CANDLE LIGHT

By Iamprincessjan

488 0 0

Brianna Leigh Santiago came into a painful relationship. She caught her ex cheating on her. She was so broken... More

Author's Note
Prologue
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16

CHAPTER 3

19 0 0
By Iamprincessjan


"Just stay at my condo until the rain will stop." 



Dahil sa lakas ng ulan ay hindi na nga ako nakauwi ng apartment. Ngunit mabuti nalang at nakatawag ako kaagad kay Jaidah, naintindihan din naman niya kung bakit hindi ako makauwi ngayong gabi.



"Sa master bedroom kana matulog at doon na ako sa isang kwarto," sabi ni Lucas habang bit-bit ang kanyang unan. Favorite niya siguro 'yan!



"'Wag na! Dito nalang ako sa living room. Nakakahiya naman sa 'yo!" 



"If I said you'll be sleeping in the master bedroom, you will sleep there. Pinatuloy kita dito kasi umuulan at ayokong patulugin ka lang diyan sa couch." He seriously said that. Hindi na rin ako makatanggi dahil baka magalit pa sa 'kin, siya na nga 'tong nagmagandang loob tatanggihan ko pa ba?



Pumasok kaagad ako sa masters bedroom na sinasabi niya. Naku, kung gaano kaganda ang living room niya mas maganda dito. Kung gaano rin kabango ang living room niya, mas mabango dito. Ano kayang perfume ang ginamit niya? Nakaka-curious naman!



Makalipas ang ilang oras ay hindi parin ako dinalaw ng antok. Napatingin nalang ako sa cellphone at nagulat nang makita kung anong oras na. Alas 2 na nang madaling araw, at hindi parin nga tumila ang ulan. Sobrang tahimik nang paligid, at pakiramdam ko ay nakatulog na ng mahimbing si Lucas. Unti-unti akong lumabas dito sa loob ng kwarto upang uminom ng tubig, ngunit nagulat ako nang makita si Lucas na nasa couch at tila may hinahawakang baso? Paunti-unti akong lumapit sa kanya at laking gulat ko ulit nang makita siyang umiinom ng alak habang umiiyak.



"L-lucas? O-okay ka lang ba?" natataranta kong tanong. Napaupo ako sa tabi niya.



"You're still awake,"  nakita kong pinunasan niya ang kanyang luha gamit ang kanyang kamay, "Sorry, did I disturb you?"



"H-hindi.. Uhm., hindi kasi ako makatulog kaya lumabas ako upang iinom sana ng tubig," tumingin ako sa kanyang harap, at mukha atang kanina pa siya umiinom dahil maraming bote ng beer na akong nakita dito sa mesa, "Lasing ka na ata, Lucas!" nag-alalang sabi ko.



"Hindi pa ako lasing, Kimmy! I always drink in the evening so that I can sleep well. I have insomnia, hindi ako makatulog kapag hindi ako makainom ng alak." 



"Eh, makakasama naman niyan ng kalusugan," sabi ko.



"Naging masama ba ang kalusugan mo? Knowing na gabi-gabi ka rin umiinom," natigilan ako sa tanong niya. May point siya kaya hindi na ako nakasagot pa.



Natahimik kaming dalawa at tila pagpatak lamang ng ulan ang aming naririnig. Patuloy parin siya sa pag-inom ng alak habang ako naman ay nakatingin lamang sa kanya. Tsaka ko na-realized na ang gwapo niya pala, sobrang gwapo niya! Tsaka ko din na-realized na ang bait niya, kasi kung ibang tao na 'tong kasama ko for sure, may masamang gawin 'to sa 'kin. Nasa puder niya ako at kung gustuhin man niyang gawan ako ng masama gagawin niya dahil kaming dalawa lamang ang nandito.



"What are you thinking?" naramdaman niya sigurong nag-iisip ako kaya siya napatanong.



Napakamot ako sa ulo at nag-iisip kung anong isasagot sa kanya, "W-wala! Gusto ko lang sanang tanungin kung bakit mag-isa ka lang? N-nasaan ba ang mga magulang mo?" tanong ko. Hindi ko alam kung bakit 'yan nalang ang biglang lumabas sa bibig ko.



"Bakit gusto mong malaman?" tila ata binalik niya sa 'kin ang tanong na 'yan.



"Uhm, nasa saiyo na 'yon kung sasagotin mo o hindi. Hehe!" Na-aw-awkward ako. 



"You want to drink, Kimmy?" inabutan niya 'ko ng isnag boteng beer, hindi narin ako nakatanggi pa. "My parents is already dead. Namatay sila sa isang aksidente." seryosong wika niya.



"S-sorry kung naitanong ko pa!" yumuko ako.



"Namatay sila sa aksidente noong papunta sana sila sa graduation ko. My father was driving our car that time, when they across the lane may bigla nalang bumunggo sa kanilang isang malaking truck. At nasa loob ng truck na 'yon ang parents ko na wala ng buhay. And it was raining that day. When I heard the news about my parents, hindi ko na itinuloy pa ang gradution ceremony ko at hindi na ako naka-speech bilang cumlaude. That's why you saw me crying earlier it because of the rain. Sa tuwing umuulan naalala ko ang parents ko." I heard his voice cracked. Na-guilty tuloy ako kung bakit ko pa naitanong sa kanya ang bagay na 'yan. Napainom nalang ako ng beer at inubos lahat.



"Sorry to hear that, Lucas!" niyakap ko siya at hinaplos-haplos ang kanyang likuran. Naramdaman kong may pumatak na luha niya sa balikat ko kaya hinarap ko siya ulit at pinunasan ito. 



Nagkakatitigan kami ng ilang minuto at hanggang sa unti-unti naming nilalapit ang aming mukha sa isa't-isa.



Isang maulan na gabing sumaya ang buong puso ko dahil sa isang lalaking kahit ngayon ko lang nakikilala ay tila ba naging kampante na ako sa kanya. Hindi ko alam kung bakit ito nangyayari pero alam kong ginusto ko ito. Ginustong kong makuha niya ang pagkababae ko!





Kinabukasan ay nagising nalang ako ng walang saplot sa 'king katawan at mag-isa nalang dito sa kama. Hinanap ng mata ko si Lucas ngunit hindi ko siya makita. Napangiti ako nang maalala ang nangyari sa 'min kagabi. Dahil mukha kaming mag-jowa na parang nananabik sa isa't-isa. Unti-unti akong tumayo upang kunin ang damit ko nasa sahig na pala nang may nahulog na isang papel. Kinuha ko ito at tinignan, may nakasulat sa papel na pangalan ko.




Kimmy, I'm sorry for what I did to you last night. It's, not my intention. I know you will be mad at me that's why I walked out earlier. I'm so sorry! I promise you will not see me again anymore.




Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa nabasa ko. Parang gumuho ang buong pagkatao ko. Ang lumabas kasi, ako lang 'yong may gusto sa nangyari. Hindi niya pala 'yon ginusto at nadala lang siya ng kalibugan. Tang-ina! 



Putek, Bri! Bakit ka nagpa-tempt?! May pa gusto-gusto ka pa sa nangyari pero ang ending hindi niya pala intensyon iyon?! At iniwan ka lang niya ng ganon-ganon?! 



Kaagad akong nagbihis habang umiiyak. Puking-ina, ang akala ko'y magkakaroon na ulit ako ng isang jowa na kasing gwapo at yaman niya, 'yon pala its just a prank! Sumakay kaagad ako ng taxi habang pinupunasan ang luha ko. Panigurado kapag nasa bahay na ako, hinding-hindi ako titigilan ni Jaidah kakatanong kung bakit ako umiiyak.




Pagsisihan mo 'tong ginawa mo sa 'kin, Lucas! Pareho lang kayo ni Marcus, mga hayop sa buhay ko!



"Saan ka natulog kagabi?" pagbukas ko ng pinto ay nasa living room na pala si Jaidah, nagkakape at mukhang hinihintay ako.




"Uhmm... K-kila Mama Fe a-ako n-natulog," hindi ako makasagot ng maayos, "pasok muna ako sa kwarto.



Bago ako nakapasok ng kwarto ay biglang humarang sa harapan ko si Jaidah. Minamasdan niya ako ng mabuti at mukhang hindi siya kumbinsido sa mga sinasabi ko.



"Magsinungaling ka lang sa iba, huwag sa akin. Kilalang-kilala na kita, Bri. Hindi ka natulog sa bahay nila Mama Fe kagabi. Magsabi ka nga ng totoo, asan ka kagabi?" nakasandal ang isa niyang kamay sa pintuan ng kwarto ko habang ang isang kamay niya ay nasa bewang.



"P-pumunta ako sa condo ni Lucas at, d-doon ako nagpalipas ng gabi," napayuko ako at nakapakamot nalang sa ulo.



"WTF, Brianna! Kakamoved-on mo lang kay Marcus, may bago kana agad?!" tinakpan ko kaagad ang bibig niya baka may makarinig pa sa kanya ang lakas pa naman ng boses.



"Maghunos-dili ka nga! Ang aga-aga para sumigaw ka!" inirapan ko siya tsaka tinanggal na ang kamay sa bibig niya.



"B-bakit ka nagpalipas ng gabi sa condo niya? Diba, pamangkin siya ng guest mong si Mr. Chua? Naku, Brianna! Baka malaman niya na natulog ka sa condo ng pamangkin niya at magalit 'yon sa 'yo. For sure, maghahanap na 'yon ng ibang babae o di kaya, babalik ulit siya kay Saya!" pagbabanta niya.



Inang 'to! May problema na nga ako, dinagdagan pa ng babaeng 'to!



"Teka, parang may hindi tama, eh! Brianna, sagotin mo ako ng totoo, may nangyari sainyo 'no?!" pumasok kami pareho sa kwarto ko. At tama nga ako, hindi niya 'ko titigilan kakatanong kapag may nakita siya sa 'king kakaiba. "Bri, kilalang-kilala kita! Ang lambot ng ilong mo pagdating sa mga lalaking kahit ngayon mo lang nakilala. Madali kang ma-fall, diba? Gaya ng sainyo ni Marcus?" pahabol na tanong niya.



Nakita niyang bigla akong napaiyak kaya nagulat siya. Hindi niya inaasahan na ganito ang magiging reaction ko sa mga tanong niya. Hindi ko na kasi mapigilan, eh! 



"Jai, akala ko pareho naming ginusto 'yong nangyari. Akala ko kakaiba siya kay Marcus kaya ako pumayag na may mangyari sa 'min pero.... Pero ako lang pala 'yong may gusto!" Lalo lang akong napaiyak, "Nagising nalang ako nang mabasa ang sulat niya, at ang sabi pa niya hindi niya intensyong mangyari 'yon kagabi. And he promised that I will not see him again anymore!" masyadong mabilis ang pag-agos ng mga luha sa mukha ko habang nagsasalita.




"Putek, Brianna! Akala mo naman first time ka pa sa ganyan. Hindi ka pa ba nadala kay Marcus, ha?! At talagang pumayag kang kunin niya ang pagkababae mo dahil akala mo magkaiba sila ng gagong ex mo?! Paano na 'yan, paano kapag nabuntis ka noong hayop na 'iyon?! Naku, sinasabi ko saiyo!!" mas naging stressed pa si Jaidah kesa sa 'kin.



Tama siya! Paano kapag magbunga ang ginawa namin kagabi? Pero feel ko naman ay hindi, eh! Hindi nga niya intensyon ang nangyari. Ngunit dahil sa sinabi ni Jaidah, alam kong mag-ooverthink na ako nito. Hindi ko alam anong gagawin ko kapag nangyari iyon. Panigurado masisira ang buhay ko. Lahat ng mga pinaghirapan ko ay mawawala. Lahat ng mga guest kong inaalagan ay mawawala sa 'kin at lilipat sa ibang babae. 



Hindi dapat! Kung mangyayari man 'yon ay handa kong gawin lahat wag lang mawala ang mga pinaghirapan ko!

Continue Reading

You'll Also Like

4.6M 293K 106
What will happen when an innocent girl gets trapped in the clutches of a devil mafia? This is the story of Rishabh and Anokhi. Anokhi's life is as...
927K 55.2K 49
๐ˆ๐ง ๐ญ๐ก๐ž ๐“๐š๐ง๐ ๐ฅ๐ž๐ ๐ฐ๐ž๐›๐ฌ ๐จ๐Ÿ ๐‡๐ž๐š๐ซ๐ญ๐ฌ, ๐š๐ง๐ ๐ฉ๐ฎ๐ซ๐ฌ๐ฎ๐ข๐ญ ๐จ๐Ÿ ๐“๐ซ๐ฎ๐ญ๐ก๐ฌ, ๐‹๐จ๐ฏ๐ž ๐ฐ๐ž๐š๐ฏ๐ž๐ฌ ๐ข๐ญ๐ฌ ๐ฆ๐ž๐ฌ๐ฆ๐ž๐ซ๐ข๐ณ๐ข๐ง๐  ๏ฟฝ...
284K 32.8K 82
#Book-2 of Hidden Marriage Series. ๐Ÿ”ฅโค๏ธ This book is the continuation/sequel of the first book "Hidden Marriage - Amazing Husband." If you guys have...
294K 17.2K 18
"แ€˜แ€ฑแ€ธแ€แ€ผแ€ถแ€€แ€œแ€ฌแ€•แ€ผแ€ฑแ€ฌแ€แ€šแ€บ แ€„แ€œแ€ปแ€พแ€„แ€บแ€œแ€พแ€ฏแ€•แ€บแ€žแ€ฝแ€ฌแ€ธแ€œแ€ญแ€ฏแ€ทแ€แ€ฒแ€ท.... แ€™แ€Ÿแ€ฏแ€แ€บแ€›แ€•แ€ซแ€˜แ€ฐแ€ธแ€—แ€ปแ€ฌ...... แ€€แ€ปแ€ฝแ€”แ€บแ€แ€ฑแ€ฌแ€บ แ€”แ€พแ€œแ€ฏแ€ถแ€ธแ€žแ€ฌแ€ธแ€€ แ€žแ€ฐแ€ทแ€”แ€ฌแ€™แ€Šแ€บแ€œแ€ฑแ€ธแ€€แ€ผแ€ฝแ€ฑแ€€แ€ปแ€แ€ฌแ€•แ€ซ.... แ€€แ€ปแ€ฝแ€”แ€บแ€แ€ฑแ€ฌแ€บแ€›แ€„แ€บแ€แ€ฏแ€”แ€บแ€žแ€ถแ€แ€ฝแ€ฑแ€€...