Invisible Girl (Reprint unde...

By aLexisse_rOse

12.2M 195K 19K

Muriel was forced by her Boss to be her son's PRETEND GIRLFRIEND because of one reason- her VOICE. His Ex and... More

Chapter One: Her Voice
Chapter Two: The Meeting
Chapter Three: Hardheaded vs Hardheaded
Chapter Four: The Shower Scene
Chapter Five: Unexpected Kiss
Chapter Six: Stick to the Plan
Chapter Seven: Jealous
Chapter Eight: Jealous part2
Chapter Nine: That Guy
Chapter Ten: Sick
Chapter Twelve: Chaperone
Chapter Thirteen: New Look
Chapter Fourteen: His Childhood Sweetheart
Chapter Fifteen: She's Jealous
Chapter Sixteen: The Light
Chapter Seventeen: Bad Dream
Chapter Eighteen: Fallin
Chapter Nineteen: Big Decision
Chapter Twenty: Last Day
Chapter Twenty One: Why Me?
Chapter Twenty Two: Back to Manila
Chapter Twenty Three: He's Curious
Chapter Twenty Four: He's Back!
Chapter Twenty Five: Face Off
Chapter Twenty Six: Mistaken
Chapter Twenty Seven: Broken Hearts
Chapter Twenty Eight: DejaVu
Chapter Twenty Nine: Careless
Chapter Thirty: Surprise Guest
Chapter Thirty One: The Confrontation
Chapter Thirty Two: Moving On
Chapter Thirty Three: Love Rain
Chapter Thirty Four: Together Again
Chapter Thirty Five: Finale
Epilogue:

Chapter Eleven: The Other Guy

308K 4.8K 331
By aLexisse_rOse

Chapter Eleven:  The Other Guy

<Jared POV>

Dahan-dahan akong humakbang palapit sa nakatalikod na matandang babae. Wala silang kamalay-malay na nakapasok ako sa bahay na iyon.

"Nana Tonya!" Sabay sunggab sa kanya.

"Anak ng tipaklong!" Nagliparan sa ere ang mga hinihiwa niyang gulay dahil sa kabiglaan.

Ang lakas ng tawa ko pagkatapos.

Sapu-sapo niya ang kanyang dibdib nang humarap sa akin. "Ikaw na bata ka! Papatayin mo ba ako sa gulat?"

Lumapit ako sa kanya at niyakap siya. "Hindi naman kayo mabiro, Nana Tonya." Paglalambing ko. "Sobra ko lang kayong na-miss."

"Ako ba ang na-miss mo? O yung mga luto ko?"

Napabungisngis ako. "Syempre kasama na dun ang mga luto ninyo na walang kasing sarap."

"Binola mo na naman ako." Kumalas siya sa akin. "Kailan ka pa dumating? Bakit hindi ka man lang nagpasabi?"

"Kanina lang pong umaga." Dumampot ako ng mansanas sa mesa at kinagatan iyon. "Dumiretso na po ako rito pagkagaling ko sa airport."

"Gusto mo bang kumain? Mayroon na akong nailuto rito."

"Mamaya na lang po. Gusto ko munang makita si Riley. Nasa kuwarto po ba siya?"

"Kung wala siya sa silid niya malamang naroon siya kay Muriel."

Awtomatiko na napangiti ako nang marinig ko ang pangalan na iyon. Actually mas excited pa akong makita siya ng personal kaysa makita ang matalik kong kaibigan. She really intrigues me. Gusto kong malaman kung talagang ka-boses niya si Samantha. At kung paano niya i-handle ang sitwasyon bilang girlfriend ni Riley. 

Tatlong araw na ang nakakaraan nang makatanggap ako ng overseas call mula kay Tita Lorie. At first kinabahan ako. Akala ko may nangyari nang hindi maganda sa kaibigan. Iyon naman pala ay para sabihin sa akin na pumayag na si Riley na mag-undergo ng operation. 

Then she also told me about her little secret that made her son changed his mind- that girl who has Samantha's voice. Knowing Tita Lorie, alam ko na gagawa siya talaga ng paraan para sa kapakanan ng kanyang nag-iisang anak. Hindi ko nga lang inaasahan na sa ganitong paraan.

She also asked me to do her a little favor. Iyon ang dahilan kung bakit ako napaaga ng uwi rito sa Pilipinas.

"I'm good, I'm fine, I'm okay. Ano pa ba ang gusto mong marinig para maniwala ka na magaling na ako?"

Iyon ang boses na bumungad sa akin pagkabukas ko ng pinto. I saw her sitting in bed, wearing her padjama set. Mukhang kagigising lang niya. Namamaga pa ang mga mata niya at magulo ang buhok na halatang hindi pa sinusuklay.

"Sam, please... Makinig ka naman sa akin kahit ngayon lang. Huwag matigas ang ulo. Gusto ko lang makasigurado na hindi ka mabibinat." It was Riley's calm voice. He is sitting in a chair infront of her. At kahit nakalikod ito sa akin parang nahuhulaan ko na ang expression ng kanyang mukha. 

"Ako pa ngayon ang matigas ang ulo? Dalawang araw mo na akong binuburo dito sa kuwarto. Nanakit na ang likod ko sa kakahiga sa kama. Sawang-sawa na akong matulog. What do you want me to do? Magta-tumbling dito para lang malibang ako!"

Muntikan na akong mapabulaslas ng tawa. She is amazing. Walang duda na magkaboses nga sila ni Samantha. And the way she talked to him... astig! Kabaligtaran siya ni Samantha na napaka-soft spoken person.

"You stay here, period!" Kung magsalita si Riley ay parang nag-uutos lang ito ng isang bata.

"Bahala ka sa buhay mo!" She said at akma siyang tatayo ngunit mabilis siyang napigilan ni Riley sa balikat.

"Dito ka lang sabi eh!" 

"Ayoko!' Pagmamatigas ng dalaga.

Pero duda ako na mananalo si Riley sa isang tulad niya. Dahil sa bandang huli alam kong ang kaibigan ang unang susuko.

"Samantha, please stop! Baka masaktan ka lang."

"Then let me go! Kung ayaw mong ikaw ang masaktan!"

This is more fun than what I'm expecting. Tuloy, naisip kong dito na lang mag-stay sa bahay ng kaibigan. I don't want to miss this kind of moment. Mukhang mag-eenjoy ako ng husto habang nandito sa Pilipinas.

"Hello people!"

Sabay silang napahinto at napalingon sa direksyon ko.

"J-jared?" Nabosesan agad ako ni Riley.

"Pare, long time no see." Ang lapad ng ngiti ko.

"Gago! As if naman na nakikita kita!"

Tumawa ako ng malakas at inakbayan siya. "You're rude! Ganyan ba ang isasalubong mo sa iyong bestfriend?" Pagkatapos ay lumipad ang mata ko kay Muriel. She is staring at me. Nakakunot ang kanyang noo. 

I smiled and winked at her. Pero sinimangutan niya lang ako. For the first time, hindi tumalab ang charm ko sa isang babae.

"You surprised me. Akala ko ba by next week pa ang uwi mo? Napaaga ka yata?"

"It's a long story, Pare" Sabi ko na hindi inaalis ang tingin sa dalaga. "Hello Sam!" Hindi nawawala ang ngiti sa mga labi ko.

Hindi ito sumagot at nag-iwas ng tingin.

Mukhang suplada!

"So, how are you lover boy?" Ikinawit ko ang isang braso sa leeg ng kaibigan na tila sinasakal ko siya.

"Getting better." Nakangiti niyang sagot.

"Kailangan ko pa bang hulaan kung bakit at sino ang dahilan?"

"Shut up, man! Mamaya na tayo mag-usap." Doon lang siya nagpupumiglas.

"Bakit ayaw mo bang marinig niya ang pag-uusapan natin?" I teased. Nang lumingon ako ay Muriel ay tumayo ito mula sa kanyang kinauupuan.

"Sam, where do you think you're going?" Naramdaman marahil ni Riley ang pag-alis nito.

Napahinto ang dalaga sa paghakbang. "Huwag mong sabihin na ipinagbabawal mo rin sa akin ang pagpunta sa banyo?" This time ay mahina na ang boses nito pero naroon pa rin ang iritasyon. Doon ko lang napansin ang braso niyang naka-plaster.

"You may go," ang sagot ni Riley.

Saka lang humakbang si Muriel papunta ng banyo. Bubulung-bulong na tila may sinasabi.  Pero hindi nakaligtas sa paningin ko ang nguso niyang humahaba kapag naiinis. Which I find her cute!

"It seems like its not you." Sa nakikita ko kay Riley mukhang okay naman siya. He looked happy and peaceful. "The last time we've talked you're totally a diffent person. So what happened?" 

"I changed my mind." Aniya habang nakatingala sa kalangitan.

Nasa garden kami ngayon. Katatapos lamang naming kumain ng tanghalian. 

"Tsk! Tsk! I thought you are the man. Binigo mo ako, Pare!" At pabiro ko siyang sinuntok sa balikat.

"Nasabi ko lang iyon dahil galit ako sa kanya dati."

"At hindi ka na galit ngayon?"

"I realized that... I can lose her again."

Napailing na lang ako. "You're being your old self again." Ano pa ba ang magagawa ko kundi maging masaya para sa kanya. At mukha naman malaki ang naitulong ng pagpapanggap ni Muriel. She brings back the Riley I used to know.

"Wala ka ba talagang balak magseryoso?"

"Me?" Umangat ang kilay ko. "Seryoso naman ako ha!"

"You know what I'm mean?"

"Wait! Bakit sa akin napunta ang usapan? Ikaw ang nasa hot seat ngayon at hindi ako?"

"Get a life, Jared!"

"Come on! Saka na ako magseseryoso kapag nakita ko na ang babaing magpapatibok ng puso ko."

He laughed at me. "Good luck to you!

<Muriel POV>

"Nana Tonya, sigurado ba kayo na okay lang na nandito siya? I mean baka sabihin niya kay Riley ang totoo. Natural lang na kampihan niya ang bestfriend niya." 

Nagbigay sa akin ng alalahanin ang biglang pagsulpot na iyon ng binata. Kung kailan naman ilang araw na lang akong magpapanggap ay saka naman may dumating na panggulo.

Nandito ako ngayon sa kusina. Walang kaalam-alam si Riley na lumabas ako ng kuwarto ko. At kahit pa malaman niya wala akong pakialam kung magalit siya sa akin. Kanina pa nagrereklamo ang tiyan ko. Gustung-gusto ko ng kumain ng mga pagkain na ilang araw ko nang pinagnanasaan. Ito naman kasi si Riley. Kung hindi sopas, lugaw na lang palagi ang pinapakain sa akin. Iyon daw kasi ang pagkain ng mga maysakit. Hay naku! Bahala na nga siya sa buhay niya! Basta ako kakainin ko ang lahat ng gusto kong kainin. Pagkakataon ko na iyon habang abala siya sa bagong dating na kaibigan.

"Wala kang dapat ipag-alala sa kanya." Sa wakas ay sinagot din ako ni Nana Tonya. Akala ko sarili ko lang ang kausap ko. Kanina pa kasi ako nagsasalita pero hindi siya sumasagot. Iyon pala ay abala siya pinapanood niyang teleserye sa TV. Yung kay Maya at Kay Sir Chief ba yun? Saka niya lang ako binalingan nang mag-commercial. "Mabait na bata si Jared. Sigurado ako na naiintindihan niya ang sitwasyon ng kanyang kaibigan. Kinausap na siya ni Lorie tungkol sayo. Narito siya para tulungan ka."

"Tulungan ako? Paano pa niya ako tutulungan kung pumayag na si Riley na magpaopera? Sa oras na makakita na siya ulit, wala na bye-bye na ako bilang si Samantha."

"Ssshhh.. Hinaan mo nga ang boses mo at baka marinig ka nila Mila at Lenny."

Hanggang ngayon kasi ay walang kaalam-alam pa rin ang dalawa.

Hindi na ako nakatanggi nang sandukan ako ni Nana Tonya ng kanin sa pinggan. "Kumain ka lang ng kumain dyan! Mamaya mo na lang ako ulit kausapin!" Balik na naman sa Tv ang atensyon niya dahil tapos na ang commmercial.

"Nana Tonya!" Ang lakas ng boses ni Lenny nang pumasok ng kusina. Kasunod nito ang humahangos na si Mila. "Nag-umpisa na po ba ang Be Careful With My Heart?"

"Umpisa na po ba? Umpisa na ba?" Si Mila na parang parrot kung magsalita.

Pero tila walang narinig ang matanda. Nakatutok talaga siya sa pinanonood. Hindi na muling nagsalita ang dalawa. Bigla na lang din silang nanahimik at nagkanya-kanya ng puwesto habang nanonood.

Ano bang meron sa palabas na iyon?

Nakinood na rin ako. Pero wala pang isang minuto ay natapos na ang palabas.

"Tapos na! Ang bilis naman!" Reklamo ni Mila.

"Ikaw kasi sabi mo maaga pa. Iyan tuloy hindi natin naumpisahan." Naiinis na hinila ni Lenny ang dulo ng buhok nito.

"Aray naman! Eh malay ko bang late ang oras ng relo ko."

"Tumigil na kayong dalawa!" Saway ni Nana Tonya. "Hindi ba kayo pwedeng magsama nang hindi kayo nag-aaway?"

Bigla namang tumahimik ang mga ito.

"Tapos ka na bang kumain?" Tanong niya sa akin pagkatapos nang makita na wala ng laman ang pinggan ko.

Napangisi ako. "Nagugutom pa ako Nana Tonya, mayroon pa po bang menudo?" Pakiramdam ko ay isang linggo akong hindi kumain.

"Ang dami mo nang nakain. Baka naman maimpatso ka nyan?" Nag-aalala siyang tumingin sa akin.

"Mam Samantha, may dugo po yung sugat nyo." Sabay turo ni Lenny sa braso ko.

Oo nga! Pero hindi naman siya masakit.

"Lenny kunin mo ang first aid kit sa banyo." Utos ni Nana Tonya. "Bilisan mo at lilinisin ko ang sugat si Samantha." At nagmamadaling sumunod ang dalaga.

"Mamaya na lang po. Nagugutom pa ako. Gusto ko pang kumain." Protesta ko.

"Di ba Mam samantha ngayon ang balik ninyo sa doktor?" Tanong sa akin ni Mila.

"Ngayon ba yon?" Hindi ko na halos matandaan.

"Sabi nung guwapong doktor pagkaraan ng tatlong araw bumalik daw tayo sa kanya para malinis niya ang sugat nyo." Si Mila ulit.

"Tayo? Ibig sabihin kasama ka?" Sabat ni Lenny na bitbit ang first aid kit.

"Sinabihan kaya ako ng doktor na samahan ko siya. Di ba Mam Samantha?"

"Ang sabihin mo, gusto mo lang talagang makita yung doktor." Kontra ni Lenny. "Pero guwapo ba talaga?"

Kinikilig na ngumiti  si Mila. "Guwapong-guwapo. Siya yung sinasabi ko sayo na nagpadala ng bulaklak kay Mam Samantha. Doktor pala siya. Akalain mo iyon!"

"What did you say?" Biglang sumulpot si Riley at madilim ang mukha. Nasa likuran naman nito ang nakangiting si Jared. "Ulitin mo nga ang sinabi mo?" Mapanganib na utos nito kay Mila.

"Chill pare! Relax lang!" Awat ni Jared sa kaibigan at saka tumingin sa akin.

Do something! Tila iyon ang ipinahihiwatig ng tingin ni Jared.

Pinigilan ko ang pag-ikot ng aking mga mata at walang salita na hinila ko palabas si Riley. 

"Alam mo nakakainis ka na! Wala naman dahilan para magalit-" Paglingon ko ay hindi si Riley ang kasama ko. Binitawan ko tuloy ang kamay niya. "Bakit ikaw ang nandito?" Nagtatakang tanong ko.

"Ikaw kaya ang humila sa akin palabas!" Hanggang gilagid ang pagkakangiti ni Jared na tila nang-aasar pa. "Oops! You've got a wrong person."

Buong akala ko ay si Riley ang nabitbit ko palabas. Kakainis! Muli akong bumalik sa kusina at iniwan na lang basta ang nakakalokong binata.

Continue Reading

You'll Also Like

490K 21.1K 53
There are things science can't explain to us. And one of that is how I fell for you. But like you said, things don't need to be explained all the tim...
15.3M 259K 39
Would you rather chase what you want or follow a future that's already arranged for you? Samantha was just sixteen nang malaman niyang ipapakasal siy...
371M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
334K 4.8K 23
Isang kasunduan sa pagitan ni Jocas Española at ng ina ni Josef Malavega ang dahilan ng kanilang kasal. Dalawang taong sinubukang mamuhay nang matiwa...