Chapter Thirty Four

86K 1.3K 31
                                    

Chapter Thirty Four

Bikini

"All set?"

Tumango ako at sinukbit sa aking balikat ang aking duffel bag. Ganoon din ang ginawa ni Achilles sa kanya at nauna siyang lumabas ng bahay.

Pinasadahan ko uli ng tingin ang buong bahay, nabunot naman ang halos lahat ng appliances at na-off na rin ang mga ilaw. I got the keys from the coffee table and went out, locking the door behind me, then followed Achilles to the garage.

Tumaas ang kilay ko "Hindi BRZ ang dadalhin natin?"

"Nope," sagot niya at kinuha sa akin ang bag ko "I asked Fred to switch the car this morning."

I eyed his black BMW Z4 with awe. Napaka-yaman talaga nitong taong 'to. Papalit-palit ng kotse! Kung hindi iyong Monterosport, iyong BRZ ang kanyang ginagamit na sasakyab. Ngayon naman ay ito? And it's probably new dahil hindi ko pa ito nakita noon.

"Let's go, Win." sabi ni Achi mula sa driver's seat, naka-pasok na pala siya at ako at naiwang naka-tulala sa labas.

Mabilis akong sumakay sa shotgun seat at kinabit ang aking seatbelt. Si Achilles naman ay sinuot ang kanyang aviators sa mata. Nang mapansin niyang naka-titig ako ay ngumisi siya at tumawa ng bahagya.

"Gwapo ko 'no?" he asked. Pero parang iniimply niya mismo iyon.

Nginiwian ko siya "Just drive, will you?"

"Cranky, huh." umiling siya at ibinaba ang handbreak sa aming pagitan tsaka inatras ang kotse palabas ng garahe.

Kahit pinipilit kong tumingin ng diretso ay nakikita ko pa rin sa gilid ng aking mga mata ang kabuuan ni Achilles. Ang puti niyang v-neck shirt ay sakto lang sa kanya na yumayakap ito sa kanyang katawan, kaya bakat ang hubog nito. Nakaka-distract. Gosh, since when did I get distracted by the devil's body?

Naka-cargo shorts lang din ito, boat shoes, aviators at baseball cap na puti rin. Ang simple lang ng kanyang porma pero hindi ko maintindihan kung bakit ang lakas pa rin ng dating. Ganito naman siya talaga magdamit ngunit bakit ngayon ko lang ata napansin?

A snap near my face "Win,"

Napa-kurap ako dahil doon. Natulala na naman pala ako, mabuti na lang at sa windshield ako naka-tingin. Tumikhim ako at bumaling kay Achilles "Ano?"

"I said, I'm gonna open the sunroof." sinulyapan ako ni Achilles "I think I have a spare cap and glasses in the drawer, you might wanna use it."

I ducked then open the drawer in front. True enough, may sumbrero at wayfarers nga roon. Napa-isip ako kung bakit may extra siyang dala? Hindi kaya para sa babae niya? Ah hindi, ayokong masira ang aking araw. Erase, erase.

Kinuha ko ang mga iyon at sinubukan sa akin. Medyo maluwag ang itim na baseball cap kaya kailangan ko pang i-adjust, ang sunglasses naman ay ayos lang. Pagka-suot ko ay binuksan ni Achilles ang bubong ng sasakyan.

"Wow!" pinagmasdan ko ang unti-unting pagsilay ng araw sa loob ng sasakyan at pagtiklop ng bubong. Ang galing!

"Kaya ito ang dinala ko so we can enjoy the summer sun and fresh air." Ani Achilles "You like it?"

Tumango ako at ngumiti habang inaayos ang buhok kong nililipad ng hangin. For once, bumilib naman ako kay Kamahalan. This ride would sure be fun! Kahit na medyo mainit ang sikat ng araw sa aking balat ay ayos lang, masarap naman ang simoy ng hangin.

Mas lalo akong na-excite sa outing na ito. Para itong magsisilbing reunion naming magbabarkada. A Sand Blast again after many years. Kahit na may kaunting kaba akong nararamdaman ay nangingibabaw pa rin ang saya sa aking puso. I couldn't wait to get to Batangas!

Stuck With The BillionaireWhere stories live. Discover now