ARRANGED (Buencamino Cousins...

By Rectanglenaheart

39.6K 873 126

Stone Axel Buencamino (Buencamino Cousins Series 1) The Dronova-Buencamino Royal Blood. More

AUTHOR'S NOTE
PROLOGUE
chapter 1
chapter 2
chapter 3
chapter 4
chapter 5
chapter 6
chapter 7
chapter 8
chapter 9
chapter 10
chapter 11
chapter 12
chapter 13
chapter 14
chapter 15
chapter 16
chapter 17
chapter 19
chapter 20
chapter 21
chapter 22
chapter 23
chapter 24
chapter 25
chapter 26
chapter 27
chapter 28
chapter 29
chapter 30
chapter 31
chapter 32
chapter 33
EPILOGUE
NEXT

chapter 18

711 19 0
By Rectanglenaheart

(AXEL POV)

"This love is just pause and not the end. Babalikan kita mahal ko" rinig ko ito sa pag tulog ko...

Agad kong iminulat ang mga mata ko para lang makita ang malakas na sinag ng araw na sumisilaw sa mata ko.

Inunat ko ang dalawang kamay para mag unat ng butong nasanay sa pag higa.

Umupo ako, pero sa pag upo ko ay agad din na nahilo ang ulo. Napahawak ako dito.

Oo nga pala nag lasing nga pala kami ni Mr. Chu...

Nasaan na ba si Velvety?

"Lovey?!" Tawag ko rito at agad na tumayo kahit na ramdam ko parin ang kirot sa ulo ko.

Bakit hindi niya manlang ako ginising para lumipat ng higaan?... siguro galit iyon sa pag lalasing ko kagabi...

"Lovey?!" Tinahak ko ang kusina kung andoon siya at nag luluto ng breakfast namin.

Pag karating ko rito ay agad na binalot ng pagtataka ng makitang wala siya roon.

Ang alam ko ay maagang nagigising si Velvety. Maaga siyang nagigising at nagluluto dahil daw asawa niya na ako at mahal na mahal niya ako..

Ang kaninang pagtataka ay natakpan ng ngiting bumalatay sa labi ko.

Sa halip na mag taka pa ay niliko ko ang daan papunta sa hagdan kung saan ito ang magdadala sakin sa 2nd floor.

"Lovey?" Tinawag ko ulit siya pero wala talaga akong naririnig na sagot ng boses niya.

Pinihit ko ang papasok sa kuwarto namin.

Hinagilap ko ang kahit isang bakas niya pero kahit anino niya ayaw ding magpakita.

Nagtaka nanaman ako sa nangyari. Nilibot ko ang hardin namin kung saan siya nag tatanim at nag didilig ng paborito niyang mga bulaklak na sampaguita.

Pero ganon din ang nangyare, walang nagtatanim dito ng bagong bulaklak at wala ding nagdidilig ng halaman.

Sa pag kakataong ito... kinabahan na ako.

Nasaan siya kung ganoon?

Agad akong pumasok ulit sa loob, sa pag bukas ko ng pinto ay nagulat nalang ako sa nasaksihan...

Agad siyang tumayo sa pagkakaupo sa sofa, at gulat na nakatingin saakin.

Nagdilim ang paningin ko. Bakas na ngayon ang takot sa mukha niya.

"Anong ginagawa mo rito?" Matigas kong tanong at namulsa sa tuxedong kahapon ko pa suot.

"Ah...e... May s-sabihin kasi ako sa'yo" dahan dahan ang bawat sambit ni Daisy sa mga salitang iyon.

Hindi ko ipinakita ang pagtataka, "Sabihin mo na, may hinahanap pa kasi ako... sobrang kulit na pusang kanina pa nagtatago!" Parinig ko kay Velvety na alam ko lang na nag tatago dito.

Namutla ang mukha nya at binalot ng lungkot sa pag banggit ko kay Velvety.

Hanggang ngayon parin ba'y guguluhin niya kami?!

"A-Axel kasi.." nauutal ito at napa yuko na.

Itinaas ko ang isang kilay dahil sa sobrang takang nararamdaman, p-parang may mali...

"A-Axel si ano kase... s-si Velvety-" Daisy.

"What's wrong with her? Btw, did you know where is she?" Tanong ko at awtomatikong umangat ang isang kilay

Nang iangat nya ang mukha niya ay may nag babadya ng luha roon.

"A-Axel si V-Velvety... u-umalis na siya. . ." Sa sinabi niyang iyon tumigil ang lahat saakin, napatawa ako't napangisi sakanya.

"Sinungaling. Nandito lang siya dahil nagtatago siya sakin. Siguro galit dahil naglasing ako kagabi" sa sinabi kong iyon ay nakita ko ang lungkot rito... siguro selos dahil sa mga sinabi ko.

"A-Axel, umalis na sya." Umiiling siya at tatangkaing lumapit saakin pero umatras ako.

Bakit lumuluha ito? Na curious na talaga ako sa mga nangyayare kaya "Kung ganoon nga, mag bibilang ako ng sampu at pag di pa siya lumabas sa tawag ko, maniniwala ako sayo." Nasabi ko nalang kahit bakas sakin ang pagkabahala...

Umurong si Daisy at yumuko ulit..

"LOVEY?!!" sa sigaw kong ito ay sobrang lakas na kaya dumagungdong ang boses ko sa loob ng bahay.

Kahit namamawis ako'y itinuloy ko ang pag bilang.

"1" magpapakita yon.

"...2" kaya yan tiwalang lalabas din yon, nginisihan ko ang nakayukong si Daisy.

"...3" sobrang ganado ako nito pero sobrang tarantado talaga ni tadhana.

"...7" binabalot na ng pagaalala ang sistema ko. Hindi ako mapakali.

Si Daisy naman ay, may tumulo ng luha sa mata.

"A-Axel hindi ko rin alam kung nasaan siya—" sinigawan ko siya para patigilin

"Fùcking stop!...8!" Kahit alam kong nabadya naring mag labas ng luha ang mata ko'y tinatagaan ko parin.

Ayokong makarinig ng kung ano anong pinag sasabi niya.

"...9" pinigil niya rin ako sa pag bibilang.

"Di na siya babalik, Axel!" Sigaw nito at humagagulgol na.

"..10....." hindi pa rin ako tumigil at desididong sinasabi saking sariling andito lang siya, "Ayaw mo talagang lumabas?!"

Sa sigaw na ito ay kasabay ng paa kong tinungo ang palibot sa bahay.

Lumong lumo ako sa kakatawag sakanyang di parin sumasagot. Si Daisy naman ay nakasunod saakin.

"Lovey! Velvety!" Sigaw ko na nauwi sa piyok dahil sa luhang di ko namalayang kanina pa pala naka bagsak.

"Kagabi n-narinig ko yung boses niya, s-sigurado akong n-nandito lang siya!" Tinignan ko si Daisy ng masama na para bang siya ang may kasalanan kahit alam kong wala siyang ginawa.

"H-Hindi, mandito l-lang siya k-kanina..." para na kong baliw sa kakaisip na andito lang siya kanina pa kahit na alam ko rin na wala talaga dahil naikot nanamin ang buong mansyon.

"H-Hindi niya ako kayang iwan!" Sigaw ko dahil sa sikip na nangyayari sa puso ko.

"Wala na siya! Hindi na siya babalik, Axel! Please naman, Axel makinig ka sakin..!" sigaw ni Daisy o baka naman isang bulong dahil hindi ko na rin talaga malaman ang nangyayari sa paligid o kung gaano kalakas ang mga tunog na pumapalibot dito, ni-aircon nga di ko na rin alam kung naka bukas ba.

Hindi siya pwedeng umalis ng hindi ako kasama! P-Puntahan ko ang mga magulang niya!

Agad akong tumayo para lumabas, he naghilak ko ang sasakyan ko at pumasok hindi ko na rin pinansin si daisy na pumasok para.... Hindi ko alam.

Kahit nanlalabo ang mga mata dahil sa luhang tumatak ito ay nagawa ko pa rin makapunta sa bahay ng mga Gray.

Mabilis akong bumaba at pinindot ang doorbell nila, kahit ramdam ko ng nasa tabi ko si daisy ay hindi na rin ako nahiya dahil sa kabaliwan ko.

Wala na akong para sa aking paligid makita ko lang ang babaeng mahal ko. . . maging maayos din ang lahat.

Ilang segundo lang ay nakababa ang mag asawang Gray para harapin ako, kahit tumutulo pa rin ng luha ko ay hindi ko na ito pinansin at lumuhod sa harapan nila.

"S-Si Velvety po nasaan?! Tinatago niyo po ba siya dyan?!! Nag mamakaawa ako ilabas niyo na po ang anak ninyo!" Gulat na gulat ang mga mukha nang mag asawa dahil sa ginawa kong pagluhod.

Agad ako ng dinaluhan name is gray para patayuin pero hindi talaga ako nag patigil sa pag luhod.

"Anak, wala rito si Ivory" nabigo ako sa narinig, bumagsak ang balikat ko sa sobrang dismaya.

"Wala rito si Ivory. Nagiwan siya nang sulat at nakasulat sa sulat ay huwag na raw namin siya hanapin dahil nasa malayong lugar kung saan alam namin, wala siyang binigay na clue, wala kaming alam, alam ko lang ay kami kami na lang mag pa pamilya na magkakilala hindi ko alam kung saan siya pumunta... patawad, Anak" malakas na tumulo ang luha ko at nanginig ang buong pagkatao ko sa narinig sa tatay ni Velvety.

Dahan dahang nawawarak ang puso ko habang isinasaisip ang mga narinig.

"Galit ba siya sa'kin? May nagawa ba 'kong mali?! May kasalanan ba ko? May kulang ba sakin? Hindi pa ba 'ko sapat? Hindi na ba siya masaya?!" Sa bawat tanong ko ay puro iling lang ang nasasagot ng magasawa.

Para akong baliw, hindi ko na alam kung anong gagawin ko, nanghihina ako.

My rest is gone. My supporter is gone, and the most tragic is my home was gone.

Humahagulgol na ako sa harap ng gate nila ramdam ko ang pagyakap sa'kin ni Daisy sa likuran... umiiyak rin siya na para bang dinadamayan ako o nasasaktan.

"VELVETY!!!" Hagulgol nalang ang lumalabas sa bibig ko.

I can't accept it but I have to. Because Daisy said that there is no possibility that she will come back.

That was the last day that God let me see her. Ni-hindi niya ako binigyan ng maayos na kumpirmasyon kung bakit ako iniwan ni Velvety.

Sa gabing iyon ibinuhos ko ang lahat pero hindi pa rin pala dahil gabi-gabi ako umiiyak at nag papakasawa sa alak at gustong mag pakamatay pero laging nandiyan si Daisy para pigilan ang suicidal attempt ko.

Siya lagi yung nandiyan para tulungan !akong makabangong muli.

Sa limang taon ngayon... siguro natutunan ko na rin na kalimutan si Velvety. At sigurado na ako roon.

Continue Reading

You'll Also Like

69.6K 1K 54
A life full of obstacles Catherine still raising. Her Grandmother raised her as well. But then, the twin billionaire came into her life that change h...
1.2M 44.5K 92
[π™Άπš‡π™Ά] [π™Ώπšπ™Ύπ™΅πš‡πš‚πšƒπš„π™³π™΄π™½πšƒ] Will you pursue your feelings towards her if she's your professor and your best friend's sister? What if she lik...
95.1K 1.4K 53
|SPG-18|Mature|Completed| "I won't hurt you if your going to spread it." -Necolai Handson *********** Zoilla,one of the c...
147K 2.9K 47
Amor F. Simson always consider everything as a competition especially if Liam Lee B. Devuelva was involved. Academic performances, leadership competi...