Meet My Boyfriend: Ana's Ace...

By Lyfavie

102K 1.7K 353

[ONGOING STORY] [Cliche story coz life is cliche] Dala ng pagkakamali at pagsisinungaling, ay naituro ni Ana... More

Meet My Boyfriend: Ana's Ace
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17 - Part one
Chapter 17 - Part two
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26

Chapter 14

3.2K 65 6
By Lyfavie

CHAPTER FOURTEEN

I choose to love you in silence

for in silence I receive no rejection.

I choose to love you in loneliness

for in loneliness no one owns you but I.

I choose to adore you from a distance

for distance will shield us from pain.

I choose to kiss you in the wind

for the wind is gentler than my lips.

I choose to hold you in my dreams

for in my dreams you have no end.

                                         - unknown

“Hi...” matamlay na bati ni Ana kay Chichi ng umupo ito sa tabi niya.

Nasa usual tambayan sila at hinihintay niya si Chichi doon.

“Huh...” Chichi looks confused. “Sino ka?”

“Hahaha Chichi, patawa ka,” sarcastic niyang sagot.

“Chichi? Tinawag mo akong Chichi? Isa lang tumatawag sa akin ng Chichi. At si Ana lang iyon.” Mataman nito siyang pinagmasdan. “Ana?”

“Babatukan na kita Chi.”

“Di nga...” she paused. “Bakit ganyan itsura mo?” Kumunot-noo ito at pinasadahan ulit mukha niya. “Why you so pangit today?”

“Thanks for being such a good friend.”

Natawa ito. “Welcome. Hindi ka na makakahanap ng isang bestfriend na tulad ko. I’m super the best. The most honest and the one and only reliable bestfriend in the world,” pangbibida nito sa sarili. “Pero Ana, anong nangyari sa iyo? Ba’t ganyan kalaki eyebags mo? Mukha kang haggard na haggard. Sobrang stressful na ba ng subjects mo sa accounting?” puzzled nitong tanong.

“Wala ito. Di lang ako makatulog kagabi,” naghihikab na sagot niya.

“Ba’t di ka naman makatulog?”

“Pineste ako kagabi eh,” makahulugan niyang wika. “Arghhh! Nakakainis talaga mga peste sa mundo!” di niya mapigilan na magburst out. Naalala na naman kasi niya kasi kung sino ang pesteng iyon.

“Paanong may nakapasok na peste sa place mo? Ikaw pa, araw-araw ka yatang naglilinis dun. Puwede na nga yatang manalamin sa sahig mo eh. Tapos may nakapasok pa ring peste?”

“Ewan ko nga eh. Sana tuluyan na ngang umalis ang pesteng iyon para matahimik na ako.”

“Kawawa naman bestfriend ko, pinepeste,” nakikisimpatyang wika ni Chichi sa kanya. “Alam ko na! Labas tayo. Ako naman ang magtreat sa iyo ngayon.”

“Talaga?” nagdududang tinignan niya si Chichi.

“Oo nga. Magdududa ka pa sa akin? Ikaw kaya ang once in a blue moon lang kung manlibre.”

“Hehehe... Oo na... Kuripot na kung kuripot.”

“Yun na nga eh. Ang tipid mo masyado. Dinidibdib mo pagka-accounting major mo at lahat yata inaaccount mo.”

“Maganda nga yun eh, naapply ko yung mga debit, credit, balance na dinidiscuss namin. Di ba?”

“Nagrason ka pa talaga ha! Halika na nga, subukan natin yung eat all dessert sa Hotel Venice.”

Napangiti siya sa narinig. Eat all dessert ba naman narinig niya. “I like that! Tara na!” Biglang nagka-energy niyang yakag sa kaibigan.

Hindi nga nagtext ang tukmol sa kanya sa mga nakalipas na araw. At least, marunong rin palang tumupad sa pangako ang Ace na iyon. Kaya lang, hindi maintindihan ni Ana kung bakit hinahanap-hanap niya ang kakulitan ni Ace.

Kakamiss din pala ang mokong na iyon...

Biglang napakunot-noo si Ana ng mapagtanto ang sumagid sa isip.

Nakakamiss?

Si Ace?

Namimiss ko?

OW-EM-GEE! Nasisiraan na yata siya ng bait!

“Wake up Ana!” Natampal tuloy ni Ana ang sarili ng dis-oras.

“Masamang senyales na ‘yan Ana,” commented by a familiar voice.

Paglingon ni Ana, si Bob ang kanyang nakita. Nakasandal ito sa salaming pader. Mukha lang itong model dun na nakatayo. Sa kabila pa mandin ng glass wall ay may mga nakadisplay na men’s clothes mula sa isang kilalang brand ng damit.

“Kanina ka pa diyan?” tanong niya sa binata sabay lapit dito.

“Medyo...” vague na sagot nito.

“Gaano katagal ang medyo?” Sumandal din siya sa glass wall. Sana pala kanina pa siya sumandal doon. Ngawit na siya sa kahihintay kay Chichi. Mukhang pinagpalit na naman siya ng bestfriend sa manlolokong boyfriend nito. Urgh!

“Just in time to see your funny face and even witness you talking to yourself,” nakapamulsang sagot nito.

“In short, kanina ka pa nga diyan,” balik niya. Kung andito si Bob, then... “Sinong kasama mo?” pasimple niyang tanong.

“Ako lang.”

“Ikaw lang?”

“Yup!”

“Si Ken?”

“Nagdate sila ng gf niya.”

“Ahhhhhhhhh....”

Napansin niyang lalong sumingkit ang tsinitong mata ni Bob. Parang may gusto itong sabihin at pinipigilan lang nito ang sarili.

“Alam kong may gusto kang sabihin. Sabihin mo na,” turan ni Ana kay Bob.

“Si Ace di mo ba tatanungin?”

“Hindi. Bakit ko naman tatanungin iyon, aber? I’m not interested,” taas kilay niyang sagot.

“LQ lang. For your info, your boyfriend is busy...”

“Busy saan?” nauna ng kusang lumabas iyon sa bibig ni Ana bago niya naisip pang hindi nga pala siya dapat magtanong about kay Ace.

“Not interested huh?” Bob teased her

“Tse!” lukot ang mukhang sinimangutan niya ito.

“Hahaha...” Pinisil nito ang magkabilang pisngi niya. “Ang cute mo talaga pag nagagalit. Kaya ka iniinis lagi ni Ace eh.”

Tinitigan niya ng masama si Bob para tumigil ito. Tumigil naman ito.

“In case you are wondering, Ace is busy practicing for the basketball match.”

Malapit na nga ang sportsfest. Maglalaban-laban ang different schools sa Saint Bernadette University. Player si Ace ng School of Engineering and Architecture. Tchhh! Sa School of Business Management and Accountancy pa rin loyalty niya ano.

“Di ba player ka din? Bakit di ka nagpraparactice?” Ang alam kasi niya, varsity din sina Bob at Ken katulad ni Ace. Pero sa basketball lang yata player sina Bob at Ken di tulad ni Ace na maraming sports ang sinasalihan.

“Oo. Pero tapos na ang practice namin. Si Ace nagprapractice pa para sa’yo.”

“Para sa akin?”

“Gusto yatang magpasikat ng boyfriend mo sa iyo eh.”

Ana rolled her eyes. “As if naman mapapanood ko ito.”

“Are you not going to watch?”

“Umuuwi ako sa amin tuwing sportsfest,” paliwanag niya. Umuwi siya kasi medyo mahaba-habang walang pasok kapag sportsfest. Iyon lang time niyang bumisita sa bahay nila. From the past years na nasa Baguio siya, iyon na ang gawain niya.

“Well, tell Ace about that,” suggests nito.

“Saka na kapag nagsabi na ito. Di naman ito nagsasabi eh.” Pagkatapos ay kunot-noong bumaling siya kay Bob. “Sinong hinihintay mo nga pala?” usisa niya kay Bob. Kasi siya, hinihintay niya si Chichi na wala na nga yata talaga. Missing in action ang bruha.

“Wala akong hinihintay. I was just walking around when I noticed you standing there in the corner.”

“Mag-isa mo lang talaga?” di makapaniwalang tanong niya. Akala niya ng sinabi nito kanina na ito lang, ay kasama pa rin nito girlfriend nito at hindi lang kasama sina Ken at Ace. “Di mo kasama GF mo katulad ni Ken?”

“I don’t have a GF at the moment.”

“Owwwsss?” di kumbinsidong reaksyon niya. “Nung isang linggo lang may girlfriend ka pa ah,” dagdag pa ni Ana. Last week kasi nakita pa niya si Bob na may kasamang babae. Hindi kaya ito nawawalan ng girlfriend.

Mahina itong tumawa. “Break na kami.”

“Ha! Kayo talagang mga lalaki, kung magpalit kayo ng girlfriend parang damit lang,” akusa niya sa binata.

“She’s the one who broke up with me.”

Bago iyon sa pandinig ni Ana. Ang pagkakaaalam kasi niya, certified heartbreaker itong si Bob. Ito ang laging unang nagbrebreak.

“Anong nangyari?” umandar pagkatsismosa niya.

Napailing si Bob. “I don’t know. She said something changed with me.”

“Changed?” Pinasadahan niya si Bob. “Wala naman ah.”

“I am not yet sure. But...” he paused. “...Maybe she’s right.”

“What’s the reason you changed?”

“You...” he said, looking at her directly in the eyes.

Hindi nakahuma si Ana sa narinig. Kung parang anime lang ang mukha niya, kanina pa siguro lumuwa ang mga eyeballs niya sa mga mata dahil sa pagkagulat. Hindi niya kasi inaasahan iyon na marinig mula kay Bob.

“Me?” sabay turo sa sarili. Alanganing tumawa si Ana. “You are joking?....right?”

Matagal siyang tinitigan ni Bob. Hinintay lang ni Ana ang magiging sagot nito. Mahirap basahin ang mukha ni Bob. Di niya tuloy malaman kung seryoso ba ito o hindi.

Nalaman lang niyang nagbibiro lang ito ng biglang sumilay ang trademark nitong ngiti sa labi at tumawa ng malakas.

Nagusot mukha ni Ana. Putik! Pinagloloko ako ng Bob na ito.

Pinisil ulit ni Bob ang pisngi niya. “Hahaha...Of course I am!”

Marahan niya itong sinuntok sa braso. “Ikaw talaga!”

“Naniwala ka?” di makapaniwalang tanong nito.

“Hindi ‘no! Kaya lang nakakabigla lang kasing marinig iyon. I didn’t expect it to come from you. Kahit joke." Tumatawa na rin siya.

Of course, why would Bob even like her? Duh! She’s Ace girlfriend kaya. And as far as she knows, may silent code ang tatlo – Ace, Bob, and Ken – not to go for the girl of another. Kahit ex na lang yung girl.

“Sakaling hindi nga yun joke, and it happens I’m starting to fall for you, what would you say to me?”

Sandaling nag-isip si Ana. “That’s a hard question, ‘lam mo ba yun. Mas mahirap pa yan kaysa sa mga binabalanse ko.”

Ngumiti lang si Bob. “So....?”

Ana reflected for a moment then she answered immediately when she found the right answer.

“DON’T.”

“Huh?” Bob’s confused face gazed at her.

“Don’t fall for me.”

Sumeryoso mukha ni Bob. “Isn’t that a bit unfair? How could you tell me not to fall for you? Feelings can’t be controlled. You should at least know that.”

“Feelings can’t be controlled. But it can be suppressed. So try not to fall for me. It’s for the best.”

“What if I already fell?”

“Then get up and try to forget me.”

“What if I can’t forget you?”

“Forgetting is a process. It’s a hard long process. But it can be achieved.”

Bob smiled. “You have answers for everything huh. If what I said was really true, I will be hurt... a lot.” He even acted like he is hurting. Hawak-hawak nito ang dibdib nito.

“Hahaha...Buti na lang at hindi totoo!” Sambit niya. “Pero nakakanerbiyos ka magtanong ha.” Kinakapa niya ang cellphone sa bag habang patuloy na nagsasalita. “Parang sinasalang mo ako sa kawaling may kumukulong tubig. Good thing those are hypothetical questions only. Di ba?” She asked Bob while looking at her cellphone. Chichi texted apologizing dahil hindi na ito makakapunta. She texted back Chichi that it’s okay lang naman. Kita na lang sila bukas. Muli niyang nilagay sa bag ang cellphone.

“Ano na kasing sinasabi ko?” tanong niya kay Bob na pinapanood pala siya sa kanyang ginagawa.

“Hypothetical questions...” he reminded her.

“Ah! Oo nga. As I was saying, mabuti na lang at hypothetical questions lang lahat ng iyon.”

“Yeah, they are just hypothetical....” Bob said in a soft voice. Parang sa sarili nga lang nito iyon sinasabi at hindi sa kanya. Then he smiled at me. “Uwi ka na?” tanong nito.

“Oo. Inindiyan ako ni Chichi eh.”

Bob took a glance in his watch. “Maaga pa naman. Kain na muna tayo.”

“Libre mo?” paniniyak niya.

“Ahahaha...bakit gusto mong ilibre ako?”

“Hindi. So, libre mo nga?”

Tumango ito.

“Yay! Tara na! Dun mo ako ilibre sa bagong resto dun sa taas. Masarap daw dun,” yaya niya dito.

“Ikaw pa ang choosy niyan.”

“Hehehe... Ayos lang yun. Alam ko namang gusto mo ring kumain dun eh,” palusot niya.

Kahit wala si Ace na mahilig manlibre, at least ngayong week na ito maraming nanlilibre sa kanya. Si Chichi nung isang araw. Ngayon naman itong si Bob. She is blessed with good friends.

*********************************

A/N: Nakapag-update din ako sa wakas! Yebbbba!!!

Crossing finger na pagkatapos ng March, makapag-update na ako lagi dahil hindi ako magsusummer class. Nakakapagod mag-aral eh. Stop na muna. Pahinga naman.

Again, salamat sa pagbabasa! :)

ComVo! Thanks as always.

Continue Reading

You'll Also Like

108K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...