Chap. 26 Her New Love

6.5K 456 10
                                    

Chap. 26

Mula nang lumipat sina Shiloh sa Assuncion, naging maayos ang kanilang buhay. Sa tagal ng panahon na hindi s'ya dumalaw ng Santa Catalina, tila kinalimutan n'ya ang minsan n'yang pinagdaanan sa buhay. Nagawang mapalaki ni Aling Berna ang kanilang tindahan na ngayon ay isang Grocery Store. Sa tulong na rin ni David ay umangat ng husto ang kanilang buhay.

Samantala, buhat nang makapagtapos sa pag-aaral si Shiloh, ay naging guro s'ya sa Elementarya. Malapit lamang ang paaralang pinapasukan ni Shiloh sa kanilang bahay.

Maging ang mga kaibigan ni Shiloh na sina Red, Oliver, Chai at Abebet naging maayos din ang mga buhay. Madalas silang magkita kita sa sa Assuncion. Hindi narin nila napag-uusapan ang nangyari sa nakaraan ni Shiloh.

Isang araw..

Nagising si Shiloh sa ingay ng mga sasakyan.

BROOOM BROOOM....

"Anak ng tokwa! Ang sarap ng tulog ko bakit ba ingay ingay ng mga sasakyan sa labas? Anong meron?" Bumangon si Shiloh mula sa pagkahiga. Dumungaw s'ya sa bintana. Nakita n'yang may mga malalaking sasakyan ang nakaparada sa harap ng kanilang tindahan.

" Saan papunta itong mga sasakyan? Sinundan ng tingin ni Shiloh ang direksyon ng mga sasakyan at nakita n'yang nasa kabilang kalye ang direksyon.

Bumama si Shiloh at hinanap ang ina.

"Nay anong meron doon sa kabilang kalye?"

"May magpapatayo daw doon ng bahay sa kabilang kalye."

"Ahh..ganun po ba."

"Tumawag nga pala ang Kuya David mo, kinukumusta ka. Magpapadala daw s'ya ng pera sa 'yo pandagdag mo sa Show Money na ipapakita mo sa Korean Embassy. Ikaw, Shiloh tigil tigilan mo nga muna ang pamamasyal kung saan saan..Hindi ka ba natatakot sa disgrasya? Aba, maraming disgrasyang nangyayari sa mga eroplano ngayon. Makibalita ka naman."

"Nay, ang tao kung nakatakdang mamatay..kahit anong iwas sa disgrasya..kapag oras na para bawiin ng Dios ang buhay; talagang mamamatay. Tsaka, 'Nay gusto kong mag-enjoy sa buhay ko. Tsaka, hindi ko naman po nakakalimutan ang mag-ipon para sa kinabukasan ko."

"Alam ko 'yon."

"H'wag kayong mag-alala ng husto. Manalig tayo sa Dios na mailayo tayo sa kapahamakan."

Napabuntong hininga si Aling Berna.

"Eh, sino naman kasama mong pupunta sa Korea?"

"Sina Abebet at Oliver po."

"Ano? 'Yong dalawang malanding 'yon ang kasama mo?"

"Nay, h'wag kayong mag-alala magkaiba ang mga silid namin sa Hotel. Tsaka, taga pagtanggol ko ang mga 'yon."

"Bahala kana nga.Basta't maiingat kayo sa pag-alis n'yo."

"Opo. At isa pa, bakasyon po ngayon. Susulitin ko na ang pamamasyal."

-----------------------

Umalis papuntang Korea ang tatlo. Sa loob ng isang Linggo, panay shopping, at pamamasyal ang ginawa nila.

Pabalik na sila ng Pilipinas. Nasa International Airport na sina Shiloh. May dalawang oras pang natitira bago ang kanilang flight.

"Mamasyal muna tayo dito." Sabi ni Abebet.

"Oo nga. Maghanap pa tayo ng pwede nating idagdag na pasalubong." Sabi naman ni Oliver.

"Asus, pakunwari pa kayo. Alam kong nangangati na naman ang mga mata n'yo sa pag-HUNTING ng mga gwapo."Hirit ni Shiloh sa dalawa.

The BearerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon