She Takes My Breath Away (GxG)

By CheerlessAngel

59.1K 1.9K 50

Crystal Leigh Dior - who used to study in an all-girls school due to her complicated reasons. Eventually, wil... More

She Takes My Breath Away
Chapter 00
Chapter 01: Transferee
Chapter 02: Hang Out
Chapter 03: Forlorn Smile
Chapter 04: Curiosity
Chapter 05: Home
Chapter 06: Slow Motion
Chapter 07: Weird
Chapter 08: Peculiar
Chapter 09: Happiness
Chapter 10: Condition
Chapter 11: Meeting Her Family
Chapter 12: Getting To Know
Chapter 13: CHD
Chapter 14: Avoidance
Chapter 15: Confront
Chapter 16: Invitation Card
Chapter 17: Remi's Birthday
Chapter 18: Remi's Birthday
Chapter 19: Worried
Chapter 20: Hope
Chapter 21: Second Family
Chapter 22: In An Instant
Chapter 23: First Time
Chapter 24: Talk
Chapter 25: Remedy
Chapter 26: Someone Special
Chapter 27: Special Someone
Chapter 28: Confused
Chapter 29: Confession
Chapter 30: Haru
Chapter 31: First Heartbreak
Chapter 33: Realization
Chapter 34: A Night To Remember
Chapter 35: Living With Heartache
Chapter 36: Can't Take This Anymore
Chapter 37: Getting Weaker
Chapter 38: Painful
Epilogue

Chapter 32: Bracelet

741 31 0
By CheerlessAngel

CHAPTER 32: Bracelet

Crystal's P.O.V.

My condition became worse, as expected. Almost one week na akong hindi pumapasok sa school. Because of my condition, I had no choice but to say "yes" to my parents for me to stay here at our home. They're probably worried and I'm not denying it, I need them. Since I was young, I already embraced this kind of life.

"Crystal?! Anak?!" I tilted my head to see my mom shouting my name. "Anak!" She excitedly ran to me. "I have good news for you!"

Inalis ko ang mga paa kong nakababad sa pool at tumayo mula sa pagkakaupo ko sa gilid para salubungin siya.

"What is it, Mom?" I asked in an uninterested tone. I just don't feel that what she's about to say is a good one.

"Anak, finally!" she said in a teary-eyed. "Doctor Rivas called me. He said that he already found a heart donor for you, anak!"

My eyes widened for the shocking news. "Really?!" I couldn't hide my excitement and happiness, so I hugged her. "Is that for real, Mom?!"

"Yes, anak! Finally, we've been waiting for this moment to come," mangiyak-ngiyak niyang wika. Naghiwalay na kami mula sa pagkakayakap sa isa't isa.

"Masaya rin po ako, Mommy. Ang akala ko po talaga wala na pong pag-asa," natutuwa kong sambit. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Sobra akong natutuwa at nagpapasalamat.

This is it... This is the chance that we've been waiting for. A heart donor. That's the only way I could survive from this exhausting disease. But still, I don't wanna raise my hopes because I might end up in distress again.

"For sure, your daddy will be very happy kapag nalaman niya 'to." Inilagay ni Mommy sa likod ng tainga ko ang mga strand ng buhok na tumatakip sa mukha ko.

Napangiti lang ako sa kaniya. Until her phone rings.

"Oh! This is Doc. Rivas. I'll just take this call." I nodded at her as my response and she took a few steps not very distant from me. "Hello?"

Nakatitig lang ako sa natutuwang mukha ni Mommy. Kung masaya siya, mas masaya ako. Dahil sa wakas, may chance nang maging normal ang buhay ko. Ibinaling ko ang mga mata ko sa ibang direksiyon. Hindi ko mapigilang hindi mapangiti habang ini-imagine ko ang magiging buhay ko once matapos ang heart transplant.

"What are you saying?!" Naagaw ni Mommy ang atensiyon ko nang biglang tumaas ang boses niya. Tumingin siya sa akin pero mabilis din na umiwas. "Excuse me, anak," paalam niya at nagmadaling umalis.

Napuno naman ako ng pagtataka. What is happening?

Dahil sa curiousity ay hindi ko na napigilan ang mga paa ko para sundan si Mommy. Umakyat siya ng hagdan habang may kausap pa rin sa phone. Hanggang sa pumasok siya sa office niya at huminto ako sa bandang pintuan kung saan maririnig ko pa rin ang pinag-uusapan nila dahil hindi isinara ni Mommy ang pinto.

"What are you saying Doc. Rivas?! I thought you already made a deal with them?!" dinig kong sigaw ni Mama. "This can't be! This can't be, okay?! Talk to them again! Convince them again! Magbabayad ako kahit magkano!"

Those words hit me. Mukhang alam ko na kung ano ang pinag-uusapan nila. Ang kaninang pag-asa na naramdaman ko ay bigla na lang nawala. I knew it.

"What are you talking about?! Anong naibigay na nila sa ibang patient?! Anong Japan?! Doc, can you clarify this bullshit?! I have no time for this!"

Kaya nga ba ayaw kong umasa. That explains why I felt doubtful earlier. It's good news but turns out to be bad news just a moment later. What an unfortunate life.

"Please naman, Doc! I'm begging! Just do everything! That's the only chance for my daughter to survive! I'm begging you..." Nagsimula nang humikbi si Mommy. "I already told her about this, alam mo ba 'yon? And she was very happy kasi sa wakas gagaling na siya... But then..." Hindi na napigilan ni Mommy ang mapahagulgol.

My knees got weakened and my eyes burst into tears. Mas lalo lang akong nahihirapang huminga. Talaga bang wala ng pag-asa? Talaga bang... wala ng paraan pa para gumaling ako?

Sumikip ang dibdib ko habang naririnig ang hagulgol ni Mommy sa loob. Alam kong nasasaktan siya. Ang pag-asa namin ay bigla na lang nawala. Akala ko pa naman may pagkakataon na akong gumaling. Nagkamali pala ako. There's no chance at all.

Umalis ako sa kinatatayuan ko at nagtungo sa kuwarto. Humiga ako sa kama at doon ay humagulgol na rin. Ang sakit lang isipin na wala na naman 'yong pag-asa namin. Bakit gano'n? Ang unfair ng buhay ko. Wala ba talaga akong karapatang maging masaya at mabuhay ng normal gaya ng iba? Bakit ako pa?

***

Nagising ako dahil sa tunog ng cellphone ko. Kinapa ko iyon sa gilid ng unan ko at nabasa ang pangalan ni Remi. Namimiss ko na sila pero mas pinili kong huwag nang sagutin ang tawag niya. Sunod naman ay nagpunta ako sa message nang makitang may ilang messages din akong natanggap.

For a moment, kumirot ang puso ko. It was from Akira. Kinakamusta niya ako at namimiss niya na rin daw ako. I want to compose a message for her but then, I decided not to. Mas lalo lang kasi akong nasasaktan sa mga ginagawa niya. She's still engaged, after all. Kaya bakit pinapaasa niya pa rin ako?

*TOK! TOK! TOK!*

Nabaling ang atensiyon ko sa mga katok sa labas ng pinto ng kuwarto ko. Bumangon ako mula sa pagkakahiga.

"Bukas po 'yan," sabi ko na lang. Wala kasi akong lakas para tumayo at buksan ang pinto. Wala pang ilang segundo ay bumukas ang pinto at pumasok si Mommy na may ngiti sa labi.

"Dinner is ready," she said as she sat in front of me.

"Wala po akong ganang kumain, Mommy," malungkot kong tugon. She just sighed. "I overheard your conversation with Doc. Rivas earlier..." I started. Bahagya naman siyang nagulat at umiwas ng tingin.

"I-I'm sorry, anak. I'm sorry," she apologized.

I forced to smile. "Don't be, Mom. There's nothing to be sorry for. Tanggap ko naman na po. Tanggap ko po na baka... wala na po talagang chance."

"No. Don't say that. Habang nabubuhay ka, laging may pag-asa, okay? Erase those negative thoughts from your head. Maybe, this is not the right time yet. Marami pang chance, anak. Just don't give up."

Bahagya akong yumuko. I want to believe everything that she said. Pero alam kong pinapalakas niya lang ang loob ko. And that chance that she's talking about? We're not even sure about that. Perhaps it's only a miracle that could heal me.

A FEW days passed, and here I am, finally back to school again. I missed going to school everyday. I missed my classroom and my friends. I couldn't help but to smile while heading my way to the classroom.

As soon as I entered inside our classroom, all eyes on me. Especially, my friends na halatang gulat sa pagbabalik ko. Wala kasi akong sinabihan dahil gusto ko silang i-surprise.

"Crystal?!" Remi stood up. "Crystaaal!" She ran to me and hugged me tight. "I missed you so much! Mabuti naman at pumasok ka na!"

"I missed you too," I retorted happily.

"Ang dami mo nang na-miss na lessons. But don't worry, I'll let you borrow my notes."

Natawa ako sa sinabi niya. "Good!"

Excited niya akong hinila papunta sa upuan ko. Binati rin ako ng iba ko pang mga classmates at masaya raw silang bumalik na ulit ako. Sobrang nag-alala pala talaga silang lahat sa akin. Nakakataba ng puso.

"I'm glad you're back," Molly said smiling.

Nginitian ko rin siya. "Thank you," I mouthed. Kahit papaano ay namiss ko rin naman si Molly. Best friend ko pa rin naman siya.

Napalingon naman ako sa kanang gawi ko at natigilan ako nang magsalubong ang mga mata namin ni Akira. Dagli ko namang iniwas ang paningin ko at napalunok. Aaminin ko, I missed her a lot. Namiss niya rin kaya ako?

Dumating na ang teacher namin. Kinamusta rin ako nito at natutuwa raw ito na nakabalik na ako. Nakakatuwa lang isipin na maraming naghihintay sa akin. Hindi pa naman dapat ako papasok, pero pinilit ko lang sina Mommy at Daddy. Ayoko naman kasing aksayahin ang oras ko sa bahay habang iniisip ang sakit ko. Kaya lang, bilang kapalit ay kailangan kong ingatan ang sarili ko. Kailangan kong inumin ang mga gamot ko at hindi ko dapat na pagurin ang sarili ko.

Lunch time ay magkakasama kami nina Gia, Remi at Molly, as usual. Si Akira naman, kasama niya sina Karen. Madalas ko siyang sinusulyapan habang kumakain. Pansin ko rin ang mga mata niyang madalas akong tapunan ng tingin. Ang hirap ng ganitong sitwasyon, sa totoo lang. Subalit, kailangan kong gawin... kailangan ko siyang iwasan.

Matapos naming mag-lunch ay muling nagsolo sina Gia at Remi. Nakakatuwa sila at the same time ay nakakainggit din. Ang saya siguro nilang dalawa.

Bumalik na lang ako ng classroom at naupo sa upuan ko nang bigla akong makaramdam ng uhaw. Kinuha ko ang tumbler ko sa loob ng bag pero wala iyong laman.

"Here! / Ito oh." Sabay na nag-abot sina Molly at Akira sa akin ng tumbler nila. Nagkatinginan silang dalawa. Ito na yata ang pinaka-awkward na moment na naranasan ko rito sa classroom.

Tumingin silang pareho sa akin na para bang sinasabi ng mga mata nilang tanggapin ko ang tubig na inaalok nila. Bumuntong-hininga ako at nag-decide na tanggapin ang tumbler ni Molly.

"Thank you," wika ko sa kaniya at uminom.

Napansin ko ang lungkot na naramdaman ni Akira at dahan-dahan na umalis para bumalik sa puwesto niya. Bahagya akong nakonsensiya sa ginawa ko.

"Crystal... Ahm, galit ka pa ba sa akin?" mababa ang boses na tanong ni Molly. Hanggang ngayon pa rin pala, iniisip niya pa rin kung galit pa ba ako sa kaniya.

Ngumiti ako at umiiling-iling. "Molly, best friend kita. Wala na akong galit na nararamdaman para sa 'yo," paglilinaw ko na siyang nagpaliwanag sa mukha niya.

"Talaga?!" Bakas ang tuwa sa mukha niya. "Thank you, Crystal!" Nagulat ako nang bigla niya akong niyakap... Ngunit, niyakap ko na rin siya pabalik. "Ang akala ko, galit ka pa rin sa akin," natatawa niyang ani nang maghiwalay na kami.

"Ang immature ko naman kapag gano'n. Isa pa, tulad nga ng sinabi ko, best friend kita. Saka, namimiss ko na rin kasi 'yong dati. 'Yong masaya tayong tatlo kasama si Remi." I genuinely smiled at her.

Nakakamiss ang ganito. 'Yong okay kami tulad ng dati. Hindi na sana maulit 'yong nangyari. Ayokong magkasira kami ng mga kaibigan ko. Lalo pa at hindi ko alam kung hanggang kailan na lang ako rito sa mundo. Gusto kong maging masaya lang habang buhay pa ako.

Hanggang sa natapos ang klase ay sinikap kong iwasan si Akira. This is the only way I know for things not to be more complicated. This is hard. But I know, loving her may affect my health. May affect my heart. In order for me to move on, is to avoid her and make sure not to interact with her anymore. Until, I finally over from my feelings for her. I also never get rid of my mind that she's already engaged to Haru. To the guy whom I've met for several times.

***

Kakatapos ko lang mag-shower nang biglang may nag-doorbell. I walked towards the door and see Akira on the video doorbell. Natigilan ako. What is she doing here?

Binuksan ko ang pinto at agad na nagtama ang mga tingin namin. Ilang segundo rin kaming nagkatitigan hanggang sa ako na ang unang umiwas dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at manaig na naman ang emosyon ko.

"What are you doing here?" mahinahon kong tanong.

Tipid siyang ngumiti. "Hindi mo ba ako... papasukin?"

Nailang ako at wala nang nagawa kundi ang papasukin siya sa loob.

"Anong ginagawa mo rito, Akira?" tanong kong muli.

"Wala lang. Gusto lang kitang mabisita," casual niyang sagot. Hindi ko pa rin magawang tumingin sa kaniya. "Leigh... Iniiwasan mo ba ako?" prangkang tanong niya habang nililibot niya ang paligid.

Bahagyang sumikip ang dibdib ko. "Bakit mo naman natanong 'yan?" I tried to make my voice more calmer.

"'Yon kasi ang feeling ko eh..." she paused, "Honestly, nasasaktan ako. Ayoko ng ganito, Leigh. Ayoko ng iniiwasan mo 'ko."

"Stop." I closed my eyes. "Please, Akira... Bakit mo ba sinasabi 'yan? Talaga bang gusto mo 'kong masaktan at mahirapan?"

"Why?" she innocently asked. "Anong sinasabi mo? Ako 'tong iniiwasan mo... Nasasaktan din ako, Leigh. Nasasaktan ako sa-"

"Can't you understand, Akira?!" I cutted her off. "You already have a fiancé! Do you really want me to get hurt, huh?! Do you really want me to suffer of loving you while there is already someone that you destined to be with?!" I cried out. She bacame still and her eyes moistened. I turned away my gaze. "Puwede bang... umalis ka na, Akira?" I begged.

Ilang segundo ang lumipas bago siya sumagot. "I'm sorry."

My heart skip a beat. I didn't expect na "I'm sorry" lang ang maririnig ko sa kaniya. She really has no idea kung ano ang nararamdaman ko.

"Wait..."

Sinundan ko siya ng tingin nang bigla siyang maglakad palapit sa mini table. Sa una ay nagtaka ako, lalo pa no'ng kinuha niya 'yong bracelet na inilapag ko roon.

"Is this yours?" she asked.

"Yes," tipid kong sagot. Ano namang meron sa bracelet na 'yan? Baka palusot niya lang para mag-stay pa rito.

"Ibig sabihin... Ikaw..." usal niya at unti-unting pumatak ang luha sa mga mata niya. Anong sinasabi niya? "Ikaw 'yong batang 'yon."

"Akira. Puwede ba? Umalis ka na lang?" muli kong pakiusap. Subalit natigilan ako at namilog ang mga mata ko nang may mapagtanto. "A-Anong sinabi mo? Anong ako 'yong batang 'yon?"

Kung gano'n...

"I'm Crystal, and you?"

"I'm A-"

"Crystal! Come on, let's go home!"

"Tawag na ako ni Mommy. Aalis na ako. Thank you pala sa pakikipaglaro sa 'kin."

"Sige... Teka, sandali!" tawag niya sa akin kaya napalingon ako.

"Bakit? Ano 'yon?" tanong ko.

"Heto oh. Sa 'yo na lang 'tong bracelet ko." Hinubad niya ang suot niyang bracelet at inabot iyon sa akin.

"Talaga?!" natutuwa kong reaksiyon. Ang ganda kasi ng bracelet na 'yon. "Thank you!" Malawak akong ngumiti sa kaniya.

"Bye! Sana magkita pa tayo ulit!" She waved her hand and so am I.

"Ang bracelet na 'to. Ito 'yong binigay ko sa 'yo no'ng mga bata pa tayo... And then, one day may nakita ako na kapareho nito sa mall. Hindi ako nag-atubiling bilhin 'yon kasi kapareho no'n 'yong bracelet ko noong bata pa ako. Ito 'yon." Inilabas niya ang isang bracelet mula sa bulsa ng skirt niya. Magkaparehong-magkapareho nga 'yon. "Kaya pala pamilyar sa akin ang first name mo," dagdag pa niya.

I gulped. Ang batang 'yon... Ay si Akira?

***

- CheerlessAngel

Continue Reading

You'll Also Like

2.3M 88.9K 48
Green Wynn "the siraulo" Zhanses Status: Completed Date started: 03.01.22 Date ended: 05.08.22
391K 11K 43
[A story of Sylvia Celeste Acozta.] #4 The broken part of not being able to hold on like you used to is the signal of your relationship slowly fading...
1M 33K 43
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...