Stuck With The Billionaire

Av greyskies24

6.8M 101K 5.4K

Winiata Gonzales was living a normal life of a twenty three year-old. Pero dahil sa isang pagkakamali ay nagb... Mer

Stuck With The Billionaire
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Five
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty One
Chapter Thirty Two
Chapter Thirty Three
Chapter Thirty Four
Chapter Thirty Five
Chapter Thirty Six
Chapter Thirty Seven
Chapter Thirty Eight
Chapter Thirty Nine
Chapter Forty
Chapter Forty One
Chapter Forty Two
Chapter Forty Three
Chapter Forty Four
Chapter Forty Five
Chapter Forty Six
Chapter Forty Seven
Chapter Forty Eight
Chapter Forty Nine
Chapter Fifty
Chapter Fifty One
Chapter Fifty Two
Chapter Fifty Three
Chapter Fifty Four
Chapter Fifty Five
Chapter Fifty Six
Chapter Fifty Seven
Chapter Fifty Eight
Chapter Fifty Nine
Chapter Sixty
Chapter Sixty One
Chapter Sixty Two
Chapter Sixty Three
Chapter Sixty Four
Epilogue
Bonus 1
Bonus 2

Chapter Twenty Three

82.6K 1.3K 49
Av greyskies24

Chapter Twenty Three

Umasa Ako

Alam mo 'yung masakit na pero hinahayaan mo pa rin? 'Yung dapat umiiwas ka na pero nananatili ka pa rin? 'Yung alam mo na ang nakikita mo ngayon ang nakakasakit sa'yo pero wala kang ginawa kung hindi tumitig?

This was it. I'm staring at the boy I like with my own two eyes. The boy who cared for me, was always there for me. The boy whom I thought would like me. The boy whom I thought..had the same feelings as I have. Pero akala lang pala lahat ng iyon. And sadly..he's with someone else.

Natauhan lang ako nang natabunan ang paningin ko ng ibang mga tao. Mula sa pagkakatayo ko sa harapan ay muli akong naipit sa dagat ng mga tao. I was shoved from here and there, wala akong lakas upang tumayo ng ayos kaya kung saan-saan na lang nadadala ang aking katawan. Hindi rin nakakatulong ang panlalabo ng aking mga mata dahil sa tuloy-tuloy na pamumuo ng mga luha ko. God, I must've look pathetic now!

Nang sa wakas ay naka-wala ako sa kumpol ng mga tao ay nagkaron na rin ako ng lakas na maglakad. I went to where Jerome and I left our things and carried my bag. Dali-dali akong umalis doon nang hindi lumilingon, naka-yuko lang at pinupunasan ang aking mga pisngi.

Fuck. Ano ba, Winiata? Para kang tanga!

Kung kanina pinagtitinginan ako dahil sa aking suot, ngayon ay dahil siguro sa aking inaasta. Hindi ko na lang iyon binigyan ng pansin at lumabas ng airport. Nagtungo ako sa taxi bay upang maka-uwi na.

Fortuantely, kung matatawag nga bang swerte, ay walang pila at may taxi'ng nag-aabang na roon. I rode it immediately and put my things beside me. Nakita kong naka-titig sa akin ang driver, maybe looking at my pitiful state.

Hinawi ko ang aking buhok at huminga ng malalim "Amber Estates po, Manong."

Tumango lang siya at tumingin na sa daan. Nagpasalamat na lang ako na hindi siya kagaya ng ibang driver na matanong at pala-salita. Hindi ko kasi alam ang aking i-sasagot kung sakaling magtatanong siya kung anong nangyari sa akin.

Muling bumalik sa akin ang eksenang iniwan ko doon kasabay ng pagbuhos ng luha ko. Mayroon siyang girlfriend! All along, akala ko single si Jerome. Hindi ba't noong kasal nila Corrine at Xander, iyong laro, kasali siya kaya alam kong wala siyang girlfriend. Ngunit mayroon! Shit!

Imposibleng basta-basta lang iyong babae. I didn't see her face dahil naka-talikod siya sa akin, but I'm sure kasing edad lang siya ni Jerome. And he kissed her. For fuck's sake, you don't kiss just anyone passionately. Hindi siya si Achilles. Magkaiba sila. Jerome's loyal, he's a good guy. He's perfect for me..

Napa-tingin ako sa aking bag nang tumunog ang cellphone ko na nasa loob nun. Si Jerome kaya iyon? Hinahanap ako? Should I answer it?

With my trembling fingers, I fished for my phone in my bag. Kinagat ko ang ibabang labi ko habang tinitignan ang caller. It's Achilles. Hindi ko alam kung anong gagawin ko.

Pinunasan ko ang aking mata tsaka pinindot ang answer button. Maingay na background ang aking naririnig. Malakas na dagundong ng music at naghihiyawang mga tao. He must be at the bar then?

"Hello, Win?" Siya ang naunang nagsalita "Are you there?"

Hindi ko alam kung bakit lalo akong naiyak nang marinig ang kanyang boses. His voice sounded warm and comforting for me. Tinakpan ko ang aking bibig para pigilan ang mga hikbi ko.

"Win?" napa-pikit ako nang nagsalita siya ulit "Are you crying? What's wrong?"

I am, Achilles. I'm wrong. Nagkamali ako ng lalaking nagustuhan.

"Achi.." I managed to say with my cracked voice.

"Shit." naka-rinig ako ng kalampag sa kabilang linya "Anong nangyari? Where are you?"

Hindi ko na alam ang isasagot ko sa kanya. I just covered my mouth with my hand while my phone's in my ear, natatakot na magsalita ulit dahil baka marinig niya ang mga hikbi ko.

Naka-rinig ako ng ilang mura mula kay Achilles bago siya nagsalita "Stay where you are. I'm coming to get you." then the line went dead.

Ibinaba ko ang aking cellphone at nanatiling naka-titig sa screen. Hindi na ako makapag-isip ng maayos. Hindi ko alam kung papatigilin ko ba ang taxi at maghintay gaya ng sabi ni Achilles. But I wanna go home. I wanna feel home. Isa pa ay pagod na ako. Gusto ko na lang mamahinga at matulog.

Nabigla ako nang makitang may ilang missed calls pala ako galing kay Jerome. May tatlong mensahe rin. Napa-mura ako ng mahina habang sinasara ang mga iyon. Ayoko muna siyang maka-usap. Hindi ko pa kaya. Baka kung ano lang ang lumabas sa aking bibig. Ayokong malaman niya na nasasaktan ako dahil sa kanya.

"Ma'am, saan po rito?" tanong ng driver sa akin pagpasok ng subdivision. Tinitignan niya ako mula sa rearview mirror at halatang nag-aalangan siya.

I gulped "Di-diretso lang, Kuya. Kumanan kayo sa pa-pangalawang kanto."

Binuksan ko uli ang bag ko at hinagilap naman ang wallet at susi ko. Paghinto ng taxi sa tapat ng bahay ay nagbayad lang ako at agad na lumabas. I managed to open the door with my shaking hands. Dirediretso ako sa aking kwarto at bumagsak sa lapag.

Ganito pala ang pakiramdam ng masaktan dahil sa isang lalaking gustong-gusto mo. Ang hirap. Ang sakit. Parang pinipiga ang puso mo kapag naalala mo siya, iyong mga alaala niyong dalawa. Gusto mong kalimutan agad ang lahat pero wala ka namang magagawa kung hindi umiyak na lang sa isang tabi.

At ang masakit sa lahat? Umasa ako sa wala. Namuhay at lalo ko pang diniligan ang pagkagusto ko kay Jerome dahil sa mga ipinapakita niya sa akin. He's sweet words and gestures towards me..lahat iyon binigyan ko ng ibig sabihin. Iyon ang naging pagkakamali ko. Umasa ako na magkakagusto rin siya sa akin dahil akala ko pareho kami ng nararamdaman. Ngunit hindi, mali ako.

My phone rang again. Nagtatalo ang isipan ko at ang sarili ko kung sasagutin ko ba iyon o hindi. In the end, I slowly reached for my cellphone beside me.

Calling...
Achilles

Inilapag ko na lang iyon sa sahig at hindi sinagot. Niyakap ko ang aking mga tuhod habang tinititigan ang screen ng cellphone ko. Tunog ito ng tunog dahil sa patuloy na pagtawag ni Achilles ngunit hindi ko sinasagot. I'm still crying and I don't want him to hear.

Naisipan kong mag-ayos na lang ng gamit kaysa magmukmok. Ngunit hindi rin iyon nagtagal dahil naiyak na naman ako. Una kong namataan sa loob ng aking backpack ang sweater ni Jerome. Pinahiram niya ito sa akin kanina sa eroplano at hindi ko naisauli.

Kahit na hawak-hawak ko lang ang sweater ay naamoy ko ang kanyang bango. Shit! I'm going crazy! I need to put myself together. Masyado na akong nagmumukhang miserable.

Nagbihis na lang ako ng pambahay at nagtungo sa sala. Binuksan ko ang TV upang libangin ang sarili ko pero walang epekto. Naka-tulala lang ako sa LCD at naglalakbay ang aking utak kay Jerome. Kahit anong gawin ko ay siya lang ang naiisip ko. Kahit saan ako tumingin, siya ang naalala ko.

Ibinaon ko ang aking mukha sa mga tuhod ko. Kasabay ng pamumuo ng panibagong mga luha sa aking mga mata ay ang pagbuhos ng mga alaala sa akin. Sa iilang linggo naming magkalapit. Sa tatlong araw naming nagkasama sa resort. Lahat ng iyon ay bumalik sa aking isipan.

What was all that? Iyong pagiging caring niya? Iyong sinabi niya nung gabing naka-upo kami sa dalampasigan? Were those lies? Pero bakit niya gagawin sa akin iyon? Alam ba niya na gusto ko siya? Holy fuck, ang daming tanong sa isip ko pero wala akong mahinuhang sagot!

Napa-talon ako nang parahas na bumukas ang pintuan. Sinilip ko kung sino iyon at nagulat nang makita ang hinihingal na si Achilles. Hawak niya sa isang kamay ang kanyang cellphone na agad naman niyang binaba nang magtama ang aming mga mata.

Sa isang iglap ay naka-lapit na siya sa akin, naka-tayo sa harapan ko at hinahabol pa rin ang hininga niya. Beads of sweat formed on his forehead and the sides of his face. Para siyang tumakbo ng napaka-layo.

"I told you I'd come for you, didn't I?" Huminga siya ng malalim at matalim akong tinignan "I searched everywhere to find you, Winiata! Fuck! Akala ko kung ano na ang nangyari sa'yo!"

Katulad kanina, lalo akong naiyak dahil kay Achilles. The fact that he's worried about me made my heart swell.

Para naman siyang nataranta dahil sa pag-iyak ko. Umupo siya sa aking tabi at ikinulong ako sa kanyang bisig. He's really warm and I like it. Hinaplos niya pa ang aking buhok habang inaalo ako.

"What happened to you, hm?" He asked in a calm voice "When I called you earlier, you're crying. And you still are, now. Tell me what's wrong, Win."

"Achi." I sniffed then swallowed the lump on my throat. "A-ang sakit."

Inilayo niya ako ng bahagya sa kanya at hinawakan ako sa magkabilang balikat. He's looking all over my arms and body na parang naghahanap ng sugat "Bakit? Anong nangyari?"

Napa-pikit ako. Just by thinking of saying it to Achilles, nagbabadya na naman ang aking mga luha. I want to let my feelings out. Ngayong nandito si Achilles sa tabi ko ay may nagtutulak sa akin na sabihin sa kanya ang lahat.

"M-meron siyang girlfriend, Achilles." Nabasag ang boses ko "Umasa ako sa w-wala."

I burried my face in my two hands and wept. Naramdaman ko ang unti-unting pag-angat sa akin ni Achilles at ang paglapag niya sa akin sa kanyang kandungan. Muli niya akong niyapos at inalo.

"This is what I am telling you about. Pero ang tigas ng ulo mo." kahit na pinapagalitan niya ako, malambing oa rin ang gamit niyang boses "You should've listen to me, Win. Look what happened, what he did to you. Ngayon ba ay naniniwala ka na sa akin?"

Tumango ako ng marahan. Ayoko mang sumangayon sa kanya ngunit tama siya. Masyado akong nabulag sa pagkagusto ko kay Jerome sa puntong wala akong ibang pinapakinggan at nakikita kung hindi siya lang.

"If you just believed what I said, you could've prevented this from happening." Bumuntong hininga siya pero hindi pa rin ako pinapakawalan "Shh. Don't cry anymore."

"Shit! Kung alam ko lang na ganoon.." Kinagat ko ang labi ko "H-hindi naman magkakaganito kung alam kong may girlfriend siya pero..umasa pa rin ako. At ang sakit, Achi. Hindi ko alam na ganito p-ala.."

Napa-mura si Achilles sa aking sinabi "Alam mo namang hindi ka dapat umaasa sa kahit na ano. Even if it's a sure bet, dapat ay mag-ingat ka pa rin 'cause this world's unpredictable, Win. Everything's temporary and unstable."

Patuloy ako sa pag-iyak habang pinapangaralan ako ni Achilles. Everything he's saying now is right and accurate. Hindi ko alam na may ganito palang side ang mahal na Señorito. Siguro ay dahil na rin sa labis na sakit na dinanas niya noon kaya marami na siyang natutunan.

"Ang tanga-tanga ko. Nahulog ako sa isang lalaking hindi naman pala kayang suklian ang naraamdaman ko." pinaalis ko ang mga luha sa aking mukha "A-ang tanga-tanga ko."

"You're not stupid, honey. Stop saying that." he ran his fingers through my hair "Shh. It's gonna be alright."

"Achi.." I held on to his arms "Ayoko na.. Ang sakit-sakit."

"Hush now." Naramdaman kong hinalikan niya ang tuktok ng aking ulo "You know I hate seeing you cry."

Hindi ko alam kung ilang minuto kaming nanatili sa ganoong posisyon. Pinakawalan lang ako ni Achilles nang medyo tumahan na ako ngunit nanatili pa rin siya sa aking tabi. Tinulungan niya akong punasan ang natirang luha sa aking pisngi.

"Kumain ka na ba?" Tanong niya sa akin "O gusto mo ng matulog?"

"Wala akong gana, Achi."

Tumango siya kahit kumunot ang kanyang noo "Alright. We'll sleep, then."

Kinuha niya ang remote at pinatay ang TV. Pagtapos ay dinampot niya ako sa sofa at binuhat. Napa-tili ako dahil sa pagkabigla.

"Hoy! Ibaba mo ko!" hindi pa rin maalis ang pagkabasag ng aking boses dahil sa pag-iyak ko.

Ngumisi lang si Achilles at naglakad na patungo sa hagdan "Keep quiet."

Hindi na lang ako umangal at kumapit ng mabuti sa kanyang leeg. Kahit na napawisan siya kanina ay nangingibabaw pa rin ang kanyang bago. Napa-ngiti ako ng bahagya dahil doon.

Dinala niya ako sa aking kwarto at dahan-dahang ibinaba sa nilatag kong comforter kanina. Naupo siya sa sahig upang ayusin ang mga unan ko. Pagtapos ay hinaplos niya ng marahan aking pisngi habang tinitignan ang mga mata ko.

"Sleep tight, Win." his thumb glided on the side of my cheek "Don't cry anymore. He doesn't deserve your tears. Save it for someone who's worth."

Binigyan ko siya ng tipid na ngiti bago ko ipinikit ang pagod kong mga mata.

Fortsätt läs

Du kommer också att gilla

66K 4.7K 25
"It's moving!" "Ha? Alin?" "Yung larawan ng anghel!" "Alam mo Bebang kung ano ano sinasabi mo." "Bahala ka nga dyan! Basta lalabas na ako. Sabi ko na...
136K 1.2K 51
Book 2 of Alter Ego Kage and SS are now secret agents, but they are still gangsters under the leadership of Sai. How will they handle things right no...
449K 1.3K 3
A writer who had the chance to meet his portrayer and fell in love with him. -- Start: March 6, 2022 End: November 30, 2022
612K 7.9K 23
[COMPLETED] "Asawa mo ko pero hanggang papel lang yon!" sigaw niya sa akin at umakyat na siya sa kwarto ng bagong bahay namin. Great! Ang gandang hon...