Sailing Back Into Your Arms

By aeshlyaa

3.7K 292 30

[COMPLETED] --- Zharia Amore Villarica was given a big responsibility and that is to manage and become the CE... More

Sailing Back Into your Arms
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Epilogue

Chapter 29

43 3 0
By aeshlyaa

Chapter 29


Kinusot ko ang mga mata ko nang maramdanng tumatama na ang sinag ng araw sa aking mukha. My eyes immediately drifted to my left side pero wala akong nakitang Aris.



Where is he?



Napatingin ako sa orasan na nakapatong sa bedside table, namilog ang mga mata ko nang makitang mag alas nuebe na pala ng umaga.




Bumangon ako. Inalala ko ang ginawa naming pagkakaisa ni Aris kagabi. Namula ang pisngi ko nang maalala at parang sirang plakang nagplay ng paulit-ulit ang ginawa namin! I'm sure madaling araw na kaming natapos. Maybe mga alas dos na ng umaga. Gosh!




Sinilip ko ang katawan sa ilalim ng kumot. Mas namula lang ako. Namumula-mula ang dibdib ko and I can feel that  I'm sore down there.



Paulit-ulit ko ring inisip kung paano nagkasya ang ano ni Aris. Sa laki at haba ba naman no'n.



"Gosh! Ano ba, Zhari. 'Wag mo na 'yan isipin. Tapos na iyon—"



"Ang alin ang tapos na?" mabilis kong itinaas ang kumot at itinago ang aking katawan sa ilalim no'n nang makita si Aris. Hindi ko man lang namalayan na pumasok siya sa kwarto sa sobrang lutang ko!





Hindi agad ako nakapagsalita. Bumaba ang tingin ko sa katawan nito. He's just wearing a simple white shirt and gray shorts. I swallowed hard as I imagined his long and thick manhood.Tangina, ano ba 'yan. Nababaliw na yata ako.




May dala siyang tray at laman niyon ay mga pagkain.




"Breakfast in bed," he said. Kinuha niya ang maliit na table at ipinatong sa kama. Naupo naman ako nang maayos. Pinatong niya roon ang mga pagkaing dala. Mukhang siya pa yata ang nagluto.



"Maaga ka bang nagising?" tanong ko. His attention shifted to me. I met his expressive gaze.




"Hindi naman sobrang aga," he replied. I nodded slowly and glanced down at the food he prepared. There's orange juice too.

Teka lang—hindi ba pwedeng magbihis na muna ako? Awkward kayang kumain tas hubot-hubad ako!



Tumingin ako sa kaniya. Naabutan ko itong nakatitig lang din sa akin. "Uhm... ano..."




"Hmm?"

I gulped twice. Pumungay ang mga mata nito. He licked his lower lip habang hinihintay ang sunod kong sasabihin.



"Bihis muna ako. W-wala akong suot na d-damit, Aris." I said, stuttering.




Bumaba ang tingin nito sa aking katawan na natatabunan ng puting kumot. I saw how his jaw clenched slightly. His lips twitched bago binalik muli sa mga mata ko ang tingin.





"Sige," he nodded. He surveyed me again. I swear parang na siguro akong kamatis sa sobrang pula ng pisngi ko!


Iningat niya ang mini table ng dahan-dahan para hindi matapon ang pagkain. Hinila ko naman ang kumot at dali-daling pumasok ng banyo dala ang kumot.




I leaned against the door as I finally closed it shut. It was only then that I realized I had been holding my breath earlier. I let out a long sigh. As I started to change, I closed my eyes tightly as I realized that the clothes I had taken weren't mine. Kay Aris iyon!


Talino mo talaga, Zharia!



Wala naman akong choice kaya sinuot ko na lang iyon kesa namang wala akong damit pang-itaas kapag lalabas ng banyo. Naghilamos na rin ako ng mukha at nagmumog. Sinuklay ko rin ang buhok.




Lumabas na ako matapos. Sinundan niya ako ng tingin, bumaba ang tingin nito sa suot kong damit.



"Mali ang nakuha kong damit. Akala ko kasi sa akin," I explained. He chuckled a bit. Napanguso naman ako.


Tinatawa ng lalaking 'to?


Nang naupo na ako sa kama, tumatawa pa rin siya.




"Tawa ka ng tawa. Wala namang nakakatawa." pasiring kong sabi.


He stopped but still had a smile on his face. "I'm not saying anything. Truth is, you can use my shirts, walang problema."



"And... may nangyari na rin sa atin."


What?! Namula ang pisngi ko. Kailangan ba talagang sabihin niya 'yan? Nakakahiya! I'm sure sa sobrang lakas ng ungol ko kagabi malamang narinig na iyon ng mga katulong rito. Pero wag naman sana.





"Kahit na may nangyari sa atin. Wala pa rin namang tayo," agap ko. His brows furrowed.




"Anong walang tayo?" mas lumalim ang gatla sa noo nito. "Bakit nakikipagtalik ka rin ba sa mga manliligaw mo?" His face was dark as he gazed at me.



Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nito. "Ano ka ba? Hindi gano'n," talagang mautak ang isang 'to. Porket may nangyari sa amin kami na agad?


So, ano kayo? Fuck buddy?!


Gosh! Mabilis kong iniwaksi ang naisip na kabaliwan.



Matapos naming kumain, pinakuha iyon ni Aris sa katulong ang mga pinagkainan namin. Now, we're left alone again in his room.




"May gagawin ka ba sa araw nito?" tanong nito at kinuha ang puting tuwalya. Maliligo yata siya.




"Balak ko sanang pumunta ng kabilang isla," mahina kong sambit. Napayuko ako. Gusto kong makita ang construction site at... ang Villa Hotel.




I smiled bitterly. Wala na talaga 'no? Wala na lahat.



"I'll come with you," he said sternly. I glanced at him and nodded. Hindi naman ako tatanggi. Bukod pa ro'n, gusto ko namang kasama ko siyang pumunta ro'n.



Matapos ay nagpaalam siyang maliligo lang. "Sa guest room na lang ako maliligo."



Hindi naman siya kumontra pa. Matapos kong maligo, sinuot ko ang isang sleeveless white dress. Medyo may kahabaan rin iyon pero bumagay naman sa akin. I tied my hair up.



Sabay kaming bumaba ng hagdanan ni Aris. He opened the door of the shotgun seat. Pumasok ako. Umikot naman siya at pumasok na rin sa driver's seat. The engine roared in life at pinaharurot niya na iyon.




Mabilis kaming nakarating sa Villa Hotel. Habang naglalakad sa dalampasigan, may isang bangkang naghihintay sa amin. He helped me na makaakyat at makasakay sa bangka, nagpasalamat naman ako. Nakaupo lang ako sa dulo ng bangka hanggang sa umandar na ito, habang tanaw ko ang tahimik at magandang asul na dagat.





Tahimik lang kami. When I glanced at him, mukhang malalim ang iniisip nito. Nakatitig lang din siya sa maasul na dagat.



Kung hindi ko pa kinuha ang atensyon niya, wala yata siyang balak na patigilin ang bangka. "Aris, nandito na tayo."



Mabilis siyang bumaling sa akin. "Uh, yeah..."  Tinulungan niya akong bumaba sa bangka matapos.



Bumaon ang suot kong tsinelas sa kulay rosas at mapipinong buhangin. Tipid akong napangiti. Mas dumami ang mga dayuha na pumupunta dito dahil sa ganda ng kulay ng buhangin.



Inangat ko ang aking tingin. Totoo ngang hindi naman nadamay ang construction site sa pagsabog dahil may kalayuan ito ng kaunti sa mismong Villa Hotel. Ngunit ang pinatayong Villa Hotel ni Dad, walang-wala na. Halos lugmok na rin. Hindi na makilala.




I glanced at Aris, he's staring at the blue sea. Tahimik at mukhang malalim ang iniisip.


"Aris..." I called for his attention. He quickly turned to face me and then smiled. It was a smile that I knew held assurance. Gumaan ang pakiramdam ko dahil sa ngiti niyang 'yon.

"Yes baby?" his jaw moved a bit. Humakbang ito palapit sa akin at muli akong tinitigan.


I gulped. Nakalimutan ko tuloy kung ano 'yong itatanong ko sa kaniya!


"Teka lang— nakalimutan ko—"



"Ang alin?"



"Ang itatanong ko sana sayo," nag-iwas ako ng tingin at pilit na inalala ang tanong.


Kung bakit ba naman kasi nakakadistract 'yang kagwapuhan niya?



Tinapunan ko ng tingin ang buong paligid bago binalik sa kaniya ang mga mata.




"Why did you sell this to my Dad?" I suddenly asked, referring to the island. I knew it was important to them, so why would he sell it to Dad? At... may alaala kami sa lugar na ito.



Tumingin ako sa pwesto kung saan nakatukod noon ang maliit na kubo.




Naramdaman kong nag-iwas siya ng tingin sa akin. "It wasn't me who sold this island," mahinang saad nito ngunit sapat na para marinig ko.



Hindi siya ang nagbenta nitong isla kay Dad? Imposible naman kung si Archer. Ang pagkakaalala ko, importante sa kanilang magkakapatid ang isla na ito kaya sino?



"Kung gano'n ay s-sino?"



"Ang ama ko," he smiled sadly.




Bahagyang nanlaki ang mga mata ko. "B-Bakit?"



"I don't know," he took a deep breath as he turned his gaze to me. "Actually, nagbago ang papa ko simula no'ng namatay si mama."




Naupo siya sa buhangin, nakatitig sa kulay asul na dagat. Dahan-dahan rin akong naupo sa tabi nito.


Ngayon lang siya nag-open up tungkol sa family niya. Hindi niya ito kinukwento sa akin kahit no'ng mga panahong kami pa. Sa tingin ko'y, sa ganitong paraan mas lalo ko siyang nakikilala.




"My mom is a Lopez. The Lopezes own a lot of properties. My mom left us with a lot of assets, but my dad just sold everything. He didn't leave anything for me or Archer, nor did he give us any money from the sales. I even thought back then that my dad was doing the right thing, so I just let it be," he said, still gazing at the sea. His jaw clenched a bit, accentuating his jawline. I remained silent though.


"Wala siyang binigay na kahit ano sa amin ni Archer that's why I decided to work... to earn," then he looked at me.



So, that's why he was working back then? So, if his dad didn't sell his mom's properties, he's probably really rich! Richer than us, even.


"Then I found out, he had an affair. They were together in Manila. Luckily, he didn't find out about my mom's ancestral house, so it was just me and Archer who lived there. When I found out that the woman, ang kabit niya,  cheated on him and was only after his money, he lost everything. His hidden savings in the bank were also taken. And the woman, is nowhere to be found. Hindi ko alam kung paano nakilala ng papa ko ang daddy mo, Zhari. He just suddenly sold the island. I can't blame Mr. Villarica. He didn't know how important it was to us, kaya niya rin siguro binili ay dahil na rin sa ganda nitong isla."






Bumigat ang paghinga ko. "Ilang taon ka no'ng namatay ang mommy mo?"



"I was 6 years old back then."


Hindi ko alam na gano'n pala ang kalagayan niya no'n. Parehas pala kaming walang ina, ang kaibahan lang ay makasama niya ang mommy niya kahit sa loob ng anim na taon lang, samantalang ako ay wala. Ni hindi ko nga nayakap o ano.




Sa pictures ko lang naman siya nakikita. Dad said she left us. She left me at the hospital. Iniwan niya ako mismo after niya akong niluwal. Funny, but that's the truth anyway. Pinahanap siya ni Dad pero mukhang sumuko na rin si daddy nang hindi niya talaga ito nahanap.


Nang matantong wala na itong sasabihin ay tumayo na ako.




"Bumalik na tayo," sambit ko nang makitang umaambon. Uulan na naman yata.




He smiled at me and nodded slowly.





Mukhang naging mabilis lang ang takbo ng oras dahil mabilis lang din kaming nakarating sa ancestral house nito.



Nang makarating sa salas ay nagring ang phone niya. Tumigil rin ako sa paglalakad para tingnan siya. Sinagot niya iyon. Hindi naman siya lumabas o lumayo nang sagutin ang tawag na iyon.



"Yes... lend me the pictures and his current location. Yes... thank you,"



"Sino 'yon?" I asked curiously. He glanced at me.




"Nakilala na nila kung sino ang taong nasa CCTV cam," he said firmly. Nanlaki ang mga mata ko.




Kung gano'n, mahuhuli na talaga ang kung sinong may gawa ng lahat ng iyon!



His phone beep. Bumagsak ang mga mata namin sa selpon niya. May pictures na nagpop up. I could feel that he was stunned for a moment after seeing the pictures. I moved closer, my eyes widened as I finally saw who was in the photos. My jaw dropped when I realized it was the mysterious man!



Habang tumatagal ang titig ko sa larawan ay mas lalo ko lang napapansin kung gaano kalapit ang itsura nito kay Aris.



My heart pounded. Marahas akong napasinghap bago bumaling kay Aris.



His face was firm. Umigting ang panga nito nang bumaling din sa akin.



"Kilala mo ba ang taong 'yan, Aris?" marahan kong tanong. Kung hindi ako magtatanong ay talagang hindi ako mapapanatag sa mga bumabagabag sa isipan ko.




"It's not what you think, Zhari," he said sternly. Kumunot naman ang noo ko.



"Tinatanong ko kung kilala mo ba ang taong 'yan?"



Please tell me I'm wrong. Sabihin mong hindi at hindi mo siya kaano-ano, Aris.




I saw him swallowed hard. Pumikit siya nang mariin at nagmulat ng mga mata matapos, "He's my father... Arturo Lazaro..."




Namutawi ang katahimikan sa amin. Dahan-dahan akong umatras nang tuluyang nagsink in sa utak ko ang mga sinasabi niya.



His father? Papa niya ang may pakana ng lahat?!




My knees trembled. Nanlambot ang mga tuhod ko hanggang sa tuluyan na  akong napaupo sa sahig. A pang of excruciating pain shot through me, as if my heart were being pierced by a thousand needles.



"Zhari..."



"Bitawan mo 'ko," mariing sambit ko. Lumuhod siya at pilit pa ring hinuhuli ang siko ko pero iniwas ko iyon.



"Layuan mo 'ko! Parang awa mo na, Aris!" it was like a bomb exploding from the sheer force of my scream.






"Nawala ang lahat sa akin pati ang mga kaibigan ko at dahil... dahil sa papa mo?" nanghihinang usal ko.



Hindi ko alam kung ano'ng kasalanan ko sa papa niya at kung bakit niya 'to nagawa? Ni hindi ko nga  siya nakilala for pete's sake!



Tumayo ako at marahas na inagaw ang braso ko sa kaniya. "May alam ka ba sa nangyari?"

Hindi siya kumibo.



"Wala ka namang alam sa nangyari, hindi ba?" tanong ko muli, ngayon nagmamakaawa na. Uminit ang gilid ng aking mga mata, ano mang oras ay babagsak na ang namumuong luha.





Kanina lang kwinento niya sa akin ang tungkol sa pamilya niya, ngayon... ganito naman ang nangyari.




"Ano'ng kasalanan ko sa papa mo? Bakit niya ginawa 'to sa akin?! Bakit niya nagawang pumatay ng mga tao?!" my tears crashed and rushed like a torrent. Hindi ko matanggap.



Hindi ko lang matanggap. Sa dinami-rami ng mga tao sa mundo bakit kinailangang ama niya pa?




He lowered his head. He remained silent.



I laughed with no humor. "Wala ka ba talagang sasabihin?"




He glanced at me. I saw pain flicker across his eyes, but it quickly vanished, replaced by a dark gaze. Or perhaps it's just my imagination that he's hurting?



Naghintay ako ng ilang minuto pero wala. Wala akong narinig na kahit ano galing kay Aris.




"Sabihin mo naman sa akin na wala kang alam, oh. Sabihin mong hindi mo alam na gagawin 'to ng papa mo, Aris..." mas lalo lang akong napahagulgol nang hindi man lang siya nagsalita.




I feel a stabbing pain in my chest. It's like my heart is being clenched and wrung out from the unbearable agony. Nanlalamig ang mga kamay ko.


Bakit hindi siya nagsasalita? Wala siyang sinasabi. Hindi niya man lang dinedeny na wala nga siyang alam!



Mabubulagbulagan pa ba ako kung sa inaasta niya pa lang ngayon ay totoo ngang may alam siya. Pero bakit? Bakit tumulong siya sa pag-imbestiga?! Para hindi mahalata?


Fuck! Sumasakit lang ang ulo ko sa naiisip.



Oo nga pala. Hindi ba't sinabi ko noon na hinding-hindi ko mapapatawad ang mga taong may kinalaman sa nangyaring insidente?




At isa siya ro'n. Isa nga ba siya?


Pinalis ko ang mga luhang patuloy pa rin sa pag-agos. "'Wag na 'wag ka ng magpapakita sa akin." may diin kong sambit.




"Zhari, no. Please..." humakbang siya palapit pero umatras ako. Pain crossed his eyes. "Itataboy mo na naman ba ako palayo?"




Natigilan ako sa sinabi nito.




Nang matauhan ay hindi ako makapaniwalang napatitig rito. "Sa oras na malaman kong may kinalaman ka, hinding-hindi kita mapapatawad, Aris." I said with so much pain. Kahit anong palis ko sa luha ay hindi pa rin tumitigil sa pag-agos.






Hindi ko na sinagot pa ang tanong niya at tuluyan nang nilisan ang lugar. Nang tuluyang makalayo sa ancestral house niya ay napatigil ako sa pagtakbo. Nagbabadya na namang tumulo ang mga luha ko.




I gasp for air. My knees buckle quickly as they grow weak again. I can feel my hands trembling, growing colder. I shiver even more as the rain suddenly pours down.



Sa totoo lang, hindi ko na alam ang gagawin ko...

Continue Reading

You'll Also Like

7.2K 93 5
Fanfiction of Yeshua Altamirano and Piper Zaragossa
51.5K 786 57
Ayara Terrise Monterio a fresh graduate, trying to find herself in the world of filming. Not knowing that following her dreams will lead her to the p...
PRETEND. By ‎

Fanfiction

28.1K 1.7K 77
── Park Jeongwoo ❝Can you just stop pretending that you are a gay?❞ ◎ on going ◉ complete ◎ edited 「 TREASURE CHATeul SERIES #2 」 ✦✦✦ ✦✦ ✦ ✦ ✦...
2.8M 73K 22
Book 2 of My Professor is my Husband "She's long dead why do you keep insisting that you saw her?!" I can't help but shout at them. Kung ipagpapatulo...