CANDLE LIGHT

By Iamprincessjan

488 0 0

Brianna Leigh Santiago came into a painful relationship. She caught her ex cheating on her. She was so broken... More

Author's Note
Prologue
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16

CHAPTER 8

23 0 0
By Iamprincessjan

"This is my parent's favorite place, Kimmy! And this place is my favorite place!" 



Dinala ako ni Lucas dito sa lugar kung saan paborito ng kanyang mga magulang. Importante rin para sa kanya 'tong lugar na 'to dahil dito raw unang nagkita ang kanyang parents. Hindi ko alam kung bakit ako 'yong dinala niya dito at hindi ibang tao. 


Mahigit dalawang oras din bago kami nakarating dito. Malayo 'to sa syudad ngunit malapit sa dagat. Kung hindi ako nagkakamali isa itong resort, abandoned resort, I guess. Wala masyadong tao at ang mga kubo ay mukhang hindi na nalilinisan at napuno na ng mga naglalagasang dahon mula sa mga puno ang daanan. Nakakapagtaka kung bakit naging ganito ang lugar kung saan alam kung masaya 'to noon. Ang lungkot ng ambiance dito at parang may nangyaring hindi kaaya-aya dito noon.



"A-anong nangyari dito, Lucas?" nagtatakang tanong ko sa kanya habang sinusundan siyang maglakad papuntang dalampasigan. 



Marami na ring mga sanga ng puno dito sa dalampasigan. Kung hindi ka mag tsi-tsinelas ay talagang matitinik ka sa mga matutulis at maliliit na kahoy.



Hindi ako kaagad sinagot ni Lucas at nakita ko siyang inaalis ang mga kahoy dito sa kinatatayuan namin, "Maupo muna tayo at pagmasdan muna natin ang kagandahan ng dagat," natigilan ako sa sinabi niya. Para siyang ibang tao kung makapagsalita siya ngayon. 'Yong tipong hindi siya lumaki sa syudad at hindi niya alam ang buhay sa syudad.



Nauna siyang umupo at sumunod din ako. Tama nga siya, kahit pa marumi ang paligid ay nangingibabaw parin ang kagandahan ng dagat. Sobrang linaw ng dagat at sobrang nakakagaan ng pakiramdam ang hangin. Ang sarap namang manirahan dito.



I hear him sigh before he talked to me, "This was our resort way back then before my parents passed away," he tried to smile ngunit nakikita ko sa kanyang mga mata ang lungkot, "There are a lot of memories here, happy memories. That's why this place is very important to me. I brought you here because you're now important to me, Kimmy!" Seryosong sabi niya habang nakatingin sa 'kin. 



I don't know what I'm going to say. Sobrang seryoso ni Lucas ngayon at ayokong masira ang moment niya. 



"Bakit ganito ang sitwasyon dito kung resort niyo naman pala 'to?" dinahan-dahan ko ang pag tanong sa kanya para hindi siya ma-offend.



"My grandparents were the ones who managed this resort back then. Simula bata pa ako ay parati na kaming nandito ng parents ko because my dad managed this when my grandparents passed away. Even before my parents were in China, my yaya and I was always here every summer. Parati nila akong iniiwan sa yaya ko noon dahil may business din ang mommy ko na kapatid ng guest mong si Tito Albert doon sa China. Naging importante ang lugar na 'to sa 'kin dahil dito unang nakilala ni Dad si Mom noong time na umiiyak daw ang Nanay ko dito sa dalampasigan. My dad was there to comfort my Mom that's why they fall in love with each other. Saksi ang lugar na ito sa pagmamahalan nila. Simula bata pa ako ito na 'yong favorite place ko, that's why I study harder so that I can be a cumlaude. Kasi kung magiging cumlaude ako ipapamana nila sa 'kin itong resort. But.. an accident happened and took my parent's life on my graduation day. Nang mawala sila ay hindi ko na ipinagpatuloy pa ang pagma-managed ng resort na 'to dahil nawawalan na ako ng gana. Hinding-hindi kasi ako makakamove-on kung ipinagpatuloy ko pa ang pagma-managed nito." Pagkukwento niya. Wala akong nagawa kundi ang makinig sa kwento niya. Sobrang hirap pala ng pinagdaanan ni Lucas, mas mahirap pa pala sa 'kin. Pero akalain mo 'yon, hinding-hindi mapapansin sa itsura niya ang lahat ng sakit na nararamdaman niya dahil akala ko hindi siya pala kwento and he doesn't want to tell others about his life.




"Bakit hindi mo Ibinenta?"



Umiling siya at nag-iisip, "I don't want to sell it because it is a remembrance of my parents," he said.



"Sorry!" napayuko ako dahil baka na offend siya sa sinabi ko.



"It's okay, Kimmy! You don't need to say sorry, wala ka namang kasalanan!" Tumawa siya at biglang nanahimik tsaka pinagmasdan ang dagat.



"Brianna," sabi ko kaya bumaling ang tingin niya sa 'kin.



"Who's Brianna?" nagtatakang tanong niya.



"Ako. Brianna ang tunay kong pangalan, Lucas!" pagpapakilala ko. 



Kumunot ang noo niya, "I thought your name was Kimmy," he said, confused.




"Kimmy ang pangalan ko sa loob ng bar, ayaw kasi ni Mama Fe na gumamit kami ng totoo naming pangalan kapag nasa bar. You can call me Brianna or Bri kapag wala tayo sa loob ng bar," I smiled. 




"I am Lucas Gabriel Chua Lopez," hindi ko akalaing magpapakilala din siya sa 'kin ng buong pangalan niya, "And you, what's your full name?" dugtong pa nito.



"I am Brianna Leigh Santiago. Nice meeting you, Lucas Gabriel!" tinodo ko nalang ang pagpapakilala namin sa isa't-isa na para bang first time talaga naming nagkakilala. Inabot ko sa kanya ang kaliwang kamay ko upang makipag-kamay. Kinuha rin naman niya ito.



Nanahimik kami ng ilang minuto, ang tunog lang ng dagat na humahampas dito sa dalampasigan ang naririnig namin. Tinignan ko si Lucas nang hindi niya alam. Hindi ko talaga mapagkaila na sobrang gwapo niya at sobrang bait niya. Nagi-guilty ako dahil may karapatan siyang malaman ang sitwasyon ko dahil siya ang bubuo sa kalahati nito. Ngunit hindi ko alam paano sasabihin sa kanya dahil natatakot ako baka hindi niya matanggap.



"Anong iniisip mo, Bri?" nagulat ako nang mapansin niya pala akong nakatinigin sa kanya.




"Uhhh.. W-wala!"




"How about you? You don't want to tell about your life?"




Ito na nga bang sinasabi ko, hindi kasi pwedeng siya lang itong magkwento dapat ako rin. Pero hindi ko alam kung saan ako mag-uumpisa dahil sobrang pangit ng buhay ko noon. Hindi ko siya sinagot dahil nag-iisip pa ako.



"How long did you work in the bar?"



"Matagal na, siguro 20 years old palang ako. Hindi kasi ako nakapagtapos ng pag-aaral dahil wala ng pantustos ang aking mga magulang," pagsisimula ko, "Naghiwalay kasi ang parents ko noong 4th year high school palang ako. Iniwan kasi kami ng tatay ko dahil may iba na siyang pamilya. Mabuti nalang at naka graduate ako ng high school kahit pa na sobrang hirap ng buhay namin noon. Hindi na ako nag college dahil nga wala kaming pang tuition. Mahirap din maghanap ng trabaho noon dahil hindi ako college graduate. Gusto ko na kasing magtrabaho pagkatapos kong mag graduate upang matulungan ko sila Nanay at kapatid ko sa mga gastusin sa bahay. Ngunit sa kasamaang palad ay hindi ako nakahanap ng trabaho agad-agad. Mabuti nalang din ay nakilala ko si Jaidah sa isang boutique na ina-applyan ko noon, pareho kaming hindi natanggap kaya ni-recruit niya ako na magtrabaho sa bar dahil malaki rin naman daw ang kita doon. May kakilala siya sa bar kaya iyon ang nagpapasok sa 'min doon," sabi ko. Napabuntong hininga nalang ako nang maalala ang mga nangyari sa buhay ko noon.



"Pero bago ka pumasok sa bar hindi mo ba naisip na hindi marangal na trabaho ang pagiging isang entertainer?" 



Kumunot ang noo ko sa tanong niya, "Naisip ko rin naman iyon ngunit dahil sa hirap ng buhay namin noon ay talagang kakapit nalang ako sa patalim mabuhay ko lang ang pamilya ko. At isa pa, wala namang masama sa pagiging isang entertainer as long as wala kaming tinatapakang tao. Oo, ang tingin nila sa 'min ay maruming babae ngunit hindi lahat ng nagtatrabaho sa bar ay maruming tao. Kagaya ko, hindi naman ako nagpapagalaw sa mga guest ko at kahit pa na alokin nila ako ng pera ay hinding-hindi ko magagawa ang makipagtalik sa kanila. Kahit pa itanong mo kay Mr. Chua. Maliban nalang..... sa'yo!" umiwas ako ng tingin.



Natigilan siya at napatingin sa 'kin. Hindi niya siguro inasahang sasabihin ko ang bagay na 'yon.




"Ikaw ang kauna-unahang guest ko na pinuntahan ko sa sarili mong condo at ikaw ang kauna-unahang guest na nakasex ko," dire-diretsahang sabi ko.



Laglag ang panga niya dahil sa sinabi ko. Totoo naman kasi, e! Siya naman talaga 'tong kauna-unahang guest na nakasex ko. Hindi naman porket sa bar ako nagtatrabaho, e, nagpapagalaw na ako sa lahat ng mga guests ko. 



"I'm sorry, Bri!" sabi niya tsaka umiwas ng tingin sa 'kin. Bakit ba siya humihingi ng tawad? Ano bang kasalanan niya?



Hindi nalang ako kumibo at nagpatuloy nalang kami na pagmasdan ang dagat. Ilang minuto lang ay bumagsak ang malakas na ulan kaya agad kaming sumilong sa isa sa mga kubo nila. Pagkapasok ko dito sa loob ay hindi naman pala siya masyadong maalikabok, may mga parte lang ng kubo pero hindi lahat. Maganda ang kubo na 'to, mukhang isa ito sa mga mahahaling kubo dito sa resort nila kaso nga lang napabayaan.



Nilagay ni Lucas ang mga gamit namin sa upuan. Isang mahabang upuan lamang ang nandito tsaka isang kama na nakabalot ng puting tela. Inalis ni Lucas ang telang iyon sa kama at agad siyang humiga dito. Hindi niya na tinignan ang kama kung may mga alikabok ba ito at agad nalang siyang humilata dito, siguro dahil sa pagod.



Kinuha ko nalang din ang cellphone sa bag ko upang mag facebook, nabo-bored kasi ako, e!



"Walang signal dito," rinig kong sabi niya.



Agad ko rin namang tinignan kung wala ba talagang signal dito at tama nga siya, wala! Kaya binuksan ko nalang ang bintana upang tumingin sa dalampasigan. Ayoko rin naman kasing tumabi sa kanya, no! Baka ano pang isipan niya. 


Pagkatingin ko sa dalampasigan ay masyado nang malakas ang ampas ng alon dahil sa ulan. Kinakabahan pa ako baka umabot dito sa 'min ang alon dahil napakalapit lang ng kubo sa dalampasigan. Ngunit naisara ko na rin agad ang bintana dahil biglang kumulog at kumidlat.




"You want to rest, Bri?" tanong niya, "You can lay here beside me," pahabol pa nito.



"Uhmm, w-wag na. D-dito nalang ako sa upuan," na-aw-awkward kong sagot.



"Are you still shy about me even though I saw your whole body?" I saw him smirking.



"Gago?! Anong sabi mo?" Napatayo ako at tinasaan siya ng kilay.



"Relax, I said you don't need to feel awkward about me," at talagang tumawa pa siya. Nakakaloko 'to, ah!



"Ayusin mo lang, Lucas!" Inirapan ko siya. 



Nagulat naman ako sa ginawa niya dahil bigla ba naman niya 'kong hinila papalapit sa kanya. Nakahilata na tuloy ako dito sa tabi niya. Tsk!



"Bri?"


"Uhm?"


"You know what? Ikaw ang kauna-unahang tao na dinala ko rito!" 


"Bakit ako?"


"Kasi imporante ka na sa buhay ko,"



Napatingin ulit ako sa kanya ngunit nakatingin lamang siya sa kisame. Hindi ko alam anong nararamdaman ko ngayon. Bakit ba siya ganito? 



Bigla siyang tumingin sa 'kin at hindi ko na rin napigilan ang sarili kong halikan siya. 



Mariin niyang hinalikan ang aking labi habang nakahawak siya sa magkabilang pisngi ko. Until his kisses went down on my neck. 




"I want you, Brianna!" He whispired.




Continue Reading

You'll Also Like

285K 32.8K 82
#Book-2 of Hidden Marriage Series. 🔥❤️ This book is the continuation/sequel of the first book "Hidden Marriage - Amazing Husband." If you guys have...
456K 26.8K 44
The story continues to unfold, with secrets unraveling and new dangers lurking in the shadows. The Chauhan family must stay united and face the chall...
705K 43.2K 38
She was going to marry with her love but just right before getting married(very end moment)she had no other choice and had to marry his childhood acq...
265K 25.8K 62
Ryan and Aaruhi The story of two innocent hearts and their pious love. The story of one sided love. The story of heartbreak. The story of longing a...