Chap. 37

5.8K 475 27
                                    

Chap. 37

ANG KWENTONG ITO AY WALANG KATOTOHANAN.


Dumaan pa ang mga araw.. paunti unting nararamdaman ni Diana ang patuloy na pagbabago sa kanyang katawan.

Humarap sa salamin si Diana. Pinagmasdan n'ya ang kanyang sarili. Ang dating ganda n'ya na kinaiinggitan ng karamihan ay nawawala na. Namamayat na rin si Diana, dahil nahihirapan na s'yang kumain. Araw araw, umiinum s'ya ng mga gamot. Pakiramdam n'ya pinarusahan s'ya ng langit dahil sa mga kasalanang nagawa n'ya. At ngayon, maging ang kanyang anak ay magdurusa.

"Patawarin mo ako anak. Kasalanan ko ang lahat. Sana mapatawad mo ako. Labis lamang ang pagmamahal ko sa ama mo. Kaya ko nagawang magsinungaling. Hindi ko man lang inisip ang kahihinatnan sa mga desisyong nagawa ko sa buhay."

Napaiyak ng husto si Diana. Nang biglang..

NAPAHAWAK S'YA SA KANYANG DIBDIB. KINAKAPOS S'YA SA PAGHINGA.

Napapikit ang mga mata ni Diana. Gusto n'yang tumayo, ngunit napasubsob s'ya sa sahig.

"Tu...tu...long!" Gusto n'yang sumigaw ng malakas, ngunit hindi sapat ang boses na lumalabas sa kanyang bunganga.

Nandidilim ang kanyang paningin.

"Maam Dee, iinum na po kayo ng gamot n'yo....TULONG!!!" Sigaw ng katulong.

Minadaling dinala si Diana sa hospital.

------------------------

Dumating si Noah at mga magulang ni Diana.

"Nagkaroon ng komplikasyon ang kalagayan ng inyong asawa. May mga pasyenteng nagkakaroon ng sakit sa puso. Dahil nga apektado ang mga muscles sa loob ng ating katawan hindi ito naiiwasan."

Nagsimulang umiyak ang ina ni Diana. At maging si Noah ay nag-alala sa kalagayan ng asawa.

Muling nagkaroon ng malay si Diana. Iginala n'ya ang kanyang paningin at nakitang nasa tabi n'ya ang kanyang asawa't mga magulang.

"Anak, mabuti at nagising kana. Nag-aalala kami ng lubos sa 'yo. Anak, h'wag kang mawalan ng pag-asa; may awa ang Dios sa 'yo."

Sa sinabi ng ina, napaluha si Diana. Hindi n'ya masabi sa kanyang mga magulang na tila pinaparusahan na nga s'ya ng Dios, sa kanyang ginawang kamalian sa buhay. Lalo na't nakikita n'ya si Noah na hindi s'ya iniwan kahit na nalaman na nito ang katotohanan.

"Noah.." Tawag ni Diana.

Lumapit si Noah at hinawakan ang kamay ng asawa.

"I'm..sor..ry..pi..nahi..hira.pan kita." Maluha luha si Diana.

Nakatitig sa kanya si Noah. Walang ni isang salita ang lumabas sa bibig. Batid ni Diana na pilit tinatago ni Noah ang sakit sa dibdib.

Nang umalis ang mga magulang ni Diana.

"Noah..tell..me..DO YOU STILL LOVE HER?"

Tinignan ni Noah ang asawa. At yumuko.

"Tell me..Please don't deny it...I understand. It breaks my heart when I see you like that. Dahil sa akin nasaktan kita..AKO ANG DAPAT MAGDUSA NITO..HINDI IKAW." Pabulong na sinabi ni Diana.

"Dee, tama na. Kung iniisip mo na iiwan kita sa ganitong kalagayan..hindi ko magagawa. Ano man ang pinatong ng Dios sa akin. Tatanggapin ko."

Muling napaiyak si Diana.

"Do you still love her? I just want to know."

Tumingin si Noah sa kanyang asawa.

Hindi sinagot ni Noah ang tanong na 'yon. Inisip ni Noah na h'wag nang aminin dahil baka lalo pang lumala. Kailangan ni Diana ng lakas ng loob; at hindi mawalan ng pag-asa.

The BearerWo Geschichten leben. Entdecke jetzt