Captive Of Desire (DESIRE Ser...

By Rheiple

94.1K 1.3K 22

R18|MATURED CONTENT Behind her angelic and innocent face lies a secret desire, concealed from the prying eyes... More

PROLOGUE
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
EPILOGUE

CHAPTER 1

4K 58 0
By Rheiple

Seryoso kong pinapanood ang mga isda sa aquarium na mukhang masayang naghahabulan. Sinubukan kong hawakan ang glass na aquarium na para bang mahahawakan ko ang mga naggagandahan isda sa loob nun. Napangiti pa ako nang lumayo ito at lumangoy palayo sa kamay ko. Nandito ako sa bahay nina Lola Priscilita at sa tuwing nandito ako ay dito kaagad ako tumutungo sa parteng likuran kung nasaan ang dalawang aquarium na puno ng isda sa loob.

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maiwasang hindi maamaze kapag nakikita ko ang mga ito. Paano kaya nito nakakayanang mabuhay ng matagal na nakakulong lamang sa aquarium. Nasanay silang malayang lumangoy sa malawak na karagatan. Marami sila doong pagkain at lugar na pupuntahan. Hindi kagaya dito sa kulungan nila.

"Hi love" nagulat ako nang biglang may yumakap saakin. Natigil ako sa pagmamasid sa mga isda.

"Ariel?"

"Yes. It's me. Pinuntahan kita sainyo. Ang sabi ng kasambahay niyo na siyang naabutan ko roon ay dito ka daw namamalagi dahil nag out of country ang parents mo." he planted a kiss on my shoulder. Lumingon ako sa kaniya para yumakap

"I missed you. Bakit ngayon ka lang nagparamdam?"

"Sorry. Sobrang busy namin lately. Ikaw lagi ang naiisip ko sa kabila ng lahat ng mga ginagawa namin. Baka bigla mo na lang akong iwan kasi hindi na kita nabibigyan ng time" ngumuso ako sa sinabi niya. He peck a kiss on my lips when I did that.

"You're so cute" natatawa niyang sabi habang pinipisil ang magkabila kong pisngi. Lalo akong ngumuso sa sinabi niya. Para naman akong bata kung ituring niya minsan.

"Angelina? Apo"

Bumitiw ako sa pagkakayakap sa kaniya nang marinig na papalapit saamin si Lola.

"Oh. Nandito na pala siya. Sasabihin ko sanang may naghahanap sayo"

Lumapit si Ariel para magmano kay Lola. Marahan namang tinapik ni lola sa balikat si Ariel. She loves it when young adults still do this kind of gestures to give respect.

"Lola si Ariel po pala, boyfriend ko—"

"Alam ko, sinabi na ng mama mo. Ipaghahanda ko kayo ng meryenda"

"Huwag na po. Binisita ko lang po si anj. Mamaya aalis din ho ako. Medyo malayo po kasi ang biyahe pabalik sa Maynila." Agap naman ni Ariel. He looks shy lalo pa nang takang tumingin dito si Lola.

"Wala kang dalang sasakyan?"

"Wala ho. Nag commute lang po ako" nagulat ako sa sinabi niya.

Sa Tanay, Rizal kasi located itong bahay nina Lola. Mas gusto nila dito dahil dito sila bumuo ng pamilya ni Lolo at ayaw lumipat sa kasentruhan ng Maynila. Mas tahimik nga naman dito at sobrang payapa ng paligid.

Hindi naman kalayuan ang Rizal sa Maynila pero kung nag commute siya ay paniguradong matatagalan siya niyan. Kami ngang naka kotse papunta dito ay inabot ng one and a half hour sa biyahe. Buti lang kung train siya sasakay kasi mas mabilis at walang traffic.

"Bakit hindi ka nagdala ng sasakyan?" Nag aalala kong tanong

"Hiniram ng kapatid ko"

Tapos nakuha niya pa akong puntahan dito kahit malayo. That's why I love this boy so much. Pinapunta kami ni Lola sa may silid-tanggapan at naupo sa may couch. Doon kami nag usap at nagkamustahan. Madami dami siyang ikinuwento saakin at as usual lagi akong handang makinig sa kaniya.

Saaming dalawa ay siya ang pala salita. Ewan ko din ba sa sarili ko. Namulat na lang ako sa mundong ito na napaka hinhin at pormal. Yun kasi ang turo sakin ni mommy. Hindi daw magandang tingnan ang babaeng magaslaw at bungangera. Dahil din sa ganito ang ugali ko ay wala akong nagiging kaibigan simula nung elementary at highschool days ko. Ilag silang lahat sakin kasi napaka boring ko daw na tao.

Kaya ngayong college na ako ay hindi na ako nag expect ng kaibigan. Pasalamat ako nang makilala ko si Ariel. Lagi siyang nandiyan para pasayahin ang araw ko at iparamdam sakin na hindi ako nag iisa. Kaya bigla akong nalungkot nang madalas na kaming hindi magkita dahil sa pagiging busy niya as a graduating student.

Sabay kaming tumayo nang magpaalam siyang aalis na dahil malapit ng dumilim. Sinamahan ko siya palabas at napasimangot na naman dahil napakabilis lang ng pag bisita niya.

"Babalik naman ako pag lumuwag ang schedule ko. Baka bukas o sa makalawa"

"Huwag ka ng pumunta dito. Masiyadong malayo para sayo. May pasok naman na kami next week, doon na lang tayo magkita sa school" he smiled and nodded.

Lumapit ako sa kaniya para humalik. I smiled between our kissses kasi parang ayaw na niyang bumitaw. Marahan ko siyang tinulak at tinuro na ang gate dahil medyo madilim na ang paligid. Pupunta pa siya sa may sakayan.

"Babye" I said with a tiny voice.

"Bye love. I love you" niyakap niya ulit ako at hinalikan na parang walang katapusan.

Hinayaan ko lang siya dahil ngayon lang ulit kami nagkita. Wala siyang pakialam kahit na may makakita samin dito.

"I will miss you so much. Gosh. Kung pwede lang kita isama. Kailan ba tayo magiging mag asawa?" Natatawa niyang sabi. Natawa na din ako. Ang bata bata ko pa. He's graduating pero madami pa siyang process para sa career niya. Ako naman marami pang bigas na kakainin. I'm just 18 and just starting on my college life.

"Kapag may trabaho na ako"

"Tsk. You don't have to work. Once na maka graduate ka, papakasalan na kita. I hate missing you like this"

Mahina ko siyang hinampas sa braso. As if naman na papayag kina mommy. Ang daming pangarap nila para sakin once na maka graduate ako sa business administration course na kinuha ko. I'm not into business. I don't even know how to do business. Sabi ni mom ay kunin ko lang daw ang course na iyon dahil magugustuhan ko na lang after. So I did what she said.

"Hindi papayag kina mommy. There is a right time for that. Sige na, gabi na"

"Bye. I love you again"

"I love you too" mahina ang boses na anas ko. Pinanood ko siyang tumalikod at naglakad palayo. Palingon lingon pa siya saakin at kumakaway. Hay. Ang hirap talaga panooring naglalakad palayo ang taong mahal mo. Kung pwede nga rin sanang sumama sakaniya ay baka ginawa ko na. Pero ayoko namang gawin yun. Panigurado maaalarma si Lola sa pag alis ko at sasabihin kay mommy na nasa ibang bansa ngayon. Syempre dahil OA si mom pagdating sakin, magre react siya ng sobra sobra at magbo book ng ticket pauwi. I know mom.

Kinabukasan ay inabala ko ang sarili ko sa pagdidilig ng mga halaman ni Lola sa bakuran. Iba't ibang uri ng bulaklak ang narito na siyang nakakapaaliwalas sa paligid. Ang sarap langhapin ng hangin kapag ganito ang naka paligid sayo.

"Totoo nga ang sabi ni mama. Nandito ka" biglang sumulpot ang pinsan kong si Leandra kung saan. Dito din sila nakatira sa Rizal malapit ang bahay kina lola.

Minsan lang kami magkita kita dahil dito sila namamalagi at nag aaral. Kami lang ang napadpad sa Maynila dahil yun ang gusto ni dad.

"Noong isang araw pa ako dito"

"Bakit hindi ka nagtext? Jusko grabe na yung boring ko sa bahay at gusto ko ng kausap. Nandito ka lang pala" tinawanan ko lang siya na kung umasta parang ang laking problema ang pagiging boring.

"Si Olga?"

"Busy sa self-study" lumapit siya sa halaman at pumitas ng isang bougainvillea at pinaikot ikot sa kamay niya.

Tumigil ako sa ginagawang pagdilig para harapin ang pinsan ko. Inaya ko siyang maupo. May apat doong upuan na pinagigitnaan ang isang maliit na pabilog na marmol na mesa. Uminom ako ng tubig na inihanda ko kanina. Nakakauhaw ang init ng panahon.

"Ikaw may nobyo ka na?" Nakangisi niyang usisa. Tumango ako at ngumiti sa kaniya.

"Totoo? Sa itsura mong yan nagka nobyo ka? Napakahinhin mo" natatawa niyang sabi. Kiniliti niya pa ako ng bahagya sa may tagiliran kaya napausog ako palayo, habang mahinang tumatawa.

"Bakit? Eh sa maganda ako" pabiro kong sabi at nagtawanan kami. Pero siya ang may mas malakas na tawa.

"Lakas ng confidence. Kaya nga bilib ako sayo. Ano, inano ka na?" Napanganga ako sa tanong niya. Di ko na gets. Anong ano? Nagtaas baba ang kilay niya na parang nanunukso.

"Ano?"

"Inano ka na? Alam mo na. Yung ano"

"Ano bang ano?"

"V ka pa? Sus may jowa na napaka inosente. Ako nga mulat na sa mga ganyan"

"V?"

"V as in virgin ka pa? Kung may nangyari na sa inyo? Jusmeyo naman, Angelina." Umakto siyang namomroblema saakin. Habang namula naman ako sa sinabi niya. Grabe namang tanong yan. Ni hindi ko pa nga yan naiisip na gagawin namin yan ni Ariel. Grabe talagang babae ito.

"Wala Leandra. Ang dumi ng utak mo." Naiiling kong sabi. Napahalakhak siya sa reaksyon ko. Panigurado ay rinig ang halakhak niyang iyon sa loob ng kabahayan nina Lola kahit na nasa labas kami.

"Try niyo minsan. Nakaka enjoy siya at nakaka ganda ng katawan" nanlaki ang mga mata ko at akma ko siyang hahampasin sa mga pinagsasabi niya pero tumakbo ito palayo sakin habang tawa ng tawa.

"Grabe ka Leandra." Napanguso ako at umupong muli. Halos maluha naman siya sa kakatawa. Bumalik siya sa kinauupuan kanina at nakiinom ng tubig.

"Nakoo Anj. Masama yang masiyado kang inosente sa mga ganyan. You should be open minded about those things. Madali ka niyang mapagsasamantalahan" nakangiti ngunit seryosong sabi niya

"Hindi magagawa yun ni Ariel. Hanggang kiss lang kami"

Tiningnan niya ako ng may pagdududa. "Kiss lang? Walang hipo?"

"Syempre wala"

"Grabe yang nobyo mo magpigil. Ilang buwan na kayo?"

"Mag iisang taon na kami next month" halos mabuga niya ang iniinom sa sagot ko. Mabuti na lang natakpan niya ang kaniyang bunganga.

"11 months? Puro lang kiss? You've got to be kidding me. Walang lalaking santo kung ganiyan sayo kaganda ang girlfriend"

"Mabait si Ariel." Ulit ko.

"Grabe yun. Hindi ka man lang ginalaw?" Pinanlakihan ko siya ng mga mata.

"Gusto mong patayin ako ni mommy?" Knowing mom, kahit na okay lang sa kaniya na may nobyo ako. Her expectations towards me are far too high. Alam niya na alam ko ang dapat kong gawin. Hindi siya mahigpit dahil may tiwala siya sakin.

"Bakit sasabihin mo ba?"

"Sira ka talaga. Tinuturuan mo pa akong ma tempt. Tapos kapag nabuntis, iiyak iyak, magso sorry"

"Magpapabuntis ka ba? Uso pills."

Hindi ko na siya pinansin sa kung anu ano pang lumalabas na maruruming salita sa bunganga niya. Kahit ako ang laking Maynila samin, mas mukha siyang liberated samin. Nabanggit niya din na hindi na siya virgin at kinuwento pa ng kumag kung saan nila ginawa yun ng ex boyfriend niya. Para talagang sira ulo. Sinong matinong tao ang iku kuwento pa ang ganiyan ka pribadong istorya.

Natahimik kami bigla nang lumabas mula sa bahay si Alessandro I mean uncle. Since kinakasama na pala siya ng auntie Clari. Nandito lang pala siya hindi lang lumalabas. May bahay na sila ayon kay auntie pero madalas lang na bumisita dito para tulungan si Lolo sa negosyo nito dahil tumatanda na.

He's wearing a black t-shirt and jeans habang pinapaikot ikot sa mahahaba niyang daliri ang susi ng kotse. Busy ito sa kaniyang cellphone kaya hindi kami napansin ditong magpinsan.

"He's. Fucking. Hot" malanding usal ng pinsan ko kaya napangiwi ako sa kaniya. "Kung hindi lang siya asawa ni auntie Clari, matagal ko na siyang pinatos. Pero baka pwede naman siyang mahiram kahit isang gabi lang. Dang, he looks big" sinundan ko ng tingin ang tinitingnan ni Leandra at yun ang malaking umbok sa ibabang bahagi ni uncle Alessandro. Napakagat labi pa siya.

Nataranta ako nang bigla itong lumingon saamin. Pinaningkitan niya lang ng tingin si Leandra na hindi nagbago ang ekspresyon ng mukha. Nilipat nito ang tingin sakin at mariin akong tinitigan. Ako na ang nag iwas ng tingin. Baka isipin niya pang pinag papantasyahan namin siya.

"He's old" bulong ko sa pinsan ko na nakatitig pa rin sa  lalaki na hindi kalayuan saamin.

"I heard he's 28. Oldies are yummy."

Gabi na nang magpasyang umuwi ang maingay kong pinsan. Nanood muna ako ng movie bago natulog. As I started to close my eyes. Nakita ko ang mukha ni Alessandro na nakatitig ng malagkit saakin. He's touching me and I like what he's doing. Naimulat ko ang mga mata ko sa naiisip ko. Ipinilig ang ulo at bumangon. Diyos ko ano ba yun?

Bumangon ako dahil pakiramdam ko ay nanuyo ang lalamunan ko doon. Dahan dahan akong lumabas ng kuwarto at bumaba patungong kusina. Maingat ang galaw ko para hindi makalikha ng ingay. Kumuha ako ng tubig sa ref at nagbigay yun ng mumunting liwanag sa paligid. Tanging ang lampshade sa sala at ang sinag ng buwan mula sa labas ang nagsisilbing liwanag dito. Hindi ko na in-on ang switch para hindi magising ang kasambahay nina Lola.

"What keeps you awake?" Muntik ko ng mabitiwan ang baso nang biglang may nagsalita. Napalingon ako sa likuran ko at sa tangkad at tikas ng bulto nito ay kilala ko na kung sino iyon.

"Ah-eh nauhaw lang po" nauhaw sa naisip ko kanina. Wala siyang kaalam alam sa mga pumapasok sa utak ko.

Nahigit ko ang hininga ko nang lumapit ito sakin. Sobrang lapit. Halos hindi ako huminga ng mga oras na yun. Bumukas lang pala siya ng ref kaya umusog ako palayo. Tumatama ang liwanag ng buwan sa kaniyang mukha at kitang kita kung gaano siya kaguwapo at perpekto. He is perfectly sculpted by God. I can't help myself from staring at him and admire his looks. I watched his adams apple moved when he gulped the glass of water.

"Done staring?" He smirked. Nag iwas ako ng tingin. Tumalikod na ako para maiwan siya doon ngunit nagulat ako nang hawakan niya ang braso ko at mariin akong sinandal sa may pader.

Hindi ako nakagalaw sa gulat sa kaniyang ginawa. Halos magwala ang kung ano mang mga nilalang ang nasa tiyan ko ngayon.

"Tell me what's on your mind. Anong iniisip mo?"

"P-po? Wala po." Inilayo ko ang mukha ko nang ilapit niya pa ang kaniyang sarili sakin. Wala na akong mapupuntahan pero iniiwas ko pa rin ang mukha ko sa kaniya.

"Why were you staring at me?"

"Hindi po—" he crashed his lips against mine that made my whole world stopped for a moment. I was too stunned to react and think what I should do. He cut the kisses and grin like a devil and he even spank my butt with his eyes like a goddamn blaze  in the dark that he's starting to lit tonight.

"Don't look at me again that way. You don't know how much I'm thirst for your attention"

Tinalikuran niya ako at iniwan na nakatunganga sa kusina. I touched my lips slowly. I can still feel his lips. Did he just kiss me? Why would he kiss me? Ni wala nga siyang pakialam sakin at hindi niya naman ako pinapansin simula nung makilala ko siya sa bahay namin. But he just did. I know it's wrong but why does it have to feel so right? And..

That was the very moment I knew I fucked up.

Continue Reading

You'll Also Like

109K 4.1K 41
A girl and a guy get to know each other. I really have no clue what it's going to be about. This whole book is also unedited.
4.7M 299K 108
What will happen when an innocent girl gets trapped in the clutches of a devil mafia? This is the story of Rishabh and Anokhi. Anokhi's life is as...
26.8K 670 11
π’―π’½π’Ύπ“ˆ π“Œπ’Άπ“ˆ 𝓉𝒽𝑒 𝓇𝒢𝒷𝒷𝒾𝓉 π’½π‘œπ“π‘’ 𝒯𝒽𝑒 π’Έπ‘œπ“ƒπ“ˆπ“‰π’Άπ“ƒπ“‰ π“‰π“Šπ“‚π’·π“π’Ύπ“ƒπ‘” 𝒢𝓃𝒹 π“‡π“Šπ“ƒπ“ƒπ’Ύπ“ƒπ‘” π’Άπ‘”π’Άπ’Ύπ“ƒπ“ˆπ“‰ 𝓉𝒽𝑒 π“Œπ’Ύπ“ƒπ’Ή π’Ÿπ‘’π“ˆπ’Έπ‘’...