Sailing Back Into Your Arms

By aeshlyaa

3.7K 291 30

[COMPLETED] --- Zharia Amore Villarica was given a big responsibility and that is to manage and become the CE... More

Sailing Back Into your Arms
Prologue
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Epilogue

Chapter 1

196 18 3
By aeshlyaa

Chapter 1

Nang matapos ako sa trabaho ay nanatili na lamang ako sa opisina habang hinihintay ang oras na mag-alas sinco. Mabuti naman ay nadala ko iyong regalo sa akin ni Andrei dahil hindi ko pa iyon nabubuksan mula pa kanina.

Maliit lang iyon at mukhang alahas pa base sa itsura ng wrapper. I opened it and to my surprise it's a necklace. Prada ang brand no'n.

"Omy!! Tangina ang ganda neto."

Alam na alam talaga ni Andrei na favorite brand ko 'to. Though hindi ko naman iyon masyadong susuotin dahil mahilig lang talaga ako mangolekta.

It's my another of relieving my stress.

Bahagya akong napatalon nang tumunog ang phone ko.

Tumatawag na naman si Caitlin.

"Ah waeeee???" bungad ko na ikinatawa niya.

"OA ka OA! kaka k-drama mo 'yan."

I laughed at what she said.

"Minsan tahimik ka kapag nakakainom pero ang ingay-ingay mo naman kapag hindi! Baliktad ka girl." she said. I can imagine her eyes rolling.

Ipinagkibit-balikat ko na lang iyon.

"Ano bang meron at napatawag ka?"

"Hindi ko alam kung anong nakain nitong si Andrei at buong araw na nakabuntot sa akin. Gusto niya ba ako?!"

Parang naman akong nabulunan sa sariling laway. Then I burst out laughing.

I laughed so hard.

"Tawa ka ng tawa inggrata ka! Ano? Sagutin mo 'ko!" she shouted.

Ang dami niyang pinakawalang mura dahil hindi pa rin ako natigil sa kakatawa.

"Seryoso ka ba diyan? Pero kung gusto ka man niya, ba't parang nababother ka ata. Gusto mo din ba siya, ha?" mahabang lintaya ko at napatawa ng bahagya.

Natahimik ang kabilang linya kaya mas lalo ko lang nafigure out.

Don't tell me may gusto talaga siya kay Andrei?!

"Omg ka girl! So, may gusto ka nga sa kanya?" gulantang ko.

"Wala 'no! As if."

Tumawa ako at tumango-tango na parang nasa harapan ko lang siya. Sige sabi mo eh.

"Tawa ka pa ng tawa diyan. Tignan na lang natin kung makakatawa ka pa ba kapag nagkita ulit kayo ng ex mo." she fired back.

I laughed hard. Dahil alam kong hindi na mangyayari pa iyon.

Wala naman iyon dito sa Pilipinas at malamang wala na rin iyon balak na bumalik dito. Para saan pa? I heard that he's already successful at kontento na sa buhay sa ibang bansa.

Kaya bakit pa babalik?

"You're bluffing. Why would he comeback? Wala namang saysay kung babalik siya dito unless kung may iuuwi siya o may naghihintay sa kanya."

She scoffed at my rants. "Puro ka dada. Nandito na siya sa Pilipinas, hindi ko nga lang sigurado if nasa Manila."

I was caught off guard.

What the hell? Bakit siya bumalik? Putangina lang. Six years na girl ang lumipas! ANIM NA TAON! Hindi pa nga ako fully recovered 'tas babalik na siya.

This is hell. Bakit ba kasi ang hirap niyang kalimutan?

Pukingina niya.

"Tameme ka diyan sis. Ha! Baka pauwi 'yon dyan sa hometown niyo. HAHAHAH ibalik ang nakaraan." she laughed hard at kumanta-kanta pa.

Damn. Mariin akong napapikit. Ang unfair naman nito. Parang ako na lang ata ang hindi pa masyadong nakakapag move on.

"Tangina mo." mura ko at tuluyan ng binaba ang linya. Tumawa-tawa pa siya at parang nakajackpot sa loto na ako yung unang napikon.

Aba't sino namang hindi mapipikon do'n? Hindi kaya nakakatuwa!

Kaya ang ending masama ang timpla ko buong magdamag.

"Madame, nakarating na po si Mr. Hanamitchi." anunsyo ni Alya nang pumasok sa aking opisina.

I just gave her a nod as a response. Sinabihan ko ito na susunod na lang ako pababa. Wala naman siyang ibang sinabi at iniwan ako.

Nag-ayos ako ng konti. Gusto ko pa rin namang presentable ako kapag haharap na kay Mr. Hanamitchi. Pinilit ko rin i-brighten up yung mood ko.

Nakakahiya kung busangot akong tingnan mamaya.

I remained my straight face habang pababa na ang elevator. I hugged Mr. Hanamitchi nang makitang nasa reception hall ito kasama ang iba pa nitong mga kasama.

Dinala na ng ibang crew ang mga maleta nito. Marami siyang kasama, hula ko na sa trese silang lahat. Kokonti lang ang babae at halos mga lalaki na ito.

"Good afternoon, Mr. Hanamitchi." I greeted him.

He's a close friend of my Dad. "How are you, hija?"

I smiled widely. "I'm doing great, Mr. Hanamitchi."

He made a face. "I told you to call me Tito. Cut the formalities, hija."

Tumawa lang ako at tumango sa kanya. He's a half Filipino and Japanese and in his mid 40's.

Matapos naming magkamustahan dalawa ay iginiya ko na sila sa isang restaurant namin dito na nagseserve ng Filipino dish. Bukod kasi sa paborito iyon ni Tito, nasisiguro kong namiss din nila ang pagkaing Pinoy dahil galing pa sila ng ibang bansa.

Habang nag-uusap sila kung anong orderin ay sinipat ko sila isa-isa. I smiled at them pero bago pa ako muling bumaling kay Tito ay may nahagip naman ang mga mata ko.

He's staring at me intently. Unti-unting naglaho ang ngiti ko. Shock by his presence, I can't even move a bit. Parang glue na dumikit ang heels ko sa sahig.

This can't be happening!

Kakausap lang namin kanina ni Caitlin ang tungkol dito tapos ngayon...

Ang purong itim nitong buhok ay medyo magulo ng konti. His black thick brows, deep-set eyes and long lashes is giving an intimidating aura. Ang nadedepina nitong panga. Matatangos niyang ilong and his pinkish thin lips.

Dagdagan mo pa ang puting long sleeve nitong polo na hapit na hapit sa maskuladong katawan. Wala siyang necktie pero naka-unbutton naman ang dalawang butones ng polo.

Parang tinatambol ang puso ko sa lakas ng tibok niyon. Hindi ko alam kung dahil ba sa kaba o ano.

What the fuck?! Omyghad sis! Ba't parang ang unfair naman ata nito!

"Zharia, you can join us." alok ni Tito.

Gusto ko sanang tumanggi pero parang hindi ata tama iyon lalo pa't special guest sila.

"Ms. CEO, sabayan mo na lang kami." aya din ng isa nitong kasamahan na lalaki.

Sumang-ayon naman ang ibang lalaki pero ang mga babae? Hindi ko alam. Mukhang ayaw naman ata nila.

"Ah, sure." I answered shortly.

Umupo ako sa tabi ng lalaking nag-aya kaharap ko rin si Tito. He smiled at me. Hindi naman ako makangiti dahil may nakakatitig sa akin ng mariin.

I know who it was dahil ng lingunin ko siya ay nakatitig pa rin ito sa akin. Hindi man lang nag-abalang mag-iwas ng tingin!

Ha!

His jaw slightly clenched. His brow shot up at dahan-dahang ngumisi.

Mabilis pa sa alas kwatro ang naging pag-iwas ko. Good thing medyo maingay ang table dahil may pinag-uusapan sila na hindi ko naman maintindihan. Wala namang nakakapansin sa nagiging titigan naming dalawa.

After a few minutes the dish was served. Marami iyon kaya halos puno na ang mahabang lamesa.

"I almost forgot, Zharia. Hindi ko pala napakilala sayo itong mga kasama ko." Tito said after sipping on his glass of water.

Tumango ako at bahagyang ngumiti.

"Mga engineer at architect sila. Sabay-sabay kasi silang nakatanggap ng project sa Canada and Singapore."

Wala sa sarili akong napatingin sa taong halos hindi man lang ako tinantanang titigan.

Ano bang problema niya?

Isa-isang pinakilala ni Tito ang mga taong nasa hapag.

Huli niya na pinakilala sa akin ang taong kilala ko rin naman.

"And this is Ariviel Carl Lazaro, he's an engineer. He's really good Zhari kaya kung plano mo ng palaguin itong Villa Hotel makakatulong siya sayo."

I gulp. Napainom ako ng tubig dahil do'n. So, he's now an engineer. Alam na alam ni Tito na may plano talaga akong palaguin pa itong Villa Hotel dahil marami-rami ng turista ang dumadayo dito lalo na 'pag summer.

"I'll think about that Tito." I said as I started eating.

Sumulyap muli ako sa kanya pero hindi na siya nakatingin sa akin. Kausap niya na ngayon ang katabi niyang babae na mukhang engineer din.

I smiled bitterly. Ako lang talaga ang hindi pa nakakamove on.

Bagsak kong nilingon ang aking pagkain. Hindi ko alam kung kaya ko pa itong ubusin.

Continue Reading

You'll Also Like

6.5M 192K 28
R18|MATURECONTENT|ROMANCE|DRAMA PUBLISHED UNDER PSICOM PUBLISHING INC. Jandie Mendoza is a typical secretary who works hard in a company. Her life ha...
1.4K 466 32
LIFE IS SHORT, SO MAKE IT PERFECT. I JUST WANT TO BE HAPPY, WHY CAN'T IT BE GIVEN TO ME? IS IT HARD TO LOVE ME? I AM LAZY TO STUDY BUT I STILL WANT T...
6.9M 139K 51
PUBLISHED UNDER POP FICTION (SUMMIT BOOKS) The Neighbors Series #2 Highest Rank: #1 in General Fiction ** Meet the rich, gorgeous, hot and sexy Sapph...
11.8K 127 5
In a family of Lawyers, Zephyr took his own path and found himself studying Medicine in Southwestern University. He studied so hard to maintain being...