CANDLE LIGHT

By Iamprincessjan

488 0 0

Brianna Leigh Santiago came into a painful relationship. She caught her ex cheating on her. She was so broken... More

Author's Note
Prologue
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15

CHAPTER 16

15 0 0
By Iamprincessjan

"Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!!"



Napasigaw ako sa sakit. Araw na ng kapanganakan ko, at sinigaw ko na lahat upang makalabas na si baby sa tiyan ko. Hindi ko na alam, sobrang sakit na ng aking lalamunan kakasigaw mapalabas ko lang si baby ng madalian. 



"Sige pa, isigaw mo pa, Brianna!" 



"Uhmmmmmmmmmm! Ahhhhhhhhhhhh!!!" Hinahabol ko na ang hininga ko dahil sa sobrang tagal ni baby'ng lumabas. 



"Malapit na, Brianna! E-Eri mulang 'yan at lalabas na si baby!" 



Ilang sandali ay naramdaman kong nakalabas na si baby sa tiyan ko, at sobrang sarap sa pakiramdam nang mailabas ko lahat ng aking lakas. 



"Ang lusog ng anak mo, Brianna!" sabi ni Doc nang makita ko siyang bit-bit ang anak ko. Napaiyak ako nang makita ang baby ko, "Anong ipapangalan mo sa kanya?" pahabol na tanong ni Doc.




"Aiahnna Louis, Doc!" Napangiti ako nang sinabi ko ang buong pangalan ng anak ko.



"Aiahnna Louis? Napakagandang pangalan! Brianna, ito na ang anak mo!" Sabi ni Doc sabay abot sa 'kin ng baby ko. 



Tumulo ang luha ko nang mahawakan ko ang Anak ko. I never expected this to happen in my life so soon. Sobrang saya ng puso ko ngayon. Ang mga luha ko ay nagpatuloy parin sa pag-agos. Hindi ko maipaliwanag kong anong saya ang nararamdaman ko ngayon. Sobrang proud ako sa sarili ko dahil nairaos ko si baby nang hindi nahihirapan. 



"I love you, Aiahnna Louis!'' bulong ko sa Anak ko.



Ilang sandali ay pumasok na nga sila Mama at Charlotte dito sa loob, at nang makita nilang bit-bit ko sa Aiah ay agad silang napalapit sa 'kin.



"Ito na ba ang Apo ko?" Maluha-luhang tanong ni Mama. Agad niya namang kinuha ang Anak ko sa 'kin at siya na mismo ang nakahawak nito.



"Ate, sobrang ganda niya! Ang tangos ng ilong at mukhang pangmayaman ang kutis," sabat naman ni Charlotte habang hinawakan niya sa kamay si Aiah, "Ano nga pala ang pangalan ng pamangkin ko, Ate?" dugtong pa nito.



"Aiahnna Louis," nakangiti kong sagot.



"Aiahnna? So, parang Brianna? Tapos ang Louis ay parang Leigh? Wow! Galing mo namang mag-isip ng pangalan, Ate!" 



"Ang taas naman ng pangalan niya, Anak! Tinulad mo pa talaga sa 'yo. Ano bang palayaw niya?" tanong naman ni Mama.



"Aiah po, Ma!" 



Napangiti kaming tatlo habang nakatingin kay Aiah. Tama nga si Charlotte, matangos ang ilong ni Aiah at pang mayaman ang kutis niya.. Nagmana sa kanyang Ama na si Lucas.



Bukas pa kami makakalabas dito sa Hospital kung kaya ay umuwi muna sila Mama at Charlotte upang mahanda ang kwarto ko at ang matutulugan ni Aiah. Timing lang din dahil kakarating lang ni Jaidah dito sa Hospital at nagdala siya ng mga prutas.



"Pasensiya ka na at ngayon lang ako nakapunta, Bri. Sobrang busy kasi sa club at naglinis din kasi ako ng apartment natin baka saka-sakaling maisipan mong bumalik doon," paliwanag niya habang nagbabalat ng orange para sa 'kin.



"Ano ka ba, okay lang 'yon, Jai. Nandito naman sila Mama at Charlotte at sila ang nag-alaga sa 'kin habang pinapanganak ko si Aiah,"



"A-Aiah? 'Yan ba ang pangalan ni baby?"



"Oo, Jai! Aiahnna Louis,"



"Napakaganda namang pangalan! Pwede ko ba siyang makita, Bri?"



Tumango lamang ako tsaka siya tumayo at pumaroon kung saan si Baby Aiah. Habang nandoon si Jaidah ay kinain ko na muna itong orange na binalatan niya.



Ilang sandali lang ay may kumatok dito sa kwarto ngunit hindi ko pa naman kayang tumayo ay nagsabi nalang ako na bukas naman ang pinto at pwede silang pumasok dito sa loob. Nang makapasok na nga ang mga ito ay laking gulat ko nang makita ko sila Mama Fe na kasama si Mr. Chua at ang girlfriend nito.


Nahiya ako sa itsura ko dahil alam kong sobrang haggard pa ng mukha ko at pinag-pawisan pa ang katawan ko. Nakangiting nakatingin sa 'kin sila Mama Fe at si Mr. Chua, ngunit itong girlfriend niya ay nakakibit-balikat lang at panay irap sa 'kin at dito sa paligid. 



Akala ko pa naman break na sila, tsk!



"Kamusta ka, Kimmy?" Lumapit si Mama Fe sa 'kin at kaagad na hinawakan ang kamay ko at naupo sa tabi ko, "Mabuti naman at nairaos mo ang Anak mo, syempre sa tulong ng ating Panginoon," ngumiti siya at niyakap ako.



"Okay na po ako, Ma! Mabuti nalang din dahil hindi ako pinahirapan ng Anak ko," ngumiti rin ako at napatingin kay Mr. Chua na mukhang gusto rin akong yakapin.



"Saan ba ang anak mo, pwede ko ba siyang makita?" umiwas ng pagkayakap sa 'kin si Mama Fe, nakita ko rin sa kanyang mga mata kung gaano siya ka excited makita si Aiah.



Bago pa ako nakasagot ay pumasok kaagad dito sa loob si Jaidah na bit-bit ang Anak ko. Lahat kami ay napatingin sa kanya ngunit laking gulat niya nang makitang may ibang tao dito sa loob ng kwarto.



"Ito na ba ang Anak mo, Kimmy?" Excited na kinuha ni Mama Fe si Aiah sa kamay ni Jaidah, "She's so beautiful! Hello, baby? A-ano ba ang pangalan niya?" pahabol na tanong niya.



"Aiahnna Louis po, Ma,"



"I'm so happy right now for seeing your beautiful daughter, Kimmy!" Napatingin kaming lahat kay Mr. Chua nang magsalita siya. Ramdam ko sa mga mata niya ang kaligayahang makita ang Anak ko... Anak ng pamangkin niya.



"Thank you for coming here, Mr. Chua!" Sabi ko.



"Congratulations, Kimmy!" Nagulat din ako nang magsalita si Hirae, girlfriend ni Mr. Chua. Pero ramdam kong pinaplastic niya lang ako.



"Thank you!" 'Yan nalang ang sagot ko. Kahit pa na alam kong naramdaman kong ayaw niya naman talagang magsabi ng congratulations sa 'kin. Tsk!






Lumipas ang ilang taon noong pinanganak ko si Aiah, bumalik narin ako sa pagtatrabaho dito sa club. Habang sila Mama at Charlotte naman ang nagbabantay kay Aiah doon sa bahay namin. Ngayon na medyo lumaki na si Aiah, kailangan kong kumayod ng todo upang maibigay ko sa kanya lahat ng gusto at pangangailangan niya. 



May lungkot akong nararamdaman habang papalaki nang papalaki ang Anak ko. Simula bata pa siya at hanggang ngayon ay wala siyang kinikilalang Ama. Nagi-guilty ako dahil alam kong kahit bata pa siya ay nararamdaman kong nangungulila siya sa pagmamahal ng isang Ama. Gustuhin ko mang makilala niya ang tunay niyang Ama ngunit alam kong malabong mangyari 'yon dahil nga hindi na kami nagkita pa ni Lucas at wala na akong balita tungkol sa kanya.



Pero kahit papaano ginagawa ko naman ang buong kakayahan ko upang maibigay lahat sa Anak ko ang pagmamahal at pag-alalaga na kailangan niya. Kahit pa na sobrang layo ng bahay namin dito sa club na pinagtatrabahuan ko ay uuwi parin ako upang makasama si Aiah sa pagtulog at pag-gising ko. Ayokong malayo ang loob niya sa 'kin kaya kahit pagod na pagod ako o kahit lasing ako galing trabaho ay umuuwi parin ako sa bahay namin makita ko lang ang Anak ko.




"Show up!!!!" 




Kaagad akong nagmadaling bumaba nang marinig si Mama Fe na sumigaw ng Show up. Hindi pa ako nakabawi sa lahat ng nagastos ko kaya kailangan kong magparami ng guests dahil noong hindi pa ako nagtatrabaho, lahat ng mga guests ko ay lumipat na sa ibang babae at may iba namang hindi na pumunta dito sa club. 



Todo smile ako nang namimili na 'tong guest na nasa harapan namin. Naka gown ako na kulay maroon at kulot ang buhok ko kaya hindi naman sa pagmamayabang, alam kong attractive ako sa itsura ko ngayon.



Ilang sandali lang ay nakapili na ang guest ng isang babae at ako 'yon! Kaagad akong lumapit sa kanya upang samahan siyang mamili ng vip room. 



Masyado nga naman akong swerte sa gabing 'to dahil sobrang gwapo ng guest ko. Medyo bata pa siya at mukhang tambay parati sa club. Nang makapili siya ng vip room ay agad na kaming pumasok doon. Nagulat pa ako nang um-order agad siya ng mga alak, ni-hindi niya na ako tinanong pa kung anong gusto ko.



"Hi, I'm Alexandra for short, Alex!" Pagpapakilala ko sa kanya.



Alexandra na pala ang bago kong pangalan simula noong nag leave ako. Ayoko nang bumalik pa sa Kimmy since marami na akong pinagdaanan sa pangalan na 'yon.



"I am Enzo Liam but you can call me Enzo," pagpapakilala niya rin sa 'kin.



In fairness naman mukhang mabait ang pangalan ngunit bad boy naman ang datingan. Hindi ko alam kung mayaman ba siya kasi sobrang simple lang niyang manamit. Ngunit sa tindig at aura niya ay mukha nga siyang business man. 



"Nice to meet you, Enzo!" inabot ko ang aking kanang kamay sa kanya upang formal na magpakilala. 



Dumating ang alak na in-order niya. Isang wine at isang margarita ang nasa mesa namin ngayon. Akala ko pa naman ay marami ang o-order-in niyang alak, dalawa lang pala. Pero okay narin 'yon dahil hindi masasayang ang gabi ko.



"What do you want to drink? Sorry if 'yan lang ang kinuha ko, I don't know what you gonna drink tonight," mahinahon niyang sambit.



"It's okay, hindi naman ako mapili sa alak since ito na ang trabaho ko, eh! Margarita nalang," ngumisi ako. Agad niyang inabot sa 'kin ang margarita.



Lumipas ang ilang minuto ay halos naka apat na basong margarita na ako at siya naman ay isang bote palang ng wine ang naiinom. Hindi pa naman ako lasing dahil panay kwento lang kami sa isa't-isa. Mabait naman pala siya at hindi siya 'yong tipong lalake medyo cold ang ugali. 



"Are you single, Alex?" muntik na akong masamid sa iniinom ko nang magtanong siya about sa status ko.



"Y-yes, but I have a daughter,"



"So, you're a single mom? That's cool!" 



"Thank you!"



Mayaman nga naman si Enzo. Nagmamay-ari siya ng mga restaurants na sikat dito sa Davao. Ang family din niya ay kilala bilang mga politicians. Sabi pa niya kapag pumupunta siya sa mga club ay naka pang-disguise siya upang hindi siya makilala ng mga tao dahil alam niyang magiging issue sa mga magulang niya ang pagpunta niya sa club. He's single. Ayaw niya raw ng commitment. He just wants to enjoy his life by being single at ayaw na ayaw niyang magkaka-problema nang dahil lang sa isang relasyon.




"As long as I'm happy for being single, I don't want to get into a relationship even though my parents want me to have my own family dahil tumatanda na raw ako," he explained.




"Sabagay, mas masaya naman kasi kapag single ka dahil wala kang problema at walang magseselos o magagalit sa kung anong gagawin mo o sa kung saan mo gustong pumunta, diba?"



"Yes! Kaya nga parati akong pumupunta sa mga club to enjoy myself and of course to meet new people, like you!" 




Natapos na ang oras namin at ayaw niya raw mag-extend dahil her mother wants him to go home early kasi may emergency daw. Bago siya umalis ay binigyan niya ako ng tip and this tip is not just for me but also for my daughter, sabi niya. Kaya sobrang saya ko dahil nakilala ko ang tulad niya na sobrang bait at hindi mapagsamantala ng babae.




"I'm happy to met you, Alex! Don't worry I will comeback here," sabi niya nang ihatid ko siya dito sa labas. Hindi ko inasahang iki-kiss niya 'ko sa 'king pisngi.

Continue Reading

You'll Also Like

3M 95.7K 28
"Stop trying to act like my fiancée because I don't give a damn about you!" His words echoed through the room breaking my remaining hopes - Alizeh (...
3.6M 291K 96
RANKED #1 CUTE #1 COMEDY-ROMANCE #2 YOUNG ADULT #2 BOLLYWOOD #2 LOVE AT FIRST SIGHT #3 PASSION #7 COMEDY-DRAMA #9 LOVE P.S - Do let me know if you...
566K 30.7K 49
𝐁𝐨𝐨𝐤 𝐎𝐧𝐞 𝐨𝐟 𝐈𝐬𝐡𝐪 𝐤𝐢 𝐝𝐚𝐬𝐭𝐚𝐧 advika: "uski nafrat mere pyaar se jeet gayi bhai meri mohabbat uski nafrat ke samne kamzor padh gay...
273K 16K 17
"ဘေးခြံကလာပြောတယ် ငလျှင်လှုပ်သွားလို့တဲ့.... မဟုတ်ရပါဘူးဗျာ...... ကျွန်တော် နှလုံးသားက သူ့နာမည်လေးကြွေကျတာပါ.... ကျွန်တော်ရင်ခုန်သံတွေက...