Invisible Girl (Reprint unde...

By aLexisse_rOse

12.2M 195K 19K

Muriel was forced by her Boss to be her son's PRETEND GIRLFRIEND because of one reason- her VOICE. His Ex and... More

Chapter One: Her Voice
Chapter Two: The Meeting
Chapter Three: Hardheaded vs Hardheaded
Chapter Four: The Shower Scene
Chapter Five: Unexpected Kiss
Chapter Six: Stick to the Plan
Chapter Seven: Jealous
Chapter Eight: Jealous part2
Chapter Nine: That Guy
Chapter Ten: Sick
Chapter Eleven: The Other Guy
Chapter Twelve: Chaperone
Chapter Thirteen: New Look
Chapter Fourteen: His Childhood Sweetheart
Chapter Sixteen: The Light
Chapter Seventeen: Bad Dream
Chapter Eighteen: Fallin
Chapter Nineteen: Big Decision
Chapter Twenty: Last Day
Chapter Twenty One: Why Me?
Chapter Twenty Two: Back to Manila
Chapter Twenty Three: He's Curious
Chapter Twenty Four: He's Back!
Chapter Twenty Five: Face Off
Chapter Twenty Six: Mistaken
Chapter Twenty Seven: Broken Hearts
Chapter Twenty Eight: DejaVu
Chapter Twenty Nine: Careless
Chapter Thirty: Surprise Guest
Chapter Thirty One: The Confrontation
Chapter Thirty Two: Moving On
Chapter Thirty Three: Love Rain
Chapter Thirty Four: Together Again
Chapter Thirty Five: Finale
Epilogue:

Chapter Fifteen: She's Jealous

283K 4.4K 163
By aLexisse_rOse

Chapter Fifteen: She's Jealous

<Muriel POV>

Maaga akong nagising kinabukasan. Parang tinatamad pa nga akong bumangon. Pero nang maalala ko ang oras ng pag-inom ng gamot ni Riley ay tumayo na rin ako. I'm not a morning person. Ngunit ewan ko ba kung bakit pagdating sa lalaking iyon ay nagigising ang dugo ko. Siguro dahil nasanay ako na mayroon nakukulit tuwing umaga.

Paglabas ko ng pinto ay eksakto naman na papasok si Lara sa pintuan ng kuwarto ni Riley. Kasunod nito si Mila na may bitbit na tray ng pagkain. I almost forgot about her. At kinarir na talaga niya ang pag-aasikaso sa binata. Baka naman hanggang sa paliligo ni Riley ay makialam pa siya?

The hell I care! Sabi ng isip ko. Oo nga! Ba't ko ba sila pinoproblema? Dapat nga ay matuwa ako. Dahil nabawasan ang trabaho ko at hindi pa ako mapapagod. At kung anuman ang gawin nilang dalawa, labas na ako dun! In the first place, hindi naman talaga ako si Samantha.

Mag-isa akong kumakain ng almusal. Maya-maya ay dumating si Jared at sinamahan ako sa mesa. Nakakapagtaka ang pananahimik niya. Kung sabagay pabor sa akin iyon. Ayoko ng may kasamang maingay. At ayoko rin sa lahat na may nambubuwisit sa akin lalo na kapag bagong gising ako. Lalo na ngayong wala ako sa mood. Tahimik kaming kumakain at walang kumikibo sa aming dalawa.

Nakita ko ang pagtataka sa mukha ni Nana Tonya habang pinapanood niya kaming kumain. Parang gusto niyang magsalita pero mas pinili niyang huwag na lamang kumibo.

To my surprised, bigla na lang bumulanghit ng tawa si Jared sa pagkamangha ko.

Nasisiraan na yata siya ng ulo! Bahagya kong inilayo ang plato ko sa kanya na para bang anumang oras ay may gagawin siyang masama sa akin.

"You're funny!" He said while still laughing.

Ako pa ngayon ang nakakatawa? Buhusan ko kaya siya ng mainit na kape?

Napailing na lang ako. He's hopeless. He really needs a medical attention.

"Masyado kang obvious, alam mo ba iyon?" He said again. At hindi ako nakaiwas nang idampi nito ang daliri sa tungki ng ilong ko. Pagkatapos ay ipinikita sa akin ang pawis na naroon. "See this." 

"Eh, ano naman kung pinagpapapawisan ang ilong ko?" I snapped. "Ngayon ka lang ba nakakita ng ilong na pinagpapawisan?"

Matutuwa na sana ako sa pananahimik niya. Ngunit hindi talaga nakukumpleto ang araw niya na hindi niya ako naaasar.

Nakakaloko na ngumisi pa si Jared. "You're jealous."

"Me?" Sabay turo sa sarili ko. "Why would I get jealous?" Iniisip ba niya na nagseselos ako kay Lara?

"Why don't you ask yourself?" Sabay tayo at nilayasan akong bigla. Ngunit bago siya tuluyang makalagpas sa pintuan ay muli siyang lumingon sa akin.

"You're not in yourself today Muriel. Gusto ko lang ipaalala sayo na may pasok ka ngayon sa trabaho."

Oh sheeeeeet! Napatayo akong bigla sabay tingin sa suot kong relo. At nakipag-unahan ako kay Jared paakyat ng hagdanan. Mayroon pa akong forty five minutes bago ma-late. Naman! Bakit ba kasi nawala sa isip ko ang tungkol doon?

It's good to be back! Na-miss ko talaga husto ang pagpasok sa trabaho. Kulang na lang ay yakapin ko aking working table, lalo na ang aking desktop sa sobrang pagkasabik. Mabuti na lamang at hindi ako na-late. First day ko pa naman pagkatapos ng mahaba kong "bakasyon", na hindi ko naman na-enjoy! Pasalamat na lang ako at kaskasero ang driver ng taxi na nasakyan ko.

Hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala si Jena. "Huy... magkuwento ka naman tungkol sa guwapo mong boyfriend na kasama mo kahapon?"

"Bruha ka! Kunwari ka pa na manhater ka yun pala mayroon ka nang dyowa." Si Ichi na nasa kabilang side ko naman. "At hindi lang basta papa... hot na hot papa! Ang haba ng buhok mo girl!" Sabay hila sa dulo ng buhok ko.

"Aray! Hindi ko siya boyfriend." Walang gana na sabi ko. Iyon naman talaga ang totoo. At ayokong magsinungaling sa kanila.

"Owwss?" Hindi sila kunbinsido sa sinabi ko.

Bahala sila kung ayaw nilang maniwala!

"Hay naku! Ayaw mo lang talagang magkuwento." Sinimangutan lang ako ni Jena.

"Huwag na natin siyang pilitin! Baka nga naman mausog pa natin at mapurnada pa ang lovelife niya." Ang talim ng irap sa akin ni Ichi.

Pero ako dedma lang. Sanay na ako sa kanilang dalawa.

"Nasaan na nga pala ang mga pasalubong namin?" Biglang naging mabait sa akin si Jena. Si Ichi naman ay yumakap pa sa braso ko.

Isa pa iyon sa nakalimutan ko! Nakalimutan kong magdala ng props. Iyon pa naman ang kabilin-bilinan sa akin ng dalawa pagbalik ko.

"Bad news guys. Nawala ang bagahe ko sa airport. At nandun ang mga pasalubong ko sa inyo." Buti na lang at mabilis na gumana ang isip ko.

"Wala ka talagang kuwenta!" Sabay bitiw sa akin ni Ichi. 

Nag-back out naman si Jena. "Ang dami-dami mo nang atraso sa amin!" pahabol pa niya. "Kaya dapat lang na sagutin mo ang lunch namin!"

Tignan mo ang mga 'to! Ang sasama ng ugali. Mabuti na lamang at kabisado ko na mga likaw ng bituka nila.

Tambak ang trabaho ko nang araw na iyon dahil matagal din akong nawala. Hindi ako nagdalawang isip na mag-overtime. Mas gugustuhin ko pang magbababad sa trabaho kaysa maabutan sa bahay ang maarteng Lara na iyon.

You're jealous! Bigla kong naalala ang sinabing iyon ni Jared sa akin kaninang umaga.

Maybe I was. Pero hindi katulad ng iniisip nito. Pakiramdam ko lang kasi ay nabalewala ako kay Riley dahil sa pagdating ng babaing iyon. But it doesn't mean na nagseselos nga ako, yung selos na para bang may feelings ako sa kanya.

Mabilis na pinilig ko ang ulo. Ayoko na munang isipin ang tungkol sa bagay na iyon. Lalo lamang sumakit ang ulo ko. At marami pa akong kailangan tapusin na trabaho na mas mahalaga kaysa roon.

Pasado alas otso na ng gabi nang makauwi ako. At naabutan ko sina Riley at Lara na masayang nagkukuwentuhan sa may sala. Gusto ko sanang umiwas. Pero nakita na ako ni Lara sa may pintuan.

"Sam, ikaw na ba yan?" Naramdaman marahil ni Riley ang presensya ko.

Hindi sana ako magsasalita pero nakatingin sa akin si Lara. Ayokong isipin niya na apektado ako sa presensya niya kung bigla ko na lang silang tatalikuran.

"Yes, it's me." I tried to smile.

"Come here." Tinapik niya ang bakanteng upuan sa tabi niya. "Why don't you join us?"

"Pagod ako Rai. Bukas na lang tayo mag-usap." Hindi ko na siya hinintay na sumagot. At umakyat na ako ng hagdan.

Kahuhubad ko pa lang ng sapatos nang bigla na lamang sumulpot si Riley sa kuwarto ko. Sumunod pala siya sa akin.

"We need to talk Sam."

I sighed. "I'm tired. Pwede bang bukas na lang?" 

"You're avoiding me since yesterday. Akala mo ba hindi ko nahahalata iyon?"

Pumihit ako paharap sa kanya, with my hands on my waist. Nahahalata mo na pala eh bakit parang okay lang sayo? Gusto ko sanang sabihin sa kanya pero pinigilan ko lang ang sarili ko.

"I'm not avoiding you. Akala mo lang siguro iniiwasan kita. Masyado ka kasing abala sa presensya ng bisita mo."

And speaking of his bisita, talagang sinundan niya si Riley hanggang sa kuwarto ko. Ano ba talaga ang gustong palabasin ng babaing ito?

"Riley bakit mo ako iniwanan?" 

I almost rolled my eyes. Iyon na naman ang maarte niyang tinig. 

"We're not done yet." Kumapit ito sa braso ni Riley sabay hila rito. "Marami pa tayong pagkukuwentuhan."

"Mauna ka na sa ibaba, Lara." Si Riley. "Susunod na lang ako. I just need to talk with her."

"She says she's tired so let her be. Kaya halika na!" Pangungulit pa rin ni Lara.

Sinulyapan ko ang reaksyon ni Riley. Hindi na maipinta ang mukha niya.

"Lara please..."

"Riley naman eh!"

"Pwede bang bigyan mo naman kami ng oras para makapag-usap ng girlfriend ko!" Hala! Tuluyan nang nagalit si Riley. "Maghapon na tayong magkasama. Hindi ba pwedeng kami naman muna?" 

"Hindi mo ako kailangang sigawan!" Biglang humaba ang nguso ni Lara at inirapan ang binata. Pagkatapos ay nagmartsa ito palabas ng kuwarto.

"Lara..." Tinangka ni Riley na pigilan ito pero tuluyan na itong nakalabas ng silid. Napahawak siya sa batok na para bang sinisisi ang sarili dahil sa naging outburst niya. And it seems like he was torn between me and her. Para kasing gusto niyang sundan ang kababata.

"I think she's mad. Hindi mo ba siya susundan?" Sarkastikong sabi ko na hindi inaalis ang tingin sa kanya.

Isang marahas na buntong hininga ang pinakawalan niya bago humarap sa akin.

"Huwag mo sanang isipin na naiipit ako sa inyong dalawa?"

Dahil sa sinabi niya ay umaangat ang kilay ko. "Ayoko sanang isipin, pero hindi iyon ang nakikita ko sayo."

Muli siyang napabuntong hininga at humakbang palapit sa akin. Pero umiwas ako na mahawakan niya.

"Sam please... don't do this to me?"

"Don't do what? Wala pa akong ginagawa sa iyo Rai."

"Please don't be mad."

"I'm not mad!" Naiinis lang ako!

"Please try to understand. She's my childhood buddy. Matagal na panahon din kaming hindi nagkita."

"Hindi naman kita pinagbabawalan na makasama mo siya." 

"I know. Pero dahil doon ay iniiwasan mo na ako."

"Hindi kita iniiwasan."

"Please don't get jealous."

"Why Would I get jealous?" Tumaas ang timbre ng boses ko dahil doon. Kanina pa niya pinag-iinit ang ulo. Pagkatapos ay sasabihin niya ako na nagseselos sa Larang iyon!

Napabuntong hininga ulit si Riley. "You're right, bukas na lang tayo mag-usap. Obviously you're tired at ayokong magtalo tayo."

"Mabuti pa nga! Dahil hindi ko na nagugustuhan ang sinasabi mo." At tinulak ko siya palabas ng pintuan.

"Sam..." He tried to reach my hand. Pero mabilis na binawi ko ang aking kamay.

"Goodnight!" At pabalibag na isinara ko ang pintuan. 

Ako pa ngayon ang nagseselos! Asa pa siya! Kaya lang naman ako nagkakaganito dahil mas pinapaboran niya ang Lara na iyon. Katulad kanina parang napipilitan lang siya na harapin ako. Pero ang totoo gustung-gusto niya sundan ito. Akala niya siguro hindi ko nahalata iyon.

Pero kahit mukhang disisais anyos pa ang babaing iyon, di hamak na mas maganda pa rin ako sa kanya. Kaya wala akong dahilan para ma-insecure at pagselosan siya.

Kaya?

Continue Reading

You'll Also Like

123K 2.6K 52
"Change is the only constant thing in this world. Feelings change. Situations change. And sadly, we did too.." Aiza and Chuck's story after College...
3.4M 59.5K 33
Jerome Hernandez is currently the hottest NBA player. He became an overnight sensation because of his hypnotizing basketball skill, handsome look, in...
2.2K 113 8
Hi, mga mahal ko! If you are new to my stories, here is the list of how you should read them in order. I also have a list of my important announceme...
2.1M 142K 50
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...