Invisible Girl (Reprint unde...

By aLexisse_rOse

12.2M 195K 19K

Muriel was forced by her Boss to be her son's PRETEND GIRLFRIEND because of one reason- her VOICE. His Ex and... More

Chapter One: Her Voice
Chapter Two: The Meeting
Chapter Three: Hardheaded vs Hardheaded
Chapter Four: The Shower Scene
Chapter Five: Unexpected Kiss
Chapter Six: Stick to the Plan
Chapter Seven: Jealous
Chapter Eight: Jealous part2
Chapter Nine: That Guy
Chapter Ten: Sick
Chapter Eleven: The Other Guy
Chapter Twelve: Chaperone
Chapter Fourteen: His Childhood Sweetheart
Chapter Fifteen: She's Jealous
Chapter Sixteen: The Light
Chapter Seventeen: Bad Dream
Chapter Eighteen: Fallin
Chapter Nineteen: Big Decision
Chapter Twenty: Last Day
Chapter Twenty One: Why Me?
Chapter Twenty Two: Back to Manila
Chapter Twenty Three: He's Curious
Chapter Twenty Four: He's Back!
Chapter Twenty Five: Face Off
Chapter Twenty Six: Mistaken
Chapter Twenty Seven: Broken Hearts
Chapter Twenty Eight: DejaVu
Chapter Twenty Nine: Careless
Chapter Thirty: Surprise Guest
Chapter Thirty One: The Confrontation
Chapter Thirty Two: Moving On
Chapter Thirty Three: Love Rain
Chapter Thirty Four: Together Again
Chapter Thirty Five: Finale
Epilogue:

Chapter Thirteen: New Look

293K 4.5K 262
By aLexisse_rOse

Chapter Thirteen: New Look

<Muriel POV>

"Good morning Nana Tonya!" Masiglang bati ni Jared nang sumulpot ito sa kusina. Lumapit ito sa kinaroroonan ng matanda at binigyan ito ng halik sa pisngi. "Ang bango nyo naman. Hmmm... amoy pinipig!"  

Mukhang nasa good mood na naman ang loko!

"Ikaw na bata ka puro ka kalokohan! Maupo ka na dun at ihahanda ko ang almusal mo." At itinulak siya ni Nana Tonya palapit sa mesa.

"Good morning girlfriend!" Nakangising bati niya nang pwesto siya sa harapan ko. "Kumakain ka na naman? Bakit ba sa tuwing makikita kita lagi ka na lang nasa harapan ng pagkain? Tignan mo namamaga na yang mga pisngi mo." Nang tangkain niyang pisilin ang pisngi ko ay mabilis kong tinabig ang kamay niya.

"Sungit!"

I only gave him a cold glance. Akala mo naman bagay sa kanya ang mag-pout!

Ngunit balak talaga niyang sirain ang umaga ko. Walang sabi-sabi na tinusok niya ng tinidor ang hotdog na nasa plato ko sabay kagat. Ngumisi pa siya ng nakakaloko.

Relax Muriel! Pinipilit kong magtimpi. Kahit ang totoo ay gusto ko nang sundutin ng tinidor ang mga mata niya.

Sumunod naman niyang kinuha ang kinakain kong tapa.

Isang-isa na lang talaga!

Nang biglang mahagip ng mga mata ko ang tasa ng kape sa harapan ko. May naisip akong kalokohan para makaganti sa kolokoy na ito.

"Dapat bawasan mo pagkain mo," sabay kuha ng natitirang karne sa plato ko. "Tignan mo, nadadagdagan na yang mga bilbil mo sa tiyan. Simula sa araw na ito umpisahan mo nang mag-diet."

Kunwari balewala sa akin ang ginawa niya. Humigop ako ng kape. Sinadya kong punuin ang aking bibig kahit medjo mainit pa iyon. At saka bumuwelo na kunwari napaso ako sabay buga sa kanya ng lahat na nasa loob ng bibig ko.

Presto! Naligo siya ng mainit-init na kape fresh from my mouth.

"What the fu-" Ang tanging nasabi niya sa kabiglaan.

"Oopps sorry! Napaso kasi ang dila ko eh!"

Halos bumaon sa akin ang mga mata ni Jared.

Isang napakatamis na ngiti naman ang iginanti ko sa kanya.

"You witch!" He gritted his teeth.

"Ang bilis dumating ng karma no!" Patuloy kong panunuya sabay tayo. Binitbit ko ang pinagkainan ko at dinala sa lababo. "Nana Tonya salamat po sa masarap na almusal," sabi ko ng makasalubong siya sa pintuan. "Hay! Ang ganda ng araw ko ngayon!" Sinadya kong lakasan ang boses ko para marinig iyon ni Jared.

"Ay sus maria! Anong nangyari sayo?" Narinig kong bulaslas ni Nana Tonya bago ako tuluyang makaalis.

Maisip ko lang ang itsura ni Jared kanina ay natatawa na ako.

Buti nga sa kanya!

<Riley POV>

Mayroon akong hinahanap na hindi ko makapa. Hanggang sa magbagsakan sa sahig ang lahat ng laman ng tokador.

Tsk! Napakamot na lang ako ng ulo. Sa pagkakaalam ko ay dito lang nakalagay iyon.

"What do you think you're doing, Baby boy?" Si Sam na bigla na lamang sumulpot sa tabi ko.

Napangiwi ako nang marinig ko na naman ang Baby boy na iyon! 

"Nothing!" Nakasimangot na sagot ko at saka lumabas ng banyo. Pero nakasunod pala siya sa likuran ko.

"Bakit ka nakasimangot?"

Hindi ako sumagot. Gusto ko sanang maalala niya ang naging pag-uusap namin kagabi.

"Ano ba ang hinahanap mo? Kailangan mo ng tulong?"

"I don't need your help! Just leave me alone!" I snapped. Hindi ko maintindihan kung bakit biglang nag-init ang ulo ko.

"Okay fine! Nagsusungit ka na naman! Halika na Buddy. Layasan na natin itong amo mo!"

Bigla akong naalarma. "Saan ka pupunta?"

"Eh di ba pinapaalis mo na ako? Kaya aalis na ako. Kami pala ni Buddy."

"Hindi naman kita pinapaalis." Naiinis na sabi ko.

"Kakasabi mo lang kanina. Kahit tanungin mo ba itong aso mo?"

Napabuntong-hininga na lang ako. Fine! Kasalanan ko na! "I'm sorry. I don't mean it." Anong maaari kong sabihin kundi iyon.

"You're forgiven!" Mabilis na sagot niya. "So ano nga pala ang hinahanap mo?"

Ganon lang kadali iyon? Ine-expect ko pa naman na pahihirapan niya ako bago niya ako patawarin.

"Don't bother. Tulungan mo na lang ako pumili nang isusuot ko."

"Aalis ka?"

"May lakad kaming dalawa ni Jared?"

"Saan kayo pupunta?"

"I don't know. Sabi niya siya na raw ang bahala."

"Wala akong tiwala sa kaibigan mo na iyon!" Halos pabulong niyang sabi pero nakarating pa rin sa pandinig ko.

"Gusto mong sumama?" Naisip kong itanong sa kanya.

"No thanks! For the boys ang lakad ninyo."

"Why don't you go shopping? Isama mo sina Lenny at Mila."

"Wala ako sa mood lumabas ng bahay. Magtutulog na lang ako."

Napakunot ang noo ko. "Baka naman lumobo ka nyan sa kakatulog."

"And so? Bakit aayawan mo na ba ako kung sakaling tumaba ako?"

"Of course not! Kahit tumaba ka pa na parang hippothamus never kitang aayawan." Nakangiti na sabi ko.

"Ewan ko lang kung hindi ka magsisi sa oras na bumalik ang paningin mo." Si Jared na bigla na lamang sumulpot. "Makikita mo na lang na kasing laki na ng elepante ang syota mo."

"Nagsalita ang mukhang kapre!" ganting sagot ni Sam.

"Are you talking to me?" Si Jared ulit

"No! I was talking to your other self." Hindi naman nagpatalo si Sam.

"Enough!" Awat ko sa kanila. Baka kasi kung saan mauwi ang asaran ng dalawa. "Aalis na ba tayo?" Baling ko kay Jared.

"Wait, magbibihis lang ako!"

<Muriel POV>

Boring...

Walang silbi itong cellphone ko. Sinubukan kong tawagan si Jena pero hindi naman sinasagot nito ang cp. Tinext ko na rin ang iba kong mga kaibigan pero kahit isa sa kanila ay walang nagreply sa akin. Mukhang kinalimutan na nila ako.

Naghintay pa ako ng ilang minuto. Baka sakaling may makaalala sa akin. At hindi naman ako nabigo. Biglang nag-ring ang cp ko. Pero number lang ang nag-register sa screen. Sino kaya ito?

"Hello!" Excited na sagot ko.

"Hello girlfriend!" 

Bigla akong napasimangot nang marinig ang pamilyar na tinig na iyon. "How did you get my number?" 

"Malaking sikreto!" Nang-aasar na sabi niya.

"Kung wala kang matinong sasabihin ibaba ko na-"

"Gusto ka raw makausap ni Riley." Agap niya sa sasabihin ko. Ilang sandali ay narinig ko na ang boses ni Riley sa kabilang linya.

"Sam, what do you want for pasalubong?" Masiglang tanong niya sa akin.

Ang sweet naman ng boyfriend ko! Kinikilig tuloy ako.

"Anything! Bahala ka na." Wala akong maisip na i.re-request sa kany

"Anything?"

"Pare kunwari lang iyan!" Narinig kong sabat ni Jared. "As usual pagkain lang naman ang hilig niya."

Panira naman ng moment ito!

"Shut up Jared! Hindi ikaw ang kausap ko." Saway ni Riley sa kaibigan.

"Huwag ka ng mag-abala, Rai." Ang sabi ko na lang. 

"Are you sure?"

"I'll be fine. Kahit ikaw na lang ang pasalubong ko."

Narinig ko siyang humagikgik sa kabilang linya. Uy kilig din siya! 

"Okay! See you later." Parang nai-imagine ko ang malapad niyang ngiti.

"Bye!" At saka ko pinindot ang end button.

Para akong lukaret na pagulung-gulong sa kama. Kinikilig ako. Nang biglang...

"Buddy!" Napabalikwas ako. Sapul ako sa bibig ng dila niya. 

Loko ang asong ito nasasanay nang halikan ako. Manang-manang sa amo niya!

"Buddy get out!" Utos ko sa aso. Pero imbes na sundin niya ako ay sumampa pa siya ng kama at nahiga sa tabi ko.

"Ambisyoso ka ha! Hindi mo na talaga ako hihiwalayan. Sige ka baka pati ikaw ay pagselosan ng amo mo."

Ngunit lalo siyang nagsumiksik sa tabi ko at wala na akong nagawa. 

Pasado alas otso na ng gabi ngunit hanggang ngayon ay hindi pa umuuwi ang dalawa. Nang tawagan ko ang number ni Jared, cannot be reach daw. Wala talaga akong tiwala sa isang yun! Saan kaya niya dinala si Riley?

"Baka naman naghappy-happy lang ang dalawa." Si Nana Tonya habang abala sa pinapanood na teleserye sa tv. "Hayaan mo na, ngayon lang naman sila ulit nagkasamang magkaibigan."

"Pero sana man lang nag-abalang mag-text ang magaling niyang kaibigan kung nasan na sila. Hindi yung nag-alala tayo rito na baka napano silang dalawa." Tuluy-tuloy na lintanya ko sa pag-aakalang nakikinig sa akin si Nana Tonya.

Tumayo at lumabas na lang. Paglabas ko ay eksaktong paparating ang kotse ni Jared. Ilang sandali ay huminto sa mismong harapan ko ang sasakyan. Unang bumaba si Jared at umikot sa kabilang pinto at inalalayan si Riley na makababa.

"Bakit ngayon lang kayo?" Nakapameywang na tanong ko sa kanila.

"Miss me?" Nakangising salubong sa akin ni Riley. Lulugu-lugo itong naglakad. At kung hindi ko siya naagapan malamang ay tumumba na siya.

Napangiwi ako nang maamoy ko alak sa bibig niya. "You're drunk?" Mabilis na lumipad ang mga mata ko kay Jared. "What did you do to him? Alam mo naman na bawal sa kanya ang uminom di ba?"

Nagawa pang ngumiti sa akin ni Jared. "S-siya kaya ang may gusto na uminom kami. N-napilitan lang ako."

"And you're also drunk? How dare you na mag-drive nang nakainom? Hindi mo ba naisip na baka maaksidente kayo?" Kung hindi ko lang hawak si Riley malamang ay nasuntok ko na siya.

"Relax! Chill! A-ang importante ay narito na kami. And we're s-safe." Sabi pa niya na nakangisi. Balewala rito ang pagsusungit ko.

Naramdaman kong gumalaw si Riley at yumuko sa akin. "M-miss me a-already? S-sorry kung medyo na-delay ang p-pasalubong mo. B-but here I am now." Namumungay ang mga mata na sabi niya habang nakangiti.

OMG! Si Riley nga ba ang kaharap ko?

Doon ko lang napansin ang malinis niyang mukha na bagong ahit at saka ang buhok niya na bagong gupit.

OMG talaga! Ang guwapo-guwapo kaya niya!

   

"Hoy magtititigan lang ba kayo dyan o papasok kayo sa loob?" Sigaw ni Jared na nasa tapat na ng pintuan.

Tsk! Hanggang kailan ba ako bubuwisitin nito?

"Baka naman gusto mo akong tulungan na maipasok itong kaibigan mo?" Pasinghal na sabi ko sa kanya. Ang bigat-bigat kaya ni Riley.

Ngunit hindi man lang siya kumilos sa kinatatayuan niya. "Kaya mo na yan!" I heard him said.

Hayup talaga!

"S-sam.." Muling kumilos si Riley. Sinapo niya ng mga kamay ang mukha ko at itinaas. At bago ko pa mahulaan ang susunod niyang gagawin ay walang babala na hinalikan niya ako sa mga labi. Nanlaki ang mga mata ko sa kabiglaan.

Hindi rin nagtagal ang halik na iyon. Dahil bigla na lang nawalan ng malay si Riley. At napunta sa akin ang lahat ng bigat niya.

"Jared tulungan mo ako dito!" Any moment ay babagsak kaming dalawa sa damuhan.

He went still. "Just say please..." And squared his shoulders.

"Ano ka ba! Hindi ito ang oras para makipagbiruan ako sayo!" 

"O-okay! Okay!" Doon lang siya humakbang palapit sa amin. "I will help you but... in one condition."

"I swear Jared! Makakatikim ka talaga sa akin sa oras na bitawan ko si Riley!" Namumula na ang mukha ko sa sobrang inis.

Nakakaloko na ngumiti lang siya sa akin habang naghihintay ng isasagot ko.

Konting-konti na lang at malapit ko nang mabitawan si Riley. At wala na akong ibang choice. "Fine! Pumapayag na ako kung anuman yang kondisyon mo. Utang na loob, Jared tulungan mo na ako dito."

Ang lapad ng ngiti ng gago. "At you're service Madam." Saka lang siya kumilos. At walang kahirap-hirap na inakay nito si Riley papasok ng bahay.

Continue Reading

You'll Also Like

357K 3.8K 32
Pagkatapos ng ilang taong hindi pagpapakita, nagising ang primary identity ni RYJO sa kalagitnaan ng Annual Elimination. Sinira nya ang Elimination P...
15.3M 259K 39
Would you rather chase what you want or follow a future that's already arranged for you? Samantha was just sixteen nang malaman niyang ipapakasal siy...
106K 6.1K 20
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
2.1M 141K 49
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...