VENGEANCE

By HamawaXy

12.2K 442 4

What you do comes back to you. ___ Enraged by her sister's death, Aihna Di Fronzo enter the school full of ev... More

VENGEANCE
ONE : ABANDONED
TWO
THREE
FOUR
FIVE
SIX
SEVEN
EIGHT
NINE
TEN
ELEVEN
TWELVE
FOURTEEN
FIFTEEN
SIXTEEN
SEVENTEEN
EIGHTEEN
NINETEEN
TWENTY
TWENTY-ONE
TWENTY-TWO
TWENTY-THREE
TWENTY-FOUR
TWENTY-FIVE
TWENTY-SIX
TWENTY-SEVEN
TWENTY-EIGHT
TWENTY-NINE
THIRTY
THIRTY-ONE
THIRTY-TWO
THIRTY-THREE
THIRTY-FOUR
THIRTY-FIVE
THIRTY-SIX
THIRTY-SEVEN
THIRTY-EIGHT
THIRTY-NINE
FORTY
FORTY-ONE
FORTY-TWO
FORTY-THREE
FORTY-FOUR
FORTY-FIVE
FORTY-SIX
FORTY-SEVEN
FORTY-EIGHT
FORTY-NINE
FIFTY
FIFTY-ONE
FIFTY-TWO
FIFTY-THREE
FIFTY-FOUR
FIFTY-FIVE
FIFTY-SIX
FIFTY-SEVEN
FIFTY-EIGHT
FIFTY-NINE
SIXTY
SIXTY-ONE
SIXTY-TWO
SIXTY-THREE
SIXTY-FOUR
SIXTY-FIVE
SIXTY-SIX

THIRTEEN

180 10 0
By HamawaXy

Chapter 13
Aihna's Point Of View

Hindi lang ang ilaw ng tahanan, haligi at mga miyembro ng isang tahanan ang matatawag nating pamilya. Saklaw rin nito ang mga kamag-anak natin. Mga pinsan, tito at tita, ganoon rin ang mga lolo at Lola.

At kahit pa ilang taon na ang lumipas na hindi natin sila nakakasama ay hindi natin maitatanggi na sila ay ating pamilya.

At nakalatakot ang pakiramdam na mawawala na sila.

Hindi temporary, kundi permanente.

Habang-buhay.

"Anong ginagawa mo? Bakit hindi ka mapakali diyan sa upuan mo? Nag-aalala ka para sa akin ano?"

Itinigil ko ang ginagwa dahil sa kaba ng marinig ang boses ni Lola.

It is... the day!

Ito ang araw na naka-schedule siyang operahan.

Nakahiga na siya sa hospital bed at ano mang oras mula ngayon ay magsisimula na ang operasyon niya.

Kunot-noo kong iniiling ang ulo sa kaniya para sagutin ang katanungan niyang iyon.

"Hindi po a. Bakit naman ako mag-aalala? Napakarami mo na pong napagdaanan. Hindi cancer ang makakapatay sa iyo."

Hinawakan niya ang kamay ko at piniga iyon.

Kahit kaunti, nabawasan ang kabang nararamdaman ko.

"Ang sabi ng doctor ay walang dapat na ipag-alala dahil magiging successful ang operasyon. Ang mas dapat mong alalahanin ay kung anong gagawin mo ngayon? Pinatalsik ka na nila sa eskwelahan at inakusahan ng mga bagay na hindi mo naman ginawa."

Mapait akong napangiti.

Hindi na nalinis ang pangalan ko sa kaso ng pagnanakawsa school.

Kagaya ng sabi ni Liey, hindi basta papalagpasin ng Mama ni Reina ang nangyari. Kahit pa ilang ulit kong sabihin na hindi ako ang may gawa niyon.

Pinatalsik nila ako sa eskwelahan. Idagdag pa ang nangyaring sunog sa abandonadong building na pinuntahan namin ng gabing iyon.

Pero masaya ako kahit na ganoon dahil nang akuin ni Liey ang nangyari ay nakalabas ako at naalagaan si lola bago pa man siya isalang sa operasyon.

Hindi rin naman siya nagtagal sa loob ng kulungan ng matagal na panahon dahil sa hindi siya natiis ng Papa niya at tinulungang makalabas.

Iyon nga lang ay inilipat na siya ng eskwelahan bilang parusa.

Magmula niyon ay hindi na kami nagkita pa. Nakakapag-tawagan kami pero madalang iyon dahil mas hinihigpitan na siya ngayon ng mga magulang niya.

Mas matindi na ang pag-aaral niya ngayon at pagpupursigi dahil ang goal niya ay makaalis sa puder ng mga magulang niya at magtayo ng business na ikakasaya niya.

Ang tanging sabi ko lang ay handa akong sumuporta sa kahit na anong maisipan niya hangga't iyon ang ikakasiya niya. Pero hindi rin ako magddalawang isip na pigilan siya sakaling mapansin ko na mali na ang nagiging mga desisyon niya.

"Pag-usapan po natin iyan pagkatapos ng operasyon ninyo."

Sagot ko kay Lola.

"Hindi mo naman iniiisip na huminto na ng tuluyan hindi ba?"

"Wala ka po bang tiwala sa akin 'la?"

"Gumawa ka ng dahilan para pagkatiwalaan kita."

Napanguso ako sa sinabi niya.

"Kahit pa gusto ko ng mamatay, hindi ako pupwedeng mamatay dahil sa iyo."

"Kung ganoon... dapat pa akong gumawa ng kalokohan para mas humaba pa ang buhay ninyo."

Nakatanggap ako ng hampas sa braso matapos kong sabihin iyon.

"Puro ka kalokohan."

"Talaga? Edi hindi ka na mawawala niyan?"

Nagkatawanan kaming dalawa.

Sa kabila ng pangamba sa posibleng mangyari habang nasa loob siya ng operation room at ino-operhan ay nakaramdam ako ng saya.

Dahil buong buhay ko ay hindi ko naramdaman na mayroong nakakaintindi sa akin. Maliban sa kapatid kong matagal na akong walang balita dahil pati koneksyon naming dalawa ay naputol na.

Nag-iisa lang si Lola. Kaya mahal na mahal ko siya.

"Matatapos din kaagad ang operasyon ko. Kumain ka muna at lumanghap ng sariwang hangin sa labas."

"Huwag niyo na po akong alalahanin. Basta, magpagaling po kayo."

Tumango sa akin si Lola. Hindi ko maipaliwanag ang mas pagbigat ng dibdib ko sa mga oras na ito.

Pero kahit ganoon ay pinilit kong maging matatag para sa kaniya.

Kung siya nga ay positibong magiging ayos lang ang lahat. Dapat ganoon din ako.

"Huwag ka na ring mag-alala. Magagaling ang mga doctor sa hospital na ito kaya naman may tiwala akong magiging ayos ang kalalabasan ng operasyon."

Matapos niyang sabihin iyon ay nagsalita na ang nurse na magpapasok sa kaniya sa loob ng OR.

"Kailangan na naming pumasok."

Tiningnan ko siya at tinanguan.

Kumakaway rin kami sa isa't isa habang ipinapasok siya sa loob ng kwartong iyon.

Kitang-kita ko pa ang malawak na pag-ngiti niya dahil positibo siyang matatapos ng maayos ang operasyon sa kaniya.

Nang tuluyan na siyang mawala sa paningin ko ay nakaramdam ako ng gutom.

Nakalimutan kong hindi pa ako kumakain ng umagahan dahil sa sobrang panicked ako kanina noong papunta na kami ng hospital.

Pumunta ako sa isang convenience store na malapit lang sa hospital at nagpalipas n oras doon.

Ang sabi ni Lola ay aabutin raw ng mahigit apat na oras o higit pa ang operasyon sa kaniya.

Hindi ko rin alam kung bakit ganoon katagal pero iyon ang sabi niya.

Lumipas ang isang oras at naisipan kong bumalik na sa hospital. Hindi ako pupwedeng magtambay sa loob ng convenience store ng matagal kaya naman kinailangan ko ng bumalik.

Nang nasa tapat na ako ng pinto ay mabilis ang naging pagkilos ko para tumabi sa daan.

Mayroon kasing kararating lang napasyente na duguan at mukha pang estudyante.

"Sa ER tayo!"

Namamadaling sigaw ng lalaking doctor na nakapatong sa ibabaw ng studyanteng iyon na pilit niyang nire-revive.

Maraming nagkalat na dugo ang pumatak sa sahig ng hospital. Para bang ilang timba na ng dugo ang naubos sa katawan ng lalaking iyon.

"Narinig kong kamag-anak raw ng director ng hospital yung binata kanina."

"Talaga? Ipanalangin natin na makaligtas siya."

Hindi nakaligtas sa pandinig ko ang usapan ng mga nadaanan kong nurse habang pabalik sa OR. Nanatili akong naka-upo mag-isa sa upuang para sa mga kamag-anak ng mga pasyete at hindi mapigilang mag-isip.

Halos kasing edad ko lamang ang lalaking iyon. Sa sobrang dami ng dugong nawala sa kaniya... makakaligtas pa kaya siya?

Mabilis akong napatayo ng bumukas ang pinto ng OR.

Tapos na sila?

Iyon ang katanungan sa isipan ko ng makitang naglalabasan na ang mga doctor at ilang nurse sa loob niyon.

"Kamusta po ang Lola ko?"

Kaagad na tanong ko sa doctor na huminto sa harapan ko.

"Ginawa namin lahat ng makakaya namin pero hindi naging matagumpay ang operasyon."

Nagsimulang manginig ang mga tuhod ko.

Naiintindihan ko ang salitang iyon at kung ano ang ibig sabihin niyon pero...

"Ano pong.... ibig ninyong sabihin sa 'hindi matagumpay'?"

Pinilit kong maging kalmado kahit pa sa mga oras na ito ay pakiramdam ko, sasabog ang dibdib ko.

"Iyon na iyon hija. Hindi naging matagumpay ang operasyon. Dapat na ninyong pag-usapan ng mga magulang mo ang magiging burol ng Lola mo."

Iniiling ko sa kaniya ang ulo.

"Imposible.. baka po nagkakamali lang kayo. Yung Lola ko po... sinabi niyang magiging maayos ang kakalabasan ng operasyon. Kaya– kaya papaanong....."

"I'll speak to your parents."

Mukhang nagmamadali ang doctor na iyon pero hindi ko hinayaang makaalis siya kaagad.

"Bakit niyo pa po sila kailangan kung nandito naman ako?"

Pagtatanong ko sa kaniya.

"Ako ang pinakamalapit na tao sa kaniya. Bakit ang gusto ninyong maka-usap ay yung mga taong iyon na wala namang pakialam sa kung ano na ang buhay niya?"

"Because only adults have common sense."

Matapos na sabihin iyon ay mabilis siyang nawala sa paningin ko.

Hindi naman ako umalis sa pwesto ko at hinayaan ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan na umagos mula sa mga mata ko.

"Imposible ito."

Tiningnan ko ang pintuan ng OR na para bang hinihintay siyang lumabs doon.

Lola! Sabihin mong hindi ito totoo!

Bumagsak ako sa sahig at doon ipinagpatyloy ang pag-iyak.

"Ayaw ko po. Nangako kang lalabas ng ligtas! Lola!"

Ilang araw ang lumipas at hindi ko pa rin magawang matanggap ang nangyari.

Papaanong naging ganoon kabilis siyang kinuha sa akin?

Hindi man lang niya nakita na makapagtapos ako ng pag-aaral.

Habang nagliligpit ng mga gamit dahil plano ko na ang lumipat ng tirahan ay nakita ko ang isang sobre na nakalagay sa loob ng unan ni Lola.

Para sa pinaka-mamahal kong apo na si Aihna.

Binuksan ko ang envelope na iyon at tumambad sa akin ang papel na mayroong sulat-kamay ni Lola.

Isinulat ko ito para kung sakaling may mangyari sa akin ay masabi ko ang lahat sa iyo.

Nagsimulang pumatak an mga luha ko.

Sa loob ng ilang araw na pagdadalamhati sa kamatayan niya ay hindi ko inaakalang mayroon pang mga luhang papatak sa mga mata ko.

Pwedeng maging lantang gulay ako gaya ng iba... o kaya naman ay mamatay habang ino-operhan.

Ang sabi nila ang mga magulang ang unang humuhubog sa mga anak nila hanggang sa paglaki nila para maging handa sila sa ano man ang hamong ibibigay sa kanila ng mundo.

Hindi ko alam kung anong nangyari per siguro ay hindi ako naging mabuting ina sa mama mo at hindi siya napalaki ng maayos dahil sa ginawa niya sa iyo.

Tinanggalan ka niya ng karapatang makilala ang tunay na Papa mo. Baliw ang babaeng iyon. Mas pinili pa niya ang tambay na iyon kaysa sa tatay mong kay tino-tino?

Pero alam kong alam mo na kung sino ang totoong ama mo hindi ba? Huwag kang magsinungaling sa akin. Alam kong narinig mo kaming nag-uusap ng gabing iyon.

At alam ko na hindi ka pa handa para sa kaniya dahil ngayon lang kayo nagkakilala.

Pero apo, huwag na huwag mong sisisihin ang tatay mo sa nangyari noon. Desisyon ng Mama mo na iwan siya.

Huwag mong mamasamain ang sasabihin ni Lola pero kung hindi nangyari iyon ay hindi tayo magkakaroon ng pagkakataon na magkasama hindi ba?

Itiningil ko ang pagbabasa at sinalo ng kamay ang mukha dahil sa mas paglalim pa ng pag-iyak ko.

Nang mahimasmasan at luminaw muli ang mga mata ay doon ko lamang naisipan na ituloy ang pagbabasa ng letter na iniwan niya sa akin.

Hindi ko hinihiling na mangyari ito pero kung sakali mang mamatay ako, sumama ka na sa Papa mo. Mabuti siyang tao.

Iniwanan ko na rin sa pangalan mo ang savings ko na sana ay gamitin mo para sa pag-aaral mo at ilang mga gastusin.

Huwag mo iyong sasayangin sa pag-inom ng alak sa mga club tuwing gabi. Kilala kita! Huwag mong babalikan ang mga bisyo mo dati!

Muli akong huminto para punasan ang mga matang nagsisimula naamang manlabo dahil sa mga nagbabadyang luha.

Pero hindi ko mapigilan ang matawa.

Kasi kahit sa sulat ay ramdam ko ang kakulitan niya.

Bakit ko naman sasayangin ang pera ninyo? Isa pa, nangako po akong magiging mabuti ng tao. Hindi ko na... babalikan ang mga bisyong iyon.

"Wala ka talagang... tiwala sa akin Lola."

Nang maramamang maiiyak nanaman ako ay itiningala ko ang ulo.

Kaunting sentence nalang at matatapos na ako. Hinga pa, Aihna.

Ang mga taong pinaka-kinaiinggitan ko ay iyong mga nakapagtapos ng pag-aaral.

Alam mo naman na mahirap ang buhay noon hindi ba? Hindi mayaman ang pamilya natin kaya naman hindi nakapag-tapos ng pag-aaral ang Lola mo. Pero nakasungkit naman ako ng anak ng milyonaryo.

Natawa ako sa nabasa. Napaka... hindi talaga kapani-paniwalang may taong gaya niya.

Dito na nagtatapos ang sulat kong ito dahil sumasakit na ang likuran ko.

Mabuhay ka ng masaya Aihna, apo ko. Maging mapagkumaba ka at mabuti sa lahat ng oras. Pasensya ka na kung hindi na kita mapapagluto. Hindi mo na matitikman ang the best na luto ever.
Mahal kita apo.

Mula sa the best magluto mong Lola.

Hindi na ako tumigl sa pag-iyak matapos na mabasa iyon.

Hindi ko alam kung papaano ako magsisimula o kung makakapagsimula pa ba ako.

Nararamdaman ko ang malaking butas na nabuo sa puso ko dahil sa pagkawala ng Lola ko. Hindi ko alam kung makakayanan ko ba ito.

Bumukas ang pinto ng bahay at bumungad ang mga taong kahit kailan ay hindi ko hiniling na makita sa araw na ito.

"Ngayon lang ninyo naisipang bumisita? Kung kailan nailibing na ang Lola ko?"

Hindi ko mapigilan ang magalit dahil ako lang ang kasama niya hanggang dulo.

At ang mga taong ito ay tumanggap ng pera mula sa hospital na para daw sa pakikiramay nila sa namatay kong Lola.

Nakakatawa nga. Dahil kung iisipin mo, para bang.... may ginawa silang mali sa operasyon niya.

"Parang sakit ang kamalasang dala mo Aihna. Pati ang lola mo ay nahawa sa iyo."

Ang nagsalitang iyon ay ang babaeng ipinalit ni Papa–hindi. Anong itatawag ko sa lalaking ito? Walang-hiya? Makapal ang mukha? Walag konsensya? Demonyo?

Wala. Hindi ko kailangan ng itatawag sa kaniya dahil kahit kailan ay hindi na rin naman siya magiging parte ng buhay ko.

Pero nakakapagtaka na hindi nila kasama si Uhna.

Siguro ay dahil may pasok siya?

"May hinahanap ka?"

Tanong ng babaeng bruha.

"Yung kapatid ko? Bakit hindi ninyo kasama?"

Naging matalim ang paningin niya sa akin at mabilis akong nilapitan at hinablot ang buhok ko.

"Yung kapitid ko? Wala kang karapatan! Dahil sa iyo–"

"Tama na iyan! Tumigil ka."

Pagpapatigil ng lalaking iyon sa babae niya.

Hindi ko alam kung ano ang nangyayari pero galit na galit siya sa akin.

"Ano bang problema mo?"

Hindi ko napigilan ang pagtaasan siya ng boses.

Pumunta siya rito at sasaktan ako? Sinong nagsabing hahayaan kong gawin niya iyon sa akin?

"Ikaw! Pati ang kapatid mo ay hinawaan mo ng kamalasang dala mo!"

Naguguluhan ko siyang tiningnan. Pilit siyang inaawat ng lalaki niya para hindi makalapit sa akin at hindi ako masaktan.

Kahit pa makalapit siya sa akin ay hindi ko siya hahayaan na gawin iyon.

"Ano bang sinasabi mo? Ano nanamang kamalasan ang hinatid ko sa pamilya ninyo?"

Ilang buwan na rin ang lumipas magmula ng marinig ko ang mga salitang iyon.

Malas.

Naging pangalawang pangalan ko na ang salitang iyon sa bahay. Pero hindi dito.

"Dahil sa iyo, nasa hospital ngayon ang anak ko."

Nagsimula siyang humagulgol. Yakap-yakap siya ng lalaking kasama niya at pilit na pinapakalma.

Habang ako naman ay nanatiling tuliro at hindi maiproseso sa isipan ang mga sinabi niya.

Nasa... hospital si Uhna?

"Kung hindi mo hinawaan ng kamalasan ang anak ko ay hindi mangyayari ito. Kasalanan mo! Dahil malas ka sa buhay ng mga taong napapalapit sa iyo!"

Naramdaman ko ang pagkabog ng dibdib.

Kasalanan..... ko?

"Magmula sa mama mo."

May kung anong parte sa pagkatao ko ang na-trigger ng marinig ang mga salitang iyon.

Nagsimulang manginig ang buo kong katawan at hindi ako makahinga.

"Ang kamatayan ng Lola mo."

Nagsimula siyang tumayo at matalim ang mga matang nakipagpalitan ng tingin sa akin.

"Ngayon, pati ang kapatid mo."

Mabilis siyang nakalapit muli sa akin at mahigpit na hinawakan ang kwelyo ng suot ko.

"Tandaan mo. Oras na magaya sa mga taong iyon ang anak ko, hinding hindi ko na pipigilan ang sarili kong tapusin ang buhay mo."

Malakas niya akong itinulak palayo sa kaniya kaya naman bumagsak sa sahig ang buong katawan ko.

Sobrang bigat ng paghinga ko.

Nanlalabo ang mga mata ko, ganoon din ang pandinig ko.

Nakikita ko silang umalis pero sobrang labo ng kapaligiran ko.

Anong nangyayari?

Mamamatay..... na rin ba ako?

Continue Reading

You'll Also Like

82.6M 2.4M 73
Erityian Tribes Series, Book #1 || Not your ordinary detective story.
19.3K 592 53
BOOK 1: OCCOII UNIVERSITY: Lupon ng mga estudyanteng hipon The Lady in the Chronicles Biktima si Minikki ng bullying sa school. It was because of...
29.9M 990K 68
Erityian Tribes Series, Book #2 || A story of forbidden love and friendship, betrayals and sacrifices.
786K 40.1K 57
[UNEDITED] Night Blood University is a place where death is nothing but a next deadly adventure. The Earth's own version of hell. Can you stay alive...