Chapter Fifty Two

86.3K 1.5K 197
                                    

Chapter Fifty Two

Two

A few days ago, I felt like I was on top, on cloud nine. Wala ng makakapantay sa kasiyahan na nararamdaman ko. Pero sa isang iglap, bigla akong nahulog mula sa alapaap.. mula sa itaas mabilis na bumagsak sa ibaba. Wala man lang akong kamalay-malay, lumagapak na pala ako sa lupa.. sugatan.

Tuloy-tuloy ang pagtulo ng luha ko habang tinititigan ang screen ng cellphone ni Achilles.. ang text ni Lizette sa kanya. I sobbed as I gripped the phone hard, betrayal and pain slowly creeping in my chest. Why, Achilles? Bakit mo ako niloko?

No, no, no.. Hindi maaari. This can't be true. Mahal niya ako.. Mahal ako ni Achilles. He said so himself. Ipinaramdam niya rin iyon sa akin. Walang patid ang paghihiwatig niya sa akin ng nararamdaman niya. Everyday, in every way that he could, he made sure I felt loved by him.

Hinalikan niya muna ang tuktok ng aking ulo bago isinandal ang kanyang ulo roon "Anything for you, Win."

Ngumiti siya sa akin at inalis ang ilang buhok na tumabing sa mukha ko "I can watch you sleep for days, honey. I can stare at your beautiful face as long as I can, too."

He laughed again then stared into my eyes "But seriously, napapasaya mo ako. These past few weeks, you're the reason why I smile and laugh, honey. The only reason."

"I love you." he almost whispered "I love you, Winiata."

I brought my knees close to my chest and hugged them, burrying my face on them as I cried. I wasn't dreaming when he said that, was I? Totoo lahat ng iyon.. I felt my whole body tingling when Achilles said those. The sincerity in his dark eyes. Those were true.. His feelings were..

But what was this? May contact siya kay Lizette? Kailan pa? Kailan pa.. sila nagkikita ng hindi ko alam? Matagal na ba? O ngayon-ngayon lang? And he gave back the ring back.. their engagement ring. Ibig bang sabihin nito.. nagkabalikan na sila? Sila na uli? Matutuloy na ang naudlot nilang kasal?

Humikbi ako ng humikbi habang umiiling. God, I think I'm going insane! Nahihirapan ako lalong huminga, pasikip ng pasikip ang dibdib ko dahil sa sakit at sa mga tanong sa aking utak na hindi malaman ang kasagutan.

"Sa akin ka lang makikinig. And believe me when I say I love you, Win." dinampian niya ng magaang halik ang aking labi "I love you," he kissed my lips again "I love so much that I flew this late just to see you and hold you and kiss you like this."

"Whatever was in your dream.. or whatever you heard from other people, don't let it go to your head. Just listen to me, have faith in me. You know I will not do anything to hurt you.. You know I can't, it's not even the last thing I want to do to you. Because I love you.." He sighed "And I can't bear to see you hurting."

Ang mga salita niya ang nagbibigay saya sa aking puso ng mga panahong iyon. Pero ngayon.. ito na ang punyal na unti-unting sumasaksak sa akin. It's deep and painful.. so painful. When you realize that the sweet words you once believed in were covered with lies.. they become rotten and poisonous that would eventually kill you.

I gasped for air and made a futile attempt to wipe my tears. Patuloy lang ang pag-agos ng mga ito at tila hindi napapagod ang aking mga mata. Isinandal ko ang gilid ng aking ulo sa aking tuhod at hinawakan ng ayos ang cellphone. Maybe I should drop this.

I exited his messages and his wallpaper was in view. Ako ang nasa litratong iyon. Kuha niya ito noong nagpunta kami sa amusement park at nasa carousel. Naka-sakay ako sa puting kabayo habang naka-ngisi ng malaki. I looked happy in here.. because I was with Achilles. Pero ngayon, hindi ko na alam. Bumuga ako ng hangin tsaka inilapag ang cellphone sa tabi ng kahon.

Stuck With The BillionaireOnde histórias criam vida. Descubra agora