Chap. 11

6.3K 463 8
                                    

Chap. 11



"Ahhhhhhhhhhhhhh!!!" Isang malakas na sigaw ang gumising kay Noah.


Bigla kasi s'yang gumalaw; dahilan na naramdaman n'ya ang sakit sa kanyang dalawang paa.


"Damn!" Napamura pa si Noah.


"Anak, h'wag kang kumilos ng biglaan. Meron kang fractured sa magkabilaang paa mo." Hinipo ng ina ang noo ng anak.


"Ma, paano ako? Hindi na ba ako makakalakad?" Kinabahan agad si Noah. Nakikita n'ya ang kanyang mga paa na nakabenda.


"Anak, everything is all right. Tumawag na kami sa University na pinapasukan mo. Sa susunod na taon mo nalang ipagpatuloy ang pag-aaral mo. You can't go there." Paliwanag ng ama.


"But Pa, there are many things I need to do. I can't stay here. Minamadali ko ang pagtatapos ko." Nakikita ng mga magulang ni Noah ang pag-aalala nito sa kanyang pag-aaral.


"Anak, hindi mo pwedeng pilitin. Anyway, you don't need to worry. You can cope easily. Tsaka, iilang units nalang ang natitira na dapat mong tapusin. You need to stay here. Think of your health before anything else." Pagkukumbinsi ng ina.


"Ma, you don't understand. Nagmamadali rin po akong matapos ang mga requirements sa paaralan." Pinaggigiitan ni Noah.


"Noah, will you please listen to us. We understand what you feel right now. If you go there; there's nobody will help you. We can't go there in Singapore..We need to watch our business. Mahahati ang isip namin ng ina mo. Son, hindi ka namin minamadali na makatapos sa kolehiyo. Gusto namin na makasiguro na gumaling ang mga paa mo bago ka babalik doon." Maawtoridad na sinabi ng ama ni Noah.


Walang nagawa si Noah kundi pakinggan ang nais ng kanyang mga magulang. Ilang sandali dumating si Diana at ang mga magulang nito.


"Noah.." Sabay takbo ni Diana at lumapit sa binata. Hinawakan nito ang kamay at hinalikan.


"Nag-alala ako ng husto sa 'yo." Napaiyak ang dalaga.


"Hush, I'm fine." Sabi ni Noah.


"Hijo, magpagaling ka kaagad. Paano na 'to, si Diana na muna ang babalik sa Singapore." Singit ng ina ni Diana.


"Yeah, Noah will stay here. Don't worry Dee, he will be okay." Inakbayan ng ina ni Noah ang dalaga.


"Are you going to stay here in the hospital?" Tanong ni Diana sa kasintahan.


"Definitely not. I don't want to stay in this room for a year. Kung pwede nga lang, ngayon mismo aalis na ako." Sabi ni Noah.


"He'll stay at home." Agad na sinabi ng ama ni Noah.


"Sino naman ang magbabantay sa kanya at sasamahan s'ya?" Tanong ng ama ni Diana.

The BearerWhere stories live. Discover now