VENGEANCE

By HamawaXy

12.2K 442 4

What you do comes back to you. ___ Enraged by her sister's death, Aihna Di Fronzo enter the school full of ev... More

VENGEANCE
ONE : ABANDONED
THREE
FOUR
FIVE
SIX
SEVEN
EIGHT
NINE
TEN
ELEVEN
TWELVE
THIRTEEN
FOURTEEN
FIFTEEN
SIXTEEN
SEVENTEEN
EIGHTEEN
NINETEEN
TWENTY
TWENTY-ONE
TWENTY-TWO
TWENTY-THREE
TWENTY-FOUR
TWENTY-FIVE
TWENTY-SIX
TWENTY-SEVEN
TWENTY-EIGHT
TWENTY-NINE
THIRTY
THIRTY-ONE
THIRTY-TWO
THIRTY-THREE
THIRTY-FOUR
THIRTY-FIVE
THIRTY-SIX
THIRTY-SEVEN
THIRTY-EIGHT
THIRTY-NINE
FORTY
FORTY-ONE
FORTY-TWO
FORTY-THREE
FORTY-FOUR
FORTY-FIVE
FORTY-SIX
FORTY-SEVEN
FORTY-EIGHT
FORTY-NINE
FIFTY
FIFTY-ONE
FIFTY-TWO
FIFTY-THREE
FIFTY-FOUR
FIFTY-FIVE
FIFTY-SIX
FIFTY-SEVEN
FIFTY-EIGHT
FIFTY-NINE
SIXTY
SIXTY-ONE
SIXTY-TWO
SIXTY-THREE
SIXTY-FOUR
SIXTY-FIVE
SIXTY-SIX

TWO

583 12 0
By HamawaXy

Chapter 2
Aihna's Point Of View

Request to withdraw from school.

Nanatili akong nakatitig sa papel na nasa harapan ko.

Reason for withdrawal.

Gusto kong sabunutan ang sarili sa mga oras na ito.

Pinapaalis na ako sa eskwelahan, pero dahil sa request ng Papa ko na huwag ilagay sa record ko na pinatalsik ako sa dati kong eskwelahan ay napilitan akong magsulat ng withdrawal letter. Ayaw raw kasi niya na mahirapan akong maghanap ng bagong school na lilipatan ko kapag nalaman ng iba na pinaalis ako dahil sa pakikipag-away.

Because of that jerk....

He really mean his threat. But didn't mean to see me again by himself.

Nagdala siya ng mga kasama. Ang nakakapagtaka pa ay hindi ko alam kung paano niya nalaman ang totoo kong pangalan at kung saan ako nag-aaral. Basta nalang silang sumulpot at sinugod ako ng walang kalaban-laban.

Lima silang lalaki habang mag-isa lang akong babae. Kung hindi pa kami nakita ng guard ay mas malala pa sa mga pasa ang matatamo ko.

Iyon nga lang, nang malaman ng school principal ang nangyari ay nagkasundo silang paalisin na ako sa school. Hindi raw kasi tamang gawi ng isang estudante ang masangkot sa mga away. Lalo part ang lalaki pala na iyon na ininis ko ay mula sa pinakasikat na eskwelhan sa buong bansa kung saan nag-aaral ang mga anak ng mga pinaka-kilalang mga tao sa bansa.

Kahit pa malinaw naman na ako ang biktima sa nangyari.

Ayaw lang talaga nilang masira ang reputasyon ng pinakamamahal nilang eskwelahan. Bulok naman ang sistema pati ng mga tao dito.

Muli kong pinagmasdan ang papel na harapan ko na nalukot na dahil sa ilang ulit ko na itong ipinaypay sa sarili.

Wala akong maisip na isusulat. Ano bang dapat kong ilagay dito?

"Hay. Papaalisin nalang ako dito kailangan pa ng susulatin, kainis."

Pinindot ko ang dulo ng ballpen at nagsimulang magsulat.

Kung ano nalang ang maisip ko ay iyon ang isusulat ko.

Matapos kong gawin iyon ay naglakad na ako pabalik sa teacher's office para ipasa ang papel ko.

"Sana naman ito na ang huling beses na makikita ko ang mukha ng babeng ito."

Pabulong na sabi ko sa sarili bago huminga ng malalim at binuksan ang pinto. Dumiretso ako sa lamesa ng adviser ko na mtaray akong tiningnan.

"Sa wakas ay aalis ka na. Dapat ay matagal na nila iyong ginawa. Isa pa, ano pang silbi ng withdrawal letter kung wala ka ring mararating sa buhay?"

Kinuha niya sa akin ang papel na hawak ko at inilapag iyon sa lamesa niya.

Napakadami pang sinabi, edi sana kanina pa ako nakaalis hindi ba?

"Nakakaawa ang Papa mo. Papaano niya nagawang  magmakaawang para sa walang kwentang anak na tulad mo? Hay naku."

Umiiling-iling siyang tiningnan ako na para bang talagang dismayado siya sa akin.

"Umalis ka na."

Hindi ko nalang pinansin pa ang sinabi niya at tinalikuran na siya ng muli naaman niya akong tawagin.

"Hoy, hindi ka man lang magpapasalamat?"

Muli akong napabuga ng malalim na hininga bago siya harapin.

Ano ba ang dapt kong ipagpasalamat? Wala naman akong natutunan sa klase niya. Palagi nga akong natutulog doon o kaya naman ay nakikipagtawanan sa mga kaklase ko.

"Sana nalang po humaba pa ang buhay ninyo. Bye."

"Anong sinabi mo? Ha?"

Hindi siya makapaniwalang nakatingin sa akin. Nakatayo na siya ngayon sa harapan ko. Bakas sa mukha niya ang galit.

Siya na nga itong hinihiling kong mabuhay ng matagal, siya pa itong galit.

"Hoy Aihna sinasabi ko sa iyo. Hindi matatapos ang taong ito ng hindi ka nakukulong. Tandaan mo ang sinasabi ko."

Mapagbanta ang mga tingin niya at ang boses. Nanatili namang walang emosyon ang mukha ko.

"Ingatan rin po ninyo ang sarili mo Ma'am. Kahit gaano pa kalusog ang katawan mo, pwede ka paring mamatay sa isang aksidente lang."

Sinubukan niya akong sampalin matapos kong sabihin iyon pero kaagad kong nahuli ang kamay niya at sinamaan siya ng tingin.

"Hindi na po ninyo ako estudyante. Gusto mo bang maunang makulong sa akin?"

Magalang man ang pagkakasabi ay walang respeto ang tono ng pananalita ko. Dahil hindi ako nagbibigay ng respeto kung hindi mo rin ako kayang respetuhin.

Binitawan ko na ang kamay niya at naglakad na pabalik sa klase. Yung bag ko, dapat pala dinala ko na kanina pa.

Sinalubong ng mga kaibigan ko na kaagad akong pinagkaguluhan.

"Mae-expell ka na nga? Iiwan mo na kami?"

Si Jedrel ang nagsalita.

Hindi ako sumagot at tiningnan lang silang apat. Mayroong dalawang nawawalang tupa. Nasaan ang mga iyon?

"Huwag mo ng hanapin si Yerin. Absent nanaman. Magugulat nalang iyon kapag nalaman niyang lumipat ka na ng school."

Sabi ni Izina nang mapansin niyang mayroon akong hinahanap.

Itinango ko ang ulo sa kaniya.

Tatawag naman kaagad sa akin iyon kapag nalaman niya.

"Eh si Haines nasaan?"

Iniiling nila ang ulo.

"Ewan. Galit yata sa iyo. Panay ang iwas no'n matapos ng nangyari sa iyo eh."

Galit ang lalaking iyon. Hindi sa akin, kundi sa eskwelahan. Noong isang araw ay nagka-usap kaming dalawa at sobra sobra ang inis niya dahil pinapaalis ako sa eskwelahan kahit pa malinaw naman na ako ang pinagtutulungan.

"Kung hindi dahil sa mga siraulong iyon ay hindi ka naman mapapaalis sa school! Kapag nagkita talaga kami sisipain ko ang mga itlog nila."

"Kung nandoon kami, hindi naman mangyayari ito 'di ba?"

Tipid akong ngumiti sa kanila.

"Huwag kayong mag-alala. Hindi na babalik ang mga iyon. Sinadya ko ring hindi sabihin sa inyo, kaya hindi ninyo kasalanan na napagtulungan ako."

Niyakap nila ako matapos no'n. Kahit pa alam nilang ayaw kong nahahawakan ng iba.

Ramdam ko ang init ng bawat isa. Ramdam ko ang kalungkutan nila.

Pero ngayon ay nakahinga na ako ng maluwag. Kanina habang mag-isa ako sa bench at isinusulat ang letter na iyon, pakiramdam ko ay nauubusan ako ng hangin at hindi makahinga.

Kahit saan ako pumunta, walang lugar na nakakahinga ako ng maluwag.

"I-text mo sa amin kung saan ang school na paglilipatan mo. Bibisita kami minsan."

Itinango ko ang ulo. Kahit pa hindi ko sigurado kung makakapag-aral pa ako. Sobra-sobra ang magiging galit sa akin ni Papa oras na magkita kami. Paniguradong wala na akong mauuwiang bahay nito.

"Hmm. Padaan na ako, kukuhanin ko yung bag ko."

"Ito na oh."

Inabot iyon sa akin ni Tazana. Kanina pa pala niya bitbit ngayon lang naisipang ibigay.

"Mag-iingat ka doon ah!"

Nalukot ang mukha ko habang naglalakad palayo. Para namang wala silang tiwala sa kakayahan ko kung makapag-bilin sa akin na mag-ingat.

Ikinaway ko ang kamay at ganoon din sila.

Yung dalawa, magkikita pa naman kami hindi ba?

Nang pababa na ako sa unang palapag ng building ay nakasalubong ko sa daan si Eina. Siya ang presidente ng klase namin. Kung hindi rin dahil sa kaniya ay hindi ako makakatagal sa eskwelahan na ito at makakakuha ng mataas na marka sa klase.

Napansin kong kaagad niyang itinago ang kanang kamay ng makita ako. Para bang ayaw niyang makita ko ano man ang mayroon doon.

"Aalis ka na?"

Pagtatanong niya matapos naming huminto sa harapan ng isa't isa.

"Hmm. Salamat sa lahat prez."

Tipid siyang ngumiti habang itinatango ang ulo.

"Ingat Aihna."

Puno ng lungkot ang boses niya. Kahit pa hindi naman talaga kami malapit sa isa't isa.

Yung iba ko ngang kaklase magmula ng first year ako ay wala namang pakialam na aalis na ako. Iniisip pa ng iba na dapat lng talagang mapaalis ako. Psh.

"Ingatan mo rin ang sarili mo Prez."

Tiningnan niya ang kamay niya bago iniiling ang ulo.

"Wala ito–"

Kaagad na pag-depensa niya sa sarili.

"Hindi iyan ang tinutukoy ko."

Tinuro ko ang kaliwang dibdib ko.

Naintindihn niya kaagad at tumango sa akin.

"Huwag kang mag-alala. Kaya ko ito."

Matapos ng pag-uusap na iyon ay tuluyan ko ng nilisan ang eskwelahan.

Ewan ko kung ano ba ang dapat na mamiss ko. Yung mga tao ba o yung rooftop na paborito kong tulugan tuwing tinatamad akong pumasok sa klase?

Baka pareho.

Bumagal ang paglakad ko ng makita ang pigura ng isang matandang lalaki sa tapat ng gate ng school.

Bakit siya nandito? Susunduin ako?

Nang makita niya ako ay huminga ako ng malalim kasabay ng pag-ikot ng mata ko.

"Hoy."

Hindi ko pinansin ang pagtawag niya sa akin at nagpatuloy lang sa paglalakad.

"Sakay."

Utos niya habang nakasunod parin sa akin. Gamit niya ang kotse na ibinigay sa kaniya ng bago niyang asawa. Gamit ang pera na nakuha nila matapos mamatay ni Mama.

"Kaya kong umuwi mag-isa."

"Sumakay ka."

"Kaya ko na ngang mag-isa."

Naiirita man ay pinilit kong maging kalmado habang sinasabi iyon.

Bakit ba kasi ang kulit niya? Hindi ba niya naiintindihang ayaw kong sumakay sa kotse niya?

"Kailan ka ba titigil? Hanggang kailan sa tingin mo kaya kong pagtiisan iyang ugali mo?"

Sa pagkakataong iyon ay huminto ako sa paglalakad at hinarap siya. Wala akong sinabing kahit ano at nanatili lang na nakatingin sa kaniya.

Bakas ang galit sa boses niya at nang humarap ako ay nagtaasan ang mga balahibo ko sa katawan ng makita kung gaano siya kaseryoso ngayon.

"Sakay na Aihna."

Sa huli ay napilitan rin akong sumama.

Hindi ko pa nakitang ganito ka-seryoso si Papa. Alam kong matigas ang ulo at pinagpapasensyahan niya lang ako. Pero mukhang ito na ang hangganan ng pasensyang iyon.

Habang nasa byahe kami papunta sa kung saan man niya ako balak na dalhin ay nagtanong siya.

"Ano ng gagawin mo ngayon? Mag-eenroll ka ulit o hahayaan mo nalang na masira ng tuluyan ang buhay mo?"

Bumuntong-hininga ako at walang ganang sinagot ang katanungan niya.

"Ewan. Matagal na namang sira ang buhay ko."

Tiningnan niya ako ng masama bago itinabi sa gilid ang sasakyan.

Nang lingunin ko siya ay kaagad na tumama sa ulo ko ang palad niya.

"Hindi ka nakikinig kapag pinagsasabihan ka ng maayos!"

Muli niyang hinampas ang ulo ko.

"Puro nalang problema ang dinala mo sa pamilyang ito!"

Muli ay nakatanggap ako ng hampas sa ulo.

Paulit-ulit at ulit. Wala akong ibang ginawa kundi protektahan ang sarili. At ng hindi na makapagpigil ay tiningnan ko siya ng masama.

Nahinto sa ere ang kamay niyang balak pa sanang ihampas sa ulo ko.

"Patayin mo nalang kaya ako?"

Walang sinlamig ang boses ko.

"Patayin mo nalang ako gaya ng ginawa ninyo kay Mama!"

Hindi siya nakapagsalita. Mabilis na namuo ang galit sa dibdib ko. Pakiramdam ko ay ito narin ang oeas na sasabog na ako at masasabi ko na ang lahat ng kinimkim ko sa dibdib ko.

"Ang akala ba ninyo hindi ko malalaman? May pag-asa pa siyang mabuhay! Kasalanan ninyo kung bakit siya namatay!"

Hindi ko na napigilan ang sarili na mapasigaw.

"Kung sa tingin ninyo ay mas gagaan ang buhay ninyo kung wala ako. Bakit hindi nalang rin ninyo ako patayin?"

Matapos ng sagutan na iyon ay naging tahimik na ang byahe namin papunta sa kung saan. Nakakapagtakang gabi na pero nasa byahe parin kami at hindi ko alam kung saan ba nya ako dadalhin.

Hanggang sa huminto ang sasakyan sa bahay ng Lola ko. Mama ng Mama ko.

Naunang lumabas ang Papa ko na kaagad ko siyang sinundan.

Alam ko na kung bakit kami nandito. Pero hindi ako makapaniwala. Iiwanan niya talaga ako? Dito?

Umikot ako papunta sa pwesto niya at nakita siyang mayroong ibinababang mga gamit galing sa likuran ng kotse.

Mga gamit ko.

"Talagang pinaghandaan mo ito ano?"

Sa hindi malaman dahilan ay nagsimulang pumatak ang mga luha ko habang pinapanood siya sa ginagawa. Nang matapos siyang ibaba ang lahat ng mga bag ay hinarap niya ako.

"Tapos na tayo. Punong-puno na ako sa iyo."

Naikuyom ko ang kamao matapos marinig iyon.

"Matagal na tayong tapos. Magmula ng inuwi mo sa bahay ang kabit mo."

"Huwag mong tawagin ng ganiyan ang stepmother mo!"

Pinagtaasan niya ako ng boses.

"Kaya natatakot siya sa iyo dahil ganiyan ang ugali mo!"

Hindi ako makapaniwala sa naririnig. Siya takot sa akin? Iyon ba ang isinusumbong niya kay Papa? Napaka-plastic.

Sumakay na si Papa sa kotse niya at ibinato sa lapag ang sobre na sigurado akong ang laman ay pera.

"Huwag mo na ako ulit na tawagan. Hindi naman kita tunay na anak. Kaya bakit kailangan ko pang pagtiisan iyang ugali mo?"

Hindi ako kaagad nakakilos. Nagsimula na siyang magpaandar ng kotse habang nanatili naman akong tulala.

Nagkamali ba ako ng dinig? Hindi niya ako anak?

Sinubukan kong habulin ang kotse ni Papa para magtanong pero nakalayo na siya.

Mas lumalim ang pagiyak ko ng muling umulit sa isipan ko ang sinabi niya.

"Hindi naman kita tunay na anak. Kaya bakit kailangan ko pang pagtiisan iyang ugali mo?"

Itinakip ko ang braso sa mga mata at doon ibinuhos ang mga luha.

Kaya pala hindi ko maramdaman na siya ang Papa ko.

Kaya pala hindi niya kailanman pinaramdam sa akin na anak niya ako.

Kasi hindi naman pala talaga.

"Mama... "

Pagtawag ko sa kaniya.

Sino ang totoong Papa ko? Bakit hinayaan niya ako?

Nang pagsinok nalang ang tanging ginagawa at hindi na pumapatak pa ang mga luha ay naglakad na ako pabalik sa kinapupwestuhan ng envelope na mayroong pera at sinipa iyon.

"Ano ito? Bayad para hindi na ako magpakita ulit? Tqngina!"

Nanatili akong nakatayo sa labas at hindi ginawang pumasok sa loob ng bahay ng Lola ko. Nakakahiyang makita niya akong ganito. Ang laki-laki ko na ay umiiyak pa ako.

Pero ilang minuto lang ang lumipas ay narinig ko ang pagtawag niya sa akin.

"Bakit hindi ka pa pumasok? Kanina ka pa dito sa labas?"

Minadali kong punasan ang mga mata ko at inayos ang sarili bago sumagot.

"Papasok narin po ako."

Sinubukan kong pigilin ang pagsinok.

"Nasaan ang Papa mo?"

Matapos marinig na itanong niya iyon ay gusto ko nanamang umiyak. Pero anong maagawang mga luha ko ngayon? Nandito na ako. Tuluyan na niya akong iniwan dito.

Pagkatapo ay hindi pa pala siya ang tunay na tatay ko.

"Umalis na."

Sagot ko sa kaniya bago sinimulang bitbitin ang mga bag ko.

"Pumunta siya dito at umalis kaagad? Hindi man lang niya ginawang batiin ang Mama niya. Pasaway na bata."

Gusto kong sagutin si Lola.

"Wala na po siyang kapal ng mukhang magpakita sa inyo pakatapos ng ginawa niya kay Mama."

Pero pinanatili kong tikom ang bibig at hindi na siya kinibo pa.

"Akin na iyan. Tutulungan kitang magbuhat."

Sinubukan niyang kuhanin ang isa sa mga bag ko pero hindi ko siya hinayaang gawin iyon.

"Kaya ko na po. Ako na dito."

Pero sintigas ng ulo ko ang ulo ni Lola. Nagpumilit talaga siyang kuhanin iyon sa akin kaya ibinigay ko na.

"Mas malakas pa ako sa iyo. Tara na, pumasok na tayo at kumain."

Sinundan ko siya papasok sa loob.

Sa tingin ko ay dito na muna ako pansamantala. Babalikan ko ang mga taong iyon. Hindi pa niya ako binigyan ng pagkakataon na makapagpaalam man lang sa kapatid ko. Wala talagang puso!

"Pumunta tayo ng eskwelahan bukas para makapag-enroll ka."

Pagsasalita ni Lola habang kumakain kaming dalawa.

Naikwento ko na ang nangyari sa kaniya hanggang sa parte lang na ibinato sa akin ni Papa yung pera na para bang binabayaran niya ko.

Hindi ko na binanggit pa ang tungkol sa sinabi niya.

"Huwag muna po nating pag-usapan an eskwelehan 'la. Nakakawala ng gana."

Sagot ko sa kaniya.

"Bakit hindi pag-uusapan e estudyante ka. Sinasabi ko sa iyo. Kapag gumawa ka pa ng kalokohan ay–"

"Papaalisin niyo rin ako gaya ni Papa?"

Tumango ako at nagpatuloy lang sa pagkain.

"Ayos lang. Masasanay rin akong pinagtatabuyan. Isa pa, kung gagawa ako ng kalokohan dito, aalis na ako kaagad bago mo pa man malaman."

Paninigurado ko sa kaniya.

"Ang drama mong bata."

Nanatiling walang emosyon ang mukha ko at nakinig lang sa sinasabi niya habang patuloy sa pagkain kahit pa ayaw ng isip ko sa ideya na iyon.

"Tigilan mo ang pag-arte na para bang kaya mo ng mag-isa. Umiiyak ka nga kanina noong iniwan ka ng Papa mo sa kalsada."

Tiningnan ko siya ng mapait ang mukha. Hindi na napigilan pa ng bibig ko ang magsalita.

"Papaano ba naman kasi 'la! Ang sabi niya hindi naman daw niya ako anak kaya hindi naman niya kailangang pagtiisan ang ugali ko!"

Pakiramdam ko ay nawawalan na ako ng ganang kumain. Pero gutom parin ang tiyan ko. Kailangan ko pang kumain.

Natahimik si Lola, napalunok siya at nag-iwas ng tingin ng marinig iyon. Huminga pa siya ng malalim bago nagsalita.

"Talagang... sinabi niya iyon?"

Tumango ako. Hindi naman siya mukhang nagulat sa sinabi ko.

"Eh ang kapatid mo? Nasaan si Uhna?"

Iniiling ko ang ulo sa kaniya.

"Huwag niyo po siyang alalahanin. Mabait na bata si Uhna. Hindi siya aabandonahin ni Papa."

"Pasaway ka kasi. Sa lahat ng mamamana mo sa Mama mo ay ang katigasan pa ng ulo niya."

Pabulong niya lang na sinabi iyon pero narinig ko parin. Hindi ko nalang pinansin at isinubo na ang huling kutsara ng kanin sa plato ko.

"'la, pwede pang humingi ng kanin?"

"Syempre! Bakit kailangan mo pang magtanong kung pwede ka nalang magsabi na gusto mo pa."

Nagdadabog siyang nagpunta ng kusina para magsandok ng kanin.

"Hindi kita papalayasin. Pero hindi ko rin sinasabing pwede mong gawin ano man ang gusto mo. Mag-aral ka na ng mabuti at maging mabuting bata."

Inilapag niya sa lamesa ang bagong sandok na kanin. Kaagad akong naglagay sa plato ko at nagpatuloy sa pagkain.

"Mukha kang nagutuman. Hindi ka ba nila pinapakain sa inyo?"

Minadali kong nguyain at lunukin ang pagkain sa bibig ko bago nagsalita.

"Kumakain po, pero hindi kasing-sarap ng luto mo ang pagkain doon."

Ipinakita ko ang hinalalaki sa kaniya.

"The best ang luto mo 'la."

"Alam ko. Pero hindi ko parin nakakalimutang mag-eenroll ka bukas."

Muli akong sumubo ng kanin kahit pa nakakaasar na pinapaalala niya ang pag-aaral ngayon. Hindi ko naman nakakalimutang kailangan kong mag-enroll bukas. Parang ewan din si Lola eh.

"Pero 'la. Ang alam ko po ay sem-break na sa mga susunod na linggo. Ibig sabihin may ilang linggo pa ang hihintayin ko para makabalik sa school."

"Sem-break?"

Tumango ako at muling sumubo ng kanin.

Hindi ko naman maramdaman ang gutom kanina pero ngayong kumakain na ako ay hindi ko iyon matigilan.

Siguro ay dahil talaga sa masarap ang luto niya?

"Kung ganoon, bakit ka pa gumawa ng kalokohan kung malapit narin pala ang bakasyon?"

Tinaasan ko siya ng dalawang kilay dahil hindi ko kaagad naiproseso ang katanungan niya.

Ang akala ko ay hindi bubuksan ni Lola ang topic na iyon.

Pero ano pang magagawa ko, kailangan kong sabihin sa kaniya.

Isinandal ko ang balikat sa likuran ng bangkuan bago diretsong tumingin sa kaniya at sumagot.

"Para mas mahaba ang bakasyon ko."

Continue Reading

You'll Also Like

6.3K 480 25
A girl who always wanted someone to love her find out that she have a stalker. And that is a man who love her mother before and is now obsessed with...
6.6K 168 14
Luna Hecate Sheridan, a girl who can't control her deadly powers that can cause destruction. Ang akala ni Luna ay isa lamang mental illness ang mero...
82.5M 2.4M 73
Erityian Tribes Series, Book #1 || Not your ordinary detective story.
56M 989K 32
Join Lorelei and Loki as they unravel the threads of mystery, unveil the masks of evil intentions and put together the pieces of the puzzle in their...