Chapter Five

106K 1.7K 33
                                    

Chapter Five

Kasalanan at Kabayaran

"Hoy, Win! Nababaliw ka na naman." sita sa akin ni Suzanne.

"Heh!" inikot ko ang silya ko para hindi ko makita si Suzy. Pero bigla niyang inagaw ang cup na nasa kamay ko "Suzy naman e! Akin na yan!"

"Tumigil ka na nga, girl! Kanina mo pa hinahawakan 'to e." sinilip niya iyon "Tignan mo nga, wala namang laman!"

Kinuha ko ang cup sa kamay niya "Bakit ba? E bigay ni Sir 'to e." binelatan ko siya tsaka niyakap ang cup.

Agad naman akong binatukan ni Suzy "And so? Kailangan talaga niyayakap? Wala ka bang balak itapon 'yan?"

"Wala." I replied in a singsong voice "Bakit ko naman itatapon ang bigay ni Sir? Syempre, i-didisplay ko ito sa kwarto ko. Pagawan ko kaya ng cabinet?"

"Landi mo." muli na naman niya akong binatukan "Tara nga nga umuwi, Win!" sabi niya at padabog na kinuha ang bag niya.

I stared at her "Hala siya? Na-cancel lang ang gig ng Jupiter nagkakaganyan ka na? Tsaka 'wag mo nga akong i-damay! Ganda ganda ng mood ko e."

Napa-sabunot siya sa sarili niyang buhok "Hay nako! Ipinaalala mo pa! Tumayo ka na riyan bago ko pa wasakin 'yang baso mo!"

Napa-ngiwi ako at agad na sinukbit ang bag ko sa aking balikat. Kilala ko 'yang si Suzy, gagawin niya talaga ang mga sinasabi niya lalo na kapag naiinis siya. Bakit ba kasi hindi tuloy ang gig ng Jupiter? Sa akin tuloy binununton ni Suzy ang pagkainis niya.

"Ingat, Win." bumeso sa akin si Suzanne "Kita na lang tayo bukas."

"Bye, Suzy. Tsaka 'wag ka ng malungkot! May next time pa naman e."

Tumango lang siya at pumasok na sa kanilang bahay. Hinintay ko munang isara ni Suzy ang pinto bago ako naglakad paalis. Dalawang kanto na lang naman bago ang subdivision kung saan ang bahay nung demonyo kaya sumabay na ako sa pagbaba ni Suzy ng bus.

Pagdating ko sa tapat ng bahay, nandoon na ang kotse ni Achilles. Himala ang aga niyang umuwi ngayon. Nagkibit balikat na lang ako at binuksan ang pintuan. Dumeretso ako sa dining room para uminom ng tubig. But I changed my mind as soon as I enter.

"Andito ka na pala, Win."

I stared at him. Mukhang kanina pa siya dito dahil nakapag-palit na siya ng damit. Mali pala. Wala na siyang damit. He's topless again and only wearing blue shorts. Naka-upo lang siya doon at halatang bored na bored.

Pumihit agad ako patalikod at aakyat na dapat ng hagdan pero tinawag niya ako. Nilingon ko siya at tinignan ng masama.

"Let's eat." lumapit siya sa counter at kinuha ang paper bag.

"Sige, ikaw na lang. Mamaya na ako." I took one step up the stairs nang nagsalita na naman siya.

"Are you sure? Paghihintayin mo 'to?"

Muli akong lumingon sa kanya at halos tumakbo doon sa nakita ko. Italian take outs! He bought Italian take outs! Inilalabas pa lang ni Achilles ang pasta ay naglalaway na ako. Lalo na nang nilabas niya ang pizza.

"Halika na, Win." masyado akong natulala sa mga pagkain kaya hindi ko napansin na nasa harap ko na si Achilles. Hinatak niya ang kamay ko papunta sa mesa.

Iniupo niya ako at binigay sa akin ang container na may paborito kong Seafood Marinara pasta. Binuksan niya rin ang kahon ng Peperroni Pizza at inilapit sa akin. Kumislap ang mga mata ko at agad na kumuha ng isa.

"Eat up." ngumisi si Achilles at ipinatong ang kanyang ulo sa kamay niya.

Hindi na ako sumagot at kinagatan ang pizza. God, ang sarap pa rin talaga! Ipagpapalit ko ang kahit ano para dito sa pasta at pizza na ito. Tsaka kahit isang buwan na puro ganito ang pagkain ko ay ayos lang. Nothing beats Italian food.

Stuck With The BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon