VENGEANCE

By HamawaXy

12.2K 442 4

What you do comes back to you. ___ Enraged by her sister's death, Aihna Di Fronzo enter the school full of ev... More

VENGEANCE
ONE : ABANDONED
TWO
THREE
FOUR
FIVE
SIX
SEVEN
EIGHT
NINE
ELEVEN
TWELVE
THIRTEEN
FOURTEEN
FIFTEEN
SIXTEEN
SEVENTEEN
EIGHTEEN
NINETEEN
TWENTY
TWENTY-ONE
TWENTY-TWO
TWENTY-THREE
TWENTY-FOUR
TWENTY-FIVE
TWENTY-SIX
TWENTY-SEVEN
TWENTY-EIGHT
TWENTY-NINE
THIRTY
THIRTY-ONE
THIRTY-TWO
THIRTY-THREE
THIRTY-FOUR
THIRTY-FIVE
THIRTY-SIX
THIRTY-SEVEN
THIRTY-EIGHT
THIRTY-NINE
FORTY
FORTY-ONE
FORTY-TWO
FORTY-THREE
FORTY-FOUR
FORTY-FIVE
FORTY-SIX
FORTY-SEVEN
FORTY-EIGHT
FORTY-NINE
FIFTY
FIFTY-ONE
FIFTY-TWO
FIFTY-THREE
FIFTY-FOUR
FIFTY-FIVE
FIFTY-SIX
FIFTY-SEVEN
FIFTY-EIGHT
FIFTY-NINE
SIXTY
SIXTY-ONE
SIXTY-TWO
SIXTY-THREE
SIXTY-FOUR
SIXTY-FIVE
SIXTY-SIX

TEN

219 8 0
By HamawaXy

Chapter 10
Aihna's Point Of View

Hindi ko alam kung bakit ako ang napagtitripan ng kamalasan.

Wala akong ginagawang masama pero nasa akin ang bintang matapos ng nangyaring pagkawala ng mamahaling bracelet ng kaklase kong si Rain.

"Paniguradong hindi niya palalagpasin ito. Papaano kung patalsikin ka nga niya sa school?"

Nag-aalalang sabi ni Liey habang nakapatong ang ulo sa balikat ko at ang mga kamay ay nakapalipot sa braso ko.

"Huwag kang mag-alala. Sinabi ko na sa iyo, hindi ako ang may gawa. Wala akong kasalanan."

"What is this? You'reso annoying."

Tiningnan ko ang babaeng iyon na nakatayo ngayon sa harapan ko. Iritadong-iritado ang mukha niya habang nakatingin sa akin.

"You shouldn't get us involved. What you did is affecting even us."

Alam kong ang tinutukoy niya ay yung pagnanakaw ko ng bracelet ni Rain. Dahil kasi doon ay ch-in-eck  ng mga teachers ang gamit ng lahat para mahanap iyon at nakita iyong nasa bag ko kahit pa hindi naman ako ang naglagay niyon doon.

"Hindi ko iyon kasalanan."

Walang ganang sagot ko sa kaniya.

Nakakawala naman kasi ng enerhiya. Bakit nangyayari sa akin ito?

"Hoy. Sawa ka na ba sa buhay?"

Puno ng galit ang boses niya habang matalim na nakatingin sa akin.

Hindi naman ako nagpatalo at nanatiling diretso ang tingin sa mga mata niya.

"Kapag mayroon kang ginawang kasalanan. Dapat mo iyong aminin. Hindi yung itinatanggi mo pa e nahuli ka na nga."

Dinuduro niya ang noo ko habang sinasabi iyon.

Nanatili akong walang emosyon habang ang katabi ko naman ay napatayo na sa galit.

"Hoy. Sinabi na niyang hindi siya! Malay ba natin kung finrame up lang siya!"

Si Liey ang sumigaw.

Sa kaniya na ngayon napunta ang matatalim na mga mata ng babaeg iyon.

"You can't deny it Liey. Your friend is someone who takes the things of others and deny that it was her."

Nginisian niya ako bago ipinagpatuloy ang sinasabi.

"Ipinagpalit mo si Acelle sa ganiyang klase ng babae?"

"Sinabi ng hindi ako e!"

Hindi ko napigilan ang mapasigaw.

Someone framed me. Kung sino man iyon, wala akong ideya. Siguro ay isa sa mga taong mayroong galit sa akin ngayon?

Napunta sa kinauupuan ni Acelle ang mga mata ko.

Wala siyang pakialam sa nngyayari sa paligid niya.

Paano niya nagagawang mag-aral sa mga oras na ito?

Malalim ang naging paghinga ko bago muling ibinalik ang tingin sa kaibigan ni Primrose na hindi makapaniwala sa naging pagsigaw ko.

"Don't test my temper. Sinabi ko ng hindi ako. At sino man sa klase na ito ang nag-frame sa akin sa pagnanakaw n ito, sana hindi ka patahimikin ng konsensya mo."

Matapos na sabihin iyon ay lumabas na ako ng classroom.

Hindi ko kakayanin pa ang magtagal sa kwartong iyon.

"Aihna! Pinagsususetsahan mo ring siya iyon hindi ba?"

Pagtatanong ni Liey matapos na makahabol sa akin.

Ayaw kong i-entertain kanina pa ang isiping siya ang gumawa niyon dahil hindi ko lubos maisip na aabot sa ganito.

"Isa lang ang paraan para malaman. Kausapin natin siya."

Nilingon ko si Liey dahil sa tono ng pananalita niya ay para bang siguradong sigurado siya na mapapapayag si Acelle na kausapin ako.

Pero kung magagawa niya nga iyon. Hindi ako magsasayang ng oras at maghintay na mayroong darating na himala.

Hindi ko inaasahan na magiging mabilis lang ang pag-uusap namin sa disciplinary office. Naroon ang kapatid ni Papa na una kong nakita noong nasa prisinto ako at nasangkot sa away laban kila Primrose.

Ipinaglaban niyang wala pang sapat na ebidensya na ako nga ang kumuha niyon dahil mayroon akong alibi at kahit kailan ay hindi ako lumapit sa upuan ni Rain.

Pag-uusapan pa raw nila kung ano ang gagawin kaya pinaalis na rin ako kaagad. Pero bago pa man makalabas ng eskwelahan ay nakita kong naghihintay sa harapan ng gate ang pamilyar na lalaking nakasandal sa kaniyang kotse.

Nang magtama ang mga mata namin ay kaagad na nagbago ang tindig niya na para bang ako ang hinihintay niya kanina pa.

Pero bakit siya nandito? Nangako ang lalaking iyon na hindi sasabihin ang sinabi ko sa kaniya kanina.

"Naalala mo ako? Nagkakilala tayo noon sa prisinto."

"Hindi naman po tayo nag-usap. Kaya papaanong magiging magkakilala tayo?"

Kaagad na sagot ko sa lalaking guro na mayroon daw gustong sabihin sa akin.

Natahimik siya saglit bago muling nagsalita.

"Tungkol sa insidenteng ito... gagawin ko ang lahat para matulungan ka—"

"Gagawin niyo rin po ba ang lahat sakaling ibang eatudyante ang nasa posisyon ko ngayon?"

Mukha siyang nagulat sa sinabi ko. Pero wala akong oras makipag-plastikan sa mga matatanda. Naiirita ako.

"Anong ibig mong–"

"Hindi mo ba ginagawa ito dahil anak ako ng kapatid mo?"

Naghalo ang mga emosyon sa mukha niya. Malaki ang pagkagulat doon pero may halo iyong saya at pagtataka.

Pero bago pa man siya muling makapagsalita ay inunahan ko na ng paliwanag.

"Alam ko ng siya ang Papa ko. Pero hindi mo iyon pupwedeng sabihin sa kaniya dahil naiilang pa ako."

Tuma-tangong ngumiti siya sa akin.

"Hindi ko inaasahan na makukuha mo ang parehong ugali nila. Nakakakilabot."

Gustuhin ko pa mang magtanong tungkol sa mga magulang ko ay hindi ko na ginawa pa. Kahit pa nangangati na ang utak kong malaman kung anong klaseng mga tao ba ang mga magulang ko para magkaroon sila ng anak na gaya ko.

Anong klaseng tao ba ang Papa ko? Maliban sa trabaho niya, ano pa nga ba ang alam ko tungkol sa kaniya?

"Love comes from the brain not the heart."

Walang sabi-sabing pumasok ang isiping iyon sa ulo ko.

Astig na tao? Matalino. Pero bakit nagawang iwan ang Mama ko?

"Doctor?"

Maang-maangang tanong ko ng makalapit sa kaniya.

Nginitian niya ako at kinawayan.

"Dito ka pala nag-aaral?"

Itinango ko ang ulo. Hindi ba niya napansin noong sumama ako sa hospital ng nakasuot ng uniporme noon?

O baka gaya ko ay nagmamaang-maangan lang din siya?

"Wow. Dito rin nagtuturo ang kapatid ko kaya ako nandito."

Itinango ko ulit ang ulo na para bang sumasang-ayon ako sa kaniya.

"Talaga po? Sino? Baka po nagkakilala na aming dalawa."

Mas natural pa ako sa natural. Sanay na sanay ako sa pagsisinungaling.

"Si Teacher Alison. Nagtuturo siya sa grade eleven pero siguro ay hindi pa kayo nagkakakilala."

Nagkakamali po kayo. Dalawang beses na nga po kaming nagkita.

Tumango-tango lang ulit ako.

Kung umakto ako ngayon ay para bang masunurin at mabait akong bata.

Pero dapat na akong umalis. Mayroon pa akong kailangang gawin ngayong gabi.

"Kailangan ko na pong umalis. Kung wala na po kayong sasabihin sa akin, mauna na po ako."

Ikinaway ko ang kamay sa kaniya. Umaaktong natural at masiyahing bata kahit pa napakabigat ng pakiramdam ko ngayon.

Dahil kung si Acelle talaga ang naglagay niyon sa bag ko... hindi ko alam kung ano ang mangyayari.

"Sige. Mag-ingat ka sa pag-uwi."

Hindi ko inaasahan ang ginawa niya.

Ipinatong niya ang mga palad sa ulo ko at hinaplos ang buhok ko.

Ilang segundong nahinto ang pagpatak ng oras sa isipan ko matapos niyon. At nang tingalain ko siya ay kaagad na sumalubong sa akin ang mga ngiti sa labi niya na napalitan din ng pagkagulat sa ginawa niya.

"Ah– pasensya na. Nailang ka ba?"

Walang reaksyon ang mga mata ko nang using sa kaniya. Kahit pa kanina ay nagulat talaga ako nang maramdaman ang palad niya sa ulo ko.

Habang naglalakad din pauwi ay hindi ko maiwasang isiin ang nangyari kanina.

"Naiwan ang init ng palad niya sa ulo ko."

Pagkausap ko sa sarili habang hawak ang ulo.

Nang lumalim na ang gabi, suot ang jacket at pants ko ay pinuntahan ko ang lugar na sinasabi ni Liey. Sa isang abandonadong building, doon daw kami magkita.

"You didn't tell me we're going to meet Aihna."

Malamig ang boses ni Acelle. Para bang ayaw niya akong makita ngayon.

"Acelle,  huwag ka munang mag-isip ng kung ano ano. Gusto ka lang niyang kausapin. Talking might help us work things out. Right, Aihna?"

Itinango ko ang ulo sa kaniya.

"What are we supposed to discuss in this dump?"

Hindi naman ganoon ka-pangit ang lugar. Para itong isang hide out na pinaglalaruan noon ng mga bata. Siguro ay ginagamit pa nga ito hanggang noong nakaraan dahil hindi parin naiaalis ang mga led lights na nakadisenyo dito.

"Masyadong mapamig dito hindi ba? Mag-usap muna kayo habang nagsisiga ako."

Naamoy ko ang gasolina na ginamit ni Liey sa pagsisiga niya. Maya-maya rin nga ay nabawasan na ang lamig sa paligid.

"Hindi ikaw ang gumawa niyon hindi ba?"

Ako na ang naunang magsalita dahil mulhang wala naman siyang balak na kausapin ako.

"Papaano mo naman nasabing ako iyon? Isa pa, talaga bang napagbintangan ka lang o ikaw talaga ang gumawa?"

Walang mababakas na emosyon sa mga mata niya. Hindi ako sanay. Nakikita ko ngayon ang Acelle noon bago ko pa man siya maging kaibigan.

"Ikaw lang... ang pwedeng gumawa niyon. You hate me.. right?"

"Hah... right. I hate you. So what if I did?"

"Does that..... make you feel better?"

Hindi siya sumasagot at nanatili lang na nakatingin sa akin.

"Hindi mo ba naisip ang mangyayari sa akin? Ang akala ko ay misunderstanding lang yung nangyari noong gabing iyon. Pero bakit parang... hindi tayo naging magkaibigan sa ginagawa mo?"

"Say whatever you want. I can't take it back. Ano nalang ang magiging hitsura ko kapag sinabi kong ako ang naglagay niyon sa bag mo?"

"Acelle naman...."

Puno ng pagmamakaawa ang boses ko.

Sa buong buhay ko, hindi ko pa ginawa ito. Kahit noong iwanan ako ni Papa sa kalsada sa harapan ng bahay ni Lola noon, hindi ako nagmakaawang balikan niya ako at patawarin.

Hndi ako nagmakaawang ayusin namin ano man ang problema.

Peeo ngayon... hindi ko lang ito ginagawa para sa sarili ko. Para rin sa kaibigan ko. Pati narin sa lola ko na ang tanging gusto ay makitang makapaģtapos ako.

"Kung hindi ito maayos ay posibleng patalsikin nila ako sa eskwelahan. Hindi mo ba ako tutulungan?"

"I've had enough helping you. You just use me to achieve your goal."

"That's funny."

Komento ni Liey habang papalapit sa pwesto namin.

"Wala kang tiwala at respeto sa mga kaibigan mo. Kahit kailan din ay hindi mo ako tinrato na kapantay mo."

"Pa-Paano mo nasasabi iyan sa akin Liey?"

Nabasag ang boses niya ng sabihin iyon. Para bang ilang segundo mula ngayon ay bubuhos ang mga luha niya.

"Kung hindi kita pinagkakatiwalaan, sana hindi ak sumama sa iyo dito."

"You only think of me as someone that makes you look good. Kasi nga hindi ako magaling. Kaya sa tuwing magkasama tayo ay palagi kang napupuri ng iba."

Gaya ni Acelle, hindi rin ako makapaniwala sa naririnig ngayon mula sa bibig ni Liey.

Ang akala ko ay maayos ang reasyon nilang dalawa dahil nasabi niya sa akin na matagal na silng magkaibigan na dalawa. Pero hindi ko inaasahang mayroon din siyang sama ng loob kay Acelle.

Matalim ang mga mata ni Acelle ng tumingin siya s akin.

"Kasalanan mo ang lahat ng ito. Hindi naman siya ganiyan noon."

Itinulak niya ang balikat ko kaya naman napa-atras ako.

Hinayaan ko siyang gawin iyon ng isang beses pero ng ikalawa na ay pinigilan ko ang kamay niya at nakipagtulakan hanggang sa bumagsak ako paupo sa sahig.

"Ayos ka lang?"

Kaagad n tanong ni Liey na kinatango ko.

Masama ang naging palitan namin ng mga tingin ni Acelle matapos niya kong itulak pabagsak sa sahig.

Ayaw kong gawin ito pero kung magmamtigas pa siya at hindi babawiin ang ginawa niya sa akin ay hindi ako magdadalawang-isip na ituloy ang binabalak ko.

"Hoy. Ang akala mo b ay hindi kita kayang saktan dahil mayroon akong utang na loob sa iyo?"

"Talaga? Bakit hindi mo ako saktan ngayon? Hindi mo naman kailangang itago ang tunay na ikaw diyan."

Itinulak niya ako ulit gamit ang hintuturo.

"Do what you're used to. Beating people up and acting like a gangster on the streets."

Sa muling pagtulak niya sa akin any hinuli ko ang kamay nito at itinulak din siya papalayo.

Pero hindi ko inaasahang sa pagbagsak niya ay tatama ang ulo niya sa matigas na bagay at mawawalan siya ng malay.

"Acelle!"

Pagsigaw ni Liey ng makta siyang walang malay sa sahig.

Pero imbis na sa walang malay na katawan ni Liey napunta ang parehong atensyon namin sa apoy na kumalat na hanggang sa mga dingding na mayroong mga kurtina.

"Ano ng gagawin natin?"

Nagpapanick na tanong ni Liey habang pilit na inaapula ang mas lumalaki pang apoy.

"Kailangan nating humingi ng tulong!"

Sabi pa niya.

Walang tubig o kahit na anong bagay ang nandito. Hindi namin maapula ang malaking sunog ng kami lang.

"Umalis na tayo dito."

Pang-aaya ko sa kaiya.

"Si Acelle."

Nilapitan niya ang walang malay na katawan ni Acelle. Habang nanatili naman akong nakatayo lang at pinagmamasdan sila.

Wala along pakialam sa mas lumalaki ng apoy. Walang ibang pumapasok sa isipan ko ngayon maliban sa... pagkadismaya sa sarili ko.

"Acelle gising. Kailangan nating umalis dito! Gumising ka na!"

"Acelle! Kailangan mo ng gumising! Masusunog tayo kung hindi tayo makakaalis kaagad!"

Nang mapagod kaka-alog sa katawan ni acelle ay sa akin naman tinuon ni Liey ang paningin.

"Aihna, ayaw niyang magising. Ano ng gagawin natin?"

"Acelle. Gising na please!"

Guilt

And despair.

I promised I will live a different life.

I thought I could.

But failed to realize what situation I am in...

... was still the same.

People, can never change even if they want to.

Its not that easy.

How funny.

Continue Reading

You'll Also Like

1.2K 376 108
There are 7.98 billion people in the world, 108.77 people in the Philippines, and two fated soulmates. Welcome to Claveria National University! The p...
17K 746 17
Eighteen-year old, Maxine Drew is in search for the real reason why her dad died eight years ago. As she begins her journey, she bumps into Seth, a g...
24.8M 1.1M 123
The third and final volume of Project LOKI. Join Lorelei, Loki, Jamie, and Alistair as they bring down Moriarty's organization. Looking for VOLUME1...
533K 23.4K 91
Khali Vernon took the risk and came back to Tenebrés City, will she come back as the infamous Shadow of the Gangster Society, too? The society ruled...