FONTALEJO MEN SERIES #1: Rude...

By AetherMae

758K 16.4K 669

Si Gianna ay isang astig at palaban na babae. Wala itong sinasanto kapag mayroong kumalaban o umagrabyado sa... More

Authors Note ♥
CHAPTER 1:
CHAPTER 2:
CHAPTER 3:
CHAPTER 4:
CHAPTER 5:
CHAPTER 6:
CHAPTER 7:
CHAPTER 8:
CHAPTER 9:
CHAPTER 10:
CHAPTER 11:
CHAPTER 12:
CHAPTER 13:
CHAPTER 14:
CHAPTER 15:
CHAPTER 16:
CHAPTER 18:
CHAPTER 19:
CHAPTER 20:
Author's Note:

CHAPTER 17:

30.4K 819 39
By AetherMae

Tapos nang kumain ng hapunan sila Gianna at ang pamilya ni Ezekiel. Nasa loob sila ngayon ng kwarto ng lalaki kasama nya ang mommy nito dahil gusto nitong pakainin ang anak.

  "I really miss my Ezekiel."

Sabi ng mommy nito sa kanya.

  "Mukha nga po eh."

  "Hindi ko na sila naaasikaso dahil parati akong kasama ni Miguel sa mga business conference nya sa ibang bansa. At busy din ako sa trabaho ko bilang doktor at sa mga charity work. Alam kong malalaki na sila, pero iba pa din kapag may oras ang magulang sa mga anak nila."

  "May punto po kayo. Pero sa tingin ko po, kahit na masyado kayong busy na mag-asawa ay napalaki ninyong responsable ang mga anak ninyo."

Sabi ni Gianna sa mommy ni Ezekiel. Ngumiti naman sa kanya ang babae.

  "Yes, you're right iha."

  "You really have a great family Tita Alicia."

  "I do?"

  "Opo."

Napatingin sila sa dako ni Ezekiel ng marinig nilang nagsalita ito.

  "Mom?"

  "Hey Kiel, I'm here son. I think you should eat now para makainom ka na ng gamot para naman gumaling ka na. Me and your dad are so worried about you..."

Lumabas muna sya ng kwarto para bigyan ng privacy ang mag-ina. Papasok sana sya ng kwarto nya nang biglang may tumawag sa kanya.

  "Gianna."
Hala! Ano to? Meet the father na? Papa ni Ezekiel ang tumawag sa kanya.

  "Mr. Fontalejo."

  "If you don't mind, pwede ba tayong magkwentuhan?"

Sabi nito sa kanya.

  "Sige po."

Dinala sya nito sa garden ng bahay. Kinakabahan sya dahil ito ang unang beses na nakita nya ito at makakausap.

  "Wag kang kakabahan wala akong gagawing masama."

Sabi nito sa kanya. Siguro napansin nito na kinakabahan sya.

  "Pasensya na po Mr. Fontalejo."

  "Mr. Fontalejo? Just call me 'tito Miguel'."

Natatawang sabi nito sa kanya.

  "Okay po tito."

  "You know its the first time to see our Ezekiel, brought a girl here in our home, so I was really shocked when I saw you in his room, so as my wife as well."

  "Kaya po ako nandito kasi humingi po ng pabor si Ezekiel na ako na lang daw po ang magbantay sa kanya. Ayaw naman din po nya ng nurse kaya napilitan po ako, as her secretary."

  "Pabor? Ezekiel ask a favor from you? Im really quite surprised. He never did that before. And I don't know if you know this, but the very first time he handle a company, he never fired a girl as his secretary. So we thought you are special for him."

Natatawang sabi sa kanya ng Daddy ni Ezekiel.

  "Special po? Napaka impossible po iyang sinasabi nyo. Kung alam nyo lang po, para nga po kaming aso't pusa."
Hala! Bakit ko nasabi iyon? Kaunting preno naman Gianna!

Natawa na lang ang Daddy ni Ezekiel sa sinabi nya.

  "Pasensya na po sa mga nasabi ko."

Hinging pasensya nya dito.

  "No iha. I'm starting to like you for my son. Mukhang nakahanap na sya ng babagay sa kasungitan nya."

  "Po?"

Muling tumawa ang daddy ni Ezekiel.

  "I'm just kidding iha."
Taray te! Boto na ang pamilya sa akin! Mukhang mapipikot ako ng pamilya neto.

  "Magpahinga ka na iha, gabi na. Feel at home dito sa bahay namin."

Sabi ng daddy nito sa kanya.

  "Sige po."

Sang-ayon naman nya dito, nagulat sya nang biglang may nagsalita.

  "Oo nga iha, feel at home dahil balang araw dito ka na din titira."

Ang mommy ni Ezekiel ang nagsalita, mukhang nakikinig ito sa pinag-uusapan nila ng daddy ni Ezekiel. Lumapit na ang ginang sa asawa nito. Sweet na sweet pa din ang mga magulang ni Ezekiel sa isa't-isa. Hay! Ang pag-ibig nga naman talaga!

  "Wag mong intindihin ang sinabi ng Tita Alicia mo, nagbibiro lang yan."

  "But remember, jokes are half meant."

Sabi ulit ng ginang. Natawa na lang sya sinabi nito.

  "Aakyat na po ako."

  "Sige iha. Wag mo nang alalahanin si Ezekiel kasi pinakain ko na at pinainom ko na sya ng gamot."

  "Okay po tita. Good night po."

  "Good night din iha."

Sabay na sabi ng mag-asaw sa kanya.

Umakyat na sya papunta sa kwarto nya nang manpansin nya na medyo nakabukas ang kwarto ni Ezekiel, pumasok sya dito at lumapit sa kama nito. Muli nyang tinitigan ang mukha nito, umupo sya sa tabi nito.

  "Alam mo kung di ka lang masungit, siguro na in-love na ako sayo."

Sabi nya dito. Hay nako Gianna! Inlove ka naman talaga sa kanya eh! In denial ka lang! Kunwari ka pa. Bulong ng isip nya.

  "In love? Siguro crush. Crush? Ano ako teenager? Hay! Ano bang nangyayari sa akin kinakausap ko na ang sarili ko pati ang tulog kinakausap ko na din."

Hinaplos nya ang mukha nito, pero di nya inaasahan ang kapalit ng kabaliwang ginawa nya dahil walang ano-ano'y niyakap sya nito at nagsalita.

  "Stay here with me."

Sabi nito. Nagpupumiglas sya na makawala sa pagkakayap nito pero ayaw sya nitong bitawan.

  "Uy bitawan mo ako. Uy, gising. Nanaginip ka ata. Di ako ang unan mo."

Sabi nya dito. Pero nanatiling nakayakap ang mga braso nitonsa kanya. She feel his muscle against her skin. Damn you Ezekiel!! Sasabog na ang puso ko sa ginagawa mo. Muli itong nagsalita.

  "Stay here with me... Please."

Para syang mababaliw sa sinabi nito. Ano Gianna? Tanga lang! Simpleng english di mo maintindihan! Amg ibig nyang sabihin ay samahan mo syang matulog!!

  "P-pero?"

Dinilat nito ang mga mata at tumitig sa kanya.

  "Please..."

Humigpit ang pagkakayakap nito sa kanya. She hate to admit this but she feel secured and comfortable with his hug. Nararamdaman nya ang pintig ng puso nito at ang init ng katawan ni Ezekiel dahil sa sakit nito. Inusog ni Ezekiel ang katawan nito para makahiga sya ng maayos, wala syang magawa dahil yakap sya nito. Tiningala nya ito, mukhang payapa na itong natutulog. Mukha talagang anghel ang loko kapag tulog. Nakaramdam na din sya ng antok kaya naman pinikit nya na ang mga mata, payapang natulog at hinayaan ang sarili ma yakapin ang lalaking kauna-unahang nakasama nya sa pagtulog at yakap-yakap sya.

----------------------------------

Nasilaw si Gianna sa sikat ng araw na nagmumula kung saan. Ayaw nyang idilat ang mga mata dahil napakakomportable ng pakiramdam nya, hinigpitan nya ang pagkakayakap sa bagay na nasa tabi nya ngunit naramdaman nyang gumalaw ito at mukhang niyakap din sya. Ang sarap naman ng yakap ng unan na ito. Pero bigla syang nagtaka. Teka? Gumagalaw ang unan ko? Dahan dahan nyang minulat nya ang mga mata. Ang gwapong nilalang naman itong kayakap ko. Teka?! May kayakap ako?! Biglang nagwala ang buong sistema nya. Napabangon sya ng wala sa oras. At nanlaki ang mga mata nya. HALA! ANONG GINAGAWA KO DITO SA KWARTO NI EZEKIEL? Tatayo na sana sya nang biglang may humawak sa kamay nya at ibinalik sya sa pagkakahiga sa kama.

  "Wag ka muna umalis."

Gising na pala si Ezekiel. Hay! Putek! Ang ganito ba talaga kagwapo to kahit bagong gising?

  "Anong ginagawa ko dito sa kwarto mo? At tsaka anong sinasabi mo na wag muna akong aalis? Nababaliw ka na ba?"

Sabi nya dito. Hiniga sya nito ulit sa kama at niyakap. Hay dios mio! Ano pong gagawin ng lalaking ito? Tukso! Layuan mo ako! Baka kung anong magawa ko dito sa lalaking ito, ang aga-aga.

  "Inaantok pa ako."

  "Eh di matulog ka dyan, di mo kailangan yakapin pa ako. Kaya kung pwede bitiwan mo na ako."

  "No."

Lalo syang niyakap nito. Parang sasabog na ang puso nya sa sobrang lakas ng pintig nito.

  "Hindi ako unan, bitiwan mo na ako."

Dahil magkaharap sila hindi nya ito tinitingala dahil baka kapag nagkamali sya ng tingala ay baka magawa nya ang bagay na muli nyang ikakabaliw.

  "I can feel your heartbeat."

Sabi nito sa kanya. Naramdaman nya na inaamoy nito ang buhok nya. Hala! Baka amoy laway ang buhok ko. Ewww! Nakakahiya.

  "May itatanong ako sayo."

Sabi nya dito na hindi tumitingin sa mga mata nito.

  "What is it?"

  "What happen to the rude, egoistic and bossy Ezekiel? Nagamot ba ng gamot na ininom mo?"

  "I don't know."

  "You don't know? Siguro masyadong mataas ang dosage ng gamot na nainom mo kaya ka nagkakaganito."

  "Siguro nga, you should be overwhelmed dahil niyayakap kita."

Napatingala sya nang wala sa oras dito.

  "Hah! Wow ha! Ang naman ng mukha mo."

Dapat talaga hindi sya tumingala dahil sobrang lapit ng mukha nito sa mukha nya, konting galaw lang nito ay magtatagpo ang mukha nila. Mas lalong nagwala ang buong sistema nya. Yumuko sya ulit at pinilit nyang kumawala sa yakap nito pero ayaw sya nitong bitawan.

  "Bakit ba pinipilit mong makawala, malaking pabor na ba sayo ang yakapin ka?"

Sabi nito sa kanya. Para syang mababaliw sa sandaling iyon. Imbes na masiwa sa yakap nito ay parang komportable ang hatid nito sa kanya. Nako Gianna! Bruha ka! Aminin mo na kasi may nararamdaman ka na sa kanya, sya lang ang tanging lalaking nagpapabaliw sa buong sistema mo.

  "I really have no idea what's happening to me."

Muling sabi nito sa kanya. Me too Ezekiel, me too.

Nagulat sila nang biglang bumukas ang pintuan, napabalikwas silang dalawa.

  "Ow, I hope I'm not interrupting anything, the breakfast is ready, you two should go downstairs."

Si Liam pala, halata sa mukha nito ang pagkagulat at isinarado na nito ang pinto.

Napalo nya ng unan si Ezekiel.

  "Ayan! Nakita tayo ni Liam. Baka magsumbong iyon sa mommy mo. Nakakaasar ka talaga."

  "Liam will not tell mom on what he sees."

  "Paano mo namam nalaman na di nagsusumbong iyon aber?"

  "I know Liam, he will not tell anyone. So you don't have reason to be hysterical."

  "Kahit na. Nakita pa din tayo ng kapatid mo."

  "Don't overact, bumaba na tayo, magtaka pa ang mga iyon."

  "Mauna ka na, babalik lang ako sa kwarto ko."

Lumabas na sya ng kwarto nito at pumunta sa kwartong inuukopa nya. Sinarado nya ang pinto at impit na tumili.

  "Argh! Ano na ba!"

Kumuha sya ng damit sa bag nya at naligo para kahit papaano ay kumalma sya.

--------------------------------

Nasa harap na sila ng hapag kainan at kumakain, magkatabi sila ni Ezekiel, kahit hindi nya tingnan ay alam nyang nakatingin sa kanya ang mga magulang ni Ezekiel at pati ang nakababatang kapatid nito sa si Yuan, si Liam naman ay parang walang nangyari, kaya laking pasasalamat nya dito na di ito madaldal. Minsan may advantage din ang pagkakaroon ng tahimik na kapatid. Biglang nagsalita ang mommy ni Ezekiel.

  "Kiel, wala ka na bang lagnat? Maayos na ba ang pakiramdam mo?"

  "Yes mom, maayos na ang pakiramdam ko."

Sagot naman ni Ezekiel dito.

  "Magpahinga ka muna, wag mo muna alalahanin ang kompanya mo, ipaubaya mo muna iyon sa mga tauhan mo, at kay Lucas, dito muna kayo ni Gianna."

Nagulat sya sa sinabi ng ginang.

  "Po?"

  "Dumito ka muna iha, bantayan mo muna si Ezekiel dahil alam kong magtatrabaho iyan kahit nandito sa bahay."

  "S-sige po."

Wala syang magawa kundi sumang-ayon sa ginang. Ano ba itong pinasok ko. Patay ako neto kay kuya. Walang anu-ano'y nasagi pala nya ang juice at natapon ito sa damit nya.

  "Hala ka!"

Dali-dali nyang pinunasan ang damit gamit ang table napkin.

  "Let me do that."

Nagulat sya dahil kinuha nito ang table napkin sa kamay nya at ito ang nagpunas ng juice na natapos sa kanya.

  "Ako na."

Pero di nito binigay ang basahan sa kanya.

  "Iha magpalit ka na lang ng damit. Masyadong basa na iyang damit mo."

Narinig nyang sabi ng daddy ni Ezekiel. Napatingin sya sa mga ito. My goodness! Sana lamunin na ako ng lupa  dito.

  "Dad is right, you should change your clothes. Nag eefort pang magpunas si kuya, baka mamaya--"

Di na naituloy ni Yuan ang sasabihin dahil sinita ito ng mommy nito.

  "Yuan."

  "Sorry mom."

Alam na nya ang ibig sabihin nito. May basa kasi sa damit nya na malapit sa dibdib nya. Kapag nakahanap ako ng tiyempo Yuan, makukutusan talaga kita.

  "Uhm, aakyat na muna po ako para makapagpalit ng damit."

  "Sige iha."

Sang-ayon ng mga magulang ni Ezekiel.

Pumunta na sya sa kwarto para magpalit at saka lang nya naalala. Patay! Isang damit lang pala ang dala ko, anong susuotin ko nito? Napaupo sya sa kama.

  "Hay! Isa pa itong Ezekiel na to. Hay! Nakakaasar."
Saan ako kukuha ng damit? Umuwi na lang kaya muna ako sa bahay. Biglang nag-ring ang cellphone nya. Tumatawag ang kuya nya. Speaking of bahay. Patay ako nito.

Sinagot nya ang tawag.

  "Hello kuya."

  "Hello Gianna, kumusta ka naman dyan?"

  "Okay naman ako dito. Ikaw dyan? Pasensya na kung di kita natext pagkadating ko kahapon."

  "Okay lang, I have to go, may ginagawa kami ngayon, kinumusta lang kita. Babye."

  "Bye."

Binaba na nya ang linya. Himala, di ata ngayon nagger si kuya? Anyare? Muli nyang tiningnan ang suot.

  "Anong ipapalit ko dito."

Narinig nyang may nangangatok sa pinto, pinagbuksan naman nya dito.

  "Ezekiel?"

Napatingin ang ito sa suot nya.

  "Di ka pa din nagpapalit?"

  "Wala na kasi akong extrang damit, di ko naman alam na magtatagal pa ako dito eh."

"Come with me."

Sabi nito sa kanya at hinatak ang kamay nya sa papasok sa kwarto nito.

  "Teka? Anong gagawin mo."

Isinarado nito ang pintuan ng kwarto nito. Kinabahan na sya. Anong gagawin nito. Wag po!

  "Anong ginagawa mo dyan sa pinto?"

Tanong ni Ezekiel sa kanya.

  "Kung ano man iyang balak mo, parang awa mo na wag mong ituloy."

Sabi nya dito at niyakap nya ang sarili.

  "What? Ano ba sa tingin mo ang gagawin ko?"

  "E-ewan. Hindi ko alam."

Humarap sya sa pintuan, nagulat sya nang may humagis sa kanya. Isang t-shirt.

  "Ano ito?"

  "Isuot mo iyan malamang, tapos iyang basa mong damit, ipalaba mo kay yaya."

Biglang nag init ang mukha nya sa hiya. Nakakahiya ka Gianna! Ayan! Assuming ka kasi eh. Pinulot nya ang damit. Lalabas na sya ng kwarto nito ng pigilan sya.

  "Dito ka na magbihis, ayun ang cr, may gagawin tayo."

Pumasok na sya ng banyo at nagbihis. Muling naglaro ang isip nya sa sinabi nito. Anong gagawin namin? Wag ka nga masyadong assuming Gianna! Napahiya ka tuloy kanina. Para kang ewan. Tiningnan nya ang damit na binigay nito sa kanya. Medyo malaki ito sa kanya pero komportable ang pakiramdam nya. Landi mo Gianna! Hala sige! Lumabas na sya ng banyo dahil baka anong isipin ni Ezekiel kung bakit ang tagal nya.

  "Ibibigay ko lang itong pinagbihisan ko kay yaya Nita para malabhan na."

Sabi nya dito.

  "Wag na, may aakyat na dito para labhan iyan. Bakit kasi ang konti ng damit na dala mo."

  "Di ko naman alam na magtatagal ako dito. Wala ka namang sakit na."

Sabi nya dito. May nangatok sa pinto ng kwarto nito. Pinagbuksan naman iyon ni Ezekiel. Isa sa mga maid ng bahay na iyon, may dala itong pagkain. Kinuha ni Ezekiel ang dala nito.

  "Akin na iyang damit mo."

Inabot nya ang basang damit nya dito at binigay sa maid.

  "Anong palang gagawin?"

Sabi nya dito. Umupo si Ezekiel sa harap ng computer nito.

  "Teka? Di ba sabi hindi ka magtatrabaho? Baka mabinat ka."

  "Ayokong walang ginagawa. Tulungan mo na lang ako dito."

Lumapit sya dito at inunplug ang saksakan ng computer.

  "What the hell!"

  "Di ka pwede magtatrabaho."

  "Anong gagawin ko?! Look what you did!"

Di nya inintindi ang pinagsasabi nito. Napatingin sya sa kabinet na katabi ng tv nito. May nakita syang mga cd, lumapit sya dito at nakita nya ang paborito nyang movie.

  "Waaaaahhhhh!"

  "Anong sinisigaw sigaw mo dyan?!"

Sigaw din ni Ezekiel sa kanya. Napa-pout na lang sya. Bumabalik na naman ang pagiging masungit.

  "May White Chicks movie ka?!"

  "Kay Yuan iyan."

  "Sows. Napanood mo na?"

  "Oo pero ang boring nyan. Ang mabuti pa ay tulungan mo na lang ako dito."

  "No! Papanoorin natin ito sa ayaw at sa gusto mo."

Hinatak nya ito papunta sa harap ng tv. Binuksan nya ang tv at cd player nito at saka sinalang ang cd sa player.

  "Wag mo ako isali sa kalokohan mo."

Akmang tatayo ito pero hinawakan nya ang braso nito at pinaupo.

  "Dito ka lang."

Walang nagawa si Ezekiel at napaupo na lang ito.

  "Ayan na!"

  "Manonood ka ba o mag-iingay."

Saway sa kanya ng lalaki. Nag make face na lang sya dito. Nagsimula na nga ang palabas. Umpisa pa lang ay tawa na sya ng tawa. Napansin nyang tumayo si Ezekiel.

  "Oy, saan ka pupunta?"

Di sya sinagot nito, kinuha nito ang tray ng pagkain na dala ng maid kanina.

  "Kakain na lang ako kesa manood ng boring na movie na iyan."

Nakikain na din sya ng pagkain pero tinapik nito ang kamay nya.

  "Di ka pwede kumain."

Saway nito sa kanya.

  "Kadamutan mo talaga."

Binalik nya ang konsentrasyon sa panonood. Tawa na sya ng tawa dahil sa pinapanood pero ang katabi nya ay kain lang ng kain at parang walang ekspresyon ang mukha. Binato nya ito ng unan na nadampot nya.

  "Tumawa ka naman kahit peke. Baka maihipan ka ng hangin dyan at maging estatwa ka na."

  "Hahaha! Oh ano okay na?"

Sarkastikong tawa nito.

  "Abnormal to."

Sumakit na ang tyan ni Gianna kakatawa nang may narinig sya pigil na tumatawa. Pinakinggan nyang mabuti. Hanggang sa...

  "Hahahahaha! Damn man! This is so damn hilarious!"

Napatingin sya sa katabi nya. Parang gusto nyang maiyak dahil sa nakikita. Magpapalitson na ba ako? Si Ezekiel tumatawa. Oh my goodness. Parang matutunaw sya dahil sa ngiti nito. Nahalata ng lalaki na nakatulala sya dito.

  "Oh? Anong nangyari sayo? Para ikaw ang naging estatwa dyan."

Sabi nito sa kanya.

  "Ah eh w-wala."

  "Ngayon ka lang ba nakakita ng lalaking tumatawa?"

Natawa na lang sya sinabi nito. Di na lang nya ito sinagot para di ito mailang. Hanggang sa matapos ang pinapanood nila ay natatawa pa din silang dalawa.

  "Hay grabe! Nakakatawa talaga yung part na sumasayaw si Latrell. Di nya mapigil ang sarili nya."

  "No, I prefer the scene that Marcus was really sleepy and his wife keeps scolding him."

Natatawang sabi Ezekiel sa kanya.

  "Tsaka yung nagsusukat sila ng damit."

Dagdag nya. Tawa sila ng tawa.

  "Yeah, you're right. Damn, I think I will have stomach ache later."

Napatitig sya ulit dito. Nanaginip ba ako? First time nyang makita si Ezekiel na tumatawa. Napatitig din sa kanya ang lalaki. Oh crap! Those eyes. Unti-unting lumiliit ang distansya ng mga mukha nila. Nakaramdam agad sya ng pagkailang kaya naman iniwas nya ang mukha nya dito.

  "Ano kayang pwedeng panoo--"

She didn't finish what she want to say because Ezekiel grab her nape and kiss her.



(A/N: OH ME GESSSSHHHHHH!!! WAAAAAHHHHHHHHH!!! OH syete! Pati ako kinikilig! Waaahhhh!!!! Nakakabuang! Pisti yan! ^_^)

Please read/VOTE/comment so I can hear your feedbacks. ;)

Continue Reading

You'll Also Like

318K 9.7K 26
Sabi sa kasabihan don't judge the book by it's cover. Si Mikaelo Dela Costa ay isang tao na nasa loob ang kulo. Siya ang tipo ng lalaki na hindi mak...
112K 4K 26
Na love at first sight si Titus Nieves sa babaeng natagpuan nilang walang malay sa isang labanan. Ngunit ng magising ang babae hindi nito matandaan a...
255K 8.5K 23
BARAKO SERIES: #6 Sa mura nilang edad isang pangako ang binitawan nila sa isa't isa. Mapapatunayan ba nito ang tatag ng pagmamahalan sa isa't isa? K...
4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...