The Collector

بواسطة mrYoDaiChi

9.9K 1.7K 794

Is the urban legend true ? Is the collector really exist? One month of killing spree is on the air. Are you r... المزيد

Meet the Collector
Prologue: Unang Silip sa Lagim
TC 001: Urban Legend?
TC 002: First Blood
TC 003: The Locker
Author's Note 1 (*.*)
TC 004: Friends or Fiends
TC 005: Way Back Home
TC 006: Nightmare
TC 007: Request
TC 008: Trip to Hell
TC 009: The New Class of Class- A
TC 010: The Letter
TC 011: The Plan
TC 012: Where Is He?
TC 013: Survive!
SPECIAL ANNOUNCEMENT v1
TC 014: Premonition
TC 015: Truth or Dare?
TC 016: The Time Has Come
TC 017: Memoirs of Death
TC 018: New Classmates
TC 019: Deadly Plan
TC 020: Bloody Birthday
TC 022: Escape
TC 023: Revelation
TC 024: Memento Mori
TC 025: The End is Near

TC 021: Bloody Surprise

65 14 3
بواسطة mrYoDaiChi


Isa isang ng nag- aalisan ang ilang bisita ni Amy dahil halos isang oras na ang nakalilipas ay hindi pa rin ito dumadating. Hinanap na nila ito ngunit hindi nila ito makita kung saan. Maging sa kwarto kung saan nananatili si Amy ay wala din doon. Ni hindi nga nagalaw ang mga gamit doon at nandon pa ang ilang gown nito na siyang susuotin niya sa iba't ibang event. Maging si Arme na siyang dapat tatawag mula dito ay hindi na rin nakabalik. Tinatawagan nila ito sa kanyang telepono ay hindi naman nito sinasagot ang naturang tawag ng kanyang mga kaklase ganundin kay Arme.


"Lyre, nasaan na sina Amy at Arme? Sabi mo nasa kwarto lang siya pero bakit wala siya dun?", nag- aalalang wika ng mga kaklase nito mula sa kanya.


"Hindi ko din alam eh. Doon lang naman namin iniwan ni Arme si Amy eh", nagtatakang nitong sagot mula sa kanyang kaibigan at ipinagpatuloy nitong muli ang kanyang pagkontak sa mga kaibigang nawawala hanggang sa magsalita na ang emcee mula sa harapan ng entablado.


"Oh, teka, tapos na ba ang party at tila kayo ay nagsisi- alisan na?", wika ng isang anino na mula sa isang sulok na tila napakalalim ng boses kumpara ng kanina itong nagsalita. Tumigil sa paglalakad ang ilang bisita nito at nakinig sa tinuran ng nagsasalita. Hindi nila maaninag ang mukha nito dahil sa ito'y nagsasalita mula sa isang sulok at kung ito'y isang babae o lalaki dahil sa gumagamit ito ng voice changer kung saan umiiba ang boses nito kapag nagsasalita.


"Nandiyan na po ba si Amy?", malakas na wika ng isa naming kaklase mula sa taong nagsalita.


"Oo", maikling wika ng tao mula sa sulok mula dito at isang masigabong palakpakan ang pinakawalan ng ilang bisita mula rito. Nag- boses babae naman ito ngayon. Nagbulung- bulungan ang ilang natirang bisita patungkol kay Amy.


"Pa VIP talaga 'tong si Amy oh", inis na wika ni Mari sa kanyang katabi na siya namang sinang- ayunan nito.


"Ladies and Gentlemen, let's welcome, the beautiful and the girl who will be ready to bloom in her year and her 'blood that will flow in this event'", wika ng tao mula sa isang sulok at bakas sa mukha ng mga bisita ang kakaibang tinuran nito bilang pambungad na bati kay Amy. Dito'y nakaramdam ng kakaiba ang ilang kaklase nito.


"Dio, I think may masamang mangyayare kay Amy", bulong na wika ni Ronan mula kay Dio na kanina pa nagmamasid mula sa iba't ibang tao mula doon. Maaari kaseng isa sa mga ito ang killer.


"Let's welcome again Ms. Amy Aruha, our debutant!", masiglang wika ng emcee at isang masigabong palakpakan ang maririnig mula dito habang unti- unting bumubukas ang malaking "cocoon" na sinasabi ni Arme kung saan manggagaling si Amy. Ang malakas na palakpakan ay napalitan ng isang nakakabinging sigawan dahil sa kakila- kilabot na nangyari kay Amy at sa kalunus- lunos na nangyari sa kasama nito!


"Arme! Amy!", naghihisterikal na sigaw ni Lyre dahil sa kagimbal- gimbal na kanyang nakita. Lawit ang mga dila ng mga ito at wakwak ang leeg na halos mapapatid na sa pagkakapit sa kanilang katawan na tila pag hinangin lamang ay matatanggal na sa pagkakapit ng kanilang ulo mula sa kanilang katawan. Wakwak din ang mga tiyan ng mga ito at tumutulo ang mga pulang likido mula rito at halos matanggal na ang mga lamang loob nila dahil sa tindi ng pagkakabuka ng kanilang mga tiyan. Namatay ang mga ito ng nakadilat na tila takot na takot sa mga nangyari sa kanila.


——-+++++——-


"Ayaw ko na! Hindi ko na kaya! Tigilan mo na 'to", pigil na sigaw ni Amy mula sa kanyang kausap.


"Ano?! Hindi ka na tutupad sa usapan natin? Baka gusto mong gumulong ang ulo ng mga magulang mo dito?", pananakot na wika ng kausap ni Amy mula dito.


"Hindi na kinakaya ng konsensya ko ang mangyayari sa kanila", umiiyak na wika nito sa wlaang kaemo- emosyong kasama nito. Para lamang hindi mapahamak ang kanyang mga magulang ay sinet- up ng mga ito ang lahat ng kanyang mga kaklase dahil ito ang nasa plano ng kanyang kausap ngayon. Upang hindi sila galawin ng nito at ang kanyang pamilya ay pumayag ito sa nasabing kasunduan nila ngunit si Amy na mismo ang umaayaw sa mga nangyari ngunit ang hindi nito inaasahan ay ang biglang pag- agos ng pulang likdong nanggagaling mula sa kanyang dibdib na siyang ikinabigla niya. Idiniin pa nito ang pagtapak sa kutsilyong nakabaon sa kanyang dibdib at agad siyang nilukuban ng kadiliman.


"Ngayon may kasama na sina Ley at Gwenn sa impyerno. Hahaha!", saad nito sa kanyang sarili na tila nababaliw habang tumatawa. Ngunit sa isang banda ay isang tao ang nakasaksi sa nangyari sa kanyang kaibigan.


Si Arme.


"Ikaw?", mahinang wika ni Arme dahil sa labis na pagkabigla nito sa kanyang nakita hanggang isang matigas na bagay ang naramdaman nitong dumapo mula sa kanyang ulo na agad nyang ikinahimatay.


——-+++++——-


Nagising si Arme sa isang silid kung saan halos ay pink ang lahat. Pink na kama, pink na mga dingding at pink na pintuan. Halos pink ang lahat. Masakit pa rin ang ulo nito dahil sa huling naaalala niya ay may tila isang bagay ang dumapo mula sa kanyang ulo at yun na ang huli niyang naalala.


Nagpagawi- gawi ang ulo niya mula sa kwarto hanggang sa mapagawi ito sa isang litrato na nakalagay sa lamesa malapit sa kama kung saan siya nakahiga kanina. Kinuha niya ito at tiningnan at tila nabuhusan ito ng malamig na tubig dahil sa kanyang nakita. Tila isang alaala ang biglang bumalik dahil sa nakita niya mula sa litrato.


"Ohh... Nakita mo na pala", nakangiting wika ng isan tao mula sa pintuan na na agad na ikinabigla ni Arme at nahulog nito ang hawak- hawak na litrato.

"Hindi... Matagal ka ng patay... Nakita naming mismo na namatay ka at ikaw yun!", takot na wika ni Arme mula dito habang tila gulung- gulo ang isip nito sa mga nangyayari.


"Hindi siya patay, Arme... Dahil nagbalik siya upang maningil sa mga ginawa niyo", saad naman ng isang boses katabi ang kausap nito kanina.


"Ikaw? Kasabwat ka niya sa lahat ng mga nangyayareng ito?", nagtatakang tanong ni Arme mula dito.


"Bakit? Hindi ba halata? Hahaha!", saad nito sabay halakhak na tila isang demonyong natutuwa sa mga nangyayari at agad itong naglabas ng isang kutsilyong na may ilang bahid ng dugo na siyang ginamit din nito mula kay Amy. Unti- unti itong lumalapit kay Arme hanggang sa wala ng mapuntahan si Arme dahil ito ay na- corner sa isang sulok.


"Hu-huwag kang la-lalapit sa akin", pagbabantang wika ni Arme mula rito ngunit bakas sa kanyang pananalita ang labis na pagkatakot.


"Huwag kang mag- alala... Mabilis lang ito", saad nito kay Arme at isang nakakabinging sigaw ang narinig mula sa kawartong iyon.


"Aahhh!", malakas na sigaw nito hanggang sa maging ang katawan na nito mismo ang sumuko at ang dating pink na kwartong iyon at namantsahan na ng nagtalsikang dugo na nanggaling mula kay Arme. Dinilaan pa nito ang kutsilyong ginamit nito kay Arme at tila tuwang- tuwa sa mga nangyari at tiningnan nito ang kasamahan nito na walang kaemo- emosyon ang ngiti nito.


——-+++++——-


"Aahh!", sigaw ng ilang mga bisita at mga kaklase ng mga ito dahil sa kanilang nasaksihan. Nagtakbuhan ang mga ito mula sa entrance ng resort at dito'y tila mga hayop na gustong makawala sa kanilang hawla ang naging reaksyon nila.


"Tara na! Umalis na tayo dito!", yaya ni Mari at ilang mga kaklase nito na nakikipagsiksikan na makaalis mula sa resort.


"Teka lang... Hind niyo ba nagustuhan ang entrance ni Amy at ang kasama nito?" saad nito na may ngiti sa kanyang labi sabay hila sa nakalawit na ulo ni Amy mula sa kanyang katawan at agad din itong naalis ng walang kahirap- hirap.


"See! Gustong magpasalamat ni Amy dahil sa pagpunta niyo mula sa kanyang kaarawan! Hahaha!", tura nito na tila galing sa ilalim ng lupa ang kanyang boses sabay tapon nito sa ulo ni Amy mula sa nagsisiksikang tao na gustong makaalis sa resort. Nasalo ito ni Mari na siya namang ikinabigla niya dahil dilat ang mga mata nito na tila takot na takot na namatay ito na agad namang ikinahimatay ni Mari.

"Walang aalis ng buhay dito! Lahat kayo mamamatay! Hahaha!" galit na sigaw nito sabay hila mula sa kanyang tabi at isang manipis ngunit matalim na bagay ang biglang dumaan mula sa katawan ng mga bisita mula rito.


"Dapa!", sigaw ni Dio mula sa ilang kaklase ngunit dahil sa sobrang pagkabigla ay hindi ito nakakilos sa mga naganap. Nadaanan ang mga ito ng manipis ngunit matalim na bagay. Napakabilis ng mga pangyayari. Natumba ang mga katawan ng mga bisita at ilang kaklase ng mga ito sa sahig na putul- putol. Nagkapira- piraso ang mga katawan ng mga ito at nagkalat ito sa iba't ibang bahagi ng resort dahil sa tinda ng impact at naghalo- halo ang mga likidong dumaloy sa kanilang mga pira- pirasong katawan mula sa sahig at nawalan sila ng mga buhay sa isang iglap lang. Ang mga suot ngilang damit na kulay puti ay nabahiran na ng pulang likodong tumalsik mula sa kanila. Tulala ang karamihan sa mga nangyari at tila hindi maikilos ang kanilang katawan dahil sa nangyari.


"Nagustuhan niyo ba ang inihanda kung sorpresa mula sa inyo? Hayaan niyo at marami pang naghihintay ng sorpresa na naghihintay sa inyo dito. Hahaha! Hinding- hindi kayo makakatakas ng buhay dito!" sigaw nito at bigla na lamang itong nawala mula sa kinatatayuan nito.


——-+++++——-


Vote and Comment Please! Thanks !

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

699K 48.4K 74
During the spread of the deadliest virus in 2054 Philippines, Santhy Gozon struggles to survive to reach the last quarantine. *** A sixteen-year-old...