VENGEANCE

De HamawaXy

12.3K 442 4

What you do comes back to you. ___ Enraged by her sister's death, Aihna Di Fronzo enter the school full of ev... Mai multe

VENGEANCE
ONE : ABANDONED
TWO
THREE
FOUR
FIVE
SIX
SEVEN
EIGHT
NINE
TEN
ELEVEN
TWELVE
THIRTEEN
FOURTEEN
FIFTEEN
SIXTEEN
EIGHTEEN
NINETEEN
TWENTY
TWENTY-ONE
TWENTY-TWO
TWENTY-THREE
TWENTY-FOUR
TWENTY-FIVE
TWENTY-SIX
TWENTY-SEVEN
TWENTY-EIGHT
TWENTY-NINE
THIRTY
THIRTY-ONE
THIRTY-TWO
THIRTY-THREE
THIRTY-FOUR
THIRTY-FIVE
THIRTY-SIX
THIRTY-SEVEN
THIRTY-EIGHT
THIRTY-NINE
FORTY
FORTY-ONE
FORTY-TWO
FORTY-THREE
FORTY-FOUR
FORTY-FIVE
FORTY-SIX
FORTY-SEVEN
FORTY-EIGHT
FORTY-NINE
FIFTY
FIFTY-ONE
FIFTY-TWO
FIFTY-THREE
FIFTY-FOUR
FIFTY-FIVE
FIFTY-SIX
FIFTY-SEVEN
FIFTY-EIGHT
FIFTY-NINE
SIXTY
SIXTY-ONE
SIXTY-TWO
SIXTY-THREE
SIXTY-FOUR
SIXTY-FIVE
SIXTY-SIX

SEVENTEEN

154 6 1
De HamawaXy

Chapter 17
Uhna's Point Of View

As time pass, mas lalo pang napadalas ang pag-uusap namin ni Elixxir.

I am a bit uncomfortable because I like him, but I am okay.

Maliliit na interactions lang naman.

At nauubusan lang naman din ako ng hangin sa tuwing nag-uusap kami.

I don't know how can they call this thing love when it can kill you?

Like the quote I've read, Love is the seventh sense of humans that destroys all the sixth senses.

Love destroys everything, so I still don't know if I am willing to take a risk and confess, or just let my feelings flow and wait for the time that it will stop by itself.

Kung nandito si Ate, nakakahingi sana ako ng advice tungkol sa mga bagay na ito at may napagkukwentuhan.

Bakit kasi kinailangan niyang iwan ako?

Alam niyang sa bahay namin ay siya lang ang sandalan ko.

"Settle down everyone, I have an announcement."

Anunsyo ni Ms. Jenessa sa klase.

Siya ang bagong adviser namin.

Maganda, mabait, at napaka-galing niyang magturo.

Dahil galing siya ng public school at lumipat ng private school ay iba ang paraan ng pagtuturo niya sa amin hindi gaya ng iba naming mga teachers.

Mas convenient naman iyon para sa akin dahil atleast, mayoong isang subject na kahit easy-han ko lang ay hindi na ako mahihirapan ng sobra dahil itinuturo niya sa amin ang lahat.

Sa ibang subjects kasi, madalas ay self-study lang kami.

At kagaya ng kutob ko noong nakaraan ay natanggal nga sa trabaho ang guro na iyon na nagpatakbo sa buong klase namin ng 5 laps paikot sa buong field.

Ang narinig ko pa nga ay sobrang nagangailangan iyon ng pera kung kaya nangangailangan din ng trabaho para makapag-ipon.

Pero dahil sa ginawang pagsisinungaling ni Xammie tungkol sa pagkakaroon ng walang malay matapos na tumakbo ay hindi na niya magagawa pang makapasok sa ibang eskwelahan kagaya ng VCHS.

Kumakalat kasi na ipina-ban daw ito sa ibang mga eskwelahan dahil sa pananakit ng bata. Kahit pa hindi naman niya pisikal na sinaktan si Xammie at umaarte lang siya.

Nakakaawa talaga.

Pero papaano kaya nakakatulog ng mahimbing sa gabi si Xammie matapos ng ginawa niya?

Don't she feel a sense of guilt?

She just made someone lose their job and made their family– who is already suffering– suffer.

But well, it's not like she's the kind of person who have a sense of guilt for someone.

Dahil kagaya ni Jekyll, Xammie is a bully too. Hindi lang pisikal ang approach niya. Emotional.

Kayang-kaya niyang magpatalsik ng kung sinong estudyante ang gusto niyang patalsikin sa eskwelahan kasi nga ay malakas ang kapit niya sa school principal.

I-request lang niya ay kaagad iyong matutupad.

Kagaya ng club nilang The Royals.

Wala naman iyon dati. Siya lang ang may pakana niyon at isinama ang lahat ng mga anak ng mayayamangg pamilya sa bansa para maging members ng club.

I am just lucky that I haven't interacted with her yet. Wala rin akong balak na gawin iyon. Because she will never think twice about kicking me out of the school.

Scholar lang ako at walang kahit na ano na pupwedeng ipang-laban sa kaniya.

I can't imagine making her angry.

I must not make her angry.

"There will be a senior's ball."

Naghiyawan at natuwa ang lahat sa narinig.

Except me.

I don't really use my voice a lot kapag nasa school.

I don't know why, it's not like I don't have any communication skills.

Siguro ay dahil suffocated lang ako at pressured sa mga kasama ko sa loob ng room daily?

"Shh. Stay calm. I haven't even started yet."

Nagtawanan ang mga kaklase ko.

They are so excited and I can see it in their eyes.

"So, the senior's ball is only for grade 11 and grade 12 students. Obviously. It will happen next month, on the 12th day of October at lahat ay inaanyayahan na sumali."

Everyone remained silent.

"Girls should wear a gown or an evening dress. Not a sexy dress, not a party dress, and not a Sunday dress. Girls please don't wear those."

Nagtawanan ulit ang mga kaklase ko. Pati si Ma'am ay natawa rin sa sinabi niya.

Gusto ko namang sapuhin ang noo sa hiya nang maalala yung nangyari last time.

Sobrang ganda pa ng ayos ko pagkatapos ay maling address pala ang pinuntahan ko.

Sobrang nakakahiya sa tuwing naalala ko at para bang gusto ko ng magpakain sa lupa!

"Sayang! Gusto ko pa naman na makitang nakasuot ng sexy dress si Ma'am!"

Sigaw ng isa sa mg kaklase ko na mas nakapag-paingay sa klase.

"Well I'm sorry to say, you won't. I'll wear it only infront of my husband."

Ganiyan talaga si Ma'am, sinasabayan ang trip ng mga kaklase ko kahit pa ang mga lokohan nila ay nakaka-offend na para sa akin.

Kung ako kay Ma'am Jenessa ay ipinatawag ko na ang mga maglang nila sa Disciplinary Comittee.

Kasi naman! Nakakabastos na ang mga sinasabi nila minsan.

Kagaya nalang ng kasasabi lang ng kaklase ko na gusto nilang makita na nakasuot ng sexy dress si Ma'am.

Sinabi nila iyon dahil mga bastos ang utak nila!

"Aw, busted."

"Then ma'am, can I be your husband?"

Banat naman nung katabi ng lalaking naunang magsalita kanina.

"You can't to me but you can be a good husband to Aleiksa."

Naghiyawan ang lahat matapos niyang sabihin iyon.

Ito ang isa sa mga ikinakatuwa namin sa bagong guro.

Shiniship niya ang lahat ng estudyante na may gusto sa isa't isa sa buong klase namin.

At nag-eenjoy ang lahat.

Kasi yung mga ganitong interactions din ang mas nakakapagpalapit sa aming magakaklase sa isa't isa.

Kahit pa nga math ang subject niya ay hindi kami nahihirapan dahil mas pinapadali niya ang pagtuturo para mabilis naming maintindihan.

Malalapitan mo rin siya kung mayroon kang mga concerns about sa pag-aaral mo o kahit pa sa sarili at pamilya mo.

She acts like a mother to us.

"Anyways, sa boys naman, dapat na formal rin ng suot. Baka naman may mag-beach body sa inyo ng gabi ah."

Muling nagkatawanan sa buong klase habang ang mga lalaki ay nagtuturuan kung sino ang sa tingin nilang magsusuot ng ganoon.

"Formal tayo. Mag-suit kayo, mas attractive tingnan ang mga lalaki sa suit."

Ilang ulit akong napakurap nang mayroong isipin ang pumasok sa isipan ko.

I am suddenly curious how he will look like in suit.

Hinawakan ko ang magkabilang tainga nang maramdaman ang kilig.

Grabe na Uhna! Tigilan mo ang pagiging delusional mo!

Pero hindi ko naman masama kung gusto ko siyang maktang naka-suit hindi ba?

But.... I don't feel like going!

Pero paano ko malalaman kung hindi ako a-attend para tingnan?

Ay ewan!

"But before that,"

Muling anunsyo ni Ms. Jenessa sa amin.

"You will be taking your final exams first."

Napuno ng pagrereklamo ang klase matapos iyon na marinig. Tinawanan lang sila ni Ms. Jenessa bago muling magsalita.

"Hirap muna bago ang sarap. Kaya mag-aral kayo ng mabuti at seryosohin ang exam ninyo."

"Yes ma'am!"

Sabay-sabay na sagot namin.

Halos pabulong pa yung akin. Habang parang nalantang gulay naman ang pag-sagot ng iba sa mga kaklase ko.

Sang-ayon naman ako sa sinabi ni Ms. Jenessa. Hirap muna bago ang sarap. Kung mauuna ang ball bago ang exam, tatamarin na kaming magsagot at hindi na magagawang mapag-aralan ng mabuti ang mga lesson.

Buong linggo kasi na iyon ay ang Ball ang iisipin namin at hindi na maaalala pang mag-review para sa parating na exams.

Tiningnan ko ang labas ng bintana at nakitang makulimlim sa labas.

"Uulan."

Bulong ko sa sarili.

Hindi ko pinahalatang naeexcite ako.

Paborito ko ang amoy ng ulan. Kabaliktaran ni Ate. Nagiging kalmado ako sa malamig na temperature at nakakatulog ng maayos sa gabi. Habang siya naman ay nagkakaroon ng sakit kahit pa mabasa lang ng kaunti.

Hindi naman mahina ang resiatensya niya. Ewan ko nga ba, ayaw na ayaw niya ng umuulan kahit pa para sa akin ay napakaganda ng paligid sa tuwing natatapos iyon.

Ang gandang tingnan ng mga puno at halaman matapos na mabasa ng ulan.

Pati yung mga kalsada sa tuwing nababasa.

Kapag naglalakad ka ay pakiramdam mo nasa isang scene ka sa drama.

Pagkatapos ng klase ay nagsipaglabasan na ng classroom ang lahat. 

Pagkatapos ko ring magligpit ng mga gamit ko ay naglakad na ako palabas.

Malakas na ang ulan sa labas kaya naman karamihan sa mga estudyante ay hindi na makapaglakad papunta sa parking lot para kuhanin ang mga sasakyan nila.

Ang iba naman ay tumatakbo nalang sa ulanan at hindi na iniisip pa kung mababasa sila.

"Excuse me."

Pagsasalita ko para bigyan nila ako ng daan.

Matapos nilang gawin iyon ay binuksan ko ang payong at nagsimulang maglakad papunta sa sakayan sa kanto na hindi naman kalayuan sa school.

Pero habang nasa daan ay mayroong bumusinang sasakyan sa gilid ko.

"It's raining heavily. I can give you a ride."

I was frozen for a moment when I realize whose voice is that.

"H-Huh?"

Wala pa sa sariling sagot ko.

Tiningnan ko ang loob ng sasakyan niya at napagtanto na wala doon si Eumee, ang kapatid niya.

Magkahiwalay pala silang umuuwi? 

Narinig ko noon na kagaya ni Eumee ay Louisiana din si Elixxir at ang sinasabing susunod na tagapagmana ng pamilya nila.

Ayon kasi sa mga narinig ko sa mga estudyante sa school– ang dami kong narinig ano? Keen obersever kasi ako at good listener.

So ayon, sa pamilya pala nila, mayroong itinatakdang household head ng buong pamilya.

At ang sabi pa ay nasa iisang bahay lang nkatira ang lahat ng Louisiana dito sa bansang Pilipinas!

Silver rule daw iyon at bawal na buwagin.

Pero ang bahay naman daw na tinitirahan nila ay napakalaki.

Para ka rin daw na nakatira sa isang village pero puro kamag-anak mo lang ang mga nakatira.

Ang alam ko pa nga ay palagi siyang sinasabihan na mag-ingat at madalas na binabantayan dahil sa marami ang talagang nagtatangka sa buhay niya.

But how could he be so careless? Papaano kung may hidden agenda rin ako at balak rin siyang saktan?

Iniiling ko ang ulo.

"Salamat pero ayos lang ako. Malapit na rin naman ang sakayan mula dito."

Pero hindi niya ako tinigilan at marami pang sinabi kaya nakakahiya na siyang tanggihan.

"If you just accept my offer you won't need to spend your money. Isa pa, puno ang mga bus at jeepney sa mga oras na ito dahil uwian. Kung sasakay ka naman ng tricycle ay mapapamahal ang pamasahe mo."

Wow, I'm speechless.

Sinusubukan niya talaga akong pilitin na sumabay.

"Don't you still want to?"

Binuksan na niya ang pinto.

May dahilan pa ba ako para tumanggi?

Sumabay na ako sa kaniya at tumabi sa harapan kasama siya.

Dito rin ako naka-upo noong nakaraan.

Wow. Pangalawang beses ko ng nakasakay sa kotse niya.

Agad kong tinakpan ang mukha dahil sa nararamdamang hiya.

Now that I am aware of my feelings for him, para akong nauubusan ng hangin sa tuwing malapit ako sa kaniya at hindi maiwasan ang kiligin kahit pa wala naman siyang kahit anong ginagawa.

At sobrang awkward pa ng mga nagiging sagot ko sa tuwing nagtatanong siya!

Nakakahiya talaga!

"Dito na ako."

Sabi ko sa kaniya.

Inihinto niya ang kotse sa gilid bago ako pinababa.

Hindi pa rito ang bahay namin pero dahil gusto ko na maglakad-lakad bago umuwi ay sa labas na ng kanto namin ako nagpababa.

"Salamat ulit. Mauuna na ako."

Tinanguan niya ako.

"See you tomorrow, Uhna."

I felt my heart skipped a beat.

Hindi nanaman ako makahinga.

Pakiramdam ko rin ay nabingi ako sa sinabi niya.

You want to see me tomorrow? Elixxir?

Pero hindi ko pinahalata ang kilig.

Normal akong ngumiti kasabay ng pagtango rin sa kaniya.

"See you tomorrow, Elixxir."

Continuă lectura

O să-ți placă și

My Ghost Girlfriend De YUE

Ficțiune adolescenți

259K 11.8K 45
Dustin's sixth sense was opened due to an accident. Against his will, his father decided to take him at his grandfather's ancient house in the middle...
6.6K 168 14
Luna Hecate Sheridan, a girl who can't control her deadly powers that can cause destruction. Ang akala ni Luna ay isa lamang mental illness ang mero...
17K 746 17
Eighteen-year old, Maxine Drew is in search for the real reason why her dad died eight years ago. As she begins her journey, she bumps into Seth, a g...
6.6K 508 27
A girl who always wanted someone to love her find out that she have a stalker. And that is a man who love her mother before and is now obsessed with...