The Bearer

By PurpleSwallow

314K 19.5K 1.9K

Noah Aviente ♡ Shilo Calangitan More

TEASER
Chap. 1
Chap. 2
Chap. 3
Chap. 4
Chap. 5
Chap. 6
Chap. 7
Chap. 8
Chap. 9
Chap. 10
Chap. 11
Chap. 12
Chap. 13
Chap. 14
Chap. 15 Brain & Heart
Chap. 16
Chap. 17
Chap. 18
Chap. 19
Chap. 20
Chap. 21
Chap. 22
Chap. 23
Chap. 24
Chap. 25
Chap. 26 Her New Love
Chap. 27
Chap. 28
Chap. 29
Chap. 30
Chap. 31
Chap. 32
Chap. 33
Chap. 34
Chap. 35
Chap. 36
Chap. 38

Chap. 37

5.8K 477 27
By PurpleSwallow

Chap. 37

ANG KWENTONG ITO AY WALANG KATOTOHANAN.


Dumaan pa ang mga araw.. paunti unting nararamdaman ni Diana ang patuloy na pagbabago sa kanyang katawan.

Humarap sa salamin si Diana. Pinagmasdan n'ya ang kanyang sarili. Ang dating ganda n'ya na kinaiinggitan ng karamihan ay nawawala na. Namamayat na rin si Diana, dahil nahihirapan na s'yang kumain. Araw araw, umiinum s'ya ng mga gamot. Pakiramdam n'ya pinarusahan s'ya ng langit dahil sa mga kasalanang nagawa n'ya. At ngayon, maging ang kanyang anak ay magdurusa.

"Patawarin mo ako anak. Kasalanan ko ang lahat. Sana mapatawad mo ako. Labis lamang ang pagmamahal ko sa ama mo. Kaya ko nagawang magsinungaling. Hindi ko man lang inisip ang kahihinatnan sa mga desisyong nagawa ko sa buhay."

Napaiyak ng husto si Diana. Nang biglang..

NAPAHAWAK S'YA SA KANYANG DIBDIB. KINAKAPOS S'YA SA PAGHINGA.

Napapikit ang mga mata ni Diana. Gusto n'yang tumayo, ngunit napasubsob s'ya sa sahig.

"Tu...tu...long!" Gusto n'yang sumigaw ng malakas, ngunit hindi sapat ang boses na lumalabas sa kanyang bunganga.

Nandidilim ang kanyang paningin.

"Maam Dee, iinum na po kayo ng gamot n'yo....TULONG!!!" Sigaw ng katulong.

Minadaling dinala si Diana sa hospital.

------------------------

Dumating si Noah at mga magulang ni Diana.

"Nagkaroon ng komplikasyon ang kalagayan ng inyong asawa. May mga pasyenteng nagkakaroon ng sakit sa puso. Dahil nga apektado ang mga muscles sa loob ng ating katawan hindi ito naiiwasan."

Nagsimulang umiyak ang ina ni Diana. At maging si Noah ay nag-alala sa kalagayan ng asawa.

Muling nagkaroon ng malay si Diana. Iginala n'ya ang kanyang paningin at nakitang nasa tabi n'ya ang kanyang asawa't mga magulang.

"Anak, mabuti at nagising kana. Nag-aalala kami ng lubos sa 'yo. Anak, h'wag kang mawalan ng pag-asa; may awa ang Dios sa 'yo."

Sa sinabi ng ina, napaluha si Diana. Hindi n'ya masabi sa kanyang mga magulang na tila pinaparusahan na nga s'ya ng Dios, sa kanyang ginawang kamalian sa buhay. Lalo na't nakikita n'ya si Noah na hindi s'ya iniwan kahit na nalaman na nito ang katotohanan.

"Noah.." Tawag ni Diana.

Lumapit si Noah at hinawakan ang kamay ng asawa.

"I'm..sor..ry..pi..nahi..hira.pan kita." Maluha luha si Diana.

Nakatitig sa kanya si Noah. Walang ni isang salita ang lumabas sa bibig. Batid ni Diana na pilit tinatago ni Noah ang sakit sa dibdib.

Nang umalis ang mga magulang ni Diana.

"Noah..tell..me..DO YOU STILL LOVE HER?"

Tinignan ni Noah ang asawa. At yumuko.

"Tell me..Please don't deny it...I understand. It breaks my heart when I see you like that. Dahil sa akin nasaktan kita..AKO ANG DAPAT MAGDUSA NITO..HINDI IKAW." Pabulong na sinabi ni Diana.

"Dee, tama na. Kung iniisip mo na iiwan kita sa ganitong kalagayan..hindi ko magagawa. Ano man ang pinatong ng Dios sa akin. Tatanggapin ko."

Muling napaiyak si Diana.

"Do you still love her? I just want to know."

Tumingin si Noah sa kanyang asawa.

Hindi sinagot ni Noah ang tanong na 'yon. Inisip ni Noah na h'wag nang aminin dahil baka lalo pang lumala. Kailangan ni Diana ng lakas ng loob; at hindi mawalan ng pag-asa.

------------------------

Samantala, nagising si Shiloh nang biglang sumakit ang kanyang tiyan..

Aray!! Nay!!

Sigaw ni Shiloh. Halos hindi n'ya maunawaan ang sakit ng kanyang nararamdaman.

"Nanay!!" Muling sigaw ni Shiloh.

Nagmadaling pumasok si Aling Berna at nakitang sinasapo ni Shiloh ang kanyang tiyan.

"Anak, anong nangyayari?"Biglang nag-alala si Aling Berna.

"Ang sakit ng tiyan ko...Nay, tulungan n'yo ako." Naiiyak na si Shiloh.

Agad tumawag ng ambulansya si Aling Berna.

Itinakbo sa hospital si Shiloh. Walang hinintay ang mga doktor. Muling isinagawa ang operasyon. Nagkaroon ng pagdurugo ka Shiloh kaya nagdesisyon ang mga doktor na tanggalin na lamang ang sanggol.

Nakarating ang balita kina Noah, kaya dali dali silang pumunta ng hospital.

Kitang kita nina Noah na nababahala na ang lahat habang hinihintay ang paglabas ni Shiloh sa operating room.

"Berna, anong nangyari at bakit nagkaganun si Shiloh?"

"Sumakit ang tiyan ni Shiloh kanina. At pagkatapos ay dinugo s'ya. Sabi ng doktor nagkaroon ng problema ang kanyang matris. Kaya dapat tanggaling ang sanggol."

"Ano?!" Hindi makapaniwala si Evon.

Umiyak si Evon at niyakap si Noah.

Kung masakit ang nararamdaman ng ina ni Noah sa pangyayari mas doble ang nadarama ni Noah. Hindi n'ya mapigilan ang mapaluha rin.

Napasandig naman sa pader ang ama ni Noah.

Dumating si Kiko. Nababakas sa mukha ni Kiko ang tinding pag-alala sa kasintahan.

"Nay,maayos po ba si Shiloh?" Agad natanong n'ya.

"Nasa Operating Room parin s'ya. Kailangan nating maghintay."

Mahabang oras ang hinintay ng lahat. Hanggang sa nailabas si Shiloh sa silid nito.

--------------------

Minulat ni Shiloh ang kanyang mga mata. Ramdam n'ya ang kirot sa kanyang tiyan.

"Nay.." Basag na boses ni Shiloh.

"Anak.."

Umiyak si Shiloh alam n'yang wala na ang sanggol sa kanyang sinapupunan.

Matinding iyak ang nakita ng lahat kay Shiloh. Lumapit si Evon at niyakap ang dalaga.

"Shiloh, alam kong masakit ang mawalan ng anak. Pero talagang hindi maiwasan ang mga bagay na di inaasahan." Umiyak din ng husto si Evon.

Napatingin si Shiloh kay Noah. Namamasa din ang mga mata ni Noah. Damang dama ni Shiloh ang sakit na pinagdadaanan ni Noah sa mga sandaling 'yon.

"Noah, I'm sorry.." Garalgal na boses nito.

Lumapit si Noah at niyakap ng mahigpit si Shiloh. Wala s'yang pakialam sa mga taong nasa paligid. Alam n'yang mauunawaa nila ang kanyang pinagdadaanan.

"Wala kang kasalanan." Bulong n'ya.

"Pero kailangan mo ng anak."

"Marahil hindi ito ang tamang panahon. Nauunawaan ko 'yon." Sagot ni Noah.

Hindi parin matigil ang iyak ni Shiloh. Damang dama n'ya ang sakit.

--------------------

Nagmadaling tinungo ni Noah ang hospital at ibinalita kay Diana ang nangyari.

"Dee.." Muling napayakap si Noah sa asawa.

"Wala na ang anak natin.." Bulong n'ya sa asawa.

Napapikit ng mata si Diana. At pilit na sumigaw..

"Ahhhhh!Hindiiiii! Noah!!" Halos kinakapos si Diana sa paghinga. Isa na namang kabiguan ang dumating sa kanila ni Noah.

"Tahan na..Tahan na.." Inamo ni Noah si Diana.

Malakas ang paghagulgol ni Diana sa harap ni Noah. Dahilan na pumasok ang mga nurse.

Tulad ni Shiloh, walang tigil din ang pag-iyak ni Diana.

"Tahan na Dee..makakasama sa 'yong kalagayan ang pag-iyak."

"Noah..Hindi ba ako mahal ng Dios? Bakit ganito ang nangyayari sa akin?"

Napapatakip ng mukha si Diana.

Maging si Noah ay napapatanong din sa sarili " Ayaw ba s'ya ng Dios lumigaya?"

-----------------------

Gabi, bago umuwi ng bahay si Noah dinaanan n'ya sa hospital si Shiloh. Nagkataong umuwi sandali si Aling Berna. At tanging nurse lamang ang natumitingin kay Shiloh.

"Hi, pwede ko bang dalawin si Ms.Calangitan?"

"Sir, hindi na po pwede; kasi tapos na po ang oras ng pagdalaw." Sagot ng nurse.

"Kahit sandali lang."

"Bilisan n'yo po, 30 minutes lang po ang ibibigay ko."

Agad pinapasok si Noah sa loob ng silid. Inabutan ni Noah na nag-iisa si Shiloh at gising. Nakatingin lamang ito sa dingding.

"Lilo..Bakit hindi ka pa nagpapahinga?"

Nagitla si Shiloh kay Noah. Nakita n'yang tila namumugto rin ang mga mata ng lalaki.

"N-Noah..( Pause )..hindi ako makatulog. Inaalala ko ang sanggol. Hindi ko maunawaan kung bakit nagkaganito. Maingat naman ako at sinusunod ko ang payo ng doktor."

"Lilo, hindi lahat nagiging matagumpay ang isang bagay. Pero alam mo, mabuti na ring nangyari ang ganito. Dahil magdudusa ang bata. Oo, marahil magiging normal s'ya ngunit hindi n'ya maiiwasan ang sakit na mamanahin n'ya sa kanyang ina. Maaring magkakaroon ng lunas..pero hindi natin alam kung kelan. Dadanasin parin n'ya ang hirap."

"Pero Noah, ang sakit sa dibdib. Tila ayaw mawala." Muling napapaiyak si Shiloh. Pinahid ni Noah ang mga luha ng dalaga.

"Sa ngayon mahirap tanggapin. Pero sa kalaunan matatanggap mo rin ang lahat. You need to move on." Naupo si Noah sa tabi ni Shiloh. Napayakap sa kanya si Shiloh.

"Noah, sabihin mo kay Diana..hindi ko gusto ang nangyaring ito."

"Shhhh..nauunawaan naman ni Diana 'yon."

Nang maghiwalay sila ng yakap. Minsan pa nagtama ang kanilang mga mata. Naluluha parin si Shiloh. Iniwas ni Shiloh na titigan ang mga mata ni Noah. Ngunit..

NAGBIGLA SI SHILOH SA ISANG HALIK GALING KAY NOAH.

DUB DUB DUB DUB DUB DUB....

Naghalo ang kanilang mga luha.

" HINDI KO PINUTOL ANG LAHAT SA ATIN..AT KAHIT HINDI KANA BABALIK SA AKIN..MAHAL KITA ..AT PATULOY KONG MAMAHALIN. HINDI NA AKO MAGTATAKA KUNG HINDI MO NA AKO MAHAL..MAGING MASAYA KA LANG..MASAYA NARIN AKO."

Tumayo si Noah at tumalikod. Pakiramdam n'ya gumaan ng kunti ang kanyang dibdib. Nasabi n'ya kay Shiloh ang kanyang nararamdaman.

----------------------------

Dumaan ang mga araw at tuluyang gumaling si Shiloh. Dumating sina Evon at Carlos.

"Shiloh, kung kami lang ang masusunod; ayaw namin ni Carlos na lumayo kayo ng ina mo. Ano bang balak ni Kiko?" Lakas loob na tinanong ni Evon si Shiloh.

"Ahmmm..Babalik na ho kami sa bahay. Siguro, pauupahan ni Kiko ang bahay n'ya dito."

"Magpapakasal na ba kayo ni Kiko?" Mababakas ang lungkot sa mukha ni Evon.

Napayuko ang dalaga.

"Napag-usapan na po namin ni Kiko ang lahat." Sagot ni Shiloh. Parang may bumara sa lalamunan ni Evon. Tila may inaasahan na pagbabago sa dalaga.

"Ganun ba. Ahmmm..balitaan mo na lang kami kung kelan ang kasal n'yo."

Nagkatinginan ang mag-asawa.

---------------------

Isang araw bago aalis sina Shiloh sa condo; naisipang dalawin ni Shiloh si Diana.

Sa loob ng ilang araw buhat nawala ang pinagbubuntis ni Shiloh; labis na dinaramdam ni Diana. Hindi s'ya gaanong kumain at laging umiiyak. Kaya nanghina s'ya ng tuluyan.

Pumasok si Shiloh sa silid ng asawa ni Noah. Katahimikan ang bumalot sa kanilang dalawa. Kapwa naghihintay kung sino sa kanila ang maunang magsasalita.

"Dee, I'm sorry kung hindi natuloy ang pinagbubuntis ko." Kabadong kabado si Shiloh. Inisip n'yang baka magwala si Diana sa kanya.

"Kagustohan ng Dios 'yon. Wala kang magagawa."

"Alam kong pangarap n'yo ni Noa ang magkaanak. Pero maging ako ay di ko inaasahang mangyayari 'yon."

Humugot ng malalim na paghinga si Diana. Hinawakan n'ya ang kamay ni Shiloh at sinabing..

"Napakalaki ng kasalanan ko kay Noah at maging sa 'yo. Patawarin mo ako. "

Tumango si Shiloh. Muling hinawakan ni Diana ang kanyang mga kamay.

"Shiloh, MAHAL KA NI NOAH. Maari bang muli mo s'yang mahalin? PAKASALAN MO ANG ASAWA KO. Hindi ako hahadlang. Gagawa ako ng paraan na mai-annul ang kasal namin sa madaling panahon. Mahalin mo ulit si Noah. Gusto ko s'yang maging maligaya. Ang pagmamahalan ninyo ang makakapagpalaya sa akin sa hirap ng dibdib ko."

"Dee, MAHAL AKO NI KIKO. Ang kahapon namin ni Noah ay di pwedeng balikan."

"Alam kong mahal mo parin si Noah."

"Meron s'yang bahagi sa puso't pagkatao ko. Hindi 'yon mawawala. Pero iisa lang ang dapat kong piliin...Si Kiko."

Ang usapan ng dalawa ay narinig ni Noah. Napasandig si Noah sa pader. Tila tumigil ang pintig ng puso n'ya nang marinig ang sinabi ni Shiloh.

-----------------------------

AN : Yeheyy! Magdiwang ang buong SHIKO!!

Continue Reading

You'll Also Like

1.7M 29.2K 43
Mr. Kenjie Madrid Sarmiento is the CEO of Sarmiento Airlines and Advertising Company. Sya ang nag-mamay-ari ng naglalakihang eroplano at helipad sa b...
3.2M 51.6K 36
Si Danica Ramirez ay ulila nang lubos kaya naman napag pasyahan nya na magtrabaho sa dating amo ng kanyang ina bago ito namayapa... At sa mga Wilson...
2.4M 70.2K 56
Hindi si Eunice ang klase ng babaeng naniniwala sa forever kahit pa taken siya. At kahit pa apat na taon na siyang may boyfriend, sobrang bitter pa r...
411K 13.6K 48
Bata palang si Ridge, gustung-gusto na niya ang kaibigang si Zamiel. Nangyari iyon nang mapagtanto niya kung gaano kaganda at kasaya ang buhay sa tuw...