Love at Second Sight (FINISHE...

By aieshalee

409K 5.6K 360

#880 ROMANCE Do you believe in love at first sight? Na-experience mo na ba 'yon? How about LOVE AT SECOND SIG... More

Introduction
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 57
Chapter 58
Interview with the Characters ( Thank Yous' & Goodbyes' )
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Epilogue PART 1
Epilogue PART 2
Love at Second Sight : Author's Note

Chapter 56

3K 39 1
By aieshalee

Papasok na sana si Princess ng kotse niya ng marinig niyang may tumawag sa kaniya. Paglingon niya, nakita niya si Chariz na palapit sa kaniya.

“Pwedeng sumabay?” Kumapit pa ito sa braso niya.

“Chariz.”

“Bakit?” nakangiting tanong nito.

Dahan-dahan niyang inalis ang kamay nito sa braso niya. “We need to talk.”

“About what?”

“I don’t want to be rude but...”Tiningnan niya ito. “You’re a smart girl. You’re beautiful. Maraming nagkakagusto sa’yo. At mas deserving kesa sakin.”

“But I like you.”

“You just like me. You don’t love me. Siguro, nakuha ko lang ang atensyon mo dahil ako lang ang lalaking umiiwas sa’yo.”

“No, Aeroll.”

“I’m sorry, Chariz. I’m inlove with someone else.” Tumalikod na siya ng magsalita uli ito.

“Bakit, Aeroll? Do you know Princess very well para pagkatiwalaan mo siya?”

Kumunot ang noo niya at hinarap ito. “What do you mean?”

“Sinabi sakin ni Nico na kailan mo lang siya nakilala. Nung nagbakasyon ka. Pero ako, matagal ko na siyang kilala.” Mas lalong kumunot ang noo niya. “Yes, my dear. I’ve known her since our college days. She was my friend. I trusted her but she betrayed me. Inagaw niya ang boyfriend ko no’n. Pero hindi siya nagtagumpay. At sa sobrang galit niya sakin. Sinumpa niyang sa susunod na magkita kami, sisiguraduihin niyang maaagaw niya ang taong mahal ko. At nagtagumapay nga siya. Naagaw ka nga niya.”

“And for the record, nagkita na uli kami bago pa kayo magkakilala. At nalaman niyang ikaw ang gusto ko. Nagkataon pa na bestfriend niya si Cath, ang girlfriend ng pinsan mo. Kaya siya sumama sa bakasyon ninyo para akitin ka. For sure, nagpaawa siya sa’yo. Feeling damsel in distress. Gano’n naman talaga siya para makuha ang gusto niya. Mang-aagaw siya. Baka nga magulat ka na lang, pati pinsan mo, ahasin niya.”

“Stop it, Chariz!” Ayaw niyang maniwala sa sinasabi nito. Pero bakit kilala nito si Cath? Pero hindi eh, hindi gano’n ang pagkakakilala niya kay Princess.

“Bakit? Dahil hindi mo matanggap na all along pinasasakay ka lang pala niya?” Kinuha nito ang phone nito at may pinakita sa kaniya. Na ikinagulat niya. “See? Niloloko ka lang niya. May iba siyang lalaki maliban sa’yo. You don’t know her that well so don’t trust her.” Iyon lang at iniwan na siya nito.

Napasandal na lang siya sa kotse niya. Nakuyom niya ang kamao niya. Sa inis. Sa selos. Gulong-gulo na ang isip niya sa nalaman niya.

Pinakita lang naman ni Chariz sa kaniya ang picture ni Princess at ng lalaking ‘yon. Nakatalikod ang lalaki kaya hindi niya nakita ang mukha nito. Pero sigurado siyang si Princess ang babae. And that guy was kissing her! Hindi na niya kailangang alamin kung sino ang lalaking ‘yon. Sigurado siyang si James ‘yon! May hawak pa na bulaklak si Princess!

At naalala niya kahapon na ang weird ng ikinilos nito pagdating niya sa bahay nito na parang may itinatago na kung ano.

At bago pa ang lahat ng ‘yon. He saw her with someone. Not just someone, but that James. With his family dining out. Malakas ang kutob niyang si James ‘yon kahit hindi pa niya ito nakikita. Kasama niya si Harold no’n at nagkataong napadaan siya sa restaurant na ‘yon. Kitang-kita niya ang sweetness ng James na ‘yon kay Princess. Yun ba ang naghiwalay?

He lied to her ng sabihin niyang naka-duty siya ng gabing ‘yon. Alam niyang nakita siya nito pero ng mapalingon ito kay James ay umalis agad siya. Kaya siguro inisip nito na naghahalucinate lang ito.

Ayaw niyang tanungin ito about that. Gusto niyang magkusa ito. Alam niyang may paliwanag ito. Pero lumipas ang araw na wala itong sinabi.

Hindi na niya alam kung ano ang totoo.

Bakit hindi sinabi ni Princess sa kaniya na kilala nito si Chariz?

Ang sinabi ni Chariz about her!

Ang nakita niya ng gabing ‘yon!

Ang picture na pinakita ni Chariz!

“Princess... ano ba talaga ang totoo? Ano ba talaga?”


* * * * * * * *


Nasa harap siya ng bahay ni Princess. Tinatawagan niya ito pero walang sumasagot. Kanina pa siya nag-do-doorbell pero walang lumalabas. He needs to talk to her. Now.

Napalingon siya sa likuran niya ng may pumaradang kotse sa tabi ng kotse niya. Kumunot ang noo niya lalo na ng may bumabang lalaki mula sa kotse. Mas lalong kumunot ang noo niya ng makilala ito.

James! Anong ginagawa niya dito?!

Napalingon din ito sa kaniya. Mahabang sandali ang lumipas na parang pinag-aaralan siya nito. Siya din naman. Gano’n din.

Mas gwapo ako sa kaniya.

Lumapit ito sa gate ng bahay at nag-doorbell. Walang lumabas. Lumingon ito sa kaniya. “Is Princess here?”

“Wala.” Kaya nga walang lumalabas, eh.

“Are you his friend?”

Hindi niya alam kung nagmamaang-maangan lang ito o nagtatangahan. “No.”

Tumango-tango ito. “Ikaw pala ang lalaking...” He stopped.

“Lalaking ano? Bakit hindi mo ituloy?” Bwisit! Mainit ang ulo ko ngayon! Lalo na maalala niya ang picture na pinakita ni Chariz sa kaniya!

“Nevermind.” May kung anong kinuha ito sa bulsa nito. “Pakibigay na lang ito sa kaniya.” Nang hindi niya tanggapin ‘yon ay ipinatong nito ‘yon sa ibabaw ng kotse niya. “Nice meeting you.” Iyon lang at lumapit na ito sa kotse nito. Lumingon pa ito sa kaniya na parang may nakalimutang sabihin. “Invitation ‘yan sa birthday ng daddy ko.”

Pakialam ko sa birthday ng daddy mo?

“Pupunta si Princess.”

Kumunot ang noo niya. Anong gusto nitong palabasin?

“Tutal naman, alam mo ang sitwasyon namin, pwede ka ng sumama sa kaniya sa party.”

Ano bang pinagsasabi nito?

“Just bring that invitation. Hindi naman kailangan ni Princess niyan. Makakapasok siya ng wala ‘yan because my dad really adores her. Dinala ko lang ‘yan so I have the reason to see her. Just like yesterday.”

Kuyom niya ang kamao. Nanggaling nga siya dito kahapon!

“I will do everything to win her back. So, may the best man win, pare.” Pumasok na ito ng kotse at pinatakbo ‘yon.

Napasunod na lang siya ng tingin dito. Inis na sinipa niya ang gulong ng kotse niya. “Bwisit! Bwisit!” Tiningnan niya ng masama ang invitation na nilapag ng James na ‘yon sa ibabaw ng kotse niya. Inis na tinapon niya ‘yon sa basurahan at sumakay ng kotse niya.

“Pupunta si Princess.”

 “Tutal naman, alam mo ang sitwasyon namin, pwede ka ng sumama sa kaniya sa party. Just bring that invitation. Hindi naman kailangan ni Princess niyan. Makakapasok siya ng wala ‘yan because my dad really adores her.”

 “I will do everything to win her back. So, may the best man win, pare.”

Inis na hinampas niya ang manibela ng kotse niya ng maalala niya ang mga sinabi ng James na ‘yon. Lumabas siya ng kotse at kinuha ang invitation na nasa basurahan. Muntik nang malukot ‘yon sa kamay niya kung hindi lang niya napigilan ng sarili niya.

“Nasa’n ka ba kasi Princess?!”


* * *

A/N: Oh! Oh! Here's ome the trouble! Hahaha! May the best man win mga dude! :))))))))

Continue Reading

You'll Also Like

79.9K 1.2K 54
Si Tristan Paul Madrigal. Ang lalaking sobrang seryoso sa buhay lalo na pagdating sa pag-aaral. Matalino, masipag at gwapo. Iisa lang ang focus sa bu...
83K 1.3K 22
Pinili kong IWAN siya.. Pinili kong SAKTAN siya.. Pinili kong PROTEKTAHAN siya... Pero sa pagproprotekta ko sa kanya.. NAWALA siya sa akin.. ** 4 yea...
46.3K 542 34
[COMPLETED] Can true love can beat the power of first love? Anong laban ng pusong nagmamahal ng tunay sa taong unang minahal? Would she fight for her...