The Vampire's Fangs 1&2(Compl...

By CreepyCupid

216K 6.2K 356

She was a gangster yet she discovered she wasn't just like any other normal gangster when this one heck of a... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
TVF S2: 1 (BKA)
TVF S2: 2
TVF S2: 3
TVF S2: 4
TVF S2: 5
TVF S2: 6
TVF S2: 7
TVF S2: 8
TVF S2: 9
TVF S2: 10
TVF S2: 11
TVF S2: 12
TVF S2: 13
TVF S2: 14
TVF S2: 15
TVF S2: 16
TVF S2: 17
TVF S2: 18
TVF S2: 19
TVS S2: 20
TVF S2: 21
TVF S2: 22
TVF S2: 23
TVF S2: 24
TVF S2: 25
TVF S2: 26
TVF S2: 27
TVF S2: 28
TVF S2: 29
TVF S2: 30
TVF S2: 31
TVF S2: 32
TVF S2: 33
TVF S2: 34
TVF S2: 35
TVF S2: 36
TVF S2: 37
TVF S2: Epilogue.
TVF S2: EXTRA CHAPTER!

Chapter 11

3.8K 127 17
By CreepyCupid

Misaki's POV


"Let's date Himea..." pangungulit ni Usui. Kanina pang umaga yan, nakakairita na talaga. Konting pilit pa maipapatapon ko na to sa Pasig River though I couldn't kill him in that way easily. Tsk. Tapos akala mo pa kung makapag-aya ng date kami, parang nagpapasama lang bumili sa labas. Bwisit eh!


"Busy ako." pananabla ko ulit sa kanya. Yan lang ang tanging sinasagot ko sa kanya kahit na nagbabasa lang naman ako ng libro. Nandito ako sa condo unit ko. Ewan ko ba bakit nandito ang isang to. Ayoko naman talaga siyang papasukin kaso nagsisisigaw sa labas na parang tanga kaya wala akong nagawa.


"Tss. Ano ba kasi yang binabasa mo?" nilapit niya ang ulo niya para silipin ang binabasa ko.


"Wala kana dun." nilayo ko sa kanya ang libro, pero sa kulit nilapit padin niya ang mukha niya. "Ano ba!?" inis na tanong ko saka humarap sa kanya but heck, 'twas a wrong move dahil sobrang lapit na ng mukha naming dalawa, 2 inches away nalang.


Iniwas ko agad ang tingin ko pati narin ang mukha ko. Tss. Makalapit naman kasi ng mukha kala mo naman super close kami. Tsk!


"Hey." nagulat ako ng bigla niyang hawakan ang dalawa kong pisngi saka hinarap ulit sa kanya. "You're inviting me, aren't you?" tinaas taas pa niya ang dalawang kilay niya habang nakangisi.


Mabilis ko siyang hinampas sa ulo ng librong binabasa ko. Inviting of what?! Of kissing me?? "Gagu! Inviting ka diyan?!" tinulak ko ang mukha niya gamit ang kamay ko. "Bwisit ka! Umalis kana nga dito!" tumayo ako para pumunta sa pintuan and open it widely.


Kumamot siya sa ulo bago tumayo. "Kakarating ko lang, paaalisin mo na ako agad?" reklamo niya.


Inismiran ko siya. "Sinong niloko mo? Kanina ka pang umaga nambulabog rito. Tanghali na oi!"


"Tss. Ou na, aalis na nga." nagsimula na siyang maglakad. Pinamulsa pa niya ang isa niyang kamay at pacool na naglakad papunta sa pintuan. Hangin talaga nito. Gwapong gwapo sa sarili eh.


Nagtaka ako nung bigla siyang tumigil sa paglalakad at may kinapa sa bulsa niya. Yung cellphone niya pala. May tumatawag ata. He look at me first bago siya nag-excuse para sagutin yung call. Problema niya? Para namang may pakialam ako sa kung sinong tumatawag sa kanya. May paexcuse excuse pa. Tss!


Umalis ako sa tabi ng pinto. Babalik na sana ako sa kinauupuan ko kanina ng marinig ko bigla ang conversation ni Usui at ng kausap niya sa phone.


"Mall? Sure babe. Yeah, I'm free all day. Okay. I'll see you then." binaba na niya ang phone niya matapos yung phone call.


Agad kong iniayos ang tayo ko at inihakbang ang isang paa ko nung humarap siya.


"I'm going." paalam niya at naglakad na para makalabas ng condo unit ko.


"You want to date me... right?" humarap ako sa kanya at nakita kong nakahinto na siya at nakahawak sa amba ng pinto. What am I thinking now? Why am I asking him this now? "Then fine, let's have a date." hinintay ko ang isasagot niya dahil mukhang napaisip siya. Pati tuloy ako napapaisip. What the fudge Misaki? Are you nuts?! Pumapayag ka talagang makipagdate sa kanya?? Sino ba kasi yung 'babe' na yun?! Tsk!


Hinarap niya ako. "Sorry Himea, pero may importante pala akong lakad ngayon." sabi niya. Hinagod niya ang batok niya sabay ng pag-iwas niya ng tingin saakin. Napataas ang kaliwang kilay ko.


"Okay." tinalikuran ko na siya saka naupo sa sofa at kinuha ang librong kaninang binabasa ko. Sinimulan ko na ang pagbabasa. Nakakaisang sentence palang ako pero napansin ko na hindi pa umaalis si Usui at nakatayo padin dun.


"What are you still waiting for? Get out of my place now. Dun ka sa importante mong gagawin." walang kahit na anong bahid ng pagkairita o pagkainis ang tono ng boses ko ng sabihin ko yun pero dapak! Sa loob loob ko sumabog na ang bulkan at nagsimula ng dumaloy sa katawan ko ang lava. Nakakainit ng dugo!! Importante pala ah. Dun siya sa babe niya! Bwisit! But somehow, I felt something strange, disappointment siguro. Napailing ako mentally. The heck! I shove that thought away. Tsk! No way in hell that I'll be disappointed in him!


"Joke lang." napatingala ako at napatingin kay Usui nung bigla niyang hawakan ang wrist ko. Dahil sa pag-iisip hindi ko na siya napansin na nakalapit na pala saakin. Ngayon naman nakangiti na siya. Napapoker face ako.


"Ako ba talaga ginagago mo?" inis kong tanong sa kanya.


Kumamot siya sa ulo. "Syempre mas gusto kitang makadate kesa kay..." hindi niya naituloy ang sasabihin niya nung marealize niyang masasabi niya ang pangalan nung 'babe' niya!


Sinamaan ko siya ng tingin. "Kesa kanino?!"


He awkwardly laughed. "Wala! Tara na nga!" pinatayo niya ako saka hinila palabas ng condo unit ko. Gagung to!


--


At the ice cream shop.


"Did you heard my phone convo awhile ago?" tanong niya saakin. Nakasandal lang siya sa upuan habang nakatingin saakin.


"Huh? Hindi." I lied. Umiwas ako ng tingin at pinagpatuloy nalang ang pagkain ng vanilla ice cream. Trip ko malamig ngayon, paki niyo? Tsaka, nakaka 20 minutes nadin kaming naglalakad ni Usui sa loob ng mall at nakakatamad. Wala naman kaming ginagawa kundi ang magtingin lang. At nakakasawa yung mga tingin ng mga babae sa loob ng mall. Tch!


"Talaga lang ah?" he look to me suspiciously.


I glare at him. "Ou! Gusto mo ng sapak?!" inambaan ko siya. "Just shut up okay?"


Tinawanan niya ako saka pinat pa sa ulo. Wengya! Ginawa pa akong aso nito. Pinalis ko ang kamay niya. "Tss."


After that, nanahimik nalang ako pati din siya habang patingin tingin sa paligid pati narin sa cellphone niya. Mukhang may tinataguan ang lalaking to ah. Tss. Hanggang sa natapos ko ang paglantak sa ice cream ko, ganun padin siya. Bothered by something. Tumayo ako dahil may tawag ng kalikasan.


"San ka pupunta?" tanong niya agad pagkatayong pagtayo ko palang.


"Lalayasan ka. Ang boring na eh." napangiwi siya sa sinabi ko. I gave him a lopsided grin. "Joke lang. Restroom lang ako. Kapag umalis ka diyan, patay ka sakin." banta ko sa kanya.


Umalis na ako at nagpunta ng restroom to do my things. Gumamit lang naman ako ng banyo saka naghugas ng kamay. Gusto kong mag-isip ng mga bagay na pwede naming gawin dalawa pero... why should I think of anything? Feeling ko napilitan lang akong sumama sa date na to dahil dun sa phone convo niya with his effin 'babe'. Tss. Habang naghuhugas ng kamay may dalawang babaeng pumasok.


"God girl, ang gwapo nung guy sa may parking lot nuh?" agad na sabi nung isang babae pagkaharap palang nila sa salamin.


I glance at them. They both have the look at mukhang mababait. Yung babaeng nagsalita ay straight ang buhok pero kayumanggi at yung babaeng kasama niya, maputi at wavy naman ang buhok. Actually, magkamukha sila.


"Yeah couz, sayang mukhang taken na siya." yung maputi na wavy ang buhok. Nagsimula nadin silang magretouch ng mga mukha nila. Ah kaya pala magkamukha, magpinsan eh. Teka, ano bang pakialam ko sa kanilang dalawa??


Tinapos ko nalang ang paghuhugas at nagpatuyo muna ng kamay.


"Hm. Swerte nung girl. Well, bagay sila." - girl 1, yung kayumanggi..


"Girlfriend niya kaya yun? But I just saw the guy with other girl kanina lang." - girl 2 yung maputi.


"Really?" - girl 1.


"Yep Jo, do you think nang two two time yung guy?" - girl 2.


"I don't know. Where's the girl naba na isa, ha Elle?" - girl 1.


"I know nagpunta yun ng restroom eh." - girl 2.


And as if on cue, she look at me through the mirror. At nanlaki ang mata niya nung makita niya ako. Napataas ang kilay ko dahil sa naging reaction niya. What? Am I the one she's talking about??


"Oh my God! Jo, she's the girl!" sigaw na turo ni girl 2 saakin. Napahinto naman si girl 1 sa pagf-face powder.


"What?!" gulat na sigaw din niya. Humarap ito sakin. "Oops. Sorry we didn't know that you're---" hindi ko na siya pinatapos pa.


"Where's that guy you were talking about?" expressionless kong tanong. I'm pissed.


"We saw them at the parking lot. We're very sorry." paghingi ng paumanhin ni girl 2. Lumabas na ako ng restroom ng hindi sila pinapansin dahil wala na ako sa mood para pagtuunan pa sila ng pansin. I'm really really pissed off right now.


That fcking jerk is really getting into my nerves. Konting konti nalang, ako na mismo ang magbubura sa lalaking yun sa mundong ginagalawan niyang peste siya. Ang sabi ko wag siyang aalis sa table namin, pero maririnig ko nalang na may kasama na siyang babae sa labas?! Aba ang gagu lang!


Nagtuloy tuloy ako sa paglabas ng ice cream shop, nilinga ko ang paningin ko. Nung napadako sa parking lot ang tingin ko I saw him with a girl...kissing. At mukhang masayang masaya pa silang dalawa dun dahil parehas pa silang nakangiti after nilang magkiss. Kumapit pa sa braso niya yung babae at kung makalapit sa hinaharap niya kala mo naman gustong ipahiram kay Usui eh.


Lalong nag-iinit ang ulo ko. Pakshet! Agad akong naglakad patungo dun ng may mabibigat na hakbang. At nung malapit na ako sa kanila naririnig ko na ang usapan nila.


"Sure babe. Tomorrow I'll come with you but not today. I have some business to do." sweet na sabi ni Usui dun sa babae. B-business?! Kelan pa ako naging business sa kanyan??!


"Why? Is that more important than me?" malanding tanong nung 'babe' niyang mukhang surot! Oh! I want to know his answer!


"Hindi sa ganun pero..."


"Pero ano?" tanong ko na nagpalingon sa kanilang dalawa. Yung babae nagtaka ang mukha pero si Usui halatang gulat na gulat. Anong nakakagulat eh kasama niya lang ako kanina?!! Nginisian ko siya. "Ow. Sorry, did I interrupt you people?" nakangising tanong ko at tumingin dun sa babaeng surot. Itsura palang para na siyang tapon sa bar. Tsk. Sobrang ikli ng suot niya tapos yung damit niya kita pa ang pusod niya. Is this some kind of a girl that Usui like? If it is, then I am not of his likings ha?


"Hime---" bago pa ako matawag ni Usui hinarap na ako nung girl at tinaasan ng kilay.


"Who are you?" tanong niya.


"Ah, me? Don't mind me. Actually napadaan lang talaga ako eh tapos narinig ko yung usapan niyo, akala ko kasi siya yung lalaking kasama ko KANINA lang." tinuro ko si Usui na napaiwas ng tingin.


"Oh, really? I don't think siya yun dahil siya ang boyfriend ko." proud niyang sabi. Napairap ako mentally. Talaga lang ah?


"Boyfriend mo to?!" duro ko kay Usui. "Nice. Magkamukha sila nung EX boyfriend ko eh. We do have the same taste huh?" nakakalokong sabi ko. "Anyway, may I know your name miss?"


"No! Ja--" sinamaan ko ng tingin si Usui kaya nanahimik siya. Dagdagan mo pa ang kasalanan mo baka hindi kana datnan ng bukas!


"Jarah. Jarah Frey. And you?" inilahad niya ang kamay niya pero hindi ko kinuha. Ayoko ngang mahawahan sa isang surot no.


"Misaki Himea Cruz. Don't forget that name Jarah okay?" I gave her my sweetest smile. "So I have to go?" I step back. Inikot ko ang katawan ko patalikod sa kanila kasabay nun ang pagsimangot ko. This is so annoying, annoying that I barely resist myself of punching that girl's effin face! Naglakad ako palayo pero nung nakalimang hakbang na ako, humarap ulit ako sa kanila.


"Ou nga pala Jarah, I forgot to remind you. Hilingin mong wag ng magkita ang landas natin. Dahil once na mabangga tayo ulit sa isa't isa, sisiguraduhin kong ikaw ang gigiba." naiimbyernang sabi ko with a death glare. Inirapan ko siya and diverted my gaze to Usui na tahimik lang at sa tingin ko ay nag-iisip.


"What?!" rinig kong angal nung babae pero hindi ko na siya pinansin.


"At ikaw!! Subukan mo lang lapitan akong hayop ka! Lalagutan talaga kita ng hininga!!! Magsama kayong dalawa ng surot mong babe!!! Gago!" tinalikuran ko na sila ng tuluyan at mabilis na nagpara ng taxi para makauwi na.


Our first date was fcking ruined and the worst thing is... that was my first ever date, like heck! And I felt like shattered as fck! Damn that Usui! Sa lahat ng gagaguhin ako pa?! Shit lang! I stoomped my foot many times to ease the irritation pero wala. Ang bigat ng dibdib ko at hindi ko alam kung bakit. Dahil ba sa galit, sa pagkainis, pagkairita, o dahil sa panggagago ng lalaking yun. Grrr!!! Gustong gusto kong magwala ngayon pero hindi ko magawa dahil nasa loob ako ng taxi.


So I just decided to look outside, until a warm fluid run down to my cheeks. I am crying for I don't know the hella reason!


--


Someone's POV


"Master tama na nga yan!" for the nth time, Cess stop her but still no use. Tumungga padin si Misaki sa pang-anim na bote ng Baileys na inorder niya kanina.


Yuki grabbed the bottle from Misaki's hand kaya agad na nagreklamo ito. "Give me that damn bottle! I want more! Ah no, I need more!!" sigaw ni Misaki pero hindi na ibinalik ni Yuki ang bote.


"Ano bang nangyayari sayo Misaki?" inis na tanong ni Yuki.


"Ahhh!! Nothing! Gushto ko lang uminom ng uminom!!" sigaw pa ulit niya. She looked so wasted and look like a mess. Walang magawa ang mga kaibigan niya dahil ayaw niyang magpapigil. Para na nga itong baliw minsan dahil tawa ng tawa. Tsk tsk.


Clueless padin ang apat sa nangyari kay Misaki. Ayaw nitong magsalita about what happened dahil palaging tikom kapag tinatanong kung anong problema niya. Halatang ayaw ng alalahanin ito. First time magagu eh. Though she knew in her mind na ganun naman talaga ang pagkatao ni Sky bago pa sila magkakilala but still she can't control her feelings. Mainly, she's still not aware of how she feels for Sky.


"Whoooo! Tara guysh shayaw tayo!!" tumayo si Misaki at nagtungo sa dance floor para makisiksik doon.


Mabilis ding tumayo si Chanon para sana pigilan si Misaki pero hinawakan siya ni Keith sa kamay.


"Hindi mo kaya yun." pigil ni Keith habang umiiling pa. Ngumuso si Chanon at padabog na naupo ulit. Alam kasi nilang mabubugbog lang sila kapag sinubukan nilang pigilan si Misaki.


"Ano ba kasing nangyari dun at grabe kung maglasing?" inis na tanong ni Chanon saka uminom ng whiskey niya.


"Hindi din namin alam. Duhh! Kami din clueless dito, bakit ka samin nagtatanong??" pilosopong sagot ni Cess.


Halatang halata sa itsura nila ang pag-aalala kay Misaki dahil hindi ito ganun dati kung uminom o kahit pa galit na galit. But tonight is way way too different that really bothers them so much. And it really concerns them kasi sa tuwing ganito si Misaki, nagiging vulnerable siya sa mga bagay.


"Does Sky have something to do why she's acting like that? She look so upset." tanong ni Yuki na nagpaisip sa kanilang apat. Of course, maiisip nila yun since maliban sa kanilang apat, madalas siyang mainis kay Sky.


"Pwede." Cess.


"I think so." sang-ayon din ni Keith.


"But what the heck happened para maging ganyan yan?" naguguluhan padin si Chanon.


"You think guys, there's something strange happened between them?" napangalumbabang tanong ni Cess na ikinatango nung tatlo.


Napaisip sila lalo. Dahil sila Sky at Misaki na ang madalas na magkasama ngayon maaring mangyari ang iniisip nila. Urgh! This issue really frustrate them. They want answer but how the heck can they get it kung ayaw naman magsabi ni Misaki sa kanila? Wala din naman silang kakayahan para manghula. Nakakasakit lang ng ulo.  


"Isn't that strange, them having fight like this again. It feels nostalgic." kumento ni Yuki na nagpangiti sa tatlo pa. They're all having the same thoughts.


"Oh shit!! Killer!"


Biglang nagulo ang pag-iisip nilang apat ng makarinig sila ng mga nagsisigawan at saka nagkakagulo sa loob ng bar. Naalerto sila at biglang napatayo ng makita nila ang bagay na lumilipad.


"Ang Killer!" sabay sabay na sigaw nilang apat. Nasa itaas ito ng mga tao at naglalabas ng beam mula sa kanyang pakpak.


"Si Saki!" kinabahan silang lahat kaya agad na tumakbo si Yuki para hanapin si Misaki sa gitna ng dance floor na ngayon ay nagkakagulo na. 'Oh shit! Not again!' nagpapanik na sigaw ng isip ni Yuki habang nakikipagsiksikan sa mga halimaw na nagkakagulo.


"No!" sigaw ni Keith saka sumunod kay Yuki.


Sumunod din si Cess at Chanon. Agad nilang hinawakan ang mga pendant nila at saka pinigtal iyon. Isa isang naging tunay na sandata ang mga iyun.


Nakarating sila sa dance floor at doon nakita nila si Misaki na walang malay. Mayroon na itong malalim na sugat sa binti. Wala na ang mga halimaw na nagsasaya sa bar dahil takot silang makasagupa ang isang Killer.


Hinarap nila Cess, Chanon at Keith ang Killer with their gritted teeth, si Yuki ay dinala si Misaki sa ligtas na lugar.


"You're really a pain in the ass fcking Killer!" ngitngit ni Keith saka itinutok sa taas ang pana niya. "Shooting Arrow!" pumana siya mula sa itaas. She summon a numerous arrows from the sky na tanging ang Killer lang ang matatamaan. Ngunit ni hindi manlang nito nadaplisan ang Killer na gumawa lang ng malaking shield at pinawala ang kanyang mga pana. "Damn it!" napamura nalang si Keith nung hindi niya natamaan ang Killer.


Umabante si Yuki pagbalik niya and asked the Killer. "What do you want this time?" seryosong tanong niya. She drawn her huge sword.


"My only objective is Misaki Himea." ang sagot nito sa kanila.


"Heh!! Kung hindi ikaw ang mauunang mamatay dito!" sigaw ni Cess as she raise her magic staff. "Duck this asshole! Lighting Strike!" iwinasiwas niya ang kanyang staff and create a lighting with it. Saka niya itinira sa Killer. Lumipad pataas ang Killer, nang malapit ng tumama ang kidlat sa kanya. Tinampal niya lang ito ng kanyang pakpak ng walang kahirap hirap. Tumama ito sa harap nila Chanon kaya napatakip sila ng mata dahil sa liwanag na nagawa nito pagkabagsak. "The eff!?" inis na sabi ni Cess pagkatanggal niya ng kamay sa mata.


"Tss. Cess, ipatama mo naman ng maayos!" mapang-asar na sabi ni Chanon na ikinaismid ni Cess. "Watch this!!" tumalon si Chanon at saka binuksan ang kanyang pamaypay. "Subukan mong iwasan 'to pangit na Killer. Matagal na akong nagtitimpi sayo eh!" biglang lumabas ang blades sa dulo ng pamaypay ni Cha. "Illusion Stab." ipinaypay niya iyon sa Killer. It create a wave of wind na may kasamang hindi gaanong nakikitang mga blades. Deretsyo itong pumunta sa Killer pero agad itong umikot ng napakabilis kaya madaling bumalik sa kinaroroonan nila Keith ang hangin na may kasamang sandamakmak na blades.


"Oh shit!" napamura nalang yung apat and immediately create a huge shield para hindi sila matamaan. Sinamaan nila ng tingin si Chanon.


"Cha naman!" reklamo ni Keith at Cess.


"What?!"


"You're really getting into my nerves!" inis na sabi ni Yuki. She ducked her body at mabilis na tumalon patungo sa Killer para umatake. Using her sword binigyan niya ng mabibigat na atake ang Killer. Sa bilis ni Yuki ay hindi agad niya ito naharang kaya't muntik na siyang tumilapon. Hindi pa bumabagsak ito ay agad na nakarecover ang Killer at agad din na umatake. It create a beam using her two wings na naging isang laser. And the moment she release it, she directly hit it to Yuki.


"Watch out Yuki!" sigaw nung tatlo.


She blocked her sword to stop the beam kaya halos mapaatras siya. Pinalaki pa lalo ng Killer ang beam na lalong nagpahirap kay Yuki kaya lalo siyang napaatras. "Shit!" nausal na lamang niya at agad na tumalon paikot paatras para umiwas. She's now panting hard but she ignored it at umatake ulit sa killer.


"Grabe, kakaiba din talaga ang lakas ni Yuki." manghang sabi ni Cess kahit na ilang beses naman na nitong nakita kung papaano ito makipaglaban, and still she can't stop herself to admire Yuki even more.


"Yeah right. She worked hard to be strong. Baka nga kung wala si master siya ang pinakamalakas na mage saatin, for sure." sang-ayon naman ni Chanon.


Tumango si Keith. "And she do have the ability that we don't have." kumento pa niya na ikinatango din nung dalawa.


*SWISH*


Nagulat sila ng biglang may mabilis na hangin ang dumaan sa harapan nila. "Fck! Himea!" rinig nilang sigaw mula sa hindi kalayuan sa pwesto nila. Agad silang tumingin sa gawi na iyon. Nakita nila si Sky na agad binuhat si Misaki at umalis papalabas ng bar.


"Yuki!" bigla naman silang nakarinig ng sigaw mula sa pinto. Pero ang ikinagulat nila ay ang muntik ng pagbagsak ni Yuki sa sahig na agad na naagapan dahil may sumalo sa kanya.


"Yno! OMG!" napatakbo yung tatlo kela Yno na salo salo si Yuki. But Yuki immediately recover herself and get up.


"That hurts!" gigil na sigaw niya and was about to attack again pero lumipad na paalis ang Killer. "Tss." tanging nasabi nalang ni Yuki habang ibinababa ang espada niya. She's running out of breathe because of the fight. Naupo siya sa sahig habang nakaalalay sa espada niya.


"You okay?" tanong ni Yno.


Tinignan niya ito saka tinanguan. "Yeah. Thank you." pasasalamat niya. Yno extended his arms to help Yuki to get up. Malugod naman iyong tinanggap ni Yuki saka tumayo.


They are all holding their weapons when it suddenly brighten and in just a split second it turned out to a pendant again.


"What's happening here?" sabay sabay silang lumingon sa mga kadarating lang.


Sila Gino, Shiro at Ivan na papalapit sa kanila. "They're fighting a Killer." kalmadong sagot ni Yno pero halata sa kanya na nag-aalala siya kanina kay Yuki.


"What? The Killer?" gulat na tanong ni Gino at tumingin kay Keith na tinanguan siya.


"Bakit kayu inatake ng isang Killer? You should've called us early!" inis na sabi ni Shiro kay Chanon na naupo sa isang tabi.


"Anong akala mo may oras pa ako para tawagan ka? Duhh!!! Killer yun!" inis din na sagot ni Chanon at inirapan pa si Shiro na inismidan siya. Ganyan talaga ang dalawang yan. Palaging nagbabangayan. Sila ang aso't pusa sa grupo eh.


"Pero hindi ko maintindihan eh... Anong kailangan nun sa inyo?" nagtatakhang tanong ni Ivan na naupo nadin sa tabi ni Cess na umiinom nanaman ng beer na nahablot niya kung saan. Lakas talaga uminom.


Si Yuki nananahimik. Well, it's not like they want to keep the thing about the Killer from them, pero wala kasing alam ang mga ito tungkol sa nangyari noon kay Misaki. Wala silang ipinaalam. Lalong lalo na sa isang taong sobrang iwas na iwas silang ipaalam.


"Not us." agad na sagot ni Keith na ikinatingin nung apat na lalaki.


"They want to get Misaki." seryosong sabi ni Yuki habang ikinikwintas ang kanyang sandatang pendant. But since they're in this kind of situation at wala na din silang maitatago, maybe it is time that they could tell them.


"Ano? Pero bakit?" agad na tanong ni Ivan.


"Anong kailangan nila kay master Misaki?" sunod na tanong ni Gino.


They were all curious about it. Hindi ganun kadalas nagpapakita ang mga Killer sa Big city and they all know kung gaano ito kalakas dahil isang beses na nga itong napabalita and that was the time when Misaki got attacked. At hindi nila alam ang tungkol sa bagay na yun.


"We still don't know about that." sumandal si Keith sa bar counter at napahawak sa sintido.


"That's what we need to find out before they could get Misaki from us." walang emosyong sabi ni Yuki. She's so damn clueless of what they were after Misaki and why they want from her.


"But how will we be able to do that Yuki? Hindi nga natin alam kung saan sila nagkukuta eh." hopeless na tanong ni Cess habang inom ng inom. To ease the stress dahil pampatanggal niya talaga ito ng stress.


Bigla silang napaisip lahat dahil sa sinabi ni Cess. They were thinking of how will they can find those shitty Killer. They know na mayroong nag-uutos sa mga ito na may kung anong gustong makuha kay Misaki. Or maybe they want her dead... That is what Yuki has been thinking.


"In that case, there is something in Misaki that they want right?" tanong ni Yno. Tumango silang lahat bilang pagsang-ayon sa kanya.


"Probably. At yan ang gusto kong malaman." - Yuki.


"Wait. Isipin niyo, this happened year ago. And they apparently know when and where to attack Misaki." nahihiwagaang sabi ni Chanon.


"So are you telling us that someone is tailing us? Or we are being watched?" Cess asked.


"It has a possibility." Keith stated.


"We need to monitor her then." pakikisali ni Shiro.


"Of course! But we can't be with her all the time. Maybe Sky can do the work about that?" sabi ni Cess sa mga ito. Ngumisi naman si Ivan sa kanya.


"Sus yun pa ba? Kahit di niyo sabihin, he's already doing it." sabi nito sa kanya. Tumango si Cess sa isinagot sa kanya ni Ivan. He's right. Now they have less to worry.


"Anyway, as much as possible we need to know who's behind of all this mess." seryoso padin si Cess na super unusual. Ganyan talaga kasi sila magseryoso pagdating kay Misaki because they don't want to happen again what had been done to Misaki before. It is their fault kaya nagdodoble ingat na sila ngayon. Lalo na may espesyal tungkol kay Misaki.


"I got some plan." lahat sila napatingin kay Yuki na nakangisi na ngayon at mukhang meron ngang pinaplano.


Nakangiting tinapik siya sa ulo ni Yno. "Just what I am expecting from you Yuki." puri niya rito.


"Tss." tanging sinabi lang nito pero hindi tinanggal ang pagkakatapik sa ulo niya kahit na ayaw na ayaw nitong ginaganun sya.


"OK!! We will help!!" sigaw nung tatlong lalaki.


"Alright!"


---


Continue Reading

You'll Also Like

11.4M 569K 53
Kallaine Seraphina Verlas is a vampire with a white curse-a curse that every creature feared the most. She already accepted her existence alone, trap...
44.8K 2.2K 55
Highest Ranking: #1 KingandQueen #1 castle #1 book #1 historical #1 liar #1 mask Kaharian, kapangyarihan at trono. Iyan lamang ang mayroon si Hilary...
20.1K 852 71
Bella Loreto o kilala rin bilang Campus Queen-a famous brat. She have everything na ika-iinggit ng lahat, except a good brain. Aside from being a 'Qu...
107K 2.6K 36
(Pureblood Series # 1) - Completed "Sometimes being a queen is not easy how much more if you're the lost vampire queen?" STARTED: March 15, 2016 FINI...