Ramses in Niraseya (COMPLETED)

By megladiolus

427K 9.1K 554

Kwento ng isang dalagang lumaki sa normal na mundo ng mga tao. Tinangka syang itakas ng kanyang mga magulang... More

Ramses in Niraseya (Kabanata 1-4)
Ramses in Niraseya (Kabanata 5)
Ramses in Niraseya (Kabanata 6)
Ramses in Niraseya (Kabanata 7)
Ramses in Niraseya (Kabanata 8)
Ramses in Niraseya (Kabanata 9)
Ramses in Niraseya (Kabanata 10)
Ramses in Niraseya (Kabanata 11)
Ramses in Niraseya (Kabanata 12)
Ramses in Niraseya (Kabanata 13)
Ramses in Niraseya (Kabanata 14)
Ramses in Niraseya (Kabanata 15)
Ramses in Niraseya (Kabanata 16)
Ramses in Niraseya (Kabanata 17)
Ramses in Niraseya (Kabanata 18)
Ramses in Niraseya (Kabanata 19)
Ramses in Niraseya (Kabanata 20)
Ramses in Niraseya (Kabanata 21)
Ramses in Niraseya (Kabanata 22)
Ramses in Niraseya (Kabanata 23)
Ramses in Niraseya (Kabanata 24)
Ramses in Niraseya (Kabanata 25)
Ramses in Niraseya (Kabanata 26)
Ramses in Niraseya (Kabanata 27)
Ramses in Niraseya (Kabanata 28)
Ramses in Niraseya (Kabanata 29)
Ramses in Niraseya (Kabanata 30)
Ramses in Niraseya (Kabanata 31)
Ramses in Niraseya (Kabanata 32)
Ramses in Niraseya (Kabanata 33)
Ramses in Niraseya (Kabanata 34)
Ramses in Niraseya (Kabanata 35)
Ramses in Niraseya (Kabanata 36)
Ramses in Niraseya (Kabanata 37)
Ramses in Niraseya (Kabanata 38)
Ramses in Niraseya (Kabanata 40)
Ramses in Niraseya (Kabanata 41)
Ramses in Niraseya (Kabanata 42)
Ramses in Niraseya (Kabanata 43)
Ramses in Niraseya (Kabanata 44)
Ramses in Niraseya (kabanata 45)
Ramses in Niraseya (Kabanata 46)
Ramses in Niraseya (Kabanata 47)
Ramses in Niraseya (Kabanata 48)
Ramses in Niraseya (Kabanata 49)
Ramses in Niraseya (Kabanata 50)
Ramses in Niraseya (Kabanata 51)
Ramses in Niraseya (Kabanata 52)
Ramses in Niraseya (Kabanata 53)
Ramses in Niraseya (Kabanta 54)
Ramses in Niraseya (Kabanta 55)
Ramses in Niraseya (Kabanata 56)
Ramses in Niraseya (Kabanata 57)
Ramses in Niraseya (Kabanata 58)
Ramses in Niraseya (Kabanata 59)
Ramses in Niraseya (Kabanata 60)
Ramses in Niraseya (Kabanata 61)
Ramses in Niraseya (Kabanata 62)
Ramses in Niraseya (Kabanata 63)
Ramses in Niraseya (Kabanata 64)
Ramses in Niraseya (Kabanata 65)
Ramses in Niraseya (Kabanata 66)
Ramses in Niraseya (Kabanata 67)
Ramses in Niraseya (Kabanata 68)

Ramses in Niraseya (Kabanata 39)

5.5K 133 6
By megladiolus

Kabanata 39

 

 

            Nakarating ang Reme sa talon dala-dala si Ryona. Inilapag nya ito sa may malaking bato. Kumuha sya ng tubig sa talon gamit ang kanyang mga kamay.

            Nang malinis na ang buong katawan ni Ryona ay pumitas sya ng isang kakaibang bunga at hinati nya ito. Isang malapot at putting likido ang laman ng bunga na ito. Ipinahid nya ito sa mga sugat ng dalaga. Naubos nya ang isang bunga ngunit hindi pa din nya nalalagyan ang lahat ng sugat ni Ryona sa katawan kaya’t pumitas muli sya ng bunga.

            Matapos sa kanyang ginagawa ay pinainom nya si Ryona ng tubig mula sa rumaragasang tubig sa talon. Inilagay nya ito sa isang dahon at unti-unting pinainom sa dalaga.

            Ilang sandali pa ay nawawala na ang mga sugat ni Ryona sa katawan at may nagliliparang maliliit na insekto sa kanyang buong katawan.

            “Huwag nyo syang kunin. Ang isang katulad nya ay may busilak na kalooban. Hindi dapat masayang ang kanyang buhay.” Sabi ng Reme sa mga lumilipad na insekto sa katawan ng dalaga.

            Ilang sandali ay nakaramdam na ng panghihina ang Reme at ito ay natumba. Ang mga insekto na lumilipad sa palibot ng katawan ni Ryona ay nagsilipatan sa katawan ng ibon. Unti-unti na din namang nagkamalay si Ryona. Dahan-dahan syang bumangon at laking gulat nya ng mawala ang mga sugat nya sa kanyang katawan.

            “Paano nangyari yun?” sabi nya habang tinitingnan ang kanyang mga braso.

            Napansin naman nya ang malaking Reme na nakahandusay sa di kalayuan. Mabilis syang bumangon at nilapitan ito.

            “Reme, Reme ayos ka lang ba?” pag-aalalang tanong ng dalaga.

            Dumilat ang Reme at nakitang maayos na ulit ang kalagayan ni Ryona.

            “Masaya akong makita kang malakas binibini. Handa na akong lisanin ang mundong ito.” Muling napapikit ang Reme.

            “Anong sinasabi mo? Hindi ka mawawala, maglalakbay pa tayo hindi ba?” Lumapit sya sa mukha ng ibon at tinitigan ito. “Dumilat ka. Hindi pwedeng matapos dito ang lahat. Di ba dapat magsisimula pa lang tayo? Bakit sumusuko ka na agad?” Naiyak na si Ryona habang pinagmamasdan ang nanghihinang Reme.

            “Ikinalulungkot kong sabihin binibini, ngunit hindi ako karapat-dapat para sa’yo. Mas maraming Reme ang mas malakas kesa sa’kin.” Pinipilit pa din ng ibon na magsalita kahit nahihirapan na itong huminga.

            “Hindi totoo yan. Hindi ko kailangan ng malakas. Ang kailangan ko yung katulad mo. Nag-iisa ka lang kaya wag kang susuko.” Niyakap nito ang malaking ulo ng ibon. Nakita nyang papadami ng papadami ang mga lumiliwanag na insektong lumilipad sa paligid ng Reme.

            “Bakit dumadami ang mga insektong yan?” tanong nya.

            “Inihahanda na nila ang aking katawan. Kukunin na nila ako sa ilang sandali binibini.” Paliwanag ng ibon.

            “Hindi. Wala silang kukunin dahil hindi ka mawawala.” Galit na sabi ng dalaga. Tumalon sya papunta sa likuran ng ibon at binugaw ang mga nagliliparang insekto. “Umalis kayo. Layuan nyo ang katawan nya. Hindi sya mamamatay kaya umalis na kayo.” Binubugaw nya ang lahat ng insekto sa buong katawan ng Reme. Bumalik sya sa harapan ng ulo nito at muli itong kinausap.

            “Reme, gumising ka. Idilat mo ang mga mata mo. Sabihin mo sa’kin kung paano mo ako napagaling.” Tanong ni Ryona.

            “Ang mga katulad kong nilalang ay hindi basta-basta napapagaling ng tubig sa mahiwagang talon o kahit ang bunga ng pagpapagaling. Ang kapalaran ko ay nasa diwata ng kalikasan.” Paliwanag ng ibon kay Reme.

            “Hindi. Huwag kang susuko. Susubukan ko. Hintayin mo lang.” Tumayo si Ryona at kumuha ng tubig sa talon. Nagpalabas sya ng malaking dahon at ginamit nya ito upang makakuha ng tubig na ibinuhos nya sa katawan ng Reme.

            Pumitas din sya ng bunga ngunit madami na syang napipitas hindi pa sya nakakakalahati sa isang sugat pa lang ng Reme. Kumuha sya ng tubig sa rumaragasang talon at pinilit ipainom sa nakahandusay na ibon.

            “Hindi ako titigil. Hindi ako susuko.” Bulong ni Ryona habang pabalik-balik sya sa pagkuha ng tubig sa talon.

            Ilang sandali pa ay nahawi ang tubig sa talon at may lumabas na isang magandang babae. Nakakulay berde ito na nakalutang sa hangin. Mahaba ang kanyang mga buhok at may tila mga sangang nakalagay sa kanyang mga braso.

            “Hindi sapat ang mga iyan upang ibalik ang buhay ng Reme na iyan. Mas inuna nyang sagipin ang buhay mo kaysa sa sarili nyang buhay.” Bungad nit okay Ryona.

            Ngunit hindi ito pinansin ng dalaga. Patuloy pa din ang pagkuha nya ng tubig para sa Reme.

            Lumapit ang babaeng nakaberde sa nakahandusay na Reme at pinagmasdan ito.

            Napansin ni Ryona na nagaalisan na ang mga insekto sa katawan ng ibon.

            “Bakit sila umaalis? Magaling na ba ang Reme?” Nagmadali syang lumapit sa mukha ng ibon at kinausap ito.

            “Magaling ka na ba? Idilat mo ang mga mata mo.” Hawak-hawak nya sa mukha ang ibon ng biglang may pumatak na luha sa mga mata ng malaking Reme na ito habang kinakausap nya.

            “Ano pong nangyayari? Sabihin nyo po?” nag-aalalang tanong ni Ryona sa babaeng nakatingin sa kanya.

            “Ikinalulungkot kong sabihin, ngunit ang Reme na ito ay kasama na ng iba pang Reme. Wala na sya.” Paliwanag ng babae.

            “Hindi!!!!! Ano pong magagawa ko para mabuhay sya ulit? Sabihin nyo!” Umiiyak na sabi ng dalaga.

            “Wala na tayong magagawa. Ikinalulungkot ko.” Malungkot din ang mukha ng babaeng kausap ni Ryona. Kahit sya ay naiiyak sa pagkahabag sa dalaga.

            “Ang gusto ko lang naman matutunan nya paano magpahalaga ng buhay. Pero hindi nya napahalagahan ang sarili nyang buhay. Bakit ganun? Wala na ba talaga akong magagawa?” Umiyak ng malakas si Ryona. Ang mga halaman at puno ay nagsigalawan na parang nakikidalamhati sa dalaga.

            Nagulat ang babae sa kanyang nakita. “Nakikiisa ang kalikasan sa kanya. Anong klase syang nilalang?” bulong ng babae.

            Tumayo si Ryona at pinahid ang kanyang mga luha. Lumapit ito sa harapan ng babae at lumuhod. “Maraming salamat po sa mahiwaga nyong talon. Alam ko pong kayo ang reyna ng bundok na ito. Lubos po akong nagpapasalamat.” Napaiyak muli ang dalaga. “Ihahabilin ko na po ang kaibigan ko sa inyo. Kayo na pong bahala sa kanya mahal na reyna.” Pumatak ang luha ni Ryona sa luha at hindi nya ito mapigilan.

            Nagulat ang babae ng banggitin ni Ryona na sya ang reyna ng bundok na iyon. “Pinahanga mo ako sa kakayahan mong pakiramdaman ang kapaligiran. May pagmamahal ka sa kalikasan at alam kong busilak ang iyong kalooban. May isang bagay lang akong gustong gawin bago ka umalis.”

            “Kayo pong bahala.” Tumayo si Ryona at pinagmasdan lang ang gagawin ng reyna ng bundok.

            Lumapit ito sa patay na katawan ng Reme at may kung anong mahika ang ginamit nya dito. Itanaas lamang nya ang kanyang kamay at may liwanag na tumama sa ibon. Unti-unting gumagaling ang mga sugat nito at lumilinis din ang kanyang katawan.

            “Salamat po sa pagbabalik ng tunay nyang kaanyuan kahit sa huling sandali.” Nilapitan nya ang ibon at niyakap ito. “Ipagtatanggol ko ang lahat ng nilalang hanggat nabubuhay ako kaya sana matahimik ka na kung san ka man naroroon.” Muling pumatak ang mga luha ng dalaga at dumiretso ito sa patay na katawan ng ibon.

            “Rebmah Sudni!” lumabas ang isang dahon. “Atir Iram Detal!” Lumaki ang dahon at sumakay si Ryona dito. “Paalam kaibigan. Hanggang sa muling pagkikita. Ngiknir Retan! Ibaba mo ako sa mga kaibigan ko.” Utos nya sa dahon at umutang na ito. “Paalam reyna.” Malungkot na sabi ni Ryona.

            Bumaba na ang dahon pabalik sa mga kasama ni Ryona na naghihintay sa kanya sa ibaba. Pinagmamasdan lamang ng reyna ang unti-unting pag-alis ng dalaga. Namangha sya sa ipinakita nito. Ni hindi man lang pumasok sa kanyang isip na kumuha ng maraming tubig sa talon at ipagbili ito ng mahal sa bayan. Bihirang nilalang lang kasi ang nakakarating sa lugar na iyon dahil na din sa mga mababangis na hayop. Ngunit si Ryona, ang Reme lamang ang tanging naisip nya.

            Buo ang loob ni Ryona ng nilisan nya ang tuktok ng bundok. Ilang sandali pa ay nakita na nya ang mga kaibigan. Tumalon na ito mula sa sinasakyan.

            “Si Ryona!” masayang sigaw ni Ramses. Agad naman nyang niyakap ang kaibigan ng makita nya itong malakas at buhay.

            “Maligayang pagbabalik, Ryona.” Bati ni Ginoong Yaku.

            “Nag-alala kami ng husto sa’yo.” Sabi ni Perus.

            Bakas sa mga mukha nila na masaya sila sa pagbabalik ni Ryona. Ngunit hindi pa din naalis ang pagkalungkot sa mukha ng dalaga.

            “Ryona?” tumingin si Ramses sa itaas upang tingnan kung may kasunod ito ngunit ang dahong nakalutang lamang ang kanyang nakita. “Nasaan na ang Reme na nagdala sa’yo sa itaas?”

            Umiling si Ryona at napaiyak muli sya. “Wala na sya. Kasama na nya ang mga diwata sa gubat. Iniligtas nya ako, pero hindi nya nailigtas ang kanyang sarili.”

            Niyakap sya ni Ramses ng mahigpit habang umiiyak ito. “Kung san man sya nandun ngayon, siguradong ayaw nyang malungkot ka.” Pagpapalubag-loob ni Ramses sa kaibigan.

            Ilang sandali lang ay gumawa ng ingay ang Reme ni Perus. Nagsigayahan naman ang iba pang Reme na nandun sa lugar na iyon.

            “Anong nangyayari?” tanong ni Perus.

            “Naramdaman siguro nila ang pagkawala ng isa nilang kasama.” Paliwanag ni Ginoong Yaku.

            Pinahid ni Ryona ang kanyang luha at umupo sa isang sulok ng bato.

            “Ryona!” tawag ni Perus. “Tingnan mo.”

            Hindi pinansin ni Ryona ang sinabi ng kaibigan. Yumuko lang ito at nanahimik sa isang tabi.

            “Totoo ba ‘to?” tanong ni Ramses.

            “Wala na atang dahilan pa para magmukmok ka dyan Ryona.” Nakangiting sabi ni Ginoong Yaku.

            “Hayaan nyo po munang ipagluksa ko ang aking kaibigan.” Sagot ni Ryona.

            Humangin ng malakas sa paligid pero hindi pa din ito pinansin ni Ryona.

            “Ryona!” tawag ng tatlo sa kanya.

            “Hindi ata tamang ipagluksa mo ang nilalang na buhay pa.” sabi ng Reme.

            Nagulat si Ryona sa narinig at pamilyar ang boses ng Reme na iyon.

            Dahan-dahan nyang iniiangat ang kanyang ulo at tumingin kina Ramses. Nakita nyang nakangiti ang mga ito. Hinanap nya agad kung sino ang Reme na nagsalita. Laking gulat nya na pagtingala nya ay nakita nya ang Remeng iniwan nyang patay sa tuktok ng bundok.

            “Reme, ikaw ba yan o multo mo lamang iyan?” gulat na gulat na tanong ni Ryona.

            Gumawa ng isang malakas na ingay ang Reme. “Ako talaga ito. Salamat sa’yo binibini. Dahil sa kabutihang ipinakita mo, ibinalik ako ng reyna sa aking katawan.” Paliwanag ng ibon.

            Mabilis naman na kumilos si Ryona at niyakap ang Reme na kanyang kausap. “Masaya akong makita ka ulit, Ayer!”

            “Ayer? Magandang pangalang yan, binibini.” Masayang sabi ng Reme.

            “Tawagin mo na lang akong Ryona.” Masayang sagot ng dalaga.

            Isang bagong pagkakaibigan ang nagsimula sa pagitan nila Ryona at Ayer. Bakas sa mga mukha ng bawat isa na masaya sila na malampasan ang pagsubok na ito maliban sa isa.

            Nakaramdam na ng pagkakaba si Ramses ngayong sya na ang susunod na pipili ng kanyang Reme. Hindi tulad nila Perus at Ryona, wala syang kakayahang maramdaman ang kalikasan at hindi malakas ang kanyang pangangatawan. Hindi nya alam kung paano ang gagawin nya kung mapatapat sya sa isang Reme na kahit sino ay hindi kayang pasunorin.

            “Masaya ako para sa inyo, Ryona at Perus. Maganda ang inyong ipinakita.” Tumingin si Ginoong Yaku kay Ramses. “Handa ka ba?” tanong nito.

            Biglang nanlamig ang buong katawan ng dalaga at tila hindi sya makakilos.

            “Maari ka ng pumili, Ramses.” Seryosong sabi ng guro.

            Magkahawak ang dalawang kamay ni Ramses habang tinitingnan ang iba pang Reme sa paligid.

            “Kaya mo ‘to Ramses. Kalmado ka lang.” bulong nya sa kanyang sarili.

A/N

 

Ano  namang klaseng Reme ang mapapatapat sa ating bida? Mahirapan kaya sya o madalian? Abangan kung sino at paano haharapin ni Ramses ang Reme na laan para sa kanya.

 

Please don’t forget to vote. And kung gusto nyo ang story ko na ‘to, ifollow nyo na ako. Thank you very much.

 

Wag kayong magsasawa lalo na ngayong regular na ang paguupdate ko. :) Enjoy!

 

*MelaBrio*

Continue Reading

You'll Also Like

Living Lies By Jacob

Mystery / Thriller

9.4K 348 38
After knowing what they really meant, their question now is how to know the truth behind the lies ahead.
42.2K 1.3K 32
PUBLISHED BY LIB Available in any Precious Pages Stores and all leading bookstores nationwide. The Life Trilogy #1 The Life Taker (Wattpad Revised Ve...
94.7K 607 16
Mga Libro po ito na nabasa ko na . Sa mga nag Hahanap ng story na magandang basahin . buksan mo lang po ito . nandito po lahat ng story na para sakin...
108K 4.3K 40
#1 in History 063018 #3 in Time Travel 063018 Huwag mong baguhin ang isang nakaraan dahil may malaking epekto ito sa iyong kasalukuyan at magiging hi...