Chapter Four

112K 1.6K 34
                                    

Chapter Four

Coffee Break

Ngiting-ngiti ka dyan, Win?" salubong sa akin ni Suzy pagkaupo ko sa upuan ko "Anong nangyari sa taas?"

Bumaling ako sa kanya tsaka impit na tumili "Suzanne! Nginitian ako ni Sir Jerome!" bulong ko sa kanya. "Ang gwapo niya, friend! Promise!"

"Talaga!? Hahaha!" agad niya akong tinuktukan "Gaga ka talaga, girl! Lahat naman nginingitian ni Sir Jerome! Ambisyosa mo."

Sinimangutan ko siya "Che! Hindi ako ambisyosa 'no!" hinimas ko ang ulo ko "Pero seryoso, Suzy. Ang gwapo talaga niya, 'di ba? 'Di ba?"

"Oo, gwapo si Sir. Kaya nga crush mo, 'di ba?"

Agad kong tinakpan ang bibig niya tsaka napa-tingin sa paligid. Nakahinga ako ng maluwag nang wala namang naka-tingin sa direksyon namin. Lakas talaga ng boses nito!

"Ang ingay mo, Suzanne!"

Tinanggal ni Suzy ang kamay ko sa bibig niya "Bakit? Totoo naman ah!" hinawakan niya ang kanyang labi "Ano ba naman, Win! Ang lipstick ko!" reklamo niya sabay kuha ng lipstick sa bulsa niya.

"Arte. Tama na, mukha ka ng bubuyog. Bakit ba kasi ganyan ang kulay ng lipstick mo? Red kung red e. Sobrang bright."

She smiled at me widely "This is what you call seductive red, Winiata. Ganda 'no?" she puckered her lips.

Napa-iling na lang ako habang pinupunasan ang lumampas na lipstick sa gilid ng labi niya. Pupunta na naman siguro ito sa kung saan nandoon ang bandang Jupiter mamaya. Die hard fan kasi iyang si Suzy. Patay na patay doon sa drummer. Kaya ayan, lahat ginagawa para mapansin.

"Naglagay ka pa nyan e kakain na tayo." kinuha ko ang paperbag sa mesa ko at iwinagyway "Chenen! Nagluto ako!"

"Wow! Tara kain na tayo, dali!" she got her wallet from her bag and dragged me to the elevator "Since ikaw ang may sagot ng pagkain, ako sa drinks. Okay?"

"Okay." I replied as we entered the elevator.

Nagtungo na kami sa cafeteria sa basement ng building. Madalang lang kaming kumain ni Suzy dito dahil medyo kakaiba ang lasa ng mga ulam. Besides, Suzy and I like fast foods pero hindi kami pwedeng kumain sa paborito niyang fast food chain ngayon dahil nga may dala akong pagkain. Nakakahiya naman kung ganun.

Pagkaupo namin ay agad na kinalkal ni Suzy ang paper bag na nasa mesa. Inilabas niya ang dalawang tupperware at binuksan ang mga ito.

"Wow! Menudo!" kinuha niya ang kutsara't tinudor at binabatan ang pagkain.

"Suzy, dahan-dahan lang. Hindi ka naman mauubusan e. Baka mabilaukan ka nyan sige ka."

"Hindi 'yan." she talked with her mouth full "Himala ata at nagluto ka, Win? Anmeron?"

"Wala naman. Ipinaluto kasi 'yan ni kamahalan kagabi. E hindi naman kinain kaya dinala ko na lang. Alam ko namang gusto mo ang menudo e."

"Ey. Bakit parang may hinanakit dyan sa boses mo? May ginawa na naman ba si Achilles sa 'yo?"

Pagkarinig ko ng sinabi ni Suzy ay agad na bumalik sa akin ang mga nangyari kagabi at kanina. Ang pangi-indyan sa akin ni Achilles, ang pagmimilagro nila ng babae niya, ang pagkakita ko ng bra sa sala at higit sa lahat, ang pagkakita ko ng condom sa kwarto niya. Shit talaga.

"Wala naman." umiling ako tsaka nagpatuloy sa pagkain.

Tinagilid niya ang kanyang ulo "Ows? Meron e. Come on, Win, i-kwento mo na sa akin."

Stuck With The BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon