Sailing Back Into Your Arms

De aeshlyaa

3.7K 291 30

[COMPLETED] --- Zharia Amore Villarica was given a big responsibility and that is to manage and become the CE... Mai multe

Sailing Back Into your Arms
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Epilogue

Chapter 35

47 2 0
De aeshlyaa

Chapter 35




Umaga ng inaya ako nina Lucian at Caius na kumain sa isang restaurant hindi kalayuan. Mamayang hapon din kasi ang flight nila pabalik ng Seattle. Dala ko ang sling bag ko at ang maliit na bag ni Aia. Habang karga-karga ni Caius ang anak ko ay pumasok kami sa isang Japanese restaurant.





Hinayaan ko na lang na si Lucian ang um-order. Ilang sandali pa ay dumating na rin ang in-order namin. Hinayaan kong sila na rin ang magpakain kay Amaia dahil aalis na rin naman sila mamaya.




"Tumawag kayo kapag nakarating na kayo ng Seattle." sambit ko.





Caius turned to me and nodded. "Hindi ka na ba babalik sa Seattle?"



Matagal bago ako nakasagot. "Hindi ko pa alam... saka na siguro kapag hindi tinanggap ng tunay na ama si Aia." bahagya akong natawa kahit wala namang nakakatawa.




Parang nabilaukan naman sa kinakain si Lucian. Kunot ang noo nitong bumaling sa akin. "Buhay pa pala ang ama ni Amaia?"



"Ang buong akala ko patay na," segunda ni Cai. Muntik pa akong masamid sa sinabi nito.




Poor Aris.



"Sino ba 'yang ama ni Aia at ng makausap ko," seryosong saad ni Lu. Bahagya akong umiling. Mas lalo lang lala ang sitwasyon. Baka isipin no'n ni Aris na may iba pa akong asawa! Pinagkamalan niya pa naman na asawa ko si Caius!



"Kapag hindi niya tanggap si Aia, pwede namang kami ni Lucian ang tumayong ama ni Aia." napangiti ako sa sinabi ni Cai. Alam kong gusto lang nila na may kilalaning ama si Aia.




Ayos lang naman sa akin kahit ako na lang din ang tumayong ama ni Aia. Wala namang kaso sa akin 'yon pero alam kong darating ang panahon na maghahanap siya ng ama.






"Sino ba kasi ang ama ni Amaia?" Lucian asked again.



Nagdalawang-isip pa ako kung sasabihin ko ba pero sa huli ay napagdesisyunan kong sabihin nga. "Si Aris."



"Aris? Does he work? If he does accept Aia, would he be able to support you?" Caius asked with concern. He glanced at Aia before returning his gaze to me.



Yes! He's working Caius at kilalang-kilala niyo siya! Matunog yata ang pangalan ni Aris sa engineering field!




"You know engineer Lazaro..." I trailed off.



"Of course, Amore. But what does Engineer Lazaro have to do with this?"



"He's the father—" hindi ko pa natatapos ang sasabihin nang magsalita sila.




"What?!"



"You gotta be kidding me..."




I slightly lowered my head. I looked at them apologetically. Kinuha ni Lucian ang cellphone niya at may tinipa roon. Nilapit nito ang screen ng phone niya sa kanilang side ng mukha ni Aia.



Anong ginagawa niya?




"Magkamukha nga!"he exclaimed in amazement, still staring at Aia.



Talagang kinumpara niya ang mukha ni Aris sa kay Aia!




"Then... why are you alone in Seattle no'ng pinagbubuntis mo si Amaia, Amore?" kuryosong tanong ni Cai na hindi ko naiwasan.




Their eyes remained on me as if waiting for my response. Alam ko namang tatanungin talaga nila ito.




"Hindi kami okay no'n at... hindi niya alam." I let out a heavy sighed. Hindi sila nagsalita. Binalot kami ng katahimikan dahil do'n. Tanging mabibigat na paghinga ko lang ang naririnig.



Biglang nagring ang phone ko na siyang bumasag sa katahimikan. Sinagot ko iyon nang makitang si Caitlin ang tumatawag. Nagpatuloy naman sina Lucian at Caius na parang walang nangyari.




"Nasa'n ka ngayon?" bungad nito na ikinakunot ng noo ko.



Wala kasi silang dalawa kanina ni Andrei sa bahay no'ng sunduin ako nila Lu at Cai kaya hindi niya alam na may pinuntahan kami. Baka naman nakauwi na sila ngayon?





"Nasa restaurant kami ni Aia kasama sila Lu at Cai. Bakit pala?"






"Nandito sa bahay si Aris!" bahagyang namilog ang mga mata ko sa gulat.




What?! Ano naman ang ginagawa niya sa bahay nila Drei?!





"Anong ginagawa niya dyan?" gulantang ko.




"Gusto ka raw niyang makausap. Umuwi ka na lang muna kaya? Kasi... mukhang galit siya Zhari." pagkatapos no'n ay pinatay ko na ang tawag. Mabilis akong tumayo at isinukbit sa balikat ang bag.





"Kailangan ko ng umalis, Lu, Cai. Sorry talaga..." pagpapaumanhin ko. Mabuti na lang tapos na ako sa pagkain. Mukhang naintindihan naman nila ang pamamadali ko. Kinarga ko si Aia matapos.






"Ihahatid ka na namin," sambit ni Lucian. Hindi na ako tumanggi kaya sabay kaming umalis ng restaurant matapos.




Bakit ba siya galit?! Sinusumpong na naman ba siya? Paano ko sasabihin sa kaniya ang totoo niyan kung lagi siyang galit.




Nang matantong malapit na nga kami ay bigla na lamang lumakas ang pintig ng puso ko. Bakit ba ako kinakabahan?! I saw the red sports car near the gate. Kahit na nagtataka ay wala naman akong narinig na tanong mula kina Lucian at Caius.





Mabilis akong nagpasalamat kina Lu at Cai dahil ang akala ko ay aalis na sila.




"Ihahatid ka na namin sa loob," sambit ni Lucian. Tatanggi na sana ako pero kinuha naman ni Caius si Aia mula sa akin. Lagot na. Nauna pa silang pumasok sa loob kaya mabilis din ang naging pagsunod ko.






Sa sala pa lang ramdam ko na ang madilim na titig ni Aris. Wala si Andrei tanging si Caitlin  lang at Aris ang nadatnan namin. Our gaze met pero panandalian lang iyon dahil bumalik ang tingin nito sa kay... Caius. Shit! Ano ba kasing naisip ko no'ng nakaraang araw at hindi ko man lang naitanggi na asawa ko si Caius?! Hayan tuloy!




Ang talino mo talaga kahit kailan, Zhari!





His jaw clenched tightly, causing his jawline to tense. His thick eyebrows also met in a frown as he stared daggers at Caius. Dagdagan mo pang karga ni Cai si Amaia!





I gulped as I approached Caius. "You still have a flight later, right? You might be late for that..." I said softly. Mukhang naintindihan naman ni Lucian ang tinutukoy ko kaya tumango ito.





"Yeah... uh, i think we should go now," mukhang naramdaman na rin ni Caius ang masamang tingin ni Aris sa kaniya kaya medyo nailang na  ito.




Kinuha ko sa kaniya si Aia. Pinatakan ako ni Caius ng halik sa pisngi matapos.





Sanay naman ako na halikan nila ako sa pisngi pero ngayon ay wrong timing! "Tatawagan ka namin mamaya. Mag-iingat kayo ni Aia, Amore." ngumiti ito. Lumapit din si Lucian at hinalikan ako sa pisngi, gano'n din ang ginawa nila kay Aia. Matapos nilang magpaalam kay Caitlin ay tinangunan at nginitian lang nila si Aris.





At talagang si Aris attitude! Tinaasan niya lang ng kilay at mas tinitigan ito na may pamatay na tingin.




Nang tuluyan na silang umalis ay tumingin ako sa bandang gawi nila. Si Caitlin pinandilatan ako ng mata. Ang mga mata ni Aris naman ay nanatiling madilim at mas lalo lang tumiim ang bagang nito.






"Dadalhin ko lang sa taas si Aia," tumikhim ang kaibigan ko at lumapit sa akin para kunin ang anak ko. "Sasabog na 'yan, anytime." bulong nito na ang tinutukoy ay si Aris.




I bit my lower lip. My heart suddenly started to pound crazily.




Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya nang kami na lang ang naiwan sa tahimik na sala. He smirked with no humor.





"Amore, huh?" 'yan! Nagsisimula na siya!




I stopped midway, with only a small distance between us. His dark, intense eyes were locked onto mine.





"Which one is your husband, Zhari? Because I'm fucking confused right now!" he exploded like a bomb. I swallowed hard when I saw his face turning red. He's really fuming mad!



"Wala akong asawa! Saan mo ba kasi nakuha 'yan?" asik ko. Naitikom nito ang bibig. He gasp for an air.







"Caius and Lucian are in a relationship. Alam mo naman din ang tungkol do'n hindi ba? May pinakita ka pa ngang litrato sa akin na naghahalikan sila." dagdag ko. Tumitig siya sa akin at dahan-dahang humakbang papalapit.






"And you didn't tell me? You let me believe that you're fucking married? Malay ko ba kung totoo pala talaga ang larawang 'yon." may diing aniya. Napalunok ako ng sinarado niya ang distansya sa pagitan namin. Kumalabog naman ng malakas ang puso ko.








"Sino bang may sabi sayo na kasal ako at may asawa, huh? At— teka nga, nagseselos ka ba?" gulantang ko nang may matanto. Oh crap! Dapat hindi ko na tinanong pa! Bahagyang uminit ang pisngi ko sa sariling tanong.





Bigla siyang ngumisi. "Talagang tinanong mo pa. Yeah, Zharia. I'm fucking jealous. Hinalikan ka ba naman sa pisngi."





Mabilis akong nag-iwas ng tingin. Ilang beses pa akong lumunok sa sobrang kabang naramdaman. Bakit naman siya magseselos? Gusto niya ba ako? Mahal niya pa rin ba ako?







Ilang sandali pa ay nagsalita siya muli. Medyo kumalma na ngayon. "Bakit hindi mo man lang sinabi sa akin na may anak tayo?"mahinang sambit nito ngunit ramdam ko ang hinagpis niya. Inangat ko ang mata ko para mahuli ang tingin niya. My heart clenched when I saw pain crossed his eyes.






"No'ng mga panahong 'yon, bulag ako Aris. Kinain ako ng galit ko sa papa mo kaya tingin mo makakaya kong sabihin sayo?"




"I'm sorry..." he said sincerely as he hugged me tightly. It felt like a weight had been lifted off my heart. Surprised, but I let him hug me.




"Nasa taas si Aia. Kung gusto mo siyang makita, puntahan mo na lang."





Nang kumalas ay mabilis itong tumalikod sa akin. Tumigil pa siya bago umakyat sa hagdan. Nadatnan ko si Aia nasa kama, binabantayan naman ni Caitlin.




"Sa labas na lang muna ako," mahinang sambit ng kaibigan ko. Tumango lang ako pagkatapos.




As Aris neared the bed, his movements were hesitant, almost trembling. I saw him swallow repeatedly, his emotions evident in every strained breath. With a tender touch, he delicately held Aia's tiny hand, his own hand shaking slightly. Tears welled up in his eyes, silently tracing down his cheeks. He fixed his gaze upon my child's innocent face.



Then he hugged her. My heart squeezed at the sight of his silent tears. It felt like a hand was gently touching my heart as I watched them. It was surreal. I never expected this day to come.



"I'm sorry... I'm sorry kung wala si dada. Sorry kung hindi kita naalagaan." hagulgol ni Aris. My knees grew even weaker at what I heard.




"Dada?" Aia softly murmured. Mabilis kong tinakpan ang bibig para pigilan ang hikbi. Sunod-sunod na nagragasa ang luha ko. Nang hindi na kinaya ay iniwan ko silang dalawa do'n.






"Oh, anong nangyari?" nag-aalalang tanong ni Caitlin. Hindi ko siya sinagot at mahigpit na lang itong niyakap. I let out my soft sobs. Hinayaan ko ang sariling umiyak sa balikat ng kaibigan.





I can't contain my emotions. Parang tinatarak ang puso ko ng punyal sa sobrang sakit. I can feel my hands are shaking and getting colder.




Dada... Aia uttered that word... sa tagal naming kasama sina Lu at Cai kahit kailan hindi niya iyon nabanggit sa dalawang lalaki. Talagang kay Aris lang.







Madilim na sa labas nang makauwi si Andrei. Habang nasa sala ay kinwento ni Caitlin sa kaniya ang nangyari. Nasa sofa ako katabi si Caitlin habang hinihintay naming bumaba si Aris.




Hindi rin nagtagal ay bumaba na nga siya. His nose was red. Mukhang galing pa rin ito sa kakaiyak. Mabilis akong nag-iwas ng tingin nang magtama ang mga mata namin.





"Pinatulog ko na si Aia..." mahinang usal nito. Tumango ako, hindi pa rin nakatingin sa kaniya. Napakagat ako ng labi ng tumayo si Caitlin at nagpaalam sila ni Andrei na iwan muna kaming dalawa.



Pwede namang kasing samahan na lang nila kami! Ayos lang kung makinig sila sa usapan!



Mariin kong kinagat ang pang-ibabang labi nang tumabi ng upo sa akin si Aris. I remained my eyes on the glass table.





I heard him took a deep breath before speaking. "Kung sa condo ko na lang kayo magstay ngayon?" marahang suhestiyon niya. Mabilis akong napalingon rito.





"Ayos lang kami dito ni Amaia." agap ko. Nakita kong kumunot ang noo nito. May mali ba sa sinabi ko?





"What do you mean? You can't just stay here for long, Zhari." natahimik ako sa sinabi nito. Ano ba kasi? Tanggap niya ba si Aia? Ano na ngayon ang plano mo Zhari kung tanggap niya na nga si Aia? Magseset ba ako ng schedule kung kailan niya pwedeng makasama ang anak ko?





Gano'n ba 'yon? Hayst! Bakit hindi ko 'to naisip no'ng una?




"You'll be living with me. You and our daughter, Zharia." His statement caught me off guard.



I looked at him with wide eyes. What?! I'll be living with him? Ano 'yon? Walang kami pero nasa iisang bubong nakatira? Gosh!




"A-ano bang sinasabi mo? Kung gusto mong makasama si Aia magseset tayo ng araw diyan. Pwede namang kahit—"





"What!? Seriously, Zhari? Tingin mo talaga susundin ko 'yang pinagsasabi mo? No." his jaw clenched. His dark piercing eyes darted at me.



My breathing hitched when he neared me. I calmed myself down kahit na parang sasabog na ako anumang oras!



"Ano ba kasi?"agap ko ng mas lalo pa siyang lumapit.






"Dito ako matutulog." biglang sambit nito. He slowly licked his lower lip. "Ayaw mong sa condo ko? Fine, dito ako matutulog kung gano'n. Gusto kong makasama ang anak ko."




"Bahay 'to nina Andrei at Caitlin tapos dito ka matutulog?"




"Magpapaalam ako kung gano'n." bahagya siyang ngumisi at tumayo. Sinundan ko siya ng tingin habang paakyat ito ng hagdanan.




Nagpakawala ako ng hininga matapos. Hindi ko man lang namalayan na kanina pa pala ako nagpipigil ng hininga dito!



Nagpasya akong uminom muna ng tubig para makalma ang sarili bago umakyat at pumunta sa kwarto.





Nga lang namilog ang mga mata ko nang makitang nakaupo sa gilid ng kama si Aris. I glanced at Aia, who was now peacefully sleeping in her crib, before returning my gaze to Aris.




"Anong ginagawa mo dito?"



"I told you, dito ako matutulog."




Wow ha! Tinaasan ko siya ng kilay. "Kahit na diyan ka sa kama matutulog hindi mo pa rin naman makakatabi si Aia dahil nasa loob siya ng  crib."



"I know."



"Ako ang makakatabi mo, Aris." nahihisteryang saad ko. Dumaan ang multong ngiti sa labi nito bago tumingin sa akin ng seryoso.




"Ayos lang sa akin." mariin akong napapikit. Ano ba kasing naisip ng Andrei at Caitlin na 'yon para hayaang matulog dito ang lalaking 'to!?





Tumayo siya at kinuha ang damit na nakapatong sa kama na hiniram niya pa yata kay Andrei. Pumasok siya sa banyo matapos.




Hindi ako makapaniwalang naupo sa dulo ng kama. Ni hindi pumasok sa isip ko na dito siya matutulog. Tabi kaming matutulog? Pwede naman siguro sa sofa siya?


My eyes darted at the single sofa near the crib. Hindi siya kasya diyan. Kahit naman ako ay hindi rin makakatulog sa gsniyang ayos.



Sa sahig kaya? Eh kung sa sala na lang siya?



Bakit ba kasi dito pa siya matutulog? Pwede niya namang makita si Aia bukas! Hindi ko naman ipagdadamot ang anak ko sa kaniya.



Dahil sa dami ng iniisip ay hindi ko namalayang tapos na pala siyang magshower. Basa ang buhok nitong lumabas ng banyo suot ang puting white shirt at maikling shorts. Shorts? Or boxer? Hindi ko alam. My eyes were locked on his lower abdomen.






"Stop staring, Zhari." may bantang aniya nang mahuli akong nakatitig roon. Mabilis naman akong nag-iwas ng tingin. Dahil sa kahihiyan nagmamadali akong pumasok sa banyo.





"Ano ba kasing iniisip mo?" mariing sambit ko sa sarili habang nakatitig sa salamin. Hindi pa nakakatulong 'tong mukha kong kulay kamatis sa sobrang pula!





Natagalan ako sa sobrang daming iniisip. Hindi ko man lang namalayan na hindi pala ako nakakuha ng damit na masusuot! Lalabas akong nakatapis ng tuwalya neto!



Punyeta.



Wala naman akong choice kesa namang siya pa ang ipakuha ko ng masusuot ko. Mas lalong hindi pwede 'yon.




I swallowed hard before twisting the doorknob. Aris's brooding eyes bore into me intensely. I noticed his gaze flicker down to my legs before returning to my neck. I gave him a stern look.





"'Wag mo nga akong titigan," irita kong sambit. Hindi ko ba alam kung bakit iritang-irita ako sa kaniya.




"Tss. Come on, nakita ko na 'yang bawat sulok ng katawan mo. Nadilaan ko pa—"




Dahil sa inis at kahihiyan, mabilis kong dinampot ang suot na tsinelas at binato sa kaniya. "Pwede ba!?"





Tumawa lang ito na parang natutuwa pang makita akong asar na asar. Hindi ko nga lang alam kung paanong nakatulog pa rin ako ng mahimbing sa gabing 'yon. Nagising na lang ako kinaumagahan ng wala siya. Gising na rin si Aia nang balingan ko ang crib niya.






"Si Aris?" tanong ko kay Caitlin nang nadatnan ko siya sa kusina, nagtitimpla ng kape.




"Hindi niya ba nasabi sayo? Umalis siya."



Huh? Ba't siya umalis? May dumaang isang bagay sa isip ko. Hindi kaya... hindi niya talaga tanggap si Amaia? Pero kung hindi, bakit may paiyak-iyak siya kagabi? He even told me na titira kami na Aia kasama siya!



Niloloko ba ako ng lalaking 'yon!?




"Sa'n siya pumunta?"




"Ang narinig ko sa usapan nila ni Andrei babalik daw siya sa ancestral house nila. 'Yon ang pagkakaalala ko. Bakit? Miss mo na?" may panunuksong aniya.




Nag-iwas ako ng tingin. Bakit ko naman siya mamimiss?



"Alam naman nating mahal mo pa rin ang taong 'yon, Zhari." hindi agad ako nakapagsalita. Wala naman akong sinabing hindi. Kahit ilang taon na ang lumipas alam kong mas naging matibayl lang ang pagmamahal ko sa kaniya. Hindi man lang 'yon nabawasan.






"Sundan mo kaya? Gawin mo naman 'to para sa sarili mo." I looked at her. She smiled at me reassuringly.


Ang akala ko kapag nasabi ko na kay Aris na may anak kami ay hanggang do'n na lang 'yon. Ang akala ko sapat na kapag nasabi ko na sa kaniya ang isang katotohanan. Paano 'yong isa? Kailan ko ba sasabihin sa kaniya na sa dalawang taon na iyon ay hindi man lang nagbago ang nararamdaman ko para rito? No'ng simula pa lang, naghiwalay nga kami ng anim na taon walang nagbago sa nararamdaman ko para sa kaniya. Nagkalayo rin kami ng dalawang taon pero nanatili pa rin itong pagmamahal ko para sa kaniya. Paano kung wala naman na siyang nararamdaman sa akin ngayon? Sa loob ng dalawang taong 'yon, malabong ako pa rin hanggang ngayon.




But it's better to tell him, right? I might end up regretting it  kapag ka hindi ko sinabi sa kaniya ang totoo kong nararamdaman.







Iniwan ko si Aia kay Caitlin nang makapagdesisyon. Ilang oras lang naman ang biyahe papunta ro'n. Maabutan ko naman siguro siya sa ancestral house nila. Habang lumilipad ang eraplano, iba't ibang scenario ang pumapasok sa utak ko. Kung sasabihin niya rin bang mahal niya pa rin ako o kung sasabihin niyang matagal na niyang kinalimutan ang nararamdaman para sa akin.




Kung alin man do'n ang makukuha kong sagot ay wala na akong pakialam.





Nga lang, wala akong nadatnan sa ancestral house nang makarating roon. "Umalis ho si Sir kani-kanina lang, ma'am. Wala rin pong binanggit kung saan ang punta ." saad ng kasambahay nang mamukhaan ako. Dismayado akong nagpasalamat rito.




Nag-isip naman  ako ng lugar kung saan ba siya pwedeng pumunta. Saan nga ba?




Think, Zhari. Think.




Parang may umilaw sa utak ko nang pumasok sa isip ko ang isang lugar. Kahit na malayo ay tinakbo ko lang 'yon. Wala naman kasing masyadong dumadaan dito na pwedeng masakyan.






Abot-abot ko ang tahip ng puso ko nang makarating sa dalampasigan. Bumaling ako saglit sa lugar kung saan nakatayo ang Villa Hotel. Malinis na ito. Tanging buhangin at mga punong niyog na lamang ang makikita. May magbabantay ba rito? Ang alam ko, kahit na nasa Seattle ako ay wala akong taong inutusan na linisin at alagaan ang lugar na 'to.





Dahil sa panahong 'yon, wala ng perang natira sa akin. And that same day, nalaman kong buntis na rin ako no'n.





"Ma'am Zhari!" napalingon ako sa taong tumawag sa akin.






Si Mang Santino. Hindi ko alam na makikita ko pa rin siya dito. "Mang Santino, kamusta na ho kayo?"





"Ayos lang ho ako ma'am. Si Aris ba ang hanap niyo ma'am?" magalang nitong sambit. Kahit na hindi naman na akong kasing yaman noon ay ganito pa rin kataas ang turing ni Mang Santino sa akin. Ganito pa rin siya kagalang.





"O-opo... alam niyo po ba kung saan siya?" tanong ko na mukhang alam ko na rin naman ang sagot.




"Nasa kabilang isla ma'am. Ako na ho ang maghahatid sa inyo ro'n."





I kept silent as I boarded a yacht that wasn't particularly large. Is this Aris's yacht? I wasn't sure, but it could be. On the other side, I noticed a row of yachts. Some were sizable, while others were more modest in size. Mukhang mga bago pa at hindi naman masyadong ginagamit.



My heart pounded as the yacht began to move. I walked to the front where there were railings, gazing at the setting sun. The sky blended shades of pink and orange, reflecting on the sea.




I gazed at the setting sun, utterly mesmerized by its beauty.








Now I'm here, back on the  yacht, sailing again into his arms. At handa ng sabihin sa kaniya ang laging sinisigaw ng puso ko sa loob ng maraming taon.





Aris... It's you. It's always been you.

Continuă lectura

O să-ți placă și

349K 17.5K 73
Camilla Sequia met the love of her life in Jandrei Yuan Antonio. They're both celebrities in their prime. As handful as it is to find love in showbus...
PRETEND. De ‎

Fanfiction

28.1K 1.7K 77
── Park Jeongwoo ❝Can you just stop pretending that you are a gay?❞ ◎ on going ◉ complete ◎ edited 「 TREASURE CHATeul SERIES #2 」 ✦✦✦ ✦✦ ✦ ✦ ✦...
11.8K 127 5
In a family of Lawyers, Zephyr took his own path and found himself studying Medicine in Southwestern University. He studied so hard to maintain being...
164K 10.1K 28
"You're mine Pinky. Makipaghiwalay ka man sa akin ngayon pero sa akin pa rin ang balik mo.." -- Cedric Dalawang taon ng hiwalay si Pinky sa kanyang e...