She Takes My Breath Away (GxG)

By CheerlessAngel

59.1K 1.9K 50

Crystal Leigh Dior - who used to study in an all-girls school due to her complicated reasons. Eventually, wil... More

She Takes My Breath Away
Chapter 00
Chapter 01: Transferee
Chapter 02: Hang Out
Chapter 03: Forlorn Smile
Chapter 04: Curiosity
Chapter 05: Home
Chapter 06: Slow Motion
Chapter 07: Weird
Chapter 08: Peculiar
Chapter 09: Happiness
Chapter 10: Condition
Chapter 11: Meeting Her Family
Chapter 12: Getting To Know
Chapter 13: CHD
Chapter 14: Avoidance
Chapter 15: Confront
Chapter 16: Invitation Card
Chapter 17: Remi's Birthday
Chapter 18: Remi's Birthday
Chapter 19: Worried
Chapter 20: Hope
Chapter 21: Second Family
Chapter 22: In An Instant
Chapter 23: First Time
Chapter 24: Talk
Chapter 25: Remedy
Chapter 26: Someone Special
Chapter 27: Special Someone
Chapter 28: Confused
Chapter 29: Confession
Chapter 30: Haru
Chapter 31: First Heartbreak
Chapter 32: Bracelet
Chapter 33: Realization
Chapter 34: A Night To Remember
Chapter 35: Living With Heartache
Chapter 36: Can't Take This Anymore
Chapter 38: Painful
Epilogue

Chapter 37: Getting Weaker

869 29 1
By CheerlessAngel

CHAPTER 37: Getting Weaker

Crystal Leigh's P.O.V.

Iginala ko ang tingin ko sa paligid ng kuwarto ko. Gusto kong sariwain ang mga alaala namin ni Akira noong nandito pa siya. Noong gabing may nangyari sa amin, iyon na yata ang pinakamasayang pangyayari sa buhay ko. Kahit na iiwan ko na ang kuwartong ito, mananatili pa rin sa isip at puso ko ang mga alaala namin na iyon.

Inayos ko na ang mga gamit ko at inilagay sa loob ng isang box. Nag-decide ang parents ko na sa bahay na lang ako mamalagi. Ang dahilan? As usual, dahil sa lumalala kong kondisyon. Sapat na rin sa akin ang nalayo ako sa kanila sa maiksing panahon. Sa ngayon, gusto kong sulitin ang mga araw na kasama ko pa sila.

Chineck ko isa-isa ang mga drawers hanggang sa nakita ko ang bracelet. Napangiti ako at isinuot iyon sa pulsuhan ko. Itinuloy ko na ang pag-aayos at binuhat ang mga box papunta sa living room. Ilang sandali pa ay naupo muna ako sa sofa upang magpahinga. Sumasama na naman kasi ang pakiramdam ko.

Napahawak ako sa dibdib ko. Ipinikit ko ang mga mata ko dahil sa sakit na nararamdaman ko. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko pa kayang tiisin itong sakit ko. Sa totoo lang, napapagod na ako.

Ilang sandali pa ay biglang tumunog ang phone ko na nakalapag sa mini table. Inabot ko 'yon at chineck.

Mommy:
We'll pick you up later.
Take care. Love you.

I accidentally dropped my phone when my chest started to hurt even more. I cannot breathe... I am having difficulty in breathing... It hurts so much...

*DING-DONG!*

Agad akong napatingin sa gawing pinto. Who could that be? Could it be Mommy and Daddy? But didn't she just text me? Ang bilis naman yata nilang dumating.

Pinilit kong makatayo nang maayos at tinungo ang pinto. Hindi ko na chineck kung sino 'yon at basta ko na lang binuksan ang pinto. Hinanda ko ang sarili ko upang ipakita kina Mommy na ayos lang ako.

"Mom-" Gano'n na lamang ang gulat ko nang makita ko kung sino ang nasa labas. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Totoo ba 'to? O baka guni-guni ko lang 'to dahil namimiss ko na siya? Ipinikit ko ang mga mata ko at ipinilig ang ulo ko dahil baka namamalikmata lang ako.

"Leigh. I'm back."

It was her voice... Kung gano'n, siya talaga ang nasa harapan ko ngayon?

I opened my eyes. "A-Akira..." sambit ko nang ma-realize kong siya nga ang nakikita ko ngayon. She's here. She's in front of me with a smile on her face.

"Leigh!" Agad niya akong niyakap na siyang bahagya kong ikinagulat. "I miss you so much, Leigh..."

This is real. Nandito na nga si Akira. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at niyakap ko rin siya pabalik. Nag-uumapaw ang sayang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko akalain na muli ko siyang makikita.

"Akira. Bakit nandito ka? 'Di ba, dapat nasa Japan ka?" tanong ko habang yakap pa rin namin ang isa't isa.

"Nakiusap ako kay Dad. Sinabi ko sa kaniya na ayokong magpakasal. Sinabi ko sa kaniya na mas masaya ako kung ikaw ang kasama ko. Ito ang unang beses na sinuway ko ang gusto niya. At sobrang sarap sa pakiramdam no'n... Lalo na ngayong kasama na ulit kita."

Matapos kong marinig ang mga sinabi niya ay napangiti ako. Kumalas ako mula sa pagkakayakap naming dalawa at hinalikan siya sa mga labi. Mabilis niya iyong tinugunan.

Hindi ako makapaniwala. Nandito na ulit ang babaeng mahal ko. Ang tagal kong nangulila sa kaniya simula no'ng umalis siya.

"I love you, Akira."

"Mahal din kita, Leigh."

Patuloy naming sinakop ang mga labi ng isa't isa nang bigla akong matigilan. Agad akong lumayo sa kaniya at napahawak sa dibdib ko. Bakit mas lalo yatang sumasakit?

"Leigh? What's wrong?" she asked as she held my hand. "Anong nararamdaman mo?" bakas ang pag-aalala sa mukha niya.

Subalit, sikapin ko mang ipakita sa kaniya na maayos lang ako ay hindi ko kaya. Dahil sobrang sakit... Sobrang sakit na pakiramdam ko anytime ay mapuputulan ako ng hininga.

"Leigh!" Mabilis niya akong inalalayan nang mawalan ako ng balanse. "What's wrong?"

Hindi ako makasagot. Nahihirapan talaga akong huminga. Hindi ko na kaya...

"Dadalhin kita sa ospital." Muli niya akong inalalayan palabas ng condo. Walang tao sa loob ng elevator kaya hindi naman kami gaanong nahirapan. Hanggang sa isakay niya ako sa passenger seat ng isang kotse.

Noong una ang akala ko ay may driver siyang kasama, subalit namutawi ang pagtataka ko nang pumuwesto siya sa driver's seat.

"T-Teka, marunong kang mag-drive?" nahihirapan kong tanong.

"Medyo. Noong nasa Japan kasi ako, wala akong ibang mapagka-abalahan. Hindi kasi ako puwedeng lumabas. Pero madalas ay lumalabas kami ni Mommy para turuan akong mag-drive at hindi alam ni Daddy 'yon."

Ikinabit niya sa akin ang seat belt ko pati na rin sa kaniya. Kita ko naman ang malalim niyang pagbuntong-hininga nang i-start na niya ang engine.

"A-Ayos lang ako, Akira. Hindi mo na ako kailangang dalhin pa sa ospital. Pahinga lang ang kailangan ko," usal ko nang magsimula nang umandar ang kotse.

"Hindi. Dadalhin kita sa ospital."

"Akira... Ayos lang ako. 'Wag ka nang masyadong mag-alala." Pinilit kong ngumiti. "Please, Akira. Ihinto mo na ang kotse. Bumalik na lang tayo."

Nanghihina na ako. Gusto ko na lang muna ay magpahinga. Isa pa, baka biglang dumating sina Mommy sa condo ko. Paniguradong mag-aalala sila kapag naabutan nilang wala ako ro'n.

"No, Leigh. Dadalhin kita sa ospital. Alam kong nahihirapan ka," pilit niya habang paminsan-minsan akong tinatapunan ng tingin. "You're getting weaker now." Hinawakan niya ang kamay ko pero mabilis niya ring iyon binitawan upang muling hawakan ang manibela.

I forced myself to smile. "Mahal na mahal kita, Akira. Noon, takot na takot akong magmahal. Pakiramdam ko, wala akong karapatang magmahal... Pero no'ng na-realize kong nahuhulog na pala ako sa 'yo... Doon ko napagtantong masarap palang magmahal..."

"Gano'n din ako, Leigh. Buong buhay ko, sa 'yo ko lang naramdaman ang salitang 'freedom'." Kahit na hindi siya nakatingin sa akin, kitang-kita ko pa rin ang ngiti niya.

"Alam mo ba kung bakit... hinayaan kitang umalis?" Nagsisimula nang manubig ang mga mata ko. "Naisip ko kasi na, baka mas maging komplikado pa ang buhay mo. Naisip ko rin na baka... mas mabuting magpakasal kayo ni Haru. Kesa sa ako ang piliin mo na hindi alam kung hanggang kailan na lang ako puwedeng mabuhay sa mundo." I closed my eyes when my tears started to fall.

"Leigh, naman! Don't say that!" saway niya. "Ano ba naman 'yang mga sinasabi mo?!"

"Nahihirapan na ako, Akira..." Sobrang sakit pa rin ng dibdib ko. Kapag iniinda ko mas lalo lang sumasakit.

"Kaya nga dadalhin kita sa ospital, 'di ba?" She looked at me and her tears started to fall as well. "Susuko ka na ba? Ha? Kaya nga ako bumalik, eh. Para magkasama na ulit tayo."

"Akira..."

"Please, tell me! Tell me na kakapit ka! Tell me na lalaban ka! Tell me na kakayanin mo para sa akin! Please, tell me!"

Hindi ko na napigilan ang mga luha kong dumaloy na animo'y ilog. Gusto kong sabihin sa kaniya na hindi ako susuko... Na lalaban pa ako... Pero ayokong magsinungaling dahil alam ko sa sarili ko na hindi ko na kaya.

"Leigh! Answer me, please!" she cried out.

"Akira. Just focus on your driving. I'm okay. There's no need for you to be worried."

"No! Just tell me first na lalaban ka pa. Na hindi mo 'ko iiwan. Na lalabanan mo 'yang sakit mo hanggang sa gumaling ka..."

Hinawakan ko ang isa niyang kamay na nakahawak sa manibela. "I love you, Akira."

"Leigh... Please... Sabihin mo sa akin na kakayanin mo. Na lalaban ka pa para sa akin. Paano na tayo? Paano ako? Leigh, naman."

Itinuon ko ang tingin ko harap dahil ayokong salubungin ang mga mata niyang alam kong puno ng luha at lungkot. Ayokong makita siyang ganito, dahil mas lalo lang akong nasasaktan at nahihirapan.

"Leigh. Pakiusap..." patuloy niyang pagsusumamo.

Hindi ko siya pinakinggan at nanatili lang ang atensiyon ko sa harapan. At gano'n na lamang ang panlalaki ng mga mata ko nang matanaw ko ang isang malaking truck na papunta sa direksiyon namin.

"Akiraaa!" sigaw ko.

HOOOONNNNKKKKKK!

-

Akira's P.O.V.

Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko. Nanlalabo ang paningin at sobrang sakit ng ulo ko. Hindi ko rin magawang igalaw ang katawan ko.

What happened?

I blinked several times until I could see Leigh. She was unconscious and covered in blood, and it tore my heart into pieces to see her like this. My vision started to blur again due to the tears that escaped from my eyes.

Hindi 'to maaari...

"L-Leigh," sinikap kong sambitin ang pangalan niya habang pilit na inaabot ang kamay niya. "Leigh... Wake up." Ilang beses ko pa siyang tinawag, subalit hindi siya sumasagot. Hindi rin siya dumidilat.

"Tasukete kudasai..." Help, please... "Tasukete kudasai. Tasukete kudasai..." Help, please. Help, please... Ilang beses kong binanggit ang mga katagang iyon sa gitna ng paghikbi ko, hanggang sa tuluyan na akong nanghina at nawalan ng malay.

***

- CheerlessAngel

Continue Reading

You'll Also Like

1M 33K 43
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
17.5K 672 34
She's living like forever, infinitely watching him die. This time, will finally be their last Hi and Goodbye.
392K 11K 43
[A story of Sylvia Celeste Acozta.] #4 The broken part of not being able to hold on like you used to is the signal of your relationship slowly fading...
265K 8.4K 55
4 Goddesses series #4 Choi cousins #1 Yka Venice Choi PS: this story is also available in novelah app #1 Mantra #5 Remember