga, Kai?"

"Isaac, hinatid lang ako ni Don."

"Hindi ka pumasok! Wala ka buong maghapon. I was calling non-stop, pero hindi ka sumasagot. I was worried, and then I'll find out na kasama mo lang ang lalaking iyon?! Ilang beses na Kai! Ilang beses ko na kayong nahuli, pero nagbubulag-bulagan ako! Mahal kasi kita eh!"

Nadurog ang puso niya sa nakikita. Nasasaktan niya na si Isaac ng hindi sinasadya. Dahil sa pinili niyang desisyon na huwag isali si Isaac sa gulo ng buhay niya, nasasaktan niya ang tanging lalaking tinuruan siyang magmahal.

"N-Nakatulog kasi ako kanina kaya hindi ko nasagot mga tawag mo."


Nakakatakot na ngumisi si Isaac. "Nakatulog? Saan? Kasama si Don? Wow, funny how you were by my side last night and then I'll found out you were at someone else's bed. You really have the habit of hurting me."

Nilapitan niya si Isaac. "I'm not cheating on you, Isaac. Hinding-hindi ko gagawin iyon sa'yo. Bakit mo ako inaakusahan ng ganyan!"

"Eh ano'ng gusto mong isipin ko, Kai?! Gulong-gulo na ako. Kahit na sabihin mo sa'kin ng paulit-ulit na walang namamagitan sainyo ng Don na iyon, hindi mo maiaalis sa'kin na magalit at magselos sa tuwing makikita ko kayong nagyayakapan sa harap ko!"

"Hindi mo kasi naiintindihan, Isaac... may- may mga bagay na mahirap sabihin."

Inihilamos ni Isaac ang kamay nito sa mukha. "Eh, pucha naman eh! Ipaintindi mo sa'kin, Kai! Para saan pa na boyfriend mo ako kung hindi mo ako pagkakatiwalaan sa mga problema mo." Nilapitan siya ni Isaac at hinawakan sa braso. "I'll listen, I'll understand kahit na mahirap."

Nagtatalo ang isip at utak niya. Gustong-gusto niyang sabihin kay Isaac lahat. Pero sa tuwing naiisip niya na malaki ang porsyento na baka mapahamak si Isaac, umuurong ang dila niya. Sa huli'y napayuko nalang siya at umiling.

Napahagulgol siya nang unti-unting bumaba ang mga kamay ni Isaac.

"I'm sorry, Isaac. Pero hindi ko kaya..."

"Kaya mo, Kai. Ayaw mo lang. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko na alam kung saan ako lulugar sa buhay mo. Ayaw mo naman kasi ako papasukin. Paano mo malalaman, kung ayaw mong subukan?" bigong sabi ni Isaac.

Wala siyang nagawa nang iwan na siya ni Isaac. Walang ibang pwedeng sisihin sa nangyayari sa relasyon nila kundi siya. Mahal niya si Isaac, mahal na mahal. Pero siguro nga, mahina talaga siya.

Hindi niya alam kung saan siya pupunta. Pero gabi na, kaya pinili niyang umuwi. Pagpasok niya ng bahay, natataka siya kung bakit ang dilim. Sa isip niya'y, baka siguro umalis ang Uncle at Auntie niya.

Maganda iyon, malaya siya. Bawas problema. Pagpasok niya sa loob ay napasigaw nalang siya nang may humawak sa leeg niya pero mabilis na tinakpan ng taong humawak sakanya ang ilong niya ng panyo.

And suddenly, all she saw was black.

--------

VOTE AND COMMENT.
FOLLOW ME @kendeyss

Continue Reading

You'll Also Like

1K 106 22
Minsan, makakahanap tayo ng kapayapaan, kalinga at siguridad sa pinaka hindi natin inaasahang tao. *********** Sakit. Pighat...
612K 25.5K 18
"Mi vida, mi alma, mi amor." ZETA WEIBLICH COMMUNITY SERIES: a series collaboration of Frappauchino and YGDara. ZWCS#6: Despacito -Cassidy Anne Mendez
RELINQUISH By anamariess

General Fiction

1.2M 24.7K 37
[ Published by Red Room Books. Now available in pocketbook and digital format. ] [ Wattpad Version Complete Chapters ] [ #Wattys2018 SHORT LISTER ] •...
3.2M 62.1K 45
Barkada Series #5: Vin Fortez Ano nga ba ang kaya mong gawin para sa mahal mo? Vin Fortez is Erin Romualdez's own Superman. Lahat ng kapritso nito ay...