Sailing Back Into Your Arms

By aeshlyaa

3.7K 292 30

[COMPLETED] --- Zharia Amore Villarica was given a big responsibility and that is to manage and become the CE... More

Sailing Back Into your Arms
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Epilogue

Chapter 15

55 4 0
By aeshlyaa

Chapter 15




Jasper's birthday came. Sinurpresa namin siya ni Caitlin ng birthday cake nang maglunch time. "Ghadddd! Nag-effort talaga kayo. Thank you so much. Mahal na mahal niyo talaga ako." madrama nitong saad na ikinatawa ko.

Binatukan naman siya ni Caitlin. "Ang OA mo. Grabe."

"Finally, finally, eighteen ka na din." I said excitedly.

Naupo ako sa grass. Nasa soccer field kaming tatlo. Mabuti na lang konti lang ang naglalaro at hindi rin naman masyadong mainit.

"May grand celebration ba mamaya?" tanong ko.

"Paniguradong meron 'yan." sabat naman ni Caitlin. Excited naman kaming hinampas ni Caitlin.

"Nagrequest akong 'wag na mag celebrate ng super grand at pumayag si mommy!"

"Himala. Ngayon pa talagang debut mo." usal ni Caitlin. Napasang-ayon naman ako sa sinaad nito. Knowing Tita, hindi iyon pwedeng walang celebration.

"May business trip sila ni Dad. Importante iyon, ayaw nga nilang matuloy doon pero sinabi ko naman na ayaw ko rin naman ng enggrandeng celebration. Pwede namang bumawi kapag nagnineteen na ako." mahabang lintaya ni Jasper

"So, anong Plano mo mamaya?" takang tanong ko ni Caitlin.

Jasper's eyes met mine. Then, we both smirked. "Sa bar. Tayong tatlo lang!"

I screamed because of excitement. Caitlin chuckled. "Game. Ang unang malalasing siya ang manglilibre ng lunch buong semester." hamon ni Caitlin.

I laughed hard dahil alam kong talo na agad si Jasper.

We stayed that way for several minutes. After our class, nauna ng nagpaalam si Jasper at gano'n din naman si Caitlin. Nasa classroom pa ako habang inaayos ang mga gamit nang makatanggap ng mensahe mula kay Aris.

Poging Suplado:

Nasa room ka pa? Nasa parking lot ako...

Poging Suplado:

I miss you. Badly want to hug you :(

Poging Suplado:

You hungry?

Namula ako sa sunod-sunod nitong mensahe. Hindi na ako nagreply at mabilis na ipinasok sa loob ng bag ang mga gamit. Nag-iinut ang pisngi ko nang paulit-ulit kong binasa ang mga message niya habang naglalakad

Kyahhhh! Paano naman ako hindi kikiligin sa I miss you niya sis?! Tangina naman. Talagang hindi pa ako nasasanay. Kailan kaya ako masasanay?

Paano na lang kung kami na? Shutangina mamamatay yata ako sa kilig.

Nadatnan ko si Aris nakasandal sa mamahalin nitong sasakyan. Nakaputing longsleeve ito at nakaitim na pantalon.

Ang magulo nitong buhok ang nagpadagdag sa kaniyang kapogian. I really find his messy hair attractive.

His deep-set eyes were locked with mine. Umayos ito ng tayo.

"Hi! bati ko. Ginulo niya naman ang buhok ko.

His piercing eyes stared at me intently. "Hi, wanna go on a date with me?"

Nanlalaki ang mga mata ko siyang tinitigan. Date? Seriously? Omoooo!!

"O-oo naman. S-saan ba?" nauutal kong sambit.

"Secret para bibo." may multo itong ngiti sa labi.

I rolled my eyes. "Tss. Gasgas na 'yang linya na 'yan."

He chuckled sexily that made my heart leapt. He then pinched my nose. "Sorry, hindi kasi ako updated."

Baliw talaga. Naiiyak ako sa humor niya teh. Natawa ako kahit na wala namang nakakatawa.

Natatawa ko siyang inirapan.

"Hop in." he opened the shotgun seat. Pumasok naman ako. He then slipped himself inside and close the door.

The engine roared in life at pinaharurot iyon.

"Saan ba tayo magdedate?" curious kong tanong.

Sumulyap siya sa akin. "Secret nga." he smirked and winked at me faithfully.

Hindi naman na ako nangulit pang magtanong dahil wala talaga siyang balak sabihin sa akin.

Nangunot ang noo ko nang matantong pamilyar na daan ang tinatahak namin.

"Sa Villa Hotel?" gulantang ko. Huminto ang sasakyan nito hindi kalayuan sa mismong hotel namin.

Taka ko siyang binalingan. I mean, wala namang masama kung dito kami magdedate pero kasi nandito si Dad! Shocks! Makikita niya kung gaano kalandi ang nag-iisang niyang anak.

Juskoooo! Pwede naman siguro sa iba na lang? Kilala ako ng mga crew dito kaya malamang malalaman talaga ni Dad na nandito ako lalo pa't hindi naman ako madalas dito sa Hotel kaya syempre sasabihin nila iyon sa Dad ko.

Tumawa si Aris sa nakitang reaksyon mula sa akin. "Malalaman mo mamaya." bumaba ito at pinagbuksan ako ng pinto.

Hinayaan kong iwanan ang mga gamit ko sa kotse nito.

He slid his fingers with mine and let our hands intertwined. Another electrifying feeling filled me.

The foreign feeling sent shivers down my spine.

I smiled while staring at our intertwined fingers. Naglakad kami sa dalampasigan.

Hindi naman gano'n karami ang naliligo sa beach, probably because it's not yet summer kaya wala namang masyadong turista.

May maliit na bangka ang naghihintay sa amin hindi kalayuan. Tahimik namin tinahak ang gawi na iyon.

Hinipan ng panghapong hangin ang buhok ko. The orange sun started to set.

"Mang Santino." si Aris sa taong nakasakay kanina sa bangka. Nakalapit na ito sa amin.

"Marunong ka namang magpaandar niyan Aris kaya hindi ko na kayo guguluhin." magalang na saad ni Mang Santino. He's in his med 40's I guess.

"Magandang hapon po, ma'am Zhari." baling nito sa akin. Hindi ko man siya kilala ay ngumiti pa rin ako.

"Naku, Zhari na lang po. Maganda hapon rin ho sa inyo."

I turned my gaze to Aris who's now staring at me intensely. Nagpaalam na si Mang Santino sa amin pero ang titigan namin ni Aris ay hindi man lang naputol.

I smiled at him pero kalaunan ay nawala iyon. I looked at him, amazed, at how the setting sun reflected beautifully in his eyes.

Umawang ang labi ko sa ganda ng kaniyang mga mata. Just my favorite view and favorite person...

Ang naghahalong kulay kahel at pula ng papalubog na araw ay nasa mga mata nito.

"Hey, you okay?" he looked at me with concern eyes.

Dahan-dahan akong tumango. "Y-yeah..."

Tinulungan niya akong makasakay sa bangka. Sumunod din siya pagkatapos. Ngayon ko lang din na-realize na nakauniporme pa pala ako!

Nakanguso ko siyang binalingan. "Hindi man lang ako nakapagpalit ng damit."

He laughed. "Nah... Hindi naman na kailangan."

Lumapit siya sa makina kung saan pinapaandar ang bangka.

"Turuan mo 'ko kung paano 'yan pinapaandar." nakangiting sambit ko at lumapit sa kaniya.

Umigting ang panga nito. "Demonstration lang muna. Sa susunod, ikaw na talaga ang magpapaandar."

Mas lalo lang humaba ang nguso ko. "Sa tingin mo may susunod pa?"

Matalim niya akong tinitigan. "Bakit? Sa tingin mo wala ng kasunod?"

Tumunog ang makina at nagsimula ng umandar ang bangka.

"Paano ka nga pala natuto niyan?" I asked back, not answering his question.

"Kay Mang Santino." he answered habang matalim pa rin akong tinitingnan.

Naupo ako sa kabilang side nang umaandar na ang bangka. Tahimik lang kami ni Aris dahil hindi rin naman kami magkakarinigan dahil sa lakas ng tunog ng makina.

Nakatitig lang ako sa dagat na may repleksyon din ng papalubog na araw.

The engine stop roaring. Tumigil kami sa islang hindi pamilyar sa akin.

Nahagip ng mga mata ko ang munting kubo sa hindi kalayuan.

Kumabog ang dibdib ko nang hinawakan ako ni Aris sa baywang at inalalayang makababa ng bangka. Nagkakatitigan kami.

"T-thank y-you." utal-utal kong saad.

Stepping onto the sand, my eyes widened in awe. Pink sand! My feet sank into the soft, rosy-hued beach beneath me.

Gulat kong binalingan si Aris. "OMG! Magkaibang-magkaiba ang buhangin dito sa Villa Hotel."

I bent down my knees and filled my hands with the pink sand.

"You like it here?" lumuhod din si Aris sa harapan ko.

I stared at him. "Oo. Sobra."

He smiled genuinely and kissed me on the cheek. Nagulat ako roon. That was just a peck pero iba pa rin ang epekto nito sa akin.

Nilahad niya ang kaniyang malapad at magaspang na kamay. Tinaggap ko iyon.

Tinungo namin ang kubong gawa sa kawayan. Ang iilang puno ng niyog ay sumasabay sa indayog ng hangin.

Pinapasok niya ako sa loob, only to see petals of red roses everywhere. The floor was strewn with red rose petals, captivating my gaze. As I looked around, I spotted a table laden with tempting dishes, while large lettering hung proudly in the center.

My eyes widened.

It says there, "Will you be my girlfriend, Zharia Amore?"

With teary eyes, I turned to Aris. His brooding eyes bore into me, clenching his jaw tightly.

"Be my girlfriend, Zhari." he said huskily that made my knees buckled.

Lumapit ito sa akin na namumungay ang mga mata.

My lips crept a smile. I nodded. " It's a yes!"

Continue Reading

You'll Also Like

474 132 29
Luke Zachary Bernadotte is a young ceo from a wealthy family.He's from Royal Family of Sweden. Pero dahil sa pagiging ceo na ibinigay ng kanyang ama...
3.8M 53.6K 29
WARNING: MATURE CONTENT [ SPG | R18 ] #RozovskyHeirsSeries2
1.4K 466 32
LIFE IS SHORT, SO MAKE IT PERFECT. I JUST WANT TO BE HAPPY, WHY CAN'T IT BE GIVEN TO ME? IS IT HARD TO LOVE ME? I AM LAZY TO STUDY BUT I STILL WANT T...
35K 1.9K 32
Samantha Eliza Lavega, a 21 years old daughter of Mr. Ismael and Mrs. Joyce Lavega is suffering for being an unwanted bride of a well known businessm...