Chap. 4

8.8K 505 6
                                    

Chap. 4

Nang umuwi si Shiloh sa kanilang bahay, hindi mawala ang kanyang mga ngiti sa labi. Pagdating n'ya agad inasikaso ang mga gawaing bahay.

Mga bandang 9 PM dumating ang kanyang ina at Kuya David.

"Kumain ka na ba, Shiloh?"

"Opo, Nay."

"Parang masaya ka yata ngayon? Saan ba kayo namasyal ni Noah?" Tanong ni Aling Berna.

"Ahh sa may park at Dept. Store po. Tsaka, pinakilala po n'ya sa akin 'yong nobya n'ya..si Diana."

"Maganda ba ang girlfriend n'ya?" Tanong ni David.

"Naku Kuya, iisipin mong mukhang artista."

"Mmmm..nakipagkita pala si Noah sa girlfriend n'ya, e bakit isinama ka pa n'ya?"

"Ah..minsan lang naman daw akong mamasyal kaya naisipan n'yang yayain ako."

"Shiloh, sa susunod h'wag kang sasama sa kanya." Singit ni Aling Berna sa usapan ng dalawa.

"Bakit naman po?"

"Shiloh, bata ka pa. Tsaka, hind magandang tignan na sumasama ka sa lalaki lalo na't may kasintahan na s'ya."

"Nay naman wala namang masama dahil hindi naman sila magkasintahan ni Noah." Paliwanag ni David.

"Kahit na." Paggigiit ni Aling Berna.

Napaismid tuloy si David

"Nay hindi naman parati kaming nagkikita ni Noah. Sa katunayan nga, babalik na s'ya ng Singapore. Isang taon na naman akong maghihintay bago kaming magkitang muli." Mahinang boses ni Shiloh

"At hinihintay mo pala s'ya." Nakapamaywang agad ang ina ni Shiloh na humarap sa kanya.

"Syempre naman po..kita n'yo naman may pasalubong ako sa kanya."

"Ha ha ha ha ha..tama nga naman Nanay. Minsan lang din umuuwi sina Noah dito."

"Basta h'wag ka masyadong didikit kay Noah. Naintindihan mo ba?" Nilapit pa ni Aling Berna ang sarili sa anak.

"Opo."

---------------------------------------------------

Sumunod na araw, mag-isa na naman si Shiloh sa kanilang bahay. Naisipan n'yang maglinis ng kanilang silid. Nakita ni Shiloh ang isang box na nakapatong sa itaas ng tokador. Alam n'yang halos gamit ng kanyang ina ang nakapatong sa tokador, pero na nangahas s'yang alamin kung ano ang nasa box.

Kumuha ng upuan si Shiloh at pilit na kinuha ang box. At nang makuha n'ya ay bumaba s'ya sa upuan. Naupo s'ya sa papag. Binuksan nito ang box.

Nasurpresa si Shiloh nang makita ang nilalaman ng box..MGA SULAT AT POST CARD GALING KAY NOAH.

Binasa ni Shiloh ang mga sulat. Pinagmasdan ang mga post cards. May isang post card s'yang nakita. Tinignan n'ya ito at nabasa n'yang..

"Do you think about me when I'm far away?

Do you dream about me every night and day?

'Cause I think of you..every now and then. "

NOAH

"Gyahhhhhhh..sinulat n'ya 'to para sa akin?" Nagtitili at naglulundag si Shiloh sa kanyang nabasa.

Agad n'yang niligpit ang sulat na 'yon at itinago ng maigi. Ngunit bigla s'yang napaisip.

The BearerWhere stories live. Discover now