Chapter Fifty Six

101K 1.8K 154
                                    

Chapter Fifty Six

Tell Me

I backed away from the window, my hands covering my mouth while tears continue to fall. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nakita ko sa ibaba. Ang BRZ.. Si Achilles.. Andito siya? Ngunit bakit? Paano niya nalaman na narito ako sa Alaminos? At ano ang pakay niya sa kanyang pagpunta?

He and Lizette.. nagkabalikan na sila, hindi ba? By the looks of it, he returned the engagement ring to patch things up with her. Pero ano ang ginagawa niya rito? Bakit pa siya nagpunta?

Napa-tingin ako sa aking tyan at niyakap iyon. Alam ba niyang.. buntis ako kaya siya naparito? Pero sino ang nagsabi? Si Joakim? Si Suzy? Imposible. Hindi nila magagawa sa akin iyon. Nangako sila na hindi sasabihin kahit kanino at may tiwala ako roon. Alam nilang kaya kong buhayin ang bata ng ako lang at wala si Achilles. Hindi nila magagawa iyon..

"Anong ginagawa mo rito?"

Natauhan ako nang narinig ang boses ni Kuya Nico mula sa ibaba. Mabilis akong lumabas ng kwarto at bumaba ng hagdan. Shit, baka kung ano ang gawin ng mga kapatid ko kay Achilles! Knowing my brothers, especially Kuya Levi, hindi nila siya mapapatawad at hindi rin hahayaan na makalapit sa akin. I need to stop them before they do something.

Unang tapak ko pa lang sa labas ay siya agad ang nakita ko. Sa hindi malamang kadahilanan ay sumikip ang dibdib ko at tuloy-tuloy ang pagbagsak ng luha sa aking mga mata. Si Achilles.. He's standing a few meters away from me.. He's here. He really is.

Tama bang sabihin na na-miss ko siya? Sa kabila ng lahat ng dinulot niya sa akin, nangungulila pa rin ako sa kanya.. kaming dalawa ng baby. Hindi ko alam kung tama ba ang nararamdaman ko.. He hurted me. He lied to me. But here I am, still foolishly in love with him.

Nabigla ako nang nakita ko ang kabuuan ng kanyang itsura. Ang pinaka napansin ko ay ang pasa sa kanyang kaliwang pisngi at panga. Mayroon ding sugat ang ibabang labi niya at may namumuo pang dugo roon. Ano ang nangyari sa kanya? His eyes were bloodshot, too. His nose was a little red, he grew a few stubbles on his jaw. All in all, he looked disheveled.

Kahit galit ako sa kanya.. kahit sinaktan niya ako, hindi ko pa rin maiwasan ang mahabag sa kanyang estado. Bakit siya ganito? Bakit ganito ang ayos niya, ibang-iba sa nakasanayan ko? Did he suffer, too? Oh, God! Gusto ko siyang yakapin! But then I remembered what he did.. Maybe I was wrong. Hindi ako maaaring magpakasiguro sa hinala ko.

Ang tagal kong naka-titig sa kanya na hindi ko napansing naka-tingin na rin siya sa akin. Nagtama ang mga paningin namin at nakita ko ang pagkabigla at lungkot sa kanyang mga mata. My heart constricted at that sight. Lumunok siya tsaka humakbang palapit sa kinaroroonan ko. I unconsciously took a step back.. I'm scared.

"Win.." he called out softly that sent shivers all over my body.

Hahakbang pa uli siya ngunit hinarangan agad siya ni Kuya Levi. Hindi ko makita ang kanyang reaksyon dahil naka-talikod siya pero alam kong natitimpi lang ang aking kapatid dahil kinukuyom na niya ang dalawa niyang kamao. Nakatayo naman si Kuya Nico sa gilid at naka-krus ang kanyang mga braso sa kanyang dibdib. There was silence between them but I could feel the testosterone rush surrounding.

"Pumasok ka sa loob, Winiata." mariing sabi ni Kuya Levi nang hindi ako nililingon.

Hindi ko siya sinunod at nanatili sa aking kinatatayuan. I couldn't move. I couldn't make my feet walk away. May parte rin sa aking pumipigil sa pag-alis dahil sa katotohanang nandito si Achilles, naka-tayo sa hindi kalayuan.. I just want to look at him even though it hurts. Kahit na bumabalik sa akin ang lahat ng sakit na panandalian kong nakalimutan, gusto ko pa ring manatili rito.

Stuck With The BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon