Chap. 34

4.9K 436 11
                                    

Chap. 34



Lumapit ang ina ni Noah sa kanya.

"Noah, tama ba ang narinig ko? May sakit si Diana."

Hindi makapagsalita si Noah; dahil maging s'ya ay tila ayaw tanggapin ang narinig mula sa doktor.

"Doc, are you sure with that?" Tanong ni Carlos.

"Yes, she is suffering from ******* Disease. A condition that affects the muscles, touch sensation, and some parts of the body. Maaring matagal n'ya na itong nararamdaman at hindi n'ya pinaalam sa inyo."

"Kanina sinabi n'yo isa itong Genetic Disease. Wala naman kaming nakita sa pamilya n'ya na merong ganitong sakit."

"Maaring sa ibang kamag-anak. O di kaya sa kanya lang tumama ang sakit na 'to. You know, some people do not experience the symptoms until they reach their early age of 30s or 40s. This disease is incurable."

"Ibig sabihin mamanahin ng magiging apo namin ang sakit na 'to?" Halos manikip ang dibdib ni Evon na tinanong ang doktor.

"Yes."

Napaluha ang ina ni Noah at niyakap s'ya.

"Noah..paano na? Paano ang binubuntis ni Shiloh?" Tanong ni Evon.

Hindi alam ni Noah ang isasagot. Maging s'ya ay di alam kung anong gagawin. Nahahabag ang ama ni Noah sa kanya.

"She needs treatment and care. Maraming magbabago sa kanya, lalo na sa kanyang paglalakad at tindig. Natural ang magiging mainitin ang ulo n'ya; dahil hindi na sapat ang kanyang lakas; na gawin ang mga bagay na nakasanayan. Mahihirapan s'yang tanggapin ang mga pagbabago.."Patuloy na ipinaliwanag ng doktor.

"She needs to wear leg braces. Or use a wheelchair. Magkakaroon ng deformity sa kanyang mga daliri ng kamay at paa." Dagdag pa ng doktor,

-------------

Tinungo nina Noah ang silid ng asawa. Nakahiga si Diana sa kama at umiiyak.

Lumapit dahan dahan si Noah sa asawa. Nakikita ni Noah na tila natatakot si Diana sa kanya.



"Noah..I'm sorry..." Napapangiwi ang mukha ni Diana sa pag-iyak.

Pakiramdam ni Noah ang bigat bigat ng kanyang dibidib. Pinilit n'yang humakbang at lumapit sa asawa. Samantala, nakamasid lamang ang mga magulang sa dalawa.

"Why you didn't tell me?" Tanong ni Noah.



"Cause I'm scared that you might leave me." Sagot ng asawa.



"Dee, ito ba ang dahilan kung bakit namatay si Justin?"

Napayuko si Diana at tinakpan ang kanyang mukha. Sabay ang malakas ng paghagulgol.

"Noah, hindi kinayanan ni Justin ang hirap n'ya sa paghinga dala ng sakit na 'to. Pero hindi ko pa alam noon na minana n'ya ang sakit sa akin."

Pumatak ang luha ni Noah.

"Dee, bakit hindi mo sinabi sa akin? Paano ang binubuntis ni Shiloh? Paano?!!" Sigaw ni Noah.

"Noah, gusto kong bigyan ka ng anak...KAYA PINIPILIT KO ANG DOKTOR NA IPAGPATULOY ANG FERTILIZATION..Gusto kong dugo ko parin ang mananalaytay sa bata.." Umiiyak si Diana na pinapaliwanag sa asawa.

"Hindi mo ba naisip? Magdurusa ang bata sa sakit na 'to. Dee, para naring pinaparusahan mo ang anak natin.."

"I'm sorry..." Iyak ng iyak si Diana.

The BearerWhere stories live. Discover now