Chapter Thirty Five

88.6K 1.4K 27
                                    

Chapter Thirty Five

Not Good

"Hey, are you alright?"

Bahagya akong napa-talon tsaka bumaling sa katabi kong si Joakim "A-ano?"

"You're red as a tomato, Win. Kakapunta mo lang dito sa tubig," inilagay niya ang palad niya sa aking noo "May sakit ka ba?"

Dinama ko ang sarili kong mga pisngi. Damn, it's hot! Sigurado akong pulang pula nga ang mukha ko! Napa-pikit ako ng mariin at pinaulanan ng mura si Achilles sa aking isipan. This was his fault! Kung ano-ano kasi ang kanyang pinagsasabi sa akin! Bwisit na nilalang!

Mabuti nga at hindi na niya ako sinundan. Bago pa man kami maka-abot sa dagat ay hinarang na siya ng babaeng naka-stripes na bikini, iyong babaeng kausap ni Kamahalan bago ako nilapitan at bwisitin, at nagpapasalamat ako roon. Magsama silang dalawa. Mabilis akong nagtungo kay Joakim pagtapos noon.

"Wala 'to!" I forced a laugh and fanned myself using my two hands "Mainit lang kasi. Grabe iyong araw 'no?"

Joakim arched his brow, parang hindi naniniwala sa aking sinabi. Pero nagkibit balikat na lang siya tsaka inayos ang kanyang kulot na buhok. I urged him to turn around so I could tie his hair up, ang paborito kong gawin kay Joakim, at sumunod naman siya. Ginamit ko ang panali sa aking papulsuhan at pinusod ang kanyang buhok.

"You still have fetish for my hair," natatawang sabi niya "Since college 'til now."

I giggled then put my hair in a high bun "Hindi naman fetish, natutuwa lang ako sa buhok mo."

"Ganun na rin iyon," siniko niya ako at ginantihan ko naman siya.

Nanatili kaming naka-upo sa mababaw na parte ng dagat, tama lang upang mailubog ang mga paa namin hanggang balakang. Kaming dalawa lang ang nandito dahil ang iba ay may kanya-kanyang ginagawa.

Si Ate Irene ay naka-higa sa isang pink na salbabida sa bandang gitna, mag-isa at dinadama ang araw. Sina Ice, Achilles, iyong dalawang lalaking kaibigan nila at apat na babae ay nasa dalampasigan at inaayos ang kanilang mga surf boards. The love birds, Greg and Hay, were swimming together and doing their thing. Mas gugustuhin ko pang maupo na lang dito kaysa sumali sa kahit sino sa kanila.

Nabaling ang atensyon ko sa aking kanan nang sumalampak doon si Cole, splashing water on my face. Hinampas ko ang kanyang braso at tumawa lang ang walang hiya.

"Tarantadong Karlo," aniya "Ako pa inutusan mag-order ng pagkain natin para sa dinner."

"Order?" sumimangot ako "Kailan pa tayo nagorder ng pagkain natin? Lagi naman tayo ang nagluluto kapag naga-outing tayo ah?"

"Well, Irene's not in the mood, for one. Tsaka sagot kasi ni Sandy ang accomodation natin, plus the food for our stay, kaya wala ng dapat problemahin pa." said Joakim, fixing his wayfarers.

"Sandy?" tinagilid ko ang aking ulo. Narinig ko na iyon kay Ice kanina, pero hindi ko alam kung sino sa apat na babae iyon.

"Iyong katabi ni Liam," ngmuso si Cole sa kinaroroonan ng mga lalaki "The brown-haired girl in polkadots swim suit. Kaibigan siya ni Ate Irene at sila rin may-ari ng resort na 'to."

Napa 'ah' ako at tumango. Isa siya sa mga 'naghihintay' daw kay Achilles kanina, sabi ni Isaac. At hindi ko alam kung anong ibig sabihin niya roon.

"The girl beside her, that's Genna." pagpapatuloy ni Joakim "Kaibigan din ni Irene, ka-block niya noong college. Then the girl in pink, that's Amanda. Bagong fling ni Ice. Kaya pala hindi sumabay sa kakambal niya kagabi, may dala palang chicks si gago."

Stuck With The BillionaireWhere stories live. Discover now