Chap. 3

9.6K 564 10
                                    

Chap. 3

Pilit na ngumiti si Shiloh sa babaeng kaharap nito. Palipat lipat ang tingin n’ya sa dalawa. Halatang masayang masaya si Noah nang dumating si Diana. Para bang may kumikislap sa mga mata ni Noah habang kaharap ang kasintahan nito.

“Dee, s’ya nga pala si Shiloh..ang tinuturing kong LITTLE SISTER.”

Parang kumalembang ang tenga ni Shiloh matapos marinig ang sinabi ni Noah.

“Hi, Shiloh.” Ngumiti ang babae sa kanya.

“Isinama ko s’ya para maipasyal narin. Pambihira lang kasi itong makawala sa hawla.” Sabi ni Noah sa kasintahan.

“How sweet of you!” Dugtong ni Diana. Sabay hawak nito sa braso ni Noah.

Habang si Shiloh naman ay tumataas na ang kilay.

“Mabuti naman at isinama mo s’ya dito. S’ya ang magiging tagabantay ko sa ‘yo.” Sabi ni Diana at lumapit kay Shiloh.

“Naks naman, wala na talaga akong takas nito.” Sabay kamot ni Noah ng ulo.

“Aba, at may balak ka bang humanap ng iba? Subukan mo tatanggalin ko ang lahat ng buhok sa ilong mo.” Pagtataray ni Diana.

Napayuko lamang si Shiloh. Ayaw makisali sa usapan ng dalawa.

“Tara pumunta tayo sa Ice cream Shop, paborito ni Shiloh ang Strawberry Flavor.” Sabay hawak ni Noah sa kamay ng kasintahan. Gayun paman muling napapalundag ang puso ni Shiloh; dahil kabisadong kabisado ni Noah ang mga paborito n’ya.

“Owww..angsweet mo talaga Noah. Alam mo ang paborito ni Shiloh.”

“Oo naman.” Sabay kindat ni Noah kay Shiloh.

Habang naglalakad silang tatlo, bumubuntot lamang si Shiloh sa dalawa.

SHILOH’S POV

Nakakainis naman, akala ko mamasyal kami ni Noah na kaming dalawa lang. ‘Yon pala saling pusa lang ako..Hmp! Nakakaasar. Sayang lang ang excitement ko..palpak pala.

Hindi ba pwedeng kami lang ang mamasyal? Kelan kaya ako maging dalaga? Kasi gusto kong ligawan n’ya ako. Ayaw kong marinig sa kanya na LITTLE SISTER ang turing n’ya sa akin.

 Sayang wala akong maikwento kina Red at Chai. Haysss, nakakainis talaga. Sigurado ako, aasarin ako nina Abebet at Oliver..

-----------------------------------------------------------

Nasa harapan sila ng Ice Cream Shop, napansin ni Shiloh na halos mga kasing edad nina Noah at Diana ang mga taong nasa loob. Agad humanap ng upuan ang dalawa. Nakakita sila ng mesa na may dalawang upuan. Naghanap pa ng isang bakanteng upuan si Noah para kay Shiloh. Nang makakita si Noah, kinuha ito at inilagay katabi ng kanyang upuan, subalit..

“ Noah, pwede naman sigurong doon sa kabilang mesa na lamang si Shiloh umupo.” Sabay turo ni Diana sa kabilang mesa.

“Ahmmm..Shiloh, okay lang ba sa ‘yo?” Tanong ni Noah.

Walang magawa si Shiloh kundi ang tumango. Nauunawaan naman n’ya ang ganung sitwasyon..H’WAG MAKINIG SA USAPAN NG MATATANDA.

Lumakad si Shiloh sa kabilang mesa. Samantala, may isang kasing edad n’ya na batang lalaki ang nakaupo sa mesa. Lumapit pa si Noah at sinabing..

“Boy, pashare ng mesa, ha? Dito ko muna pauupuin ang KAPATID KO.” Paalam ni Noah.

“Okay.” Sagot ng batang lalaki.

Napatingin naman si Shiloh kay Noah. Nang maupo si Shiloh..

“Kumain ka lang Shiloh, kung ano pang gusto mo sabihin mo lang sa akin. Okay?”

The BearerWhere stories live. Discover now