Meet My Boyfriend: Ana's Ace...

By Lyfavie

102K 1.7K 353

[ONGOING STORY] [Cliche story coz life is cliche] Dala ng pagkakamali at pagsisinungaling, ay naituro ni Ana... More

Meet My Boyfriend: Ana's Ace
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17 - Part one
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26

Chapter 17 - Part two

2.7K 78 19
By Lyfavie

CHAPTER SEVENTEEN – PART TWO

              “It is an interesting assumption, but in this case it is not correct.”

                                                                                             - Anonymous

“Ethan?”

“Surprise!” natutuwang wika nito sabay yakap sa kanya.

Nawawala sa sariling gumanti ng yakap si Ana.

“Gulat ka ano?” natatawang tanong nito sa kanya.

“Kala ko pupunta kang Vietnam ngayon?” takang tanong niya dito.

Nagtext kasi ito kahapon na pupunta itong Vietnam ngayon at tinatanong siya nito kung gusto niyang sumama. Of course she replied yes. Sino namang ayaw mamasyal di ba? Libre pa. Yun nga lang, kahit gustong-gusto niya, hindi puwede dahil naka-pangako na siya kay Ace na sasamahan ito sa party ng Mama ni Honey. Isama na ang dahilan na ongoing pa lang ang mga klase niya at sa isang buwan pa ang sembreak sa SBU.

Kaya ngayong nakatayo sa harap niya si Ethan, para siyang nakakita ng multo kaninang pinagbuksan niya ito ng pintuan.

Hindi sinagot ni Ethan ang tanong niya at sa halip ay ginulo nito ang buhok niya tulad ng nakagawian nito noon. Hindi pa rin ito nagbabago.

“Ay, wag ang buhok ko. Wag ngayon,” protesta niya.

Tila ba wala itong narinig at lalo pa nitong ginulo ang buhok niya.

“Ethan, wag ngayon!” iniwas niya ang ulo mula sa mga kamay nito.

Tumawa lang ito. Pagkatapos ay bigla itong natigilan at minasdan siya mulo ulo hanggang paa.

“Whoa! May date si pangit! Himala!”

Napasimangot siya ng marinig ang endearment kuno nito sa kanya. Kung pangit siya, eh di pangit din ito ano.

“Hoy MAS pangit, kung may date man ako ngayon, hindi iyon isang himala. Maraming gustong makipagdate sa akin kala mo ha. AKO lang ang may ayaw. Di kasi ako tulad mo na kung sinu-sino lang ang dinedate. Walang patawad. Maawa ka naman sa mga kabaro ko.”

“Ang dami mo namang sinabi. Defensive ka masyado. Anyways, hindi mo man lang ba ako papasukin?”

Pinapasok ni Ana si Ethan. “Oh sige pasok.”

“Napipilitan ka lang yatang papasukin ako eh,”komento nito habang papasok sa loob ng apartment.

“Kahit naman di kita papasukin, alam kong papasok ka rin lang,” kambiyo naman ni Ana. Napakunot-noo siya ng makitang may bitbit pala itong maleta.

“Bakit may dala kang maleta?” takang tanong niya habang pinapasok nito ang maleta sa loob ng apartment. Masama ang kutob niya.

Nilagay muna nito sa isang sulok ang maleta sabay at home na at home na umupo.

“Oist, sabi ko bakit may dala kang maleta?”

“Obvious ba? Dito muna ako sa iyo ng ilang araw,” sagot nito habang kampanteng inayos nito pagkakaupo.

“Hindi ka natuloy sa Vietnam?” inulit ulit niya ang tanong niyang hindi nito sinagot kanina. Pinili ni Anang tumayo na lang at sumandal sa pader, paharap kay Ethan. She needs to interrogate this man right now.

“Andito ba ako ngayon kung nasa Vietnam ako?” pilosopong sagot nito.

Napasimangot si Ana. Pero tama nga ito. Mali nga pagkakatanong niya.

“Eh, bakit andito ka ngayon?” naguguluhang ni Ana.

“Ano ba pa? Baguio. Malamig. Therefore, andito ako para magpalamig.” Ang tono ng boses pa nito ay yung tipong matanda at ang kausap ay bata na dahan-dahan ang pagakakasabi para maintindihan talaga. Nananadyang mang-asar.

Sanay na siya sa pang-aasar ni Ethan. Lalo pa siyang nasanay ng makasama niya si Ace. Kahit papaano ang tolerance level niya against pang-aasar ay tumataas na.

Mariing tinitigan ni Ana ang kaharap, hoping to find out the answer in his face. Sino ba naman kasing maniniwala sa dahilan nito? Napakawalang sense na reason ang binigay nito. He should have come up with a more believable reason why he suddenly came up all the way up here in Baguio.

“Huwag mong sabihing nakabuntis ka?” nagdududang tanong niya.

“Anong kala mo sa akin, hindi maingat? I always use protection for your info,” nakangising turan nito.

“Ewww! Pinatuyan mo lang na kung sinu-sino talaga kinakanti mo,” puno ng disgustong wika ni Ana.

“Not my fault. Palay na ang lumalapit sa tandang. At magagandang klase ng mga palay, mind you.”

“Yuck ka talaga! Maging choosy ka naman ano. Mamaya sa katutuka mo, iyong palay na para talaga sa iyo, tuluyan mo ng hindi makita. Lagot ka niyan.”

“You believe on those things now?” kunot-noong tanong nito.

“About what?” hindi gets ni Ana ang ibig sabihin ng katanunang nito.

“About finding the right one. Destiny. Soul mate. Love. The cheesy stuff.”

“I didn’t mention anything about those things,” she emphasized.

“Hmmm… Talaga? I was sure I just heard you a while ago talking about it.”

“Pinaandar mo na naman pagiging deep mo,” wika na lang ni Ana.“You’re putting much meaning in my words that doesn’t mean anything at all,” she added.

Nasa mukha ni Ethan na hindi ito kumbinsido sa kanyang sinabi. Hindi nito iyon pinalaki pa at sa halip ay yung ayos niya ngayon ang muling pinagdiskitahan.“You are dressed up. So, are you really on a date tonight?” curious nitong usisa.

“Hindi ito date. Sasamahan ko lang iyong…” Ana paused. Hindi niya itinuloy ang sasabihin sana dahil parang mali kasi kapag ang sasabihin niyang sasamahan niya ay boyfriend niya. Kasi kung ang sasamahan niya ay boyfriend niya, date iyon di ba? Pero hindi naman talaga sila magdedate ni Ace. Sasamahan lang niya ito sa party ng Mommy ni Honey. Pero may katotohanan din na boyfriend nga naman niya si Ace. Kaya lang, hindi nga sila madedate. Ay, ang gulo!

Sabihin kaya niyang kaibigan….Kaibigan? Ngunit hindi nga niya kaibigan ang tukmol na iyon eh!

So ano nga ba talaga sila?

“…ka-MU ko.”

Muntik ng batukan ni Ana ang sarili ng iyon ang lumabas sa bibig. Nag-isip pa siya. Fail din lang naman naging sagot niya.

“EM.YU? Pinapatawa mo naman ako Ana niyan eh. Uso pa ba iyon?”

“Sa uso sa aming dalawa! Bakit ba? Paki mo!” pinanlakihan niya ito ng mata.

“Wala na ngang MU-MU ngayon. Ang uso ngayon ay I like you. You like me. So tayo na. Ganun.”

“Sige ikaw na ako. Marunong ka pa sa akin,” puno ng pagtitimping tugon ni Ana.

“Lumalaki na butas ng ilong mo pangit. Galit ka na yata sa akin,” pang-iinis pa nito.

Patience Ana. Patience.

Teka, paanong sa kanya nga ba napunta ang usapan? At bakit yata siya na ang ini-interrogate ngayon? Hindi iyan puwede!

“Ay naku, hindi ka puwede dito hangga’t di mo sinasabi kung bakit bigla kang umakyat ng Baguio.” Binaliktad na niya ngayon ang flow ng kanilang conversation. Siya na ulit ang interrogator. Hindi ang ini-interrogate.

“Nagpapalamig nga ako.”

“I’m not buying that.”

“Of course you can’t, it’s not for sale.”

“Hahaha…patawa ka,” sarcastic na wika ni Ana. “Seryoso ako Ethan.”

“Kuya Ethan,” pagtatama nito. “Ikaw talaga, nakakalimot ka ng gumalang sa nakatatanda.”

Ana rolled her eyes. Isang minuto lang ang tanda ng kakambal sa kanya. At pinapaalala lang naman nito na ito ang mas matanda sa kanilang dalawa kapag ganitong may argumento sila. Other than that, hindi talaga ito nagpapatawag ng Kuya.

“Okay KUYA Ethan for the last time, anong ginagawa mo dito sa Baguio, here in my apartment?” nagtitimpi na wika ni Ana. “Teka, alam ba nina Nanay na andito ka?” dagdag ni Ana ng maalala ang magulang nila.

“Hindi pa. I will call them later. Don’t worry about it.”

“Bahala ka,” Ana shrugged her shoulders.“So kamusta naman si Annisha?”

“Ayun, makulit pa rin. Iniispoil nina Tatay,” nakangiting sabi nito.

Ana also smiled upon hearing the news. Nakakamiss nga ang chikiting na iyon. Di bale, uuwi naman siya sa nalalapit na sports fest.

Bumaling si Ana sa kakambal at pinakiramdaman. Alam niyang may inililihim ito.

“Is Tatay asking you to manage again?” she asked in a soft voice.

Natigilan ito at sumeryoso ang mukha. “No…He is not.”

Katahimikan.

“I shouldn’t tell this, but Tatay was hospitalized last week,” basag ni Ethan sa katahimikan.

Takot kaagad ang bumalot sa puso ni Ana ng marinig ang nangyari sa ama.

“W-what? B-bakit hindi niyo ako sinabihan? A-anong nangyari? B-bakit?” sunod-sunod na tanong ni Ana.Kapakanan kaagad ng ama ang inalala ni Ana.

“Okay na si Tatay. Nakalabas na ng hospital. It was due to fatigue sabi ng doctor.”

“Bakit wala man langnagsabi sa akin? May nangyari na palang masama kay Tatay hindi niyo man lang ako ini-inform,” puno ng hinanakit at tampong wika ni Ana.

“Pinigilan kami ni Tatay na sabihin sa iyo. Ayaw kasi nitong malaman mo pa. Baka raw liparin mo mula Baguio patungong Manila kung sakali.”

“Of course I would! Si Tatay na ang pinag-uusapan dito.”

Ngumiti ito ng tipid. “We all know that you will. Kaya nga Tatay insisted on us not to tell you.”

“I’m mad right now,” she said fuming with anger. She even crossed her arms to show that she’s not kidding.

“You have all the right.”

Katahimikan ulit.

Muling pinakiramdaman ni Ana ang kapatid. Kahit may tampo sa nangyari, nababahala pa rin siya sa nararamdaman. Her twin is not telling her something that is bothering him. May tinatago pa itong iba. Yung tunay na dahilan kung bakit bigla itong umakyat ng Baguio.

Her twin is like that. Hindi ito magsasalita hangga’t hindi mo inuungkat kung may prinoproblema ba ito. Sinasarili na lang nito ang problema.

Ana kept thinking hard, reviewing her brother’s actions and the facts he told. There must be some clues behind those. It comes to handy that she loves playing Nancy Drew games, dahil nagamit na rin niya mga detective skills na natutunan kuno niya sa paglalaro. Because after putting all the clues together, she finally got the answer.

“Ethan… Don’t tell me you are blaming yourself for what happened to Tatay?”

Hindi ito sumagot.

Sinasabi na nga ba niya eh. Her hunch is true after all.

“It’s not your fault.”

“NO… it’s my fault. I should have helped him when he asked me.”

“When you refused, Tatay knew that you are not ready yet that time. Kaya nga hindi siya nag-insist pa na you help him. Hinayaan ka niya munang gawin ang gusto mo. Dahil dun ka masaya. Dahil alam din naman ni Tatay na when you are ready, you will still go back and change him in handling the company.”

Nauna ng grumaduate ang kapatid sa kanya. Four years lang kasi ang course na kinuha nito. Habang ang kanya ay five years. Kaya last March ay graduate na ito. Siya naman ay tinatapos pa ang huling taon ng kanyang kurso.

Although her twin brother graduated as the top of his batch, hindi muna ito nagtrabaho sa kumpanya nila. Her brother has always like photography. And currently, nagtratravel ito sa buong Pilipinas at buong mundo to pursue that passion. Iyon ang dahilan kaya tinanggihan muna nito ang alok ng kanilang amang pamahalaan ang kumpanya. Hinayaan ito ng magulang nila at hindi pinuwersang pamahalaan ang kumpanya dahil naiintindihan ng kanilang magulang ang nais ng kapatid. Isa pa, their happiness is always at the top of their parent’s list. Their parents made sure of that.

She remembered, lahat ng birthdays nilang kambal, laging present ang kanilang parents. Their Tatay is a busy man but he always see to it that he is with them in the most important events of their lives. Birthdays, communion, confirmation, graduation, at pati recitals nila – inattendan iyon ng kanilang Tatay. He will cancel or postpone a meeting basta makapunta lang ito. Lagi rin nitongpinipilit sumabay na kumain ng dinner para lang makasama silang pamilya. Pero siyempre hindi pa rin maiiwasan yung times na pumapalya ito. Handling a big company like Emerald can be though.

Wala naman silang mairereklamo sa kanilang Nanay. Kalog at palabiro ang Nanay nila. Parang kaibigan lang nilang magkapatid kung ituring. But she can be strict most of the time. Lalo na sa kanilang magkapatid. Alam kaagad nito kapag may nagawa silang kasalanan. And between their father and mother, mas linient ang kanilang Tatay sa kanila pagdating sa punishment. Ang kanilang Nanay ay walang patawad. Kapag nag-aaway silang magkapatid dati, automatic na dalawa silang mapaparusahan. Kambal daw kasi sila kaya parehongkasalanan nila. Later, natutunan nilang huwag ng mag-away na magkapatid. Sila kasi dehado kapag nalaman ng kanilang Nanay. Dahil doon, lalo silang naging malapit sa isa’t isa. Naging best of friends tuloy silang kambal.

Binusog din sila ng pangaral ng kanilang ina. Paulit-ulit nitong sinasabi na kahit sagana sila sa buhay, dapat marunong pa rin silang magbigay sa kapwa at huwag nilang ilalagay sa isip nilang mas nakakaangat sila sa iba. Their mother taught them how to be humble and appreciate the things they currently have. Hindi sila katulad ng ibang mga batang lumaki sa luho na lahat ng gusto ay nakukuha. When they want something, they work hard for it. Like for example her brother’s first car. When her brother was eighteen gusto nito ng kotse, yung mamahalin pa. Hindi pumayag si Tatay at Nanay na bilhin yun kaagad. Ang nangyari, buong summer vacation ay nagtrabaho as janitor ang kanyang kapatid sa Emerald. Sulit naman pagod nito dahil nakuha nga nito yung kotseng pinapangarap nito. Maging siya pinagtrabaho ni Nanay sa bakeshop nilang Sweet Delights dahil gusto niya ng European Trip one summer vacation. Buti nga hindi siya tumaba habang nasa bakeshop siya. Sabi kasi ni Nanay mas marami raw siyang kinakain dun kaysa sa natitinda niya. Hehehe… Lugi daw ito sa kanya.

But of course her parents only made them do that if they think what they are asking are beyond the reach of what a normal person or a teenager should have. Kapag mukhang sobra na, kailangan nila talagang umextra effort. Other than that, their parents made sure that they are living comfortably.

They are able to live a normal life thanks to the efforts of their parents. Media don’t bother their family for the reason that Tatay used his influenced to keep the media away. Kaya naman lumaki talaga silang normal ni Ethan. Pinalaki talaga at pinaranas sa kanila ng parents nilang mamuhay ng normal at maenjoy ang isang normal na buhay sa kabila ng katayuan nila. Iyon nga at dahilan kaya pinayagan siyang mag-aral sa Baguio ng mag-isa lang niya. Si Ethan naman ay piniling mag-aral sa States. Hindi sila nahirapang kumbinsihin ang mga magulang na lumayo ng magcollege na dahil meron pa rin namang makakasama ang kanilang parents – si Annisha. Ang bunso nilang kapatid. Sixteen sila ni Ethan ng pinanganak si Annisha. Their mother is fortyat that time at suwerteng dumating pa si Annisha. Blessing talaga ito ng family nila. Ngayon ay mag-fifive years old na ang bunso nilang kapatid.

Lumapit siya at umupo sa tabi ng kapatid. “Don’t tell me you are going to help now because of guilt? That’s not a good reason to help Tatay.”

Nang hindi sumagot ang kapatid ay muling nagsalita si Ana. “Help because you want to do it. Don’t even take a foot in the company because of your non-existent guilt.”

“But what if something similar will happen again to Tatay? What will happen to Annisha?”

“Hindi naman siguro. Hay naku, tatawagan ko nga si Nanay at ng mapagsabihan si Tatay. Tatay should learn how to relax. Mapagkakatiwalaan naman ang mga tao sa kumpanya natin ah. Kaya take your time lang. It’s easy naman for you to handle the company because we grew up with it. Kasama nating lumaki ang Emerald di ba?”

Pinag-isipan nito ang words of wisdom niya. Matagal itong nagnilay-nilay. Hinayaan lang ito ni Ana to give him time to reflect and decide.

Nang muling magtama mata nila, sumilay na ang isang ngiti sa labi nito.

“Hmmm…You always know the right words to comfort me pangit.”

Napangiti si Ana ng marinig ang endearment nito. It means medyo okay na ito.

“I knew it. Miss mo talaga ako kaya ka umakyat eh!” biro pa niya dito para lalong gumaan dibdib nito.

“Miss na nga kita pangit!”

Sabay yinakap siya ng mahigpit ng kakambal.

“Miss –”

Nagulat na lang ang magkapatid ng biglang may humablot palayo kay Ethan.

“What the –”

Hindi naituloy ni Ethan ang sasabihin dahil dumapo na sa mukha nito ang isang suntok.

“Do not fuckin* touch her!” ani Ace na namumula sa galit.

*********************

A/N: Updated as promise. Di ko alam next update dahil bukas ay maghapon akong magrereview. I have an exam pa on Monday, Tuesday and hopefully wala na sa Wednesday. Kami na ang nag-eexam ng holy week. Even after holy week meron pang exam. Yow. Penetensiya talaga.

Sorry, typos everywhere.

Don't forget to ComVo! Salamat po. See you again on next chapter. ^___^

Continue Reading

You'll Also Like

107K 4.5K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...