My Personal Yaya

By Eibhline

10.5K 953 65

May isang babaeng nag ngangalang Alisha Vargas, o mas kilala bilang Ali. Isang simpleng babae na ang hangad l... More

SYNOPSIS
PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50

EPILOGUE

241 10 5
By Eibhline

EPILOGUE

“Ugh! Your friends is so noisy, Alisha,” pagalit at iritado na ang tono ni Cheska.

Kanina pa itong si Cheska sa’kin nagrereklamo. Buong byahe yata panay ang reklamo niya sa ingay na gawa ng mga kaibigan ko. And the funny thing is, ang lintanya niya sa pagrereklamo ay ang naging musika ko. Hindi kasi niya ako pinayagan na magsuot ng earphones manlang, kahit anong tangka ko.

Tumawa nalang ako sa kanya at nagkibit balikat na lamang.

Matalim ang kanyang mata ng ipinukol ito sa’kin. Pero kalaunan, ay nawala rin ito at napalitan ng excitement ang kanyang mga mata. Gano’n din ang aking dalawang kaibigan na kanilang lang ay maingay na nag-aasar, pero ngayon ay natahimik at awang ang mga labi at manghang sabay na tiningnan ang tanawin sa kanilang harapan.

“Let’s go, Alisha!” excited na hinila ni Cheska ang aking kamay. “I want to change my clothes, now.”

Tinawag ko ang dalawa. Si Robin at si Max na nakatingin parin sa ganda ng natawin sa kanilang harap.

“C’mon, I already reserve three suite for us!”

“Teka lang, Ches, antayin muna natin sila…” pigil ko sa kanya.

“Parating na rin ‘yun. Oh! Nandiyan na sila. C’mon!”

Pagkarating sa suite, napangiwi ako sa sobrang lawak at laki non. Ang dingding na glass wall ay nakaharap sa view ng dagat. Tingin ko ay hindi parin ako masasanay sa ganitong kinalakihan ni Cheska, kahit na medyo matagal na kaming magkasama.

Narinig ko siyang nagpasalamat sa staff na tumulong sa’min magbuhat ng mga gamit namin.

“Ang laki naman nitong kinuha mo, Ches. Tatlo pa,”

Inirapan niya ako. “Sa’tin itong isa. ‘yun isa kay Robin… at ‘yung isa…”

“Kay Robin ang isa? Pwede naman siya dito nalang, Ches. Apat naman ang rooms dito. Gumastos kapa…”

“Ewan ko sa’yo, Ali.” Iniwan niya kami roon at pumasok na sa kanyang silid para makapagbihis na.

“’Yang half-sister mo, hindi ko gusto,” lumapit sa’kin si Max.

“Hindi ka rin naman niya gusto,” si Robin, pagkatapos ay lumabas roon para makalipat sa sarili niyang suite.

“Hmp!”

Sabay-sabay na kaming lumabas, nag-aantay na sa’min si Robin sa labas. Ang dalawa ay nakapagpalit na at naka pang swimwear attire na. Cheska ay nakasuot ng black string bikini habang si Max ay red string bikini naman. Nagpapatalbugan pa yata ang dalawang ito, eh, parang may namumuo pa yatang kompetisyon sa dalawa ito.

Ako ay naka-yellow string bikini rin na napagkaisahan pa ng dalawa na pilitin akong magsuot rin. Pinatungan ko nalang iyon ng floral printed dress habang ang dalawa ay walang-hiyang ibinalanra ang kanilang suot. Robin on the other hand, ay nakasuot lang ng isang simpleng printed shirts na bukas ang tatlong butones sa taas, tama lang para masilayan ang kanyang katawan at beach short.

“Mauna na kayo, titingnan ko lang sila…” sabi ko nang matapat kami sa kanilang silid.

“They’re fine, Alisha. Don’t worry too much on them. Sige ka…”

Nginitian ko lang siya. At sinabing mauna na at susunod nalang ako.

Pinagbukasan ako ng isang bodyguard na nagbabantay sa labas ng pintuan. Malapad agad ang ngiti ko ng makapasok ako sa loob, narinig ko agad ang pagsara ng pintuan sa likod ko. Katulad ng sa suite namin, malaki rin ito.

“Selya, si Mama at Papa?” sabi ko sa naabutan kung nag-aayos ng gamit nila, kasama ang isa pang katulong.

“Nasa bawat kwarto na po nila,” nakangiti niyang sabi.

Tumango ako at nagtungo sa kanilang silid. Una kung pinuntahan ay ang kwarto ni Mama. Kinumusta ko siya sa kanyang nurse kung okay lang siya at nang sinabi namang okay siya ay tinawanan lang ako ni Mama sa pag-aalala ko sa kanya. Sinimangutan ko siya. Ganoon din ang ginawa ko nang magtungo naman ako sa silid ni Papa.

Looking back, kung saan naka-received ako ng tawag kay Cheska at sinabing isinugod si Mama at Papa sa ospital, almost two years ago. Yes, halos dalawang taon na ang lumipas. At sa mga taong iyon, wala kaming ibang lugar na pinuntahan, kundi ang hospital lamang.

Matapos maisugod si Mama sa ospital, at pinaliwanag ni Cheska kung anong nangyari sa doktor, na matapos daw ni mama’ng umubo ng magkakasunod ay paunti-unti hanggang sa sumuka na nga ito ng dugo, ay agad itong inaksyonan ng mga doktor. Samantalang, ang paliwanag naman ni Cheska kay Papa, ay tumawag daw ang secretary nito sa kanya at sinabi na aabutan daw nito na nakahandusay si Papa sa sahig at ang bandang ulunan nito ay puro dugo.

Sobrang guilty ako ng mga panahong iyon. Habang nagpapaliwanag ang secretary ni Papa sa mga pulis para sa kanilang imbestigasyon, ay narinig kung ako ang una nitong tinawagan pero hindi ko nasagot ang tawag. Ang sabi niya ay ilang minuto matapos ang meeting sa conference room, ay magpapaalam na nasa niya kay Papa na uuwi na siya dahil tapos na ang oras ng trabaho niya sa araw na iyon, nang pagbukas niya daw ng pinto ay ayun ang inabutan niya.

Pero sabi niya rin sa mga pulis, na napapansin niya na habang nasa meeting sila na parang hindi maganda ang pakiramdam ni Papa. Hindi ito mapakali at parang may dinaramdam ito sa kanyang katawan, partikular na sa kanang tagiliran nito. Madalas daw niya iyon mapansin noong mga nakaraan araw, ang madalas nitong paghimas roon.

Nang i-review nga ng mga pulis, tulad ng sabi nang sekretaya ni Papa, ay nakita nga namin ang madalas nitong paghimas sa kanyang tagiliran. At pagkapasok niya sa kanyang opisina ay nakita naming mariin na ang hawak niya sa kanyang tagiliran na para bang may masakit na iniinda siya roon. Dahan-dahan siyang naglakad patungo sa kanyang lamesa habang unti-unting tumatagaktak na ang kanyang pawis. At nang ilang dipa nalang siya sa kanyang lamesa, ay tahimik siyang walang boses na sumigaw.

Kitang-kita ng dalawang mga mata namin si Cheska kung paano siya kumapit sa kanyang lamesa para kumuha ng lakas roon. Nang walang ano-ano’y bigla nalang siyang bumagsak sa sahig at tumama ang kanyang ulo sa matulis na dulo ng kanyang lamesa. Hindi pa natapos ang lahat doon, nang nasagi pa ng kanyang kamay ang isang maliit na vase at nahulog iyon sa kanya, diretso sa pagtama sa kanyang ulo.

Hindi ko alam ang gagawin ko ng mga panahong iyon. Sobrang lugmok na lugmok ako sa pag-aalala sa dalawang taong sobrang mahalaga sa’kin. Lalo pa ng nalaman ko sa doktor, na tumingin kay Mama, na kailangan ulit itong operahan at sinabi niya ring maghanap kami ng magiging heart donor nito. Dahil hindi lang pala ito basta pagtanggal ng tubig sa puso ni Mama. Kundi, kailangan niya narin palang sumailalim sa heart transplant dahil sa nakita nilang komplikasyon sa puso nito.

Lalo pang gumuho ang mundo ko ng malaman rin namin, na kailangan ring sumailalim ni Papa sa operasyon. Akala ko simpleng pagkakabagok lang sa ulo niya ang nangyari, pero hindi. Dahil ang sabi sa amin ng doktor ay kailangang daw tanggalin ang isang kidney ni Papa na may cancer bago pa ito kumalat at sumalo sa isa. At hindi lang ito basta cancer dahil malala na rin ito, stage 3. Kung kinakailangan daw ay mag peperform din sila ng kidney transplant kay Papa.

Lumipad kami, patungong America, nang buwan ring iyon. Pagkarating doon, hospital agad ang tinungo namin. Saktong ang isang pasyente nila roong kamamatay lang, ay nag-offer ang kanilang pamilya sa’min na ibigay nalang ang puso at kidney ng kanilang anak. Laking pasasalamat namin iyon ni Cheska, lalo pa ng malaman namin na Filipino rin ang mag-anak.

Buti nalang at tugma pa iyon sa hinahanap namin ni Cheska at wala naman iyong komplikasyon. Kaya agaran at naging mabilis rin ang operasyon kayla Mama at Papa.

Naging abala kaming dalawa ni Cheska sa pag-aalaga sa dalawang matanda. Siya kay Papa at ako naman kay Mama and vice versa. Halos pareho kaming walang tulog ng mga naunang nakalipas na buwan doon. Doon na rin muna kami pinag-stay, sa bahay ng malapit na kaibigan ng Mama ni Cheska, habang nagpapagaling pa sila, na ninang niya pala.

Byuda na ito at wala itong kasama roon kundi ang mga katulong niya lang. Kaya sa loob ng halos dalawang taon ay sa kanya kami tumuloy. At magtatatlong linggo palang magbuhat nang kami’y muling makabalik dito.

“Alisha!” kumaway sa’kin si Max ng mamataan niya akong palapit sa kanila.

Tumango ako sa kanya.

Pinalibot ko ang paningin sa paligid. We were here in Boracay, as promised to my friend, Max. Marami-rami rin ang naliligo sa dagat. Siguro sinusulit rin nila ang panghapong sikat ng araw na hindi masakit sa balat kung matamaan ka man nito.

Habang katawagan ko si Max at sinasabi ko ang plano namin, narinig ito ni Cheska at bahagya pang nagtampo sa’kin na hindi ko raw siya sinama sa plano kung ito. Nagpadala ako ng pera kay Max para sa byahe niya papuntang Boracay at doon nalang namin siya sunduin at sabay-sabay na kami papunta rito. 

Masayang masaya siya ng sinabi ko iyon sa kanya. Also, that’s my advance birthday gift for her because her birthday is next next week na. As per, Cheska, well, hindi pwedeng hindi rin siya sumama kaya ang ginawa niya ay inunahan na ako sa pag-book ng hotel na tutuluyan namin at iba pa, kaya kaming lahat ay nandito.

“Alisha, undress your dress now and come and joy us here!”

“Alright,”

I walked to where their things were placed. And then, slowly I undress my shirt off. Uminit ang pisngi ko nang mahubad ko na ang nagtatakip sa bikini’ng suot ko, hindi sanay. Though, this is not the first time I wore something like this. Isang beses nakapag beach narin kami ni Cheska sa America, isinama kami ng kanyang ninang.

My face heated up more when I heard a whistle somewhere near. When I looked around I spotted a group of men. I smile shyly to them and fastly I put down my shirt and walk half-running with poise to where my friends are.

Ilang oras rin yata ang itinagal namin sa pagbababad sa tubig doon, masyado kaming nag-enjoyed na hindi na namin namalayan pa ang oras. At dahil pahapon na kami dumating dito, at hinapunan narin ang pagligo sa dagat, napagpasyahan namin na antayin nalang ang paglubog ng sikat ng araw bago kami umahon at magbihis.

“Gosh! Busog na busog ako roon, naparami ang kain ko,” nag-peace sign si Max sa amin ng dumighay pa siya.

Cheska being Cheska made a faced with disgusting looks. She looked away and sipped in her wine. Gano’n din ang ginawa ko.

“Grabe, hindi talaga ako makapaniwala na mayaman kana, my friend!” niyogyug niya pa ang balikat ko.

“Tumigil ka nga d’yan…”

“Tsk,”

“Girls! Let’s go to the bar here! This so boring…” Cheska announced.

Na agad namang tinutulan ni Robin. “Hindi.” He glare at Cheska.

“What? Oh, c’mon,”

“Umiinom ka na nga rito,”

“Hindi ako malalasing ng wine lang!” iritado na agad si Cheska.

“Ang istrikto mo palang boyfriend pag nagkataon, Robin?” si Max sabay ngising nakakaloko sa kaibigan.

Sinabayan ko ang pagtawa ni Max kalaunan nang sabay na binigyan kami ng dalawa nang masamang tingin.

“Stop it, you two!” Cheska blushed.

I don’t know what’s the real score between this two, I only knew Robin likes my sister. And Cheska? I don’t know?

Pagkatapos, maubos namin ang pangalawang bote ng wine, nagsiakyatan narin kami sa aming silid. Dahil pare-pareho kaming pagod sa naging byahe, sinamahan pa ng mga ginawa namin kanina sa beach ay agad rin kaming nakatulog.

Kinabukasan, we planned to do our itinerary now. Halos sabay sabay kaming nagising, we eat our breakfast sa baba lang na restaurant na pinagstayin namin. After that, the oldies get some relaxation in their sun lounger chair while us is preparing to our first itinerary. Island hoping.

In every island we passed we took also a picture. Medyo marami kaming nakasabayan. Pagkabalik namin, past lunch na. Kumain muna kami pagkatapos ay nagpahinga nang konti ‘tas larga ulit. Dahil marami pa sa Parasailing ang nakaabang, sinubukan muna namin ang Crystal Kayak. Ito talaga ang gustong-gusto ni Max na magawa habang nangangarap kami no’n kapag nakapunta kami dito.

“Kuya, ayusin mo, ah? Kailangan maganda ako diyan.” Rinig kung sabi ni Max.

“Kuya, one more time,” si Cheska naman ngayon at nag-iba ulit nang pose niya.

“Okay na po ‘yan, kuya,” sabi ko naman sa bangkero na naasign sa’kin matapos magpakuha ng tatlong litrato.

Tumango siya at ibinigay na sa’kin ang cellphone ko.

Si Robin ay ayun sa malayong banda namin, pinagkakasiyahan naman ang inarkela niyang Jet Ski.

Ilang minuto pa, pabalik na kami sa pangpang sakay ulit nang bangka. Ang dalawa nagkasundo sa wanto-sawang pagkuha ng kanilang litrato at minsa’y ang magandang tanawin. Habang ako ay itinabon ang sarong kung dala sa aking katawan habang nakangiting kumukuha rin ng larawan sa paligid.

Sa pangpang, nakaabang na sa amin ang naunang si Robin. Inalalayan niya kami isa-isa sa pagbaba sa bangka.

“Apaka gentleman naman,” asar pa sa kanya ni Max.

“Manahimik kana. Kanina ka pa,” inirapan niya ito.

“Oh my god. Looks who’s here!”

Napatigil ako sa ambang pagbaba nang mapabaling ako kay Cheska sa pahisterya nitong sinabi. Magkahawak ang isang kamay namin ni Robin habang ang isa naman niyang kamay ay nasa baywang ko, amba na sana rin akong iaangat ng matigilan siya.

Nagkatinginan muna kami bago sabay na nilingon ang direksyon kung saan nakabaling ang tingin ni Cheska at kumakaway sa kung sino man iyon.

Natigilan ako sa tatlong pamilyar na bulto ng mga lalaki at isang babae na naglalakad palapit sa kung nasaan kami. Nagkatinginan muli kami ni Robin pagkatapos ay tuluyan niya na ako inalalayan pababa.

“Nagdito na ang seloso mong boyfriend,” bulong pa niya sa’kin.

Ngumuso lang ako sa kanya. Naglakad na kami at sinalubong namin sila kalagitnaan. Agaran ang kamustahan namin. I felt a warm hand snaked around my waist after Ruby and I pulled off a hug. Hindi ko ‘yun pinansin at nagpatuloy lang sa pagkamusta sa aking kaibigan.

“Asan nga pala sila Leo at Aira?” nakakunot kung tanong matapos mapansin ang dalawa na wala sa paligid namin.

“Parating narin ang mga iyon may binili lang…”

Tumango ako sa kanya.

Napabaling ako kay Jake ng malakas itong tumawa at halata mong sinadya niya talaga iyon.

“Alisha, pansinin mo naman ‘yang tao sa likod mo. He seems like a volcano in any time soon will erupt!”

I bit my lower lip and looked up to him. I flinch nang nasalubong ko ang madilim na nga niyang mukha.

“Ah, h-hello…” I wave cutely at him.

He sighed and kiss me on my temple.

Nahagip ng mata ko si Max na pasimpleng naglakad, papunta sa mga sun lounger kung nasaan ang gamit namin. I noticed, she’s suddenly a bit uncomfortable and out of place to our friends.

Kinalas ko ang hawak sa’kin ni Zach at nilapitan ang kaibigan ko. Hinawakan ko ang kamay niya at hinila siya papunta sa mga naging kaibigan ko rito sa Maynila para ipakilala siya. Hinihila niya pabalik ang kamay niya pero wala na siyang nagawa nang nasa harap na kami nila.

She’s shy, alright. But, she’s jolly and friendly woman kaya alam kung mabilis niyang mapapalagayan ng loob ang mga ipakilala ko sa kanya. Katulad kay Cheska, na alam kung may iba silang hindi napagkakasunduan, pero sa huli they’re friends. Well…

Pumwesto ako sa likod ni Max at hinawakan siya sa magkabila niyang balikat. Pagkatapos, kinuha ko naman ang atensyon ng mga kaibigan ko. Nakakunot ang noo sa’kin ni Zach, lalo na sa kasama ko.

I smiled at him and winked.

“Ah, guys…”

Agad naman silang tumahimik at natuon ang atensyon sa akin, nakakunot ang noo sa nasa harapan ko.

Inimuwestra ko sa kanila si Max. “This is Max. My friend. Max my friend also here in Manila Hans, Jake, Jake girlfriend Ruby… that’s Aira and her boyfriend Leo…” lahad ko sa dalawa na kararating lang at naabutan ang pagpapakilala ko.

“Anong meron…” usisa agad ni Aira ng makalapit, hinihingal pa sa ginawang pagtakbo.

“Hi. Nice to meet you,” Hans the first one who stretch his hands to Max.

“Ah, hello, nice to meet you rin…” may pag-aalinlangan niya pang inabot ang kamay nito. Hindi nakatakas sa’kin ang bahagyang pagpula ng pisngi niya ng magkamay na silang dalawa.

Pagkatapos, sunod-sunod na ang naging kamayan at pagpapakilala.

“Zach, saan tayo pupunta?” tanong ko sa kanya nang hilayin niya ako roon. Nilingon ko pa ang grupo namin pero parang inaasahan na nilang mangyayari nga nito.

Nagpatianod nalang ako sa kanya. Tumigil siya ng tuluyan na kaming nakalayo sa aming mga kaibigan at bilang nalang ang tao sa pinagdalhan niya sa’kin.

Hindi pa ako nakakabawi sa layo ng nilakad namin nang hinarap niya ako at walang pasubiling niyakap niya ako ng mahigpit. Umawang ang labi ko sa biglaan niyang ginawa, sa huli ngumiti na lamang ako at niyakap rin siya ng mas mahigpit pa.

“I missed you…” he whispered.

Bahagya akong nakiliti ng mas lalo niya pang ibinaon ang kanyang mukha sa aking leeg.

“I missed you, too…” I said, too.

Napapikit ako ng umangat ang mukha niya at tinalunton ang aking labi at hinalikan iyon. His kisses were deep and hungry, at first. Hungry for making me missed him so much, longing and many more. But after that, his kisses went smooth and tender.

I didn’t noticed that I already wrapped my arms in his nape. While his both arms also snaked already around my small waist.

He pulled out from our kissed and rest his forehead to mine. “I really missed you, baby…” he said brushing his thumb on my lips.

Nang magpunta kami sa America, naiwan siya rito at ilang buwan rin kaming walang kumunikasyon. Literal na wala talaga, kahit text manlang. Dahil ukopado ang isipan ko kay Mama at Papa hindi ko narin naisipan pa na tumawag sa kanya.

Siguro marami lang talaga akong naiisip ng mga panahong iyon kaya nakalimutan ko siya…. Nagiguilty man ako sa sarili ko… aaminin ko nawala siya ng mga panahong iyon sa isipan ko… na alam ko kapag ito’y nalaman niya ay sobrang siyang magtatampo worst magalit sa’kin. But I know she understand that.

Naging abala rin siya sa kanyang huling taon sa eskwela dahil sa dami ng mga activities, project, presentation na kailangan niyang ipasa, kaya wala talaga kaming contact sa isa’t-isa. Pilitin niya man, sadyang nakakaubos iyon ng oras imbes na nag-aaral siya. Naiintidihan ko naman iyon.

“Hey baby, how are you? What are you doing? How’s Lola Teri and uncle Ronald?” Unang phone called namin matapos ang mahigpit isang buwan na walang tawagan.

“Thank God. Okay na silang pareho, pero nandito pa kami sa hospital at tingin ko magtatagal pa kami rito.”

“That’s good to her na okay na sila. How ‘bout my, baby?”

Nawala ang munting silay ng ngiti sa aking labi. Agad na nagbadya ang luha ko, kaya agad ko rin itong pinunasan. Parang gusto kong umiyak na hindi ko alam at magsumbong sa kanya kung ano ang kalagayan namin dito ni Cheska.

“Baby…?” nagsalita siya ulit ng matagal akong natahimik sa linya.

“H-Hindi ko alam…”

Nanginig ang boses ko at tuluyan na ngang bumagsak na para bang agos ng ilog ang luha ko. Natutop ko ang bibig ko, para hindi na kumawala ang paghikbi ko. Pero alam ko, narinig na niya iyon bago ko pa matakpan ang bibig ko.

“It’s okay, baby, it’s okay… I’m just here. You can call me for your problems and worries, Alisha. I am one call away, makikinig ako. Okay?”

Tumango ako na para bang nasa harapan ko lang siya at inaalo ako.

When he already graduated, busy naman siya sa pag-rereview sa bar exams niya, also he’s already training under his father supervisor of their company. Sometimes, if he have so much spare time, especially nang makapasa siya sa board at nagtatrabaho na siya sa kanilang kompanya, agad siyang nagbyahe patungo sa’kin para makita lang ako. Syempre, of course, para makibalita rin kay Mama at Papa sa kalagayan nila.

One time, bumisita rin siya together with his parents. Summer iyon at nagbakasyon rin sila sa kalapit lang na lugar sa kanyang auntie. Meron din namang silang tatlong magkakaibigan with Ruby.

Masaya kami lalo na kapag bumisita sila roon sa amin. Pero hindi rin naman sila nagtatagal doon, I think if my memories correct ang pinakamatagal nilang stay doon ay isang linggo lang at balik na ulit sila ng pinas.

Ayon ang sitwasyon namin sa nakalipas na mahigit dalawang taon. Naiintidihan ko naman iyon, minsan bumisita siya sa’kin lilipas muna ang dalawa hanggang apat na buwan bago kami magkita. Puro text at tawag lang minsan nagkakasalsihan pa kami dahil sa magkaiba ang oras namin at dahil narin pokus kami sa pag-aalaga sa dalawang matanda, kahit pa sinabi naman na ng doktor na okay na talaga.

Ngayon, tatlong buwan kaming hindi nagkita pero nagkakausap naman kami sa telepono. Gusto ko sana siyang surpesahin kaya hindi ko sinabi na babalik na kami dito, pero nagulat nalang ako na nasa harapan ko na siya sa waiting area ng airport, kanina pa kami hinihintay na dumating.

I shook my head. So much effort for making him surprised, but didn’t come. Opposite, I’m the one who surprised of his presence there.

“Saan kayo nagpunta kanina bakit ang tagal niyong dumating, huh?” malisyoso ang pagkakatanong noon ni Jake.

Nakuha ni Jake ang atensyon ng aming mga kaibigan nama’y sari-sarili ring pinag-uusapan at pinagkakatuwaan, nang magtanong siya bigla ng ganito sa amin. Ang dalawang matanda ay normal na kumakain habang may pag-alalay sa kanilang bantay, inosente sa kung anong pinag-uusapan namin.

“It’s none of your business…” si Zach ang sumagot at sinalinan ng juice ang baso ko.

“Hmm…” siniko siya ni Ruby kaya natahimik siya.

“Ang tahimik mo yata?” baling ko sa katabi kung si Max.

Naninibago lang ako sa katahimikan niya. Madaldal kasi talaga ito at kapag nagsalita ay sunod-sunod na, walang preno ang bibig.

Umiling siya. At pasimpleng nagnakaw ng tingin kay Hans, na nangingiti sa mga biro nila Leo at Jake, na nasa kanyang harap. Nahagip pa ng tingin ko sila Ches at Robin namay tahimik na pinag-aawayan.

“Eat, Alisha,” kuha ni Zach sa atensyon ko.

Tumango ako at nagpatuloy na nga habang paminsan-minsa’y nakikisali rin sa mga biro at natawanan ng mga kasama ko. After dinner, pinauna na muna namin sila Mama at Daddy sa taas para makapagpahinga na sila.

Meanwhile, us, stay there for a while to catch up with one another. Ngayon lang kasi kami nagkita-kita na kompleto. Ilang sandali rin akong nalungkot dahil naalala ko si Kary at Ate Risa. Umuwi si Ate Risa sa probinsiya niya dahil may problema sa pamilya habang si Kary naman, busy masyado sa school dahil huling taon na niya ngayon.

We ordered drinks. Sa boys hard liquors at sa’min light lang dahil hindi nila kami pinayagan makainom kahit kaunti lang. Ilang oras rin kami roon nang napagpasyahan naming magpahinga na.

Kinaumagahan wala na ang mga kasama ko sa silid, nasa labas na silang lahat at nagkakasiyahan na. Tinabunan ko ang mukha ko nang yakap kung unan ng masilaw ako sa sinag ng araw pagkamulat ko. Pero mabilis ko rin itong tinanggal at mabilis na umikot sa likod ko nang may maramdaman akong paghinga sa aking leeg.

But, Zach held me firmly in place kaya ang nagawa ko lang ay lingunin siya. He’s combing my hair through his fingers. He smiled at me and kiss my cheek and then his lips travel down to my lips. He gave me his good morning kiss.

“Morning,” he huskily whispered.

Uminit ang pisngi ko sa ayos naming dalawa sa kama ngayon. Siya, ang isang kamay ay yapos ang aking baywang sa ilalim ng comforter. Habang ang isa ay nakatuko ang siko sa kama at nakapangalumbaba roon at nakadungaw sa’kin. Ako na bahagyang nakatihaya sa kanya kung titingnan ay okay lang, pero kung galing ka sa pintuan, iisipin mong may ginagawa kaming iba.

Sa mumunting paggalaw ng ulo ni Zach, na animo’y hinahalikan niya ako pero ang totoo hinuhuli niya lang ang mga mata kung hindi makatingin sa kanya. Ang galaw ng kanyang kamay, na para bang may ginagawa sa katawan ko pero gawa lang iyon ng paghaplos niya sa buhok ko.

Mabilis akong bumangon at bahagyang umusog para makawala sa kanya. At sa takot na baka may pumasok at makita kami sa ganoong ayos.

“What?” he chuckled.

“W-Wala… sige na sige na… mag-aayos lang ako, antayin mo nalang ako sa labas.” Tinulak-tulak ko siya paalis sa kama.

“Dito na ako mag-aantay sa’yo,”

“Hindi na. Doon ka nalang sa labas!”

“Hmm…” he smirked evilly as he caught my both wrist. “What? It’s not like we’re doing something wrong,”

Hinila ko sa kanya ang kamay ko pero hinigit niya rin ako sa kanya, kaya sa huli napasubsob ako sa kanyang matitipunong dibdib. Pag-angat ko nang mukha ko kasabay noon ang pagbukas ng pinto at bumungad sa’min si Max, na napasinghap at nanlaki ang mga mata.

“Ah… eh… may kukunin lang sana ako pero wag nalang…” aniya at mabilis na sinarado ulit ang pintuan.

“Max!” habol ko.

Binalikan ko si Zach na nangingiti. Inirapan ko siya at inihampas sa kanya ang unang nahawakan ko na malapit sa’kin.

“Ikaw kasi! Baka kung ano na ang iniisip non! Sinabi ko na kasing lumabas kana, eh.”

“Okay. Fine,”

Pagkababa namin sa restaurant, nagsisimula na silang kumain. Nahiya tuloy ako dahil mukhang pinag-antay pa namin sila.

Nagpasalamat ako kay Zach at umupo na sa silyang ipinaghila niya sa’kin. Tumiin agad ang tingin sa kaharap nang makita ang ngingisi-ngising si Max, na halata na may naiisip na kung ano sa amin ni Zach tungkol doon sa aabutan niya sa taas. May ibinulong siya sa katabi niyang si Cheska at sabay nila akong tiningnan ng may nakakalokong ngiti.

Mabilis talaga ang bibig ng isang ‘to. Pinagkakaisahan pa yata ako ng mga 'to, ah?

Inirapan ko silang dalawa at binalingan ang dalawang matanda na nasa gilid ko.

“Pwede ba, h’wag mo nga akong sundan!” sigaw ni Cheska sa kaibigan kung si Robin.

Napalingon kami ni Ruby, sa likuran habang naglalakad kami dahil medyo napalakas ang sigaw ng kapatid ko. Pagkatapos kumain nagkayayaan kaming mga babae na pumunta sa D'Mall at magtingin doon ng pwedeng madalang souvenir pagkauwi namin. Hindi ko lang alam kung bakit nandito ‘tong si Robin? Narinig kasi naming may ibang usapan rin ang mga lalaki na may susubukan daw silang gawing activity na offer nila rito.

“Ito maganda…” si Ruby.

Lumapit siya sa bilihan ng mga keychains. At pinakita niya sa’kin ang nagustuhan niya. Tumango ako sa kanya bilang pagsang-ayon. Lumapit narin ako at nagtingintingin narin.

Nabigla kami nang sa pangalawang tiangge na hinintuan namin, kinabig kami ni Cheska sa magkabilang gilid at sumingit siya sa gitna namin, nakakunot ang noo.

“Ilayo mo sa’kin ‘yang kaibigan mo. Naiirita ako, ha,”

Basta nalang siyang dumampot ng pagkain sa tapat naming tindahan, iritado parin ang tabas ng mukha. Ngumiwi kami ni Ruby dahil mukhang pati ang tindera na mukhang kaedaran namin, ay natakot sa kanya.

Kunot noo kung binalingan ang bandang medyo may kalayuan sa amin. Habang hawak ko ang braso ni Cheska at inilalayo na siya doon sa tindahan at binayaran naman ni Ruby ang mga pinagkukuha niya ng wala sa sarili.

Naabutan ko sa pagtingin si Robin na nakikipagtawanan sa kay Max at Aira, sa hawak niyang kulay pink at malaking teddy bear. Saktong pagbalik ko ng tingin kay Cheska, naabutan ko rin siyang matalim ang tingin doon, direkta sa kaibigan ko at lalo pang tumalim ang mga mata niya ng matuon sa hawak nito.

Naglakad siya palayo at pinagdiskitan na lamang ang iba pang mga panindang nakahilera rin roon.

“Don’t be jealous, Ches, you’re so obvious, eh…”

“What?!”

Napaatras ako sa biglaan niyang pagharap sa’kin.

Dinuro niya ako. “I am not jealous, Alisha. Imprint that on your mind!”

Nagkibit balikat na lamang ako kay Ruby, na mukhang natakot, dahil sa paghigpit ng kamit niya sa akin, sa pinapakitang asta ni Cheska. Wala sa mood, eh.

“Okay. But…”

“Shut up!”

“Hindi mo ba gustong malaman na baka may gusto ang kaibigan ko sa’yo, Ches? Sasabihin ko sa’yo pero kung ayaw mo wag nalang…”

We we’re now walking our way back to the main entrance of hotel. Magkalingkis ang braso namin ni Ruby, gano’n din ang sa harap namin na sila Max at Aira na maingay na nag-uusap. Samantala, sa likod namin mag-isa si Cheska. Nakahalukipkip at mariin ang tingin sa likod ko, bother with what I said earlier.

Hindi na ako nagulat nang iangkla ni Cheska ang braso niya sa’kin. Imbes, ay nginisian ko lang siya at tinaasan ng kilay.

“What is it about Robin that you want to say?” diretso ang tingin niya sa daan.

“Hmm… alam mo kasi Ches, dati nang may gusto itong kaibigan ko sa’yo. ‘tsaka halata naman, ah? Hindi mo ba napapansin?”

Siniguro ko na kami lang ang makaririnig n’yon, pero nakalimutan ko yatang malakas ang pandinig nitong dalawang nasa harapan namin, kaya napalingon sila at napatigil sa kung ano man ang pinag-uusapan nila.

Umawang ang labi ni Cheska nang nilingon niya ako. “Really?”

“Hmm,” ngumisi ako.

“Sus, obvious naman na like ka ni Robin, eh. Ikaw lang ‘tong manhid.” si Aira.

“Alam mo kasi itong si Robin kahit wala siyang sinasabi sa’kin, alam ko na. Matagal na kaming magkaibigan niyan, eh. Kaya kilalang-kilala ko na ang isang ‘yun. Hindi man niya aminin, alam ko na kahit ilang beses niyang itanggi wala… alam kung meron kaya hindi niya ako mapaglilihiman.”

“So… ito pala ‘yung sinabi ni Robin sa’kin na gusto niyang “Maganda”?” tumakas ang kilay ni Max at hinangod niya ng tingin si Cheska.

Meanwhile, Cheska suppressing her smile by biting her lower lip. She then raise her brow at Max.

“See? May gusto nga sa’yo si Robin.” I beamed at her. “Tsaka, madalas ko kaya siyang nahuhuling nakatanaw sa’yo sa malayo. Minsan ko narin siyang tinanong kung may nagugustuhan ba siya sa university? Sinagot niya ako noon ng “Meron” habang nakatingin siya sa’yo sa malayo dati!”

“Oh my God! Are you serious? You’re not kidding me, are you?” nanliit ang mata niya sa’kin—sa amin.

“Of course, not! Totoo ‘yun, noh!”

“Maniwala kana, Cheska. Ayaw mo n’yan magkakaroon kana ng love life.” si Aira sa tonong nangungumbinsi.

We all giggles at that thought.

“Hmm, don’t tell him that I kinda like him, too. Inis parin ako sa kanya…”

“Tsk, pakipot,” umirap si Max.

“What the hell is your problem to me? You know what? Bagay kayo ni Hans. Hans is quiet and serious, while you is so noisy and talkative.”

Tinukso namin siya roon sa sinabi ni Cheska, kaya hanggang sa makarating kami sa hotel ay tahimik na siya at hindi na nagsasalita. Natahimik lang rin kami ng makita ang mga lalaki na nag-aantay sa aming pagdating sa lobby. O tingin ko’y aalis ang mga ito para sundan at sunduin na kami.

Halakhak at tawanan dahil sa biruan ng mga lalaki ang maririnig mo sa grupo namin. Gabi na, after we ate, the boys set up a bonfire to warmed the cold night for us. While, the girls, us prepared a finger food at naglatag narin kami ng sapin na inuupuan namin ngayon.

Nakapalibot kami at sa gilid namin ay ang bonfire. We were playing a little while now of Kiss Marry Kill game. Halos lahat na sa’min nahintuan at natutukan na ng nguso ng bote ng red wine, na naubus na naming inumin. Saktong, nakaisip ng laro ang mga lalaki at napagtripan ang bote.

We all cheered when the bottle stopped and pointed it to Cheska, this time.

“Kiss Marry Kill?” naunahan ni Aira magsalita si Jake. Nakangisi na agad at mukhang tinatamaan na.

“Hm. Kiss, Hans. Kill Zach…”

“Oohh…”

Nalunod sa mas maingay pa na reaksyon ng mga kasama ko ang dapat pa na sasabihin ni Cheska. Nahinto siya at hindi agad nakapagpatuloy. She arch his brow to Zach and smirked at him.

Zach on my sides, shifted on his seat. I felt him looked at me sa naninimbang na mga mata habang pinagmamasdan ang magiging reaksyon ko roon. I looked at him, too, and just shrugged my shoulder off, smiling seeing at him that I am not affected of it and saying that it was just a game so there’s nothing to worry about.

Still, he reached for my hand and interwined it of his.

“Yes! Thank you for that Ches… nabawasan ang gusto akong patayin!” Jake said it with delight. Kanina pa kasi siya ang napipili sa “Kill” halos lahat yata sa’min ang pangalan niya ang nababanggit doon.

“God, Cheska! Hindi ka parin maka-move on!”

“What? I’ve already moved on! That’s warning is for Alisha, kapag nakita kung pinaiyak at sinaktan niya si Alisha. I will kill you, Zach,”

Nagkatitigan ang dalawa. Puno nang pagbabanta ang mga mata ni Cheska sa kay Zach.

“Don’t worry, Cheska. It won’t going to happen. I will take care your sister with all of my heart and make her my top priority.”

“Ang sweet mo naman Ate Cheska, thank you,” I chuckled.

“Alisha! I told you to stop calling me that! Or you want me to throw you out of our house?”

“Okay. Sorry, Ate. I forgot,” I giggled.

Isang beses wala sa sarili ko siyang natawag na “Ate” at nagalit siya sa’kin. H’wag ko daw siyang tawagin ganoon at magkakagalit na naman daw kaming dalawa. Ayaw niyang inaaddress ko siyang gano’n dahil feeling niya daw matanda na siya. Arte.

“Okay, tama na ‘yan. So? Sino ang Marry?” si Max na binalik ulit sa naiwang laro ang usapan.

Cheska shifted on his seat at bahagya siyang hindi naging komportable. “Okay. My Marry is… Robin.” She blushed for awhile.

Muling umingay at inasar ang dalawa. Cheska is blushing while Robin is smiling and just going to the flow.

“Oh, Alisha. Ikaw na ang last. Who’s your Kiss Marry and Kill?”

Natahimik at lahat sila ay natuon ang atensyon sa’kin. Kinakabahan tuloy ako. I clear my throat and bit my lower lip.

“Kiss Marry Kill…”

I felt Zach hold tighten. I looked up and met his eyes, I then smile.

“Kiss… Hans. Marry, Robin and Kill Zach.” Mabilisan kung sinabi iyon na pakiramdam ko hindi nila ito nasabayan.

“What?!” Cheska and Zach exclaimed in disbelief. Totally, didn’t expect what I just said. Especially, the parts on Robin’s name in my Marry.

“No!” Cheska protests.

Hindi na napiligan ni Jake ang pagtawa, ang iba ay umiling at mahina ring natawa pero saglit lang rin naman iyon. Meanwhile, Zach untangled our interwined hands. His eyes were dark with his clenching hard jaw. His lips parted a bit to say something but choose to shut it again. Disbelief and betrayal is very evident in his eyes.

He suddenly stood up and without words, he started to walk away out.

Natigil ang tawanan at tahimik nilang pinanood si Zach na maglakad palayo sa’min. Nang binalingan ko sila, nakasimangot si Cheska habang nakahalukipkip at mariing nakatingin sa’kin.

“Hala ka, Ali. Nagtampo…”

I bit my lower lip. “Sandali lang,”

Tumayo ako at mabilis na sinundan si Zach. I called out his name pero mas lalo lang niyang binilisan ang lakad niya. I suddenly regret what I just said. Hindi naman talaga iyon ang sagot ko. I was just teasing him but turns out bad. Tinawag ko ulit siya pero diretso lang ang lakad niya, hanggang sa nakarating na kami sa madilim na parte na hindi masyadong abot ng ilaw.

“Zach…”

Bumagal ang lakad ko nang huminto na siya. Humalukipkip siya at tinanaw ang madilim na ngayon na dagat.

Tiklop ang mga labi, tahimik at maingat akong tumabi sa gilid niya.

“Zach, that’s not really my answers. I was just teasing you. Sorry…”

Kanina, nang sa kanya tumigil ang bote, sa Kiss and Marry ako ang pinili niya. Walang pagdadalawang-isip agad niya iyong isinagot. Samantala, ang Kill… dalawa ang isinagot niyang pangalan… si Hans at Robin.

“Then, what is your answer?” madilim parin ang mga matang hinarap niya ako.

“Hmm, I want to kiss you. To get married to you… and kill you for my love to you,” I said sweetly at him.

He face the dark sea again. I seen how he hardly manage to pursed his lips, absolutely to hid his lips to stretched for a smile. But she can’t hold it, his lips rose up… well, for a while then back to a lips in a grim line.

I pouted. “Hey,”

I held his arms and caress it lightly. Sinundan niya ng tingin ang kamay ko, lalo pang nadistrak sa pag-aayos ng kanyang ekpresyon. Hinawakan niya ang kamay ko, pinapatigil sa ginagawa.

“So, you’re willing to get married at me?” tanong niyang pakiramdam ko’y may iba pang malalim na kahulugan.

Masyado siyang seryoso, na tingin ko kapag nagbiro ako sa kanya ay hindi niya papansinin. Kumunot ang noo ko. At dahan-dahang akong tumango sa kanya. Naningkit ang mga mata niya hindi nagustuhan ang may pag-aalinlangan kong pagtango sa kanya.

Mahabang katahimikan ang bumalot sa amin. She’s shamelessly staring at me habang ako’y iniiwas na ang tingin sa kanya dahil medyo naiilang na ako sa uri nang kanyang pagtingin.

“Yeah. I think you’re not ready for it...” makahulugan niyang sinabi sabay marahang patak ng halik sa aking noo.

Nang makabalik kami nakita kung nakaayos na ang mga boteng naubos namin inumin. Tahimik narin sila habang may seryosong pinag-uusapan na importante— pinagplaplanuhan. Nakita ko ang mga babaeng tahimik na naghahagikhikan sa tabi ng kanilang mga partners.

“She doesn’t know about this, so I am pretty sure that he’ll be surprised big time!” naabutan kung sinasabi ni Cheska nang makalapit kami.

“Anong pinag-uusapan niyo? At sino ang masusurprise, Ches?”

Marahas na napabaling si Cheska sa bandang gilid niya, kung saan kami naglalakad malapit na sa kanila. Natutop niya ang bibig at nanlaki rin ang kanyang mata. Nasiayos nang upo ang iba pa naming kaibigan at lalo pa silang tumahimik. Tahimik na nagbulugan, nagsisihan sa ingay, at mukhang kasalanan ko pang narinig ko ang kanilang tahimik na pinag-uusapan.

“Wala!” awkward na tumawa si Aira.

“Yeah. It’s nothing, Alisha. Don’t think about it.” Hans gave me his smile, na siyang paglabas ng kanyang dimple.

Nilingon ko si Zach na nag-iwas ng tingin sa’kin. Tumango ako sa kanila at umupo na sa pwesto ko kanina. Hindi parin kombinsido sa ikinikilos ng mga kaibigan at samahan pa nitong katabi ko, si Zach na mukhang may alam rin sa pinag-uusapan.

Halos isang oras pa ang itinagal namin roon, inantay pa naming mawala ang apoy at baga nang ginagawang bonfire ‘tsaka kami nagkanya-kanyang pasok sa aming silid at nagsitulugan na.

Kinaumagahan, sa hindi maipaliwanag na dahilan, tinanghali na naman ako nang gising. Nagising ako dahil sa mumunting ingay ng mga paglalakad at pag-uusap. Inimulat ko ang mata ko at sakto ito sa medyo may kalakihang wall clock roon. It’s already past ten in the morning.

Napabalikwas ako ng bangon at agad ding natigilan nang makita ang ayos ng mga kaibigan kung babae. Si Max, Ruby, Aira, Cheska… at umawang ang labi ko ng makita si Kary na naroroon. Natigilan rin sila at nahinto sa kanilang pinag-uusapan, na halata sa kanilang mga mukha at ekspresyon na excited sila at hindi na makapaghintay sa kung ano man ang magaganap.

“Good morning, sleepyhead!” bati ni Cheska at niyapos ang mga braso sa aking leeg.

Sunod-sunod na nila akong binati. Mukha silang excited na hindi mo malaman.

“Anong meron?” hindi ko na napiligan magtanong. Umiling sila at nginitian lang ako ng makahulugan.

“C’mon, eat your breakfast na,” si Cheska habang hinihila ako palapit sa small round table.

Si Kary ay naroon na at inaayos ang pagkakalatag ng mga pagkain. Tinitigan ko siya at nang nagtama ang aming mata malapad niya akong nginitian. Kumunot ang noo ko at napakurap-kurap, may pakiramdam talaga ako na may binabalak ang mga ito, eh. Umupo nalang ako sa sofa para makapagsimula ng kumain.

After awhile, pagkatapos kung kumain, hinila naman nila ako sa bathroom. Naguguluhan na talaga ako sa ikinikilos nila, pagtinatanong ko naman, makahulugang ngiti lang ang binibigay nila sa’kin at hindi na sila magsasalita.

Pinagbigyan ko sila roon, pero hindi na nang si Cheska at Aira ay nasa harapan ko at ang tatlo ay nasa likuran ko, sapilitan nila akong pinapaupo at pinipigilan na maggagalaw para maayusan ako. Katulad ko, mga nakaputing roba rin sila… si Cheska ay nilalatag ang kanyang mga pangkulay sa mukha habang si Ruby at Kary nasa likod at inaayosan ang buhok ko.

“Ano bang nangyayari?” nakapikit kung tanong dahil naglalagay siya ng eye shadow sa mata ko.

“Just shut up, Ali,”

Halos isang oras at kalahati rin ang itinagal namin sa pag-aayos ng aming mga buhok at paglalagay ng make-up at kolorete sa mukha. Pinagdalhan nalang kami rito ng pananghalitan at nagpatuloy ulit, wala pa roon ang damit na isusuot namin dahil puro pa kami mga naka-roba.

Hindi na muli ako nagtangkang magtanong dahil wala rin naman akong nakukuhang sagot sa kanila. I just concluded that later at this afternoon, there will be an event that going to happen.

“My God, Kary! Na-miss kita,” hindi ko na napiligang lapitan siya at yakapin ng mahigpit. Kanina ko pa ‘to gustong gawin pero hindi ako pinapakawalan ni Cheska at Aira. Ngayon lang dahil sila naman sa kanilang sarili ang nagmemake-up, tapos na nila kaming ayusan at silang dalawa na lang ang hindi pa.

“Sobra rin kitang na-miss, Ali.”

Ang makita siyang muli matapos ang halos dalawang taon, ay sobra kung ikinagagalak ngayon. It was overwhelming to see her, my made friends here in Manila, in front of me! Nagvivideo call naman kami minsan pero iba parin ang magkaharap kaming dalawa ngayon at nayayakap ang isa’t-isa ng mahigpit.

Quarter to two in the afternoon, we already all done fixing ourselves. May kumatok kanina dala ang mga damit na susuotin namin pati ang sapin sa paa. I wearing a ruffles sleeves off-shoulder floral mini dress, and a beach black sandals with shell embellished strap. I starting to think na may aatendan kaming kasal dahil ang mga suot namin ay parang sa mga  bridesmaid. Iba lang ang style at design nang sa kanila.

Lahat sila malapad ang ngiti nang makalabas na kami sa suite namin. Ako naman ay hindi magawang makangiti dahil sa namumuong kaba sa aking dibdib. Hihinto sana ako sa suite nila Dad but Cheska pushed me to continue our walk. Pagkababa namin naabutan namin ang medyo magulong lobby.

Mukhang may event ngang magaganap…?

“They’re here!” said by the familiar voice, to me, somewhere near.

“Tita!” Cheska waved her hand to them.

Sinundan ko ang direksyon ng kanyang tingin at nakita ko roon ang mag-asawang Torres, na nakaupo sa malaking sofa ng tanggapan, kasama si Mama at ang parents ni Ruby?!

“Alisha… I missed you, darling,” niyakap ako ni ma’am Celine.

Natawa ako ng marahan at niyakap narin siya. Habang kinakalas ni ma’am Celine ang pagkakayakap niya sa’kin, biglang nagdilim ang paningin ko dahil may nagtakip ng panyo sa mata ko.

“Relax, honey,” hinawakan ni ma’am Celine ang isang kamay ko na magtatanggal sana sa panyo na nakapiring sa’kin.

Hindi na ako nagprotesta. Akla ang kaliwang braso ko ni ma’am Celine habang alam kung si Cheska itong nasa kanan ko. They guide me as we all walk and trail the white sand of the beach.

Bahagya akong kinabahan nang huminto na kami at tinanggal na nila ang hawak sa’kin. Sinasabi ko na nga ba eh may pinaplano ang mga ‘to.

“Say yes, honey,” a soft whispered from ma’am Celine and a kiss for my cheek from Cheska before they disappeared from my both sides.

Nangapa ako at nagpalinga-linga, pinapakiramdaman ang paligid ko. May naramdaman akong presensyang nakatayo sa harapan ko. Inangat ko ang kamay ko para tanggalin ang piring ko, natagalan pa ako dahil medyo mahigpit ang pagkakatali noon. Nang matanggal blur pa ang paningin ko kaya kinakailangan ko pang mag-adjust ng ilang segundo.

“Zach!” hinawakan ko ang braso ni Zach na nakatayo sa harapan ko. “Anong—” nahinto ang sasabihin ko nang makita ang paligid ko.

Malakas akong napasinghap at natutop ito kalaunan. Nakatayo kaming dalawa ni Zach sa maliit na stage na kanilang sinet-up. Sa harapan namin ang aming mga magulang, kaibigan at iba pang kakilala, na nakaupo at malapad ang ngiting pinapanood kami. It was a beautiful setting na sinabayan pa nang nagsisimula nang pagkukulay pula, kahel, bughaw na kalangitan hugyat ng pagbaba ng haring araw.

“For you,” inabot niya sa’kin ang bouquet of roses at wala sa sarili ko naman iyong tinanggap.

“Zach, ano 'to— hoy!”

Napalakas ang boses ko nang sa isang iglap nakaluhod na ang isang tuhod niya sa aking harap, malapad ang ngiting ibinigay niya sa’kin. Gayunpaman, kita ko rin sa kanyang mga mata na kinakabahan rin siya. Natawa ang mga nakapansin non.

Suminghap ako at napaawang ang labi ko ng ilabas niya sa kanyang bulsa ang isang kulay puting maliit na box. Alam ko na kung anong nangyayari sa mga oras na ‘to, pero parang hindi parin iyon nagsisink-in sa isip ko. Humigpit ang hawak ko sa bulaklak at natutop ng isang libreng kamay ko ang aking bibig, nang nakita ko ang laman niyon. Alam ko na naman na ang laman niyon, eh, pero…

He slowly open the white box and it reveal the engagement ring that is within it. It was a white gold round cluster marq petals stone. Kuminang iyon at lalo pang pinaganda ng tumama ang sikat ng araw doon, na animo’y isang dyamante ang kuminang.

Narinig ko ang mga babaeng napasinghap ng makita ang singsing. Pero wala na sa sino man ang buo kung atensyon, kundi narito na sa lalaking nakaluhod sa aking harapan at malapad ang ngiti, bagama’t kinakabahan rin, ngunit tinatatagan ang loob makuha lang at marinig ang matamis sa pandinig niyang “Oo” ko.

“Alisha Marie Vargas, baby, will you be my wife? Will you marry me…”

Ngumuso ako at pinigilan ang maluha pero may nakaalpas parin. Agad kung pinunasan iyon at kahit hindi na matigil ang pagpatak ng luha, malapad ko nalang siyang nginitian at bahagya pa akong natawa.

Tumayo siya at pinupunasan narin ang luha ko. Kinuha niya ang kamay ko, pati ang singsing sa lalagyan nito at itinutok iyon sa aking ring finger, nakaamba at medyo atat nang isusuot roon kung hindi lang inaantay ang sagot ko.

“Well, baby? Will you marry me...” tanong niyang muli.

“Ayaw niya yata pare… umiiyak, eh, diba dapat masaya siya? Hindi yata ang sagot ni Alisha,” narinig naming kumento ni Jake sa kanyang upuan.

“Shut up, Dude!”

Natawa ako, “Yes, Zach! I want to marry you and be a Ms. Torres!”

Sumilay ang napakaganda niyang ngiti na hindi ko pa nakikita sa kanya kailanman. Tuluyan na nga niyang isinuot ang singsing sa akin. At pagkatapos, kinulong niya ang mukha ko nang kanyang mga palad at ginawaran ako ng halik. Bahagya akong natawa sa ginawa niya at kahit nahihiya dahil may mga nanonood sa’min, pinikit ko nalang ang mga mata ko at hindi na sila ininda at tinugon nalang ang kanyang halik.

Hindi lang pala iyon ang surprise nila sa’kin dahil nang gabi ring iyon bumalik na kami sa Maynila. Akala ko uuwi na kami sa bahay, pero malaking akala ko lang pala iyon, dahil dumeritso kami sa isang five star hotel. At sa malaki, malawak at enggrandeng tanggapan niyon nag-aabang ang iba pa naming kaibigan, mga kaklase ko noon, family friends ng aming pamilya at naging kaibigan sa negosyo nila Mr. Torres at Papa. Para sa aming engagement party.

Tanaw ang kulay kahel na kalangitan sa malayong dako, habang yakap ako ni Zach sa aking likuran, pumikit ako para magpasalamat sa Kanya. Maraming-marami akong ipagpapasalamat sa kanya na hindi ko na magawang maisatinig ang lahat nang iyon.

Nanatili kami sa ganoong ayos habang ang mga kasama namin sa malayo,  nagkukwentuhan sa naging proposal niya sa’kin kanina.

“I vowed to Him that from this day onwards, I will taking good care of you. I make you my top priority before me and anything else.”

Natahimik kami roon. Ilang sandali pa bago niya ulit dinutungan ang kanyang sinasabi, na ikinatawa ko.

“Maybe I can be… sometimes your personal… yayo...”

Humalakhak at napabaling na sa kanya. Madilim ang kanyang mukha niya akong tiningnan dahil tinawanan ko ang kanyang sinasabi.

“Hmm, okay,” humagikgik ako, nakagat ang labi para matigil na dahil sa sama ng tingin niya sa’kin.

Tumigil lang ako at seryuso nang umayos ng hinigit niya ako palapit sa kanya. Dahan-dahan niyang nilagay ang kanyang isang kamay sa batok ko at ang isa naman ay hawak ang palapulsuhan ko, pinipigilan akong lumayo sa kanya. Pag-angat ko ng tingin sa kanya, ay halos maduling ako sa sobrang lapit na ng kanyang mukha sa’kin.

“Zach…”

Iniwas ko ang mata ko at sa hindi kalayuan may naaninag akong paggalaw ng anino ng tao. Umamba siyang hahalikan ako nang matanto kung kay Papa ang anino na iyon.

“Zach, teka, si Papa,”

“Hmm.” He brushed his lips to mine. Napapikit ako ng tuluyan na niya akong nahalikan.

“Zach! Si Papa…” tinuro ko pa gamit ang aking daliri, ang hindi kalayuang likod namin. Pagilid niyang nilingon iyon at dahil doon nakawala ako nang tuluyan sa kanya. Narinig ko ang mumunti niyang pagmumura nang tumakbo ako patungo kay Papa.

Sa dulo nag-aabang ang nakadipang mga braso ni Papa sa’kin habang may malapad rin siyang ngiti sa kanyang labi, at kung hindi ako namamalikmata kita ko ang pagbabadya nang luha sa kanyang magkabilang mga mata.

“Alisha!” sigaw ni Zach na mabagal na sumusunod sa akin.

Tinawanan ko lang siya.

Nang makalapit niyakap ko si Papa ng sobrang higpit.

“I am very happy for you, Alisha, Anak ko,” Dad whispered in my ears.

Pinunasan ko ang isang patak nang luha sa pisngi ko at ngumiti nalang. “Thank you, Papa.” I kiss his cheek.

Nang makakalas tinanong ko siya. “Nasan po pala si Mama?” nilingon ko si Zach na agad na pinagsalikop ang aming mga kamay.

Nakita iyon ni Papa.

“Alaga mo ang Anak ko,” seryuso niyang sinabi dito.

“I will. Uncle. I’ll promise.”



— THE END —



***

Continue Reading

You'll Also Like

9.3K 309 47
"Sir Can I set you free"seryuso kong sabi na may halong lungkot. "What do you mean by that Ms.Gomez mag papakasal pa tayo diba"husky sabi ni sir saki...
1M 32.4K 42
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
33.8K 1.7K 55
Maraming nagsasabi na mag-jowa kami pero para sa akin we're 'BESTFRIEND' pero para sa akin lang pala ang salitang iyon. ______________ "You're my bes...
4K 148 37
Hey Stranger Series #1