Chap. 28

4.8K 450 20
                                    

Chap. 28

 

Masayang masaya si Shiloh nang umuwi sa kanilang bahay. Inabutan n'ya ang kanyang ina na naghihintay sa may sala at kasama nito si Kiko.

 

"Nanay!" Nagtitili si Shiloh at napapaluha nang makita ang ina. Ikinagulat naman ng dalawa ang naging reaksyon ni Shiloh. Hindi mapigilan ng dalaga at na paiyak sa tuwa.

 

"Anong nangyayari sa 'yo? Bakit ka umiiyak, anak?"

 

"Nay, may pag-asa na akong magkaanak..." Halos pabulong na sinabi ni Shiloh.

 

"Ano? Paano?" Maging si Aling Berna ay nagulat sa balita. Maging si Kiko ay nagulat sa balitang narinig mula kay Shiloh.

 

"Nay, pumunta po kami ni Oliver sa kaibigan n'yang doktor..ang sabi sa akin merong experimental procedure na gagawin dito sa bansa. Humahanap sila ng babae na may katulad sa kalagayan. Nay, nagpatala po ako. Gustong gusto ko po na maayos ang lahat sa akin." Tuloy tuloy ang luha na pumapatak sa mga mata ni Shiloh.

 

"Anak, kailangan ipaalam natin sa Kuya David mo. Para matulungan tayo sa gagastosin kung sakali."

 

"Nay, may pangbayad ako sa magiging donor ko. Pero saan tayo makakahanap ng donor?"

 

"Shiloh, I'll help you. Magpapahanap tayo." Agarang sinabi ni Kiko. Hindi nila mapigilan ang saya at napayakap sila sa isa't isa.

 

"Sabi ko naman sa 'yo..there's always miracle. Lahat may kasagutan, Shiloh. " Mahigpit na niyakap ni Kiko ang kasintahan.

 

————————————————————————-

 

Nang umuwi si Kiko, agad n'yang hinanap si Aling Trining. Naikwento n'ya ang tungkol sa kalagayan ni Shiloh at ang paghahanap ng donor.

 

"Malaking problema pala ang dinadala ni Shiloh. Nakakaawa naman. Mabuti at may kasagutan na sa kanyang problema."

 

"Ya, tulungan natin s'yang maghanap ng magiging donor."

 

Tumango ang matanda.

 

"Makakahanap tayo Kiko. Ano ang balak mo kung sakaling magkaroon ng donor si Shilo at maging matagumpay ang operasyon?"

 

"Yayayain ko na s'yang magpakasal. Wala nang dahilan para patagalin pa ang lahat."

 

Hinawakan ni Aling Trining ang kamay ni Kiko.

 

"Mahal mo nga s'ya Kiko."

 

"Ya, salamat nga pala sa inyo. Kung hindi ninyo tinutukso ako noon kay Shiloh, hindi ko mararamdaman ang pagmamahal na tulad nito. Ang daming babae akong nakilala..pero si Shiloh ang gusto kong makasama noon pa man. Kung alam ko lang na masasaktan s'ya ni Noah..hindi na ako tumagal sa Amerika."

The BearerWhere stories live. Discover now