Promises Beneath The Blue Clo...

By ms_peppa_pig

3.2K 163 16

Yvette Remi Zendaya a woman who is madly inlove with aircraft. A woman who will prioritize more the word 'wor... More

DISCLAIMER
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 26
CHAPTER 27

CHAPTER 25

44 1 0
By ms_peppa_pig

Ang lalawigan ng Pampangga ay isa sa mga kinikilalang best destination dito sa Pilipinas at hindi naman 'yon nakakapagtaka pa. Hindi na ako nagtataka pa kung bakit ito dinarayo ng mga turista mapalokal man o internasyonal. Bukod kasi sa mga kakaiba at nakakamangha nilang mga pagkain, maganda at napakarefreshing din ng tanawin dito.

"Grabe! Ang ganda ng kalangitan!" Parang bata kong sigaw habang tinuturo ang kulay asul na kalangitan.

Damn! Sulit ang paggising ko ng maaga! Sulit ang mahigit isang oras na biyahe ko! Ang ganda ng kalangitan! The sun is just about to rise, and the sky is paint with blue!

Blue hour!

Noon hindi ko naaapreciate ang blue hour, dahil masyado s'yang plain tingan at wala namang kakaiba doon bukod na lamang sa kulay asul ang kalangitan, mas naaapreciate ko pa nga ang golden hour kung saan ang araw ay papalubog na. Pangit kasi ang view sa cockpit kapag blue hour, para ka kasing natrap sa loob ng kulay asul na galon ng tubig. Wala kang makikita na mga ulap, at higit sa lahat masyado s'yang matingkad sa direksyon namin. Hindi tulad sa golden hour na maaapreciate mo talaga ang view, hindi lamang kasi iisang kulay ang makikita mo at 'yong mga kulay na naghahalo sa kalangitan ay hindi matingkad at higit sa lahat ay hindi masakit sa mata.

"Remi, huwang mong ibababa ang ulo mo, pipicturan kita. Pangwallpaper ko." Saglit na nawala ang ngiti ko nang marinig ang sinabi ni Benjamin pero bumalik na rin naman ito kalaunan nang magets ko na kung ano ang sinabi n'ya. Hindi ko ibinaba ang ulo ko at ngumiti pa ako ng mas malapad. Tiyaka ko lamang ibinaba ang ulo ko nang ibinaba na n'ya ang cellphone n'ya na nakatutok sa mukha ko. It was a half face shot.

"Patingin."

Kaagad na ipinakita ni Benjamin ang shot n'ya sa akin at literal na napanganga ako nang makita ang picture ko. It is a nice half face shot. Ang ganda ng quality at parang professional photographer ang nagpicture.

"Maganda kasi 'yong view at 'yong babaeng picnicturan ko."

"Che! Gayahin mo mga 'yong ginawa ko kanina, picturan kita tas wallpaper ko rin." I demanded and I instantly get my phone from my tote bag. Kaagad namang sumunod si Benjamin at kaagad ko ring inangulo ang camera ko, I adjusted the light, and I semi tilt my camera, ginaya ko ang ginawa n'ya, para masama rin sa picture 'yong kalangitan. Nang tapos na ako rito, kaagad kong pinakita kay Benjamin ang shot ko at natuwa s'ya rito. Sabay naming pinalitan ang wallpaper ng mga cellphone ko. Para pa nga akong nahiya nang makita na kaming dalawa 'yong nasa wallpaper n'ya habang sa cellphone ko ako lamang mag-isa. Buti na lang talaga at nagpalit na ako ng wallpaper.

"Tara na?" Pag-aaya ni Benjamin at naglakad na kaming muli. Habang naglalakad kami natatapilok ako dahil sa mga batong nagkalat dito pero hindi ko naman 'yon iniinda, mas nakatutok kasi ang mga mata ko sa mga taong naglalakad katulad namin. Lahat kami ay iisa lamang ang destinasyon at 'yon ay ang pinagmamalaking hot air ballon ng Clark Pampanga.

Tumingin ka nga sa dinaraanan mo, Remi." Ibinaba ko lamang ang mga mata ko nang maramdaman kong may umaalalay sa akin sa paglalakad. Kaagad kong nakita ang nakakunot na mukha ni Benjamin. Ngumiti na lamang naman ako at itinuon sa dinaraanan namin ang buong atensyon ko.

"Alam mo Benjamin, excited na ako! First time ko kasing makakasakay ng hot air balloon!"

Sa sobra kong pananabik, parang naiihi na ako.

"Talaga?!" Gulat n'yang tanong at tango lamang naman ang sagot ko dito.

Its true, for my entire twenty seven years living here in earth, ito ang kauna-unahang pagkakakataon ko na makakasakay ng hot air ballon. I already went to Turkey particularly in Cappadocia, where hot air balloon is very popular, but we went there in wrong time. Pumunta kami doon ng March at considered na spring na ang whether dahil February mag-e-end ang winter season, pero no'ng mga oras na 'yon medyo malamig pa sa Cappadocia which is not a preferable weather for hot air balloon, kaya sobrang lungkot ko no'n, sabi ko sa sarili ko babalik ako ng Cappadocia at sasakay ako ng hot air balloon, pero hindi naman 'yon nangyayari, medyo malayo kasi ang Dalaman sa Cappadocia, kaya nga nagpapasalamat ako sa Diyos at saktong Pampangga ang naging next flight ko! Naeexcite na talaga ako!

"For sure magugustuhan mo 'to." Ngumiti s'ya sa akin at hinawakan ng mahigpit ang kamay ko. Tumango lamang naman ako at mas lalo pang lumapit sa kan'ya.

Nang malaman ni Benjamin na nasa Pasay ako, kaagad s'yang nag-aya na magha-hot air balloon daw kami. No'ng una hindi ako pumayag dahil kadarating ko lamang ng Pasay at kailan kong magpahinga, pero dahil mahal ko si Benjamin pumayag na rin ako hindi kalaunan, pero sabi ko sa kan'ya after namin maghot air balloon, doon muna ako sa hotel n'ya mag-s-stay dahil matutulog ako. Kagabi lamang kasi ng 6:30 PM lumanding ang pinapalipad kong eroplano sa NAIA, habang si Benjamin naman ay no'ng nakaraang linggo pa nandito sa Pampanga, sa Clark kasi lumanding ang pinapalipad n'yang eroplano. 'Yong hotel ko nasa Pasay habang 'yong kan'ya naman ay nandito sa Pampanga, pero okay lang malapit lang naman ang Pasay sa Pampanga. Mahigit isang oras lang naman ang biyahe.

"Inaantok ka pa rin ba, Remi?"

"Medyo na lang. Hindi na tulad kanina."

3:30 AM ako umalis ng Pasay at nakarating ako ng Pampanga 4:50 AM, dumiretcho kaagad ako sa hotel ni Benjamin at nagstay ng ilang minuto doom bago dumiretcho dito.

"Tara na!" Hinawakan ko ang kamay ni Benjamin at tinakto na ang lugar kung nasaan ang mga hot air balloon.

Ang ganda!

Nanginginig na ang mga tuhod ko!

Nang nasa mga hot air ballon na kami kaagad na kaming nakisiksik ni Benjamin sa mga tao para makita nang malapitan ang mga hot air balloon, siyempre hindi mawawala ang picturan at habang tinuturo ko nga kay Benjamin ang hot air balloon na gusto kong sakyan namin, nahagip ng mga mata ko si Valkyrie na nasa mismong harap ng isang angry bird na hot air balloon. May kasama s'yang camera man at halatang iniinterview n'ya 'yong lalaking nasa tabi n'ya, nasa tapat kasi nito ang mic.

Hindi ko inalis kay Valkyrie ang mga mata ko. Tinitigan ko lamang s'ya hanggang sa napansin na n'ya ako. No'ng una hindi n'ya ako pinansin pero nang matapos na s'ya sa pag-i-interview doon sa lalaki, lumingon ulit ito sa akin at ngumiti, kinawayan ko naman s'ya at nginitian pabalik.

Sa wakas maipapakilala ko na rin sa kan'ya si Benjamin. My boyfriend.

"Sinong kinakawayan mo?"

"Kita mo 'yon," Tinuro ko si Valkyrie na ngayon ay abala sa harap ng camera. "Si Gracen Paloma, 'yong sa Good Evening Philippines, kaibigan ko 'yon!"

Lumaki naman ang mga mata ni Benjamin at halatang nagulat sa sinabi ko.

"Bale lima kaming magkakaibigan. Alam mo ba 'yong CF's Mall? Kaibigan ko rin 'yong anak ng may-ari no'n, si Camari. Tapos kilala mo rin ba si Sydney Mavis? 'Yong dating artista? Kaibigan ko rin 'yon, tapos diba 'yong Mayor sa Zamboanga ay si Mayor Dela Martin, 'yong nag-iisang anak no'n na si Michael, kaibigan ko rin 'yon. Tas 'yong isa ko pang kaibigan na si Delaney, minsan doon kami sa hacienda nila nagbabakasyon, pero no'n pa 'yon, no'ng mga wala pang asawa 'yong tatlo kong kaibigan." Ngumiti ako ng mapait at inalala 'yong mga panahong nagbobonding kaming magkakaibigan sa hacienda nila Delaney. Namimiss ko 'yon. Kailan kaya ulit 'yon mangyayari?

"Lahat pala kayo ng mga kaibigan mo, mayayaman..."

"Ha?" Napalingon ako kay Benjamin hindi dahil sa sinabi n'ya kundi dahil sa tono ng boses n'ya. It was a low, melancholic and timid voice.

"Wala," Ngumiti s'ya ngunit hindi ito umabot sa kan'yang mga mata. "Tara, sakay na tayo sa hot air ballon." Ngumiti s'ya ulit at hinila na ako papunta sa mga hot air ballon. Nagpatianod naman ako sa kaniya hanggang nasa loob na kami ng hot air balloon. Kaagad na umarko ang mga labi ko nang maramdaman na unti-unting nang tumataas ang hot air balloon kaya kaagad akong lumingon sa ibaba. Katulad ng inaasahan ko ang lahat ng mga tao sa ibaba ay kumakaway sa amin, hindi lamang sa amin ni Benjamin kundi sa lahat ng mga hot air balloon na ngayon ay nasa mga himpapawid na.

"Benjamin, loo—" I suddenly stopped and my smile immediately fades when I saw the face of Benjamin. He looks sad. Nakangiti nga s'ya pero hindi naman ito umaabot sa kan'yang mga mata. Nakatingin lamang s'ya sa malayo habang ang isip ay parang nililipad.

"Okay ka lang?" I asked and that was just the time he looked at me. Ngumiti s'ya at pagkatapos no'n ay inakbayan n'ya ako. Kaagad ko namang pinulupot ang braso ko sa bewang n'ya.

Alam kong hindi s'ya masaya pero 'di nya lang sinasabi sa akin. May be he doesn't want to ruin our hot air balloon date.

"Alam mo, Remi...naiinsecure ako," mapakla n'yang saad sabay iling.

"Ha?" Gulat kong tanong.

"Naiisecure ako sa yaman mo. Nakakakulala. 'Di ko kayang abutin. Para kang ulap sa kalangitan, magandang pagmasdan, ngunit hanggang tingin lamang, 'di kasi kayang hawakan."

"Baliw! Anong 'di kayang hawakan? Nahahawakan kaya ako! Kiniss mo pa nga ako!" Biro ko para maging light itong conversation namin. Alam ko na kasi kaagad kung saan papunta itong topic namin. Narinig ko namang tumawa si Benjamin kaya napaniwala akong 'di mapupunta doon ang usapan namin kaso nagkamali ako.

"Alam mo ba bata pa lang ako pangarap ko ng maging Piloto, pero alam ko naman na 'tong pangarap ko na 'to ay hindi matutupad, kumbaga hanggang sa pangarap na lang. Mahirap kasi kami. Educ nga sana kukunin kong kurso no'ng college ako kasi 'di masyadong magastos, pero si Mama tinulak talaga ako na aviation ang kukunin kong course. Nagtanong-tanong s'ya sa mga kakilala n'ya kung may kilala ba silang nagbibigay ng scholar, at 'yon, may nahanap na si Mama. Foreigner, lalaki, mayaman, ubod ng yaman. S'ya ang nagpa-aral sa akin, s'ya ang sumagot ng lahat ng gastos ko, dorm, pagkain, tuition, uniform, school supplies, s'ya rin 'yong nagbabayad sa bawat lipad ko no'ng nag-aaral pa lamang ako, basta lahat, as in lahat sya ang gumastos, may montly allowance pa ako na twenty thousand kaya sabi sa sarili ko mag-aaral ako nang mabuti, hindi ko sasayangin ang scholar na binigay n'ya sa akin, para kapag nagkita na kami 'di s'ya mapapaisip na nasayang 'yong pera n'ya sa akin."

Hindi ko alam pero napataas ako ng kilay dahil sa narinig, pero di ko 'to pinahalata kay Benjamin dahil ayaw kong masamain n'ya 'to. Napaisip lang kasi ako doon sa sinabi n'yang ang foreigner na lalaki 'yong gumastos nang lahat ng expenses n'ya no'ng nag-aaral pa lamang s'ya. First time ko kasing makarinig no'n. Mostly kasi ay yung tuition lang talaga ang sinasagot but in his case lahat ng gastos ay sagot ng nagpaaral sa kan'ya. Well, siguro mayaman talaga 'yong foreigner kaya gano'n. Arggg, I don't want to take it on malicious way, kasi may mga tao naman talagang mabait sa personal, aside from that sabi n'ya rin mayaman, as in mayaman na mayaman 'yong foreigner kaya siguro gano'n. I hate my mind for thinking that.

"Nasa himapawid na tayo at nararamdaman ko na naman ang agwat nating dalawa...."

Hindi ako nagsalita, tinitigan ko lamang s'ya na para bang hinihintay ko ang susunod n'yang sasabihin, pero nararamdaman ko namang unti-unti ng sumisikip ang puso ko.

"Do you really love me, my Remi?"

"Are you questioning my love for you?" Kaagad kong tanong.

Bumuntong hininga s'ya. "Baka infatuation lang 'yang nararamdaman mo. Siguro —"

Napahalakhak ako ng hilaw. "So I am right. You are really questioning my love for you." Umiling iling ako at umiwas ng tingin. Medyo nasaktan.

Why is he questioning my love for him? Hindi ba n'ya nararamdaman na mahal ko s'ya?

"Hindi sa gano'n." Pinaharap n'ya ako sa kan'ya. "What I am just pointing here is that...do I really deserved you? I mean look at you, you have everything. You're rich, independent, a heiress, the one and only daughter of the CEO and President of YZ Airlines..." Pahina nang pahina ang boses nya at 'yong ulo n'ya ay bumababa na rin na para bang nahihiya. "Mahirap lang ako. Wala akong maipagmamalaki." 

"Arggg!" I rolled my eyes. Here we go again and again. "Lets stop this convo. Pabalik-balik na lang tayo rito." Mahinahon kong saad kahit sa loob-loob ko ay gusto ko nNg sumabog.

Pabalik-balik na lang kami rito. He is always like this, he is always saying na 'di kami bagay sa isa't isa because of our social status like I care. Wala naman kasi 'yan sa status ng buhay, eh, nasa nararamdaman 'yan. If you truly love that person you will accept her or him no matter what. Your status in life will not matter because the only one that wil matter at last are your feelings. At tiyaka anong sinasabi n'yang mahirap lang sila? May mahirap ba na daan daan ang sinasahod kada buwan? At tiyaka may maipagmamalaki s'ya dahil naabot n'ya ang pangarap n'ya sa buhay.

"Sorry," nakita kong kinagat n'ya ang kan'yang labi. "I know I always open this topic and it really annoys you, my Remi...but I can't stop my mouth saying those words. I am not doubting you," umiling iling s'ya. "I am not suspecting your love....I am just questioning my financial stability. Hindi naman sa hindi kita kayang buhayin o 'yong pamilyang bubuuin natin, nabobother lang ako kung kaya ko bang ibigay ang mga bagay na gusto mo, mga bagay na nakasanayan mo. Ayaw kong gumastos ka, gusto ko ako ang gagastos para sayo."

"Benjamin, I already told you this. 'Di sa lahat ng bagay ikaw dapat ang gagastos. Let's stop that mindset na porque ikaw 'yong lalaki ay ikaw na dapat ang gagastos sa lahat. I feel weak and useless because of that. We're on a relationship means we must have a fair share in everything. Expenses. Dates. Trip. Sa lahat. I also want to treat you. Hindi naman sa ayaw ko na binibigyan mo 'ko ng mga bagay na magpapasaya sa akin o 'di kaya ay gagastusan mo 'ko. I appreciate it, Benjamin. I really appreciate it. Gusto ko lang din na mapasaya ka. I love it when I saw you smiling even on the small things."

"I also appreciate all your efforts, my Remi. I love it. I am just thinking about our future. About our future family."

Ang kaninang nagpupuyos kong galit ay napalitan ng kilig.

Future? So it means kasali ako sa future n'ya? Pamilya? Kinikilig ako! He have plans for us!

"Ganito na lang, we'll make a promise." Ngumiti ako at hinawakan ang isang kamay n'ya. "Let's make a promise beneath this clouds. Let's make a promises beneath the blue clouds.

Continue Reading

You'll Also Like

55.8K 1.8K 65
A recent graduate of an aviation course, Mayumi Phoebe Bonifacio continues pursuing her dream to be a pilot by entering one of the Philippines' prest...
50.7K 1.7K 4
"Please Audi, just one date" "Stop calling me Audi, only close people can call me that. Please call me Karson" he said in his usual serious tone. "Eh...
911K 31.1K 75
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.