Chapter Forty Two

90.8K 1.2K 44
                                    

Chapter Forty Two

Nagpapasaya

"Ano kamo?!" hindi makapaniwalang bulalas ni Suzanne "Tinanong niya iyon sa'yo?!"

Kinagat ko ang aking ibabang labi tsaka tumango sa kanya. Nangisay naman si Suzy sa aking gilid, hindi ko malaman kung naiinis ba siya o kinikilig sa aking kinuwento. I guess it's the latter because she squealed in delight and playfully smacked my arm. Not just once or twice, but like a seal flapping its flippers.

"Oh, tapos? Ano naman sinagot mo? Umamin ka na ba? OMG! Kayo na ba?!"

"Eksaherada," tinulak ko ang kanyang noo "Kami agad-agad? Atat lang, Suzy?"

"Sus! Ano nga? Anong sinagot mo sa kanya?" lumapit pa sa akin si Suzy at binigyan ako ng pa-cute na mukha.

Ngumuso ako bago humalumbaba sa mesa "Wala.. hindi ko sinagot."

Suzy's puppy face turned into an alienated one "You what?! Winiata, nababaliw ka na ba? Anong hindi mo sinagot?! E anong ginawa mo, tinitigan mo lang si Achilles?!"

"Geez, Suzy, calm the hell down," napa-tingin ako sa paligid ng coffee shop habang tinatakpan ang bibig niya. This girl could get really loud. Mabuti at hindi naman kami naka-kuha ng atensyon mula sa mga tao "I took it as a joke, like usual, at iniba ko ang topic."

"Ugh, ano ba," hinatak niya ang dalawa niyang pisngi pababa at kunwari pang ngumawa "Kahit kailan, panira ka talaga ng mga sweet moments! Kung hindi lang kita bestfriend ay baka sinabunutan na kita! Dapat ay umamin ka na sa kanya para poof! Kayo na! E 'di everybody happy!"

"Hindi naman ganun kadali iyon e. Tsaka hindi basta-basta ganoon lang," I blew out air and stared at my frappuccino "Isa pa, hindi pa naman ako sigurado sa nararamdaman ko para sa kanya."

"Hindi ka pa sigurado sa lagay na 'yan? E halos naka-sulat na sa mukha mo ang pangalan ni Señorito Achilles Silvero. In bold, capital letters pa ha. Tsaka, ano pa bang pinoproblema mo? Bakit ayaw mo pang sabihin sa kanya?"

Okay, gusto ko na nga siya. I admit. Pero.. hindi ko pa matanggap sa sarili ko. Ayaw ko pang aminin na.. may nararamdaman na ako para kay Achilles. It's just so.. wrong. It feels wrong.

"Natatakot ako, Suzy.." mahina kong sambit.

"Bakit? Dahil baka hindi ka niya magustuhan, ganun ba?" umiling siya "Ni minsan ba, Win, hindi mo naisip na baka nagugustuhan ka na rin niya? Tignan mo nga sa nga kwento mo sa akin, nagbago na siya! Para bang nag-iba ang ikot ng mundo. Kung dati para ka lang niyang alipin, ngayon halos sundin niya na lahat ng nais mo. He's ready to give you everything you want. Hindi pa ba sapat na rason 'yun?"

Hindi. Natatakot kasi ako na baka.. isa lang ito sa mga paraan niya para makaganti sa akin. He cursed me, right? On his supposed-to-be-wedding day. Sabi niya ay paiibigin niya ako tsaka wawasakin.. gaya ng pagwasak ko sa kanya.

Baka hindi pa rin siya nakaka-move on kay Liz. Baka.. galit pa rin siya sa akin. What if this was just a scheme? And what if he's doing this just so he could get to me? There were hundreds of things running inside my head. Puro 'what ifs' at 'baka'.

Natatakot akong oras na malaman niya ang nararamdaman ko, magtagumpay siya sa pananakit sa akin. At hindi ako makakapayag. Kung mahuhulog ako ng tuluyan sa kanya, sisiguraduhin kong hindi niya malalaman. Because him knowing my true feelings for him would mean losing. Losing over the demon.. losing my own happiness. I won't allow it.

Pinaglaruan ko ang bracelet na binigay niya sa akin. Pinaikot-ikot ko iyon sa aking papulsuhan at pinagmasdan ang pagkinang ng mga maliliit na dyamante.

Stuck With The BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon